Home / Romance / Ang Crush Kong Writer / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Ang Crush Kong Writer : Chapter 21 - Chapter 30

48 Chapters

CHAPTER 21

"Hey, you! Don't me!" inis na sabi niya. Pero halatang namula siya. Nagba-blush din ba ang mga lalaki? Ah, hindi ko alam. "You're not funny. Stop fooling around or else I'll kiss you." Sinong tinakot niya? Ang cute na mukhang pusa? Hindi man lang ako natakot sa banta niya. As if naman kaya niyang gawin. Pupusta ako, under de saya siya. "E, sa ikaw nga ang crush ko e." Ako naman ang ngumisi. Akala mo ikaw lang ang marunong ngumisi, Flakes? "Ha! Don't fool me. Gumaganti ka lang," inis pa ring sabi niya. Hindi niya ako magawang tignan. Parang babae na kinikilig na naiirita lang? Baka naiirita lang pala at hindi kinikilig. Pilit akong nagseryoso para hindi niya ako mabuking, tinitigan ko rin siya nang maigi para mas lalo siyang mailang sa akin. "Hindi ah. Seryoso ako," deretso kong sabi. Ang lakas-lakas talaga ng loob ko na asaran siya. Bigla akong nagkalakas ng loob na mang-asar ngayon at dahil iyon sa kaniya. "Ihahatid na kita," mahina niyang sabi. Nahihiya ba siya? Nakukonsensiya
last updateLast Updated : 2022-09-25
Read more

CHAPTER 22

"Ah, sige. Papasok na ako," paalam ko sa kaniya. Kailangan ko nang makapasok kaagad sa kuwarto ko. May gulat pa rin akong nararamdaman dahil magkatabi lang pala ang mga kuwarto namin. Nakisabay lang siguro siya kaya todo pilit na ihatid ako. "Okay." Nang marinig ko ang sinabi niya ay mabilis kong binuksan ang pinto gamit ang hawak kong susi at mabilis pa sa alas-kuwatrong pumasok ako sa kuwarto ko. Agad kong isinara ang pinto at sumandal sa likod nito. "He seems to know me," bulong ko. Mas lalo pa akong kinutuban nang biglang maalala ko kung paano niya sinabi na mag-iingat ako. Seryoso siyang nakatingin sa akin nun, seryoso ang boses niya. Seryoso siya. Pero hindi ko iyon pinansin. At ngayon lang ako nakaramdam ng kaba. Bakit pakiramdam ko hindi na ako ligtas? Nasapo ko nalang ang noo ko nang maalala ko pang wala na si Blue sa lugar na ito. Wala na si Blue na puwede sanang magtanggol sa akin kapag nasa panganib ang buhay ko. Pero baka nag-o-overthink na naman ako kaya ganito. Okay,
last updateLast Updated : 2022-09-25
Read more

CHAPTER 23

"I just need to be sure of something.""Sure of something? Ano namang kinalaman ko sa something na iyan?" naguguluhan kong tanong."You'll know it later. Magbihis ka na kung pupunta ka. Kumatok ka sa pinto ng kuwarto ko kapag aalis "Ang demanding mo naman!" "Gawin mo nalang. Baka matagal ka pa kung mag-ayos kaya bilisan mo na. Just knock later. Don't you dare to leave me.""Don't you dare your face. Para kang bakla!" pang-iinis ko sa kaniya. Mukhang hindi kami magkakasundo ni Flakes kapag ganitong"Just knock later," mapakla niyang sabi bago pumasok sa kuwarto niya at iniwan akong nakatayo sa labas ng kuwarto ko. Grabe. Sineryoso niya? "Masiyado naman yatang madamdamin ang lalaking iyon ngayon." Napapailing nalang ako sa tuwing maaalala ko ang mukha niya nang sabihin kong para siyang baklNapabuntong-hininga nalang ako bago nagsimulang maghanap ng isusuot ko. Titignan ko lang naman ang bonfire kaya hindi na kailangan na bongga pa ang isuot kong outfit. Hindi na rin kailangang mag-m
last updateLast Updated : 2022-09-25
Read more

