Home / Romance / Love Of Tomorrow / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Love Of Tomorrow: Chapter 11 - Chapter 20

80 Chapters

Kabanata 4.3

Maxine's POV "Ano bang pinagsasasabi mo, Arnolfo?! Baka nakakalimutan mong ikaw ang dahilan nang lahat ng ito!" Sigaw ni mama habang nanlalaki ang mga sa galit. Tumingin sa gawi ko si papa at kitang-kita ko kung paano dahan-dahang tumulo ang mga luha nito pababa sa kanyang pisngi. Pakiramdam ko ay unti-unting dinudurog ang puso ko sa mga oras na ito. Ang makitang nasasaktan s'ya ay mas labis na sakit ang nararamdaman ko. "Matagal ko nang alam, Maribeth.." ani nito habang tulala lamang sa kawalan. "Matagal ko nang alam na hindi ko anak sina Maxine at Lutcho!" Napaawang ang aking mga laki sa gulat at kasabay no'n ay ang tuluyang pagtakas ng mga luha sa aking mga mata. Nanigas naman si mama sa kinaroroonan nito at para bang sinampal sa napakalaking katotohanan."H-Hindi sila nanggaling sa akin 'di ba?.." dagdag pa ni papa at mas lalo akong nadurog nang pumiyok na nang tuluyan ang boses nito. "Baog ako, Maribeth! At iyon ang dahilan kung bakit pumunta ako sa Maynila upang ipakonsulta
Read more

Kabanata 5.1

Maxine's POV Matapos ang tatlong araw ay nakabalik na si donya Sylvia. Mukhang nag enjoy ito sa Maynila at marami rin itong dalang mga mamahaling gamit na sa tingin ko ay kahit ibenta ko pa ang kaluluwa ko sa diyablo ay hindi ko pa rin mabibili. Nanatili lang rin si Lawrence rito sa bahay dahil nais n'yang makausap namin si donya Sylvia sa plano n'yang pakikipaghiwalay sa akin. Kagabi ay sa ibang kwarto rin s'ya natulog. Siguro ay inumpisahan n'ya nang umiwas sa akin. Baka kasi bigla pang magbago ang isip n'ya at tuluyan na akong makulong sa sitwasyon na 'to. "Where's Maxine, Lawrence?" Natataranta akong lumayo sa bintana at dumiretso sa banyo. Nakarinig ako nang pagkatok sa pinto ng kwarto at narinig ko pa ang pagbukas ng pinto. Kunwari naman ay kanina pa ako nasa banyo at nakita ko si donya Sylvia at Lawrence na mukhang hinihintay ako. "M-May.. may kailangan po ba kayo?" Tanong ko kay donya Sylvia at napatingin naman ako kay Lawrence. "Well, I just want to inform you na may
Read more

Kabanata 5.2

Maxine's POV Nag umpisa na ang party. Marami rin ang taong dumalo at lahat naman iyon ay kakilala at kalapit ni donya Sylvia at senior Ramon. Marami rin ang nagpapapansin kay Lawrence na ibang mga dalaga rito ngunit wala itong pakialam at tahimik lang na nasa tabi ko. Agad akong napatakip sa aking bibig nang mapahikab ako. Ang totoo ay hindi ako nag e-enjoy rito. Panay lamang ang tingin ko sa ibang tao dahil bukod kay donya Sylvia at Lawrence ay wala na akong iba pang kakilala rito. Napahinto ako nang hawakan ni Lawrence ang aking kamay. Nang lingunin ko ito ay agad s'yang ngumiti at walang sabi-sabing hinalikan ako sa aking labi. "Can I have this dance?" Tanong nito at halatang masaya. Napatingin ako kay donya Sylvia na nasa malapit lamang at mukhang kanina pa kami pinapanuod. Kaagad akong ngumiti at marahang tumango. Alam kong sa mga oras na ito ay puro sama ng loob ang nararamdaman nang mahal na si donya Sylvia. Baka nga ilang mura at pagsusumpa na ang ginawa n'ya sa akin.
Read more

