Home / Romance / Ang Crush Kong Writer / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Ang Crush Kong Writer : Chapter 11 - Chapter 20

48 Chapters

CHAPTER 11

"Anong ibig mong sabihin na naiintindihan mo ako?" Ano ba talaga ang iniisip ng lalaking ito? Nasanay pa naman ako kay Benny na walang patumpik-tumpik kong magsalita. Ratatat iyong bakletang iyon eh. Pero bago pa man siya makasagot ay may narinig akong dalawang lalaking nag-u-usap na dumaan sa gilid namin na edad trese siguro. Pareho silang mukhang masaya dahil todo sila ngiti sa isa't isa. "Ang astig talaga dito sa boulevard, p're!" sabi ng medyo payat pero matangkad. "Lualhati Park ito, tongeks!" saad naman ng medyo pandak pero mataba. "Timang ka pala e. Halos lahat ng tao sa Coron boulevard ang tawag sa lugar na 'to.""Ay, ewan sa'yo..."Hindi ko napigilang pakinggan ang usapan nila pero agad din bumalik ang atensiyon ko kay Blue nang magsimula na siyang magsalita. "Ikaw na mismo ang nagsabi na medyo mahina ka sa Ingles. Bilang kaya ko naman na gumawa ng paraan para mas maintindihan mo ako ay susubukan kong ibigay ang makakaya ko para magkaintindihan tayong dalawa. Bukas din a
last updateLast Updated : 2022-09-11
Read more

CHAPTER 12

"Alam kong may tiwala ka sa akin. Hindi ka naman siguro sasama kung hindi ka nagtitiwala," dagdag pa niya na ikinangiti ko nalang. Akala ko nadama na niya na humahanga ako sa kaniya. "May pagdududa noong una pero mukha ka namang hindi gagawa ng masama kaya pinagkatiwalaan na kita kaagad," pagpapaliwanag ko bago tuluyang pinakawalan ang isang ngiti."Normal lang naman na magdu"Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil biglang nag-ring ang cellphone niya na agad naman niyang kinuha mula sa bag niya. Biglang napuno ng pagtataka ang isipan ko kung sino ang tumatawag hanggang sa... "Bakit ho, Mang Driel?" wika ni Blue matapos sagutin ang tawag. There must be something. Tumango-tango lang si Blue habang nagsasalita si Mang Driel. Hindi naka-loud speaker kaya hindi ko rin gaanong maintindihan kung ano talaga ang pinag-uusapan nila. Hindi ko rin intensiyon na makinig sa usapan nila kaya lumayo na muna ako matapos niyang sagutin ang tawag at nang matapos kong malaman na si Mang Driel
last updateLast Updated : 2022-09-11
Read more

CHAPTER 13

"Hindi po kami magkasintahan, manong. Magkaibigan lang po kami," nakangiting paliwanag ko sa kaniya na tila naman nagulat sa mga sinabi ko. "Naku, akala ko pa naman kasintahan mo siya. Hayaan mo't doon naman na rin papunta iyon," biro niya kaya bahagyang napahagikgik ako. Si manong talaga oh. Si Blue naman ay pangiti-ngiti lang. "Mauna na ho kami, manong!" pagpapaalam ni Blue, dahilan para hindi na ako muling makasagot sa sinabi ni manong. "O sige. Mag-iingat kayong dalawa.""Kayo rin po!" sabay naming sabi ni Blue at nagsimula na lumakad papalayo kay manong. "Biruin mo iyon napagkamalan pa tayong magkasintahan," pabirong sabi ni Blue. Akala ko nainis siya kanina. "Kaya nga e. Teka... May girlfriend ka na ba?" lakas loob kong tanong. Mas better iyong aware ka sa relationship status ng taong nakakausap at nakakasama mo para hindi ka magsisi sa huli. Sa huli kung kailan nahulog ka na. "Oo... dati." Paligoy-ligoy naman kung sumagot. "Ah...""Ikaw?" Gulat akong napatingin sa kaniya
last updateLast Updated : 2022-09-11
Read more