CHAPTER 24

"Masiyado kang maganda kaya hindi imposible na walang humablot sa iyo.""Ang nonsense mo. Tumingin ka nalang sa bonfire, hindi iyong sa akin ka tumitingin. Baka matunaw ako," biro ko sa kaniya. "Okay." Talagang sinunod niya ang sinabi ko dahil sa bonfire nalang talaga siya tumingin. Hindi ko alam kung tama ba na hinahayaan ko siyang lumapit sa akin. May girlfriend siya. Hindi magandang tignan na lumalapit pa siya sa ibang babae. Kaso masiyado siyang mapilit. Parang ayaw niya akong lubayan. "Flakes, pupunta lang akong comfort room," paalam ko sa kaniya. Tinignan niya naman ako nang deretso bago kumunot ang noo niya. "I'll come with you.""Hindi na. Sa loob naman ng building ang comfort room kaya wala kang dapat ipag-alala. Babalik ako kaagad. Dito ka lang, okay?""Sasamahan kita. Delikado.""Hindi ah. Maliwanag ang daan papunta sa building kaya huwag kang mag-alala. Kahit ngayon lang, hayaan mo akong mag-isa," may diin kong sabi. Masiyado siyang paranoid na kesyo delikado raw. Kinay
last updateLast Updated : 2022-09-25
Read more

CHAPTER 25

"Stop crying," pagpapatahan niya sa akin but I could not help it. Hindi ko mapigilang hindi maiyak. Dito pa ba sa lugar na ito ako mapapahamak? Hindi ko lubos maisip kung bakit ako ang target? "Don't worry. I wouldn't let this to happen again," muli niyang sabi. Nang makaipon na ako ng lakas ay agad akong kumawala sa yakap niya at tumayo na. Pinahid ko rin ang mga luha sa pisngi at mata ko. Ayaw ko nang umiyak pa. Nagmumukha akong kawawa sa harap niya. Ang taas pa rin ng pride ko kahit nagkakaganito na ako. Naiinis din ako sa sarili ko. "Bumalik na tayo sa building natin," malungkot kong sabi. "Let's go," mahina niyang sabi. Pero ang ikinagulat ko ay ang paghablot niya sa kanang kamay ko. "Bakit kailangang hawakan ang kamay ko?" "I just want to," seryoso niyang sabi. Gusto niya lang? Acceptable reason ba iyon? Mabilis kong binawi ang kamay ko na agad niya ring ikinabuntong-hininga. "Why? Hindi ka komportable?" napapahiyang tanong niya. "Hindi sa ganun. Ilawan mo nga kung saan b
last updateLast Updated : 2022-09-25
Read more

CHAPTER 26

"What do you mean? May alam ka ba sa nangyayari? Bakit ganiyan ka kung magsalita? Siguro may alam ka, 'no?" may pang-uusig na sabi ko. Matalim ang pagtitig ko sa kaniya dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan. "Do you think titigil iyon? Hindi iyon titigil kung talagang gusto ka niyang patayin," deretsong sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. Ibig sabihin ba nito wala siyang itinatago? Nagagawa niyang tignan ako nang deretso sa mukha at ni hindi man lang siya nautal! "Huwag mo akong pagdudahan. Hindi ako masamang tao. Kailangan mo lang magtiwala."Napabuntong-hininga nalang ako sa sinabi niya. Baka nga kailangan ko lang magtiwala. "S-sorry," sincere kong sabi at tumango nalang siya bilang sagot. Tinignan kong maigi ang screen ng cellphone niya bago pinindot ang iilang numero. Cellphone number ko lang naman ang malalaman niya at hindi ang pangalan ko kaya ayos lang na ibigay ko sa kaniya. Mukhang hindi na rin naman ako makakatanggi. "Nak
last updateLast Updated : 2022-09-25
Read more

CHAPTER 27

"I'm here outside your room, so open the door. No one is here.""Wait," sambit ko. In-end ko ang tawag at mabilis na bumaba sa kama ko. Dinampot ko ang susi ng kuwarto ko at naglakad na palapit sa pintuan. "Makitulog ka muna sa kuwarto ko," seryoso niyang sabi nang makalabas na ako sa kuwarto ko. "Ligtas ka kapag kasama mo ako.""Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong ko. Kumunot naman bigla ang noo niya dahil sa tanong ko. "Mukha ba akong nagbibiro?" inis na tanong niya. "I'm not a rapist," dagdag niya pa. Grabe naman sa rapist! Hindi ko naman naisip na rapist siya. "Nahihiya ako." Totoong nahihiya ako. Hindi na rin naman siguro babalik iyong kumatok kaya tatanggi nalang ako. "Huwag nalang. Ayos lang ako sa kuwarto ko.""Ayos lang? Seriously? E, parang nasa bingit ka na ng kamatayan kanina ah. Tsk. Halata sa boses mo kanina kung gaano ka katakot tapos sasabihin mo ngayon na ayos ka lang? Ayos ka lang ba talaga?" sarkastikong sabi niya. "Paano kung may duplicate key ng kuwarto mo an
last updateLast Updated : 2022-09-25
Read more

