Maxine's POV DAHIL ayaw na kaming payagan ni Mr. Whitman na umalis rito dahil gagabihin lamang raw kami sa daan, napagpasyahan naming dito na magpalipas ng gabi para naman parehas kaming makapagpahinga ng maayos ni Rusty. "I hope you two enjoy our food," nakangiting pahayag ni Mr. Whitman at napatango naman si Rusty. Sino ba namang hindi gaganahan sa mga pagkain? Sobrang sarap at mga professional chief pa pala ang naghanda nito. "Ngayon lang ulit ako kumain ng may kasabay, and it feel so good to experience this feeling once again." Hindi nakaligtas sa akin ang lungkot sa mga mata nito. Pakiramdam ko, bukod sa pamilya ay may iniinda pa ito sa kanyang puso. Pakiramdam ko, napakabigat ng bagay na iyon ngunit wala s'yang ibang magawa kung hindi tanggapin na lamang. "Salamat po sa pagkain." Halos bulong ko ng saad at awtomatiko itong natawa. Tawa na may halong pait at sakit sa nangyayari sa buhay n'ya. Hanggang sa kalauna'y ang tawa na iyon ay naging paunti-unting naging
Read more