Share

Kabanata 10.1

Maxine's POV

Dalawang araw na ang lumipas simula noong hindi kami nakapag-usap ni Lawrence ng maayos. Maaga kasi ito kung umalis sa mansyon at gabing-gabi na kung umuwi.

Tumatawag naman ito ngunit pakiramdam ko ay may tampo pa rin sa aking dibdib. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Siguro ay dahil ito sa pagbubuntis ko kaya masyadong apektado ang emosyon ko.

Mabuti na lang at madalas ko ng makausap si Irene at paminsan-minsan ay inaaliw ako nito. Si donya Sylvia naman ay naging abala rin dahil nga sa away nilang mag-asawa na ayaw kong himasukan pa.

"Maxine? Ayos ka lang ba anak?" Tanong ni mama nang mailapag nito sa harapan ko ang buko juice.

Ito kasi ang madalas kong hanap-hanapin nitong mga nagdaang araw kaya kapag pumupunta ako rito ay talaga bumibili si papa ng marami.

"Ayos lang ho ako, mama. Iniisip ko lang po si.. L-Lawrence." Bahagya akong ngumiti at agad na ininom ang buko juice na gustong-gusto ko.

Nakita ko ang bahagyang pagngiti ni mama sa akin at agad na tumabi sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status