CHAPTER 28

"None," deretsong sagot niya. "Ano ba iyan. Akala ko pa naman nagbabasa ka. Mukhang character ka kaya sa mga nobela HAHAHA!" Hindi ko napigilang hindi tumawa dahil sa naisip ko. Para siyang bida sa mga nobela. Ideal man ba na madalas i-describe kapag physical appearance ang usapan. "Hindi ako nagbabasa ng mga ganon. Ang kulit mo rin. Mas guwapo pa ako sa mga character kaya tumigil ka sa kahibangan mo." Sa kisame lang kami nakatitig at hindi kami sobrang malapit sa isa't isa. May unan din sa pagitan naming dalawa. "How did you know na mas guwapo ka sa kanila? Nagbabasa ka, 'no?" pang-aasar ko sa kaniya. "Alam ko lang na guwapo ako pero hindi ako nagbabasa. Tsk! Huwag mo akong idadamay ka sa kalokohan mo.""Ang suplado! Akala mo naman guwapo talaga," inis na sabi ko sa kaniya. "Tongeks! Compliment kaya ang sinabi ko. Isa ka rin palang hindi maka-appreciate e." "Bingi ka kasi! Hindi mo ba narinig na tinawanan mo ako? Bingi talaga. Nakaka-insulto iyon. Nakaka-insulto!" inis din na s
last updateLast Updated : 2022-09-25
Read more

CHAPTER 29

Hindi na siya nagsalita pa. Naasar siguro pero nagtimpi nalang. "Share tayo sa kumot ah," sabi ko bago nagkumot. Maluwang ang kumot kaya sapat para sa dalawang tao. Ayaw ko namang manginig mamaya kaya kinapalan ko na ang mukha ko na magsabi na share kami. Hindi na siya sumagot at pumikit na. Inaantok na rin siguro. Sana makatulog ako nang maayos. Hindi naman ako masiyadong nailang na katabi siya dahil wala naman itong malisya. Ang totoo niyan, ayaw kong matulog mag-isa sa banig na nakalatag sa sahig dahil baka may tumabi sa akin na multo. Basta natatakot lang ako. At least alam kong tao ang katabi ko kapag kay Flakes ako tumabi. Pang-isang tao lang kasi ang kama ko sa kabilang kuwarto kaya hindi ako natatakot matulog doon mag-isa. Ang luwang ng sahig dito kaya ang creepy para sa akin na matulog mag-isa sa banig. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko at nagdasal. Matapos kong magdasal ay tinignan ko si Flakes. Siya ang unang lalaking nakatabi ko matulog bukod kay Benny at kay daddy
last updateLast Updated : 2022-09-25
Read more

CHAPTER 30

Nang makapasok na ako sa kuwarto ko ay inihanda ko na ang mga pampalit ko. Hindi na ako nagulat sa mga sanitary napkin na binili niya. Kulang nalang bilhin niya lahat ng klase at brand. Ganito talaga kapag hindi alam ng tao kung ano ang ginagamit mong sanitary napkin. "Thanks talaga, Flakes."Maya-maya lang din ay pumunta na ako sa comfort room. Naglinis ako ng katawan pero hindi ako naligo. Bawal daw maligo kapag bagong dating lang ang regla sabi ni Manang Ebang kaya ginagawa ko nalang. Ewan ko rin ba kung bakit ako naniniwala. Bukas pa ako puwedeng maligo kaya pinag-igihan ko ang paglilinis sa katawan ko. Bigla kong naramdaman ang gutom pagkatapos kong makapag-ayos ng sarili kaya nagdesisyon ako na sa baba nalang ako kakain. Yayayain ko sana si Flakes kaso nakakailang katok na ako sa pinto ng kuwarto niya pero wala pa ring sumasagot at lumabas na Flakes kaya bumaba nalang ako mag-isa. Um-order ako ng plain rice, pinakbet, hinalabos na hipon, hinog na papaya para sa panghimagas, at
last updateLast Updated : 2022-09-25
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status