Kabanata 6.1

Maxine's POV Maaga akong nagising at agad akong bumaba upang kumuha ng maiinom ngunit pag siniswerte nga naman ako ay si donya Sylvia pa ang nakasalubong ko sa mga oras na ito. Nakasuot pa ito ng pantulog at agad na tumaas ang kilay nito ng makasalubong ako. "Ang agang basura naman nito." Inis na saad nito at agad na kumuha ng tsaa. Hindi ako umimik dahil ayoko s'yang patulan sa mga oras na ito. Hangga't hindi n'ya ako sasaktan ay wala akong dapat gawin. "Sabihin mo nga, Maxine?" Saad nito at inihinto ang kanyang ginagawa at agad na tumingin sa direksyon ko. "What did you do to my son? Matinding pang gagayuma ba ang ginawa mo kaya pati ako ay kinakalaban n'ya na?" Mahina ang boses nito ngunit may pagbabanta. Inilapag ko ang basong hawak ko at tumingin nang diretso sa kanyang mga mata. Bakit parang kasalanan ko pa ngayon? Hindi ba at s'ya naman ang may gusto nito? "Donya Sylvia, bakit parang mali ko pa?" Saad ko at inirapan pa ako nito. "Hindi ba pwedeng nakikita lang ni Lawrenc
Read more

Kabanata 6.2

Maxine's POV Hindi ako kaagad nakagalaw sa aking kinatatayuan nang bigla na lamang tumakbo papalapit sina Joy at manang Jocelyn sa bagong panauhin rito sa mansyon. "Magandang araw ma'am!" Magkasabay na bati nina Joy at Manang Jocelyn. "Naku, ma'am Irene! Ako na ho ang magpapasok nito sa loob!" Dagdag pa ni manang Jocelyn at tinutukoy ay ang mga gamit nito na nasa loob ng kanyang magarang kotse. "And why?" Nakataas kilay nitong tanong habang nakapameywang pa. "I want her to to take care of my things at hindi kayo! So please, get out of my sight dahil ang papangit n'yo!" Sigaw nito at halos umusok na ang ilong sa inis. "Ma'am, kuwan kasi.. s'ya si ma'am Maxine! Iyong napangasawa ni sir Lawrence!" Nakangiti namang saad ni Joy rito. Tinitigan ako ng babae at ngumisi. Agad nitong hinawi ang dalawa na nakaharang sa daraanan n'ya at dahan-dahang naglakad papalapit sa kinaroroonan ko. "So, ikaw pala ang napangasawa ni Lawrence?" Wika nito habang may ngisi sa labi at nakataas ang isang k
Read more

Kabanata 7.1

Maxine's POV Matapos kong malaman ang mga ginawa ni Lutcho ay agad kong kinausap sina mama at papa. Sa tingin ko ay napatawad na nila ang isa't-isa dahil maayos naman silang nag-uusap. "Siguro nga ay kasalanan ko din. Kung hindi ako naging pabayang ina- baka hindi gagawin ni Lutcho ang mga bagay na iyon." Nanlulumong saad ni mama at yumuko na lamang ito. Agad naman s'yang dinaluhan ni papa at agad itong tinapik sa kanyang likuran. "Maribeth, h'wag mong sisihin ang sarili mo. Hindi natin ginustong umabot tayo sa ganitong sitwasyon." Pag-aalo naman ni papa kaya napabuga na lamang ako nang hangin mula sa aking bibig. Hindi ko inakalang aabot kami sa ganitong punto. Ang maging miserable ang pamilya ay masakit sa kalooban ko. "Paano kung.. dalhin na lang muna natin si Lutcho kung saan pinapagaling ang mga adik sa droga? Hindi ba at may rehabilitation center sa Mandaluyong?" Saad ko pa at napahinto naman ang aking mga magulang dahil sa narinig. "Paano naman ang mga bata, Maxine? Wal
Read more

