Maxine's POV Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa ikinikilos ni mama. Ano naman kayang naisip n'ya at gusto n'yang sa Maynila na lang kami tumira? Samantalang noon pa man ay ayaw n'ya ng umalis rito sa El Fuentes dahil ang sabi ni papa ay nandito ang mga magagandang alaala ni mama at ni.. ni ninong Ignacio na tunay kong ama. Akala ko noon ay sa mga palabas lamang nangyayari ang ganoong mga istorya, pati rin pala sa totoong buhay. Pero sadyang mapagbiro ang tadhana, nangyari ang mga bagay na iyon na para bang nakaplano na. "Ma'am Maxine? G-Gusto mo bang.. kumain sa labas?" Napahinto ako dahil sa narinig mula kay Andrei na kasalukuyang nagmamaneho nang sasakyan. Saglit ko itong tinitigan mula sa likuran at napapaisip. Gusto kong kumain dahil nakaramdam ako ng pagkagutom. Ngunit, ayokong kasama si Andrei lalo na sa mga ganitong bagay dahil baka kung ano pa ang isipin ng iba. "Okay lang ba, ma'am? Medyo.. g-gutom na rin ho kasi ako. Hindi pa ho ako kumakain magmula kaninang
Read more