Maxine's POV "Ganito ba kaseryoso ang pag-uusapan natin at kailangang dumistansya tayo kay mama at papa?" Nagtataka kong tanong dahil nandito kami sa likod ng bahay. Wala man lang nagbago sa ekspresyon ng mukha nito at seryoso lamang na nakatingin sa akin. "Mas mabuti pang sumama ka na sa amin sa Maynila, ate." Deretsyahan nitong saad kaya bahagyang napaawang ang aking labi. "S-Sana noon pa man, hindi ko hinayaang makasal ka kay Lawrence." Nakakuyom ang kamao nito na ikinagulat ko. A-Anong.."Ano bang pinagsasasabi mo?" Pinilit kong tumawa ngunit hindi nakatulong iyon upang mabawasan ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Bahagya pa akong napalunok dahil napakaseryoso nito. "S-Si.. si L-Lawrence-"Nawala ang atensyon ko kay Lutcho nang marinig na tumunog ang selpon na hawak ko. Si Irene ang tumatawag kaya sumenyas muna ako kay Lutcho na sasagutin ko muna ang tawag. Nakita ko pang may pag-aalangan sa mga mata nito ngunit wala na itong nagawa nang makausap ko si Irene. "Hel-""M-
Maxine's POV Dahil madalas silang abala at ayaw naman ni Lawrence na tumulong pa ako sa ginagawa nila sa lamay ay nanatili lamang ako sa kuwarto. Ang totoo n'yan ay nababagot na ako at parang gusto kong dalawin sina mama at papa. Pero, lagi namang may inuutos si Donya Sylvia kay Tino kaya wala akong makakasama sa pag labas. Hindi rin ako pinapayagan ni Lawrence dahil nag aalala ito sa akin lalo na't hanggang ngayon ay wala pa rin silang matibay na ebidensya. Napahinto ako nang may kumatok sa labas ng pinto kaya marahan akong tumayo at agad na binuksan ito. "Manang Jocelyn?" Untag ko pa ng makita ito sa aking harapan. "Naku, ma'am? Naistorbo ba kita? Magpapaalam sana ako sayo.." nahihiya nitong saad kaya napabitaw ako sa pinto ay humakbang papalapit sa kanya na naguguluhan. "M-Magpapaalam? T-Teka,.. b-bakit?" Naguguluhan kong tanong at ngumiti lamang ito. "Kasi ma'am.. uuwi muna ako sa probinsya. Tatlong taon ko na kasing hindi nakakasama ang pamilya ko kaya naisip kong.. b-bak
Maxine's POV Lumipas pa ang mga araw at pakiramdam ko ay mas lalong gumugulo ang mga bagay na sana ay hindi ko na lang nalaman. Halos hindi ako makatulog sa gabi sa dami nang pumapasok sa aking isipan. Kahit gaano kalaki itong mansyon, pakiramdam ko ay paliit ito nang paliit. Napahinto ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng mahinang kaluskos sa labas. Napatingin ako sa orasan at pasado alas-dos pa lamang ng madaling araw. Mag isa lamang ako rito dahil maraming inaasikaso si Lawrence matapos mailibing si Don Ramon. Napalunok ako nang marinig ko ang iilang yabag kaya dali-dali akong napabalik sa kama at agad na ipinikit ang aking mga mata. Ramdam ko ang kabog ng aking dibdib at para bang ito ang nagsilbing musika sa buo kong paligid. Narinig ko ang marahang pag bukas ng pinto kaya naman hindi ako gumalaw. Pinakiramdaman ko ang aking paligid at muli ko na namang marinig ang mahinang yabag na para bang papalapit sa akin. Huminto ito at narinig ko ang pagkalansingan ng mga susi at m
Maxine's POV Ilang oras pa ang hinintay ko upang makalabas ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin sina Donya Sylvia. "Maxine, ang mabuti pa.. magpahinga ka muna sa kuwarto n'yo. Ilang beses ko na ring tinawagan sina Tita Sylvia pero hindi nila sinasagot ang tawag." Untag ni Irene at napalunok na lamang ako. "Gusto kong puntahan ang pamilya ko.." bulong kong saad at napabuntong hininga naman ito. "Alam ko, pero wala tayong ibang puwedeng daanan kung hindi diyan lamang sa main gate na may mga nagbabantay. Mga armado sila Maxine. Baka mapahamak pa tayo.," Aniya at napilitan na lamang akong tumayo nang hawakan nito ang aking kamay. Hindi pa rin ako mapakali. Hindi ko rin mahagilap rito si Joy. Halos wala ngang tao rito kung hindi kami lang ni Irene. Nang makarating kami sa kuwarto ay agad nitong binuksan ang bentilador at naupo sa kama habang ako naman ay nasa sofa. "Bakit hindi na lang natin tawagan si Officer Niccolo?" Suhestiyon ko pa rito at bahagyang napaanga