CHAPTER 14

Mabilis lang kaming nakarating sa resort at agad ding nagpaalam si Blue. Hindi niya nasabi ang dahilan kung bakit naging biglaan ang pagbalik namin dito. Hindi ko na rin naman siguro kailangang malaman kung ano man iyon. [BENNY IS CALLING]"Hello, 'day?" bungad ko sa kaniya. "Kumusta si Papa Blue?" Si Blue pa talaga ang kinamusta imbes na akong kaibigan. Takbo nga naman ng isip ni Benny oh. "Wow ha! Siya ang kaibigan mo, 'day?" "Hindi ah.""E... ano mo?""Baby ko siya, girl! Future husband! My love so sweet! My honeybunch, sugarplum, pumpy-umpy-umpkin... He's my sweetie pie. He's my cuppycake, gumdrop... snoogums-boogums, he's the apple of my eye!" Todo pigil naman akong matawa sa mga pinagsasabi niya. Sa nursery rhyme niya nakuha iyong honeybunch-honeybunch niyang iyon. "Tigilan-tigilan mo ako, 'day. Ako ang kaibigan mo ha. Baka lang nakakalimutan mo. Ako ang dapat kinakamusta rito. Kainis ka! Kukumustahan din pa naman sana kitang dyosa ka! Kaso huwag nalang pala. Nagbago na ang
last updateLast Updated : 2022-09-11
Read more

CHAPTER 15

"Upo tayo sa buhangin," sambit niya bago umupo sa kung saan siya banda. Malapit ako sa tubig kaya hindi magandang doon ako umupo. Lumapit ako sa kaniya at naupo rin matapos ng ilang segundo. Alas kuwatro na siguro ito ng hapon. "Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kaniya. Kahit na ngumiti pa siya ngayon, alam ko pa ring nalulungkot siya. "Medyo ayos naman ako." Ang ikli niya namang sumagot. "Mabuti naman." Hindi ko na alam kung ano pa ang puwede kong sabihin sa kaniya. Hindi ako magaling mag-comfort sa taong nalulungkot. Idagdag mo pa na hindi ko alam ang pinagdadaanan niya. Hindi magandang mag-advice ng hindi mo alam ang pinagmulan ng kalungkutan niya. Minsan mas ayos na manahimik ka nalang o kaya alamin mo muna ang puno at dulo ng lahat bago ka magsalita o kumilos. Hindi rin lahat gustong kinu-comfort sila. Minsan hindi mo na rin alam kung saan ka lulugar. Komplikado ang buhay, iyan ang alam ko. "Masaya ka ba?" tanong niya. Ano bang klaseng tanong iyon? "Oo naman. Wala namang dahila
last updateLast Updated : 2022-09-11
Read more

CHAPTER 16

"Salamat, Cat. Makakaasa kang mag-iingat ako. Hindi ko rin kakalimutan ang itinuro mo sa akin," nakangiting sabi niya. "Ha? Anong itinuro ko sa iyo?" Ay butiki! Baka yong tungkol sa Wikang Filipino ang tinutukoy niya. Bagal naman mag-respond ng brain cells ko. Sinisi pa talaga ang brain cells, ano? Iyan si Casantha. "Tinuruan mo akong makaalala." Bahagya namang kumunot ang noo ko. Ano bang pinagsasabi niya? "Ha?" "Hayaan mo akong magkuwento," panimula niya. Hindi ko naman siya pinipigilan ah. Medyo natatawa ako sa loob-loob ko dahil sa sinabi niya. Ayusin mo naman, Blue. Aalis ka nalang pero napapangiti mo pa rin ako sa mga linyahan mong iba ang epekto sa akin. "Sige, magkuwento ka na." Nagbigay na ako ng pahintulot dahil baka iyon lang ang hinihintay niya. Puwede naman siyang magkuwento na agad. Masiyado lang talaga siyang pormal."Iyong mga panahong hindi pa ako magaling magsalita gamit ang Wikang Ingles... Iyon iyong mga panahong nakilala ko siya. Tinanggap niya ang lahat sa a
last updateLast Updated : 2022-09-25
Read more

CHAPTER 17

"Salamat, Cat. Suwerte ang lalaking mamahalin mo," nakangiting sambit niya. Sana nga maging suwerte ang lalaking mamahalin ko. "Mamayang alas-sais pala aalis na ako rito, sa bayan nalang ako maghihintay ng susundo sa akin para ihatid ako sa paliparan. Oo, mag-e-eroplano ako. Sana magkita pa tayo." Napangiti naman ako sa huli niyang sinabi. Sana nga. "Think positive lang. Magkikita pa tayo ulit," todo ngiting sagot ko. Todo ngiti kasi aalis na itong lalaking ito mamaya. "Magsasabi ka na ba ng pangalan mo?" pang-aasar niya habang deretsong nakatingin sa akin. "Huwag na tayo magsabihan ng pangalan para mas cool," mungkahi ko. "Sabagay," sabi niya at bahagyang tumango-tango pa. "Magpapakilala ako sa tamang panahon," wika ko na ikinangiti niya na lang. Ayaw ko munang magkaroon kami ng koneksiyon matapos niyang umalis. Hindi kasi malabong hanapin niya ang social media accounts ko kapag nalaman na niya ang pangalan ko. He should focus on winning her heart again. "Sige, Cat." Dahan-daha
last updateLast Updated : 2022-09-25
Read more