Kabanata 7.2

Maxine's POV Masamang tingin ang natanggap ko kay Manny at dali-dali na lamang itong umalis. Agad naman s'yang sinundan ni donya Sylvia at nakita ko naman ang palihim na pag ngisi ni Irene. "What?" Nakataas kilay nitong tanong sa akin nang mahuli ko ang lihim nitong pag ngisi. "Ikaw ang may gawa no'n, hindi ba?" Seryoso kong saad at agad namang umarko ang kilay nito. "Are you out of your mind, Maxine? At talagang sa akin mo pa isinisisi ang pagiging palpak mo?" Hindi nito makapaniwalang sabi sa akin. Walang pasabi itong umalis at agad akong iniwan roon. Hindi maaalis sa akin ang itsura ni Manny at kamuntik pa itong mamatay nang dahil lamang sa maning nakahalo sa inihanda ko. Malakas pa rin ang kutob kong may kinalaman si Irene kung bakit bigla na lamang nagkaroon ng mani sa salad na ginawa ko. Maingat at sinigurado kong walang mani sa pagkain iyon, isa pa.. s'ya lang ang nadatnan ko sa kusina matapos kong makapagpalit nang damit. Bumuntong hininga na lamang ako bago pumunta sa
Read more

Kabanata 8.1

Maxine's POV Ilang segundo akong napatitig sa puting kisame at pilit na inaalala ang huling nangyari sa akin. Hindi ba at nasa swimming pool ako? Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdamang mabuti ang aking sarili. Pakiramdam ko ay namamaga ang mukha ko at kahit papaano ay naibsan ang sakit nang puson ko. Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto ngunit pinanatili ko munang nakapikit ang aking mga mata. Baka kasi si donya Sylvia lamang ang makita ko. "Goddamn it! I don't want to hear your goddamn explanation, Irene!"Agad akong napamulat at doon ay nakita ko si Lawrence na masamang nakatingin kay Irene. Kitang-kita ko naman kung paano manginig ang katawan ni Irene at bahagya pang napaatras at nag unahang maglandas ang kanyang mga luha. "Hindi namin sinadyang malunod s'ya, Lawrence-""Puwede bang tumigil na kayong dalawa?! Pinagtitinginan na tayo nang ibang tao sa labas!" Saad naman ni donya Sylvia na kakapasok lamang rito sa kuwarto. "M-Maxine?" Napahinto ang mga ito at agad na n
Read more

Kabanata 8.2

Maxine's POV Lumipas ang ilan pang mga araw at naging tahimik naman ang buhay ko. Mas minabuti kong magkulong na lamang sa kuwarto upang hindi makita sina Irene at donya Sylvia dahil baka kung ano na namang gawin nila sa akin. Hindi naging madali ang sitwasyon ko lalo pa at maselan ang pagbubuntis ko ngayon. Panay rin ang suka ko sa umaga at ayaw na ayaw kong nakakaamoy nang kahit na anong pabango dahil mas nagiging dahilan iyon upang mas lalo akong makaramdam ng pagsusuka. Lawrence: I'm here at the office, see you honey! I love you. Inilapag ko ang selpon na hawak ko nang mabasa ko ang text message sa akin ni Lawrence. Tamad kong ipinikit ang aking mga mata at pinakiramdamang mabuti ang aking sarili. Paminsan-minsan ay kumikirot pa din ang aking puson ngunit nawawala rin naman agad. Nahihirapan rin akong matulog nang maayos sa gabi at para bang may puwesto akong gustong gawin ngunit hindi ko makuha. "Maxine? Are you awake?"Awtomatikong napamulat ang aking mga mata nang marinig
Read more

Kabanata 9.1

Maxine's POV Nakatitig lamang ako sa salamin nang makita ang aking sarili. Halos hindi ako makapaniwala na ganito pala ang itsura ko kapag mayroong make-up. Nakakulot ang mahaba kong buhok habang suot ang kulay asul na lace long dress na binili ni Irene. Siyempre, flat shoes lamang ang aking gamit dahil baka madulas pa ako kapag high heels ang aking suot. "You're so beautiful, hija!" Komento ni donya Sylvia nang makita ako. Saglit akong napakurap at napapahiyang ngumiti sa harap nito. "C'mon, nariyan na ang mga bisita!" Aniya at inalalayan ako nito sa aking paglalakad. Parang kailan lang ay halos kamuhian namin ang isa't-isa. Ngunit, tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Wala atang araw na hindi ako nito inaalagaan. "Ma? Papa?" Masaya kong saad nang makita ko sila. Nakuha ko naman ang atensyon nilang dalawa at kaagad na lumapit sa akin. Marahan akong niyakap ni mama at matapos ay pinakatitigan ako nang mabuti. "Naku, ang ganda mo anak!" Masaya nitong saad kaya natawa na lamang
Read more
PREV
123456
...
8
DMCA.com Protection Status