"Anong gagawin mo sa camera?" muling tanong ko."I'll use it.""Alam ko namang gagamitin mo iyon. I mean... Bakit kailangan mo ng camera ngayon? Dapat nagsabi ka kanina, may camera ako. Ipapahiram ko sa iyo.""I'm a professional photographer," maikling sagot niya."Sabi ko nga kunin na natin," mahina at napapahiyang sambit ko. Walang panama ang camera ko sa camera na kukunin niya dahil professional photographer pala siya. Malamang pang-professional din ang gamit niyang camera.Huminto kami sa harap ng isang room. "We're here," sambit niya."Okay," maikling sambit ko.Kumatok muna siya sa pinto bago nagsalita, "Team, let's go!""Yes, sir! Susunod nalang po kami sa venue. Ito po ang camera mo," sambit ng isang lalaki matapos niyang buksan ang pinto. Iniabot niya kay Flakes ang camera na sa pagkakaalam ko na tanging mapipera lang ang makakabili, almost 230,000 pesos plus ang presyo."Okay. Bilisan niyo lang dahil hindi puwedeng paghintayin ang clients natin from California.""Yes, sir."
Huling Na-update : 2022-09-25 Magbasa pa