CHAPTER 18

"Bakit mo ginawa iyon ha?! Lapastangan ka!" inis na sabi ko sa kaniya. Nakatayo na rin ako sa wakas. Hindi pala magandang ideya na mag-high heels dito sa beach dahil nilalapitan ako ng malas. Buti hindi pangit ang pagkakatumba ko dahil baka nabalian na ako ng paa."Are you blind or what?" pangisi-ngisi niyang tanong. Pilosopo pala ito. Hindi nalang sumagot, kung anu-ano pa talaga ang sinasabi. "Are you a manyak or what?!" mataray kong tanong din sa kaniya pero nginitian niya lang ako. Ngiting mapang-asar. Ngiting gugustuhin mo nalang siyang sakalin at ibitin patiwarik! "Tsk. Ikaw na nga ang niligtas, ganiyan ka pa. Hindi ka ba marunong mag-thank you, miss? Ang yabang mo naman." Kainis! Tinititigan niya pa talaga ako. "Hindi mo naman kasi kailangang gawin iyon! Dapat hinayaan mo nalang akong mabukulan kaysa sa nadaganan mo pa ako! Ang bigat mo kaya!" gigil kong sabi pero ngumisi lang siya. "Tsk! Ang pangit mo na nga tapos mabubukulan ka pa? Ano nalang ipagmamalaki mo 'pag nagkataon
last updateLast Updated : 2022-09-25
Read more

CHAPTER 19

"Hey! Are you deaf? I just told you my name!" nakabusangot ang mukhang sabi niya nang wala man lang akong sinabi nang banggitin niya ang pangalan niya. What did he expect me to say? Meron ba dapat? "Why are you yelling?! Bakla ka ba, huh?" mataray kong tanong sa kaniya. Bakit ba ako nagiging mataray sa kaniya? Hindi naman ako ganito ah. "Bakla? Who's gay here?" inis na tanong niya. "Tsk! Huwag mong sabihin na gusto mong halikan kita dahil baka gawin ko talaga!""Whatever. Bakla ka talaga," walang emosyon kong sabi. Kampante akong hindi niya gagawin ang sinabi niya, takot niya lang sa girlfriend niya. For sure under de saya siya. "Don't you dare to kiss me dahil kapag hinalikan mo ako---""Then, what?" nakangisi niyang tanong. "You'll just prove that you're a manyak! Ganun lang kasimple." "At least hindi bakla!" pambabara niya. Kapal! "Manyak naman!" Hindi siya natinag sa sinabi ko at patuloy pa rin siya sa pagngisi. May sapi ba siya? "Can you just dissapear? Pumapangit ang view d
last updateLast Updated : 2022-09-25
Read more

CHAPTER 20

"Then, mukhang mahihirapan ako." Kung anu-ano talaga ang sinasabi ng lalaking ito. Hindi lang baduy, weird pa. "Umamin ka nga---""Ano namang aaminin ko?""Patapusin mo muna kasi ako! Singit ka nang singit eh!""At ikaw naman, sungit nang sungit!" pang-aasar niya. "Dami mong alam! Umamin ka nga. Nasapian ka ba ng maligno kaya kung anu-ano ang sinasabi mo sa akin ngayon? Naku, baka malala na iyan! Baka kailangan mo na magpagamot sa albularyo. Sasamahan kita. Tara na agad para malunasan ka na!" Hindi ko alam kung matatawa ako sa mga sinasabi ko o maiinis ako dahil walang sense ang mga pinagsasabi ko sa kaniya. "Of course not. Ikaw lang talaga ang pinili ng puso ko kaya ganito ako magsalita." Corny talaga. Pinili raw ng puso niya. Weird. Napailing nalang ako sa sinabi niya. "Ba't ba hindi ka pa umaalis? malumanay kong tanong para umalis na siya. Gusto ko na ring bumalik sa kuwarto ko para makapagpahinga at makakabalik lang ako kapag umalis na itong lalaking ito. "Because you're stil
last updateLast Updated : 2022-09-25
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status