Maxine's POV NAPAAWANG ang aking mga labi habang nanlalaki ang aking mga mata nang makita ang pulang likido sa aking hita! Natataranta akong hinimas ang aking tiyan at kasabay no'n ay ang paglandas ng aking mga luha! "D-Donya.. Donya Sylvia, t-tulungan mo 'ko? D-Dalhin n'yo 'ko sa ospital!" Pagsusumamo ko rito ngunit parang niyanig ang buong pagkatao ko nang ihampas nito sa akin ang hawak nitong mahabang payong! Tuluyan na akong napasigaw sa sakit na aking naramdaman. Narinig ko pa ang tawanan nila at hindi pa nakontento ang mga ito, dahil muli na naman nila akong hinampas! Ngunit, sa pagkakataong ito ay sa tiyan ko na ito tumama! Mas tumindi ang pagdaloy ng dugo sa aking hita kaya pinilit kong gumapang ngunit agad na hinablot ni Liezel ang aking buhok kaya napangiwi na naman ko sa sakit. "Ano, Maxine? Nasaan ang tapang mo ha?" Nakangisi nitong tanong at muli na naman itong humalakhak! Inalis ko ang pagkakahawak nito sa akin at pinilit na tumayo! Ngunit, muli na naman ako nitong
Maxine's POV NANLUMO ako sa aking nakita nang makarating kami sa bodega. Pakiramdam ko ay gumuho nang tuluyan ang mundo ko dahil ng maabutan ang pamilya ko na nandito. "M-Mama?" Awtomatikong nangilid ang aking mga luha at kasabay no'n ay ang pangangatal nang aking bibig. Pinilit nitong tumingin sa direksyon ko kaya patakbo akong lumapit sa kanila kahit na halos mag kandadapa-dapa ako sa pagtakbo! "Papa?!" Tawag ko rito nang mahaplos ko ang pisngi nito ngunit mas natigilan ako nang maramdaman ang malamig nitong pisngi! Ramdam ko ang pagbilis nang tibok ng puso ko at halos mabaliw ako sa aking nasaksihan! Nakadapa na sa semento si Lutcho kasama ang dalawa nitong anak kaya napaluhod na lamang ako. "H-Hindi.. h-hindi ito totoo! Hindi ito totoo!" Napahawak ako sa aking tenga habang paulit ulit na sumisigaw. Nakita ko ang pag hagulhol ni mama na mas ikinadurog ko pa! "Mama!" Sigaw ko at hindi ko alam kung paano iibsan ang sakit na nasa puso ko. "Pa! Lutcho!"Para akong isang batan
Kabanata 15.2 Pagtakas Maxine's POV NAPASINGHAP ako nang maramdaman ang malamig na likidong bumuhos sa aking katawan. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa sahig at doo'y nakumpirma kong malamig na tubig nga ito na may kasamang bloke blokeng yelo! "Good morning, sleeping beauty!" Salubong sa akin ni Liezel habang may ngisi sa kanyang labi. "Mukhang, napasarap ang tulog mo ah?" Napalunok ako nang makita ang hawak nitong latigo! Nanginginig ang aking buong katawan dahil sa lamig, at hanggang ngayon ay masakit pa rin ang buo kony katawan! "Ano na namang kailangan mo?" Madiin kong tanong at mahina itong natawa. Sa itsura pa lang nito ay halatang may gagawin na namang hindi maganda. Gusto ko s'yang sakalin dahil sa ginawa n'ya sa pamilya ko. Pare-parehas talaga silang mamamatay tao! "Well, nabitin kasi ako sa ginawa ko kahapon. Oh, wait! You know what? Ang sarap ng tulog ko kagabi, kasi.. napatay ko ang pamilya mo at may nangyari rin sa amin ni Lawrence!" Puma
Maxine's POV LAKAD at takbo ang ginawa ko para lang makalayo! Ngunit, hirap na hirap ako dahil pakiramdam ko ay napakabigat ng katawan ko. Napahinto ako at napalingon sa aking likuran nang makarinig ako ng isang malakas na putok ng baril! "MAXINEEE!!!" Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang malakas na sigaw ni Lawrence! Halos hindi ako magkandaugaga sa kakatakbo para lang makalayo! Kasabay ng aking pagtakbo ay ang pagbuhos ng napakalakas na ulan! Para bang maging ang panahon ay nakikisimpatya sa akin. Kailangan kong makalayo! Gusto kong pag bayaran nila ang lahat ng mga ginawa nila sa pamilya ko! Hinding-hindi ako papayag na hindi ko makamit ang hustisya na nararapat para sa pamilya ko! Lalong-lalo na ang kahayupang ginawa nila sa akin at sa anak ko! Dahil maputik at madulas ang daan, aksidente akong dumausdos pababa! Mangiyak-ngiyak akong tumayo dahil ramdam ko ang pag hapdi ng aking hita! "Maxine? Maxine?"Napalunok ako nang marinig ang boses ni Liezel! Animo'y para bang nak
My heart raced when I saw her rushing came to my car, asking for helped and she looked so helpless. I recognize her when I saw the picture from Don Ignacio which was happened to be his biological father. I immediately opened the door so she can hop in, that was the night where all it started. My feelings towards her were undeniable! I can't help it, I can't help myself to be so in love with that woman who stole my heart and effortlessly change my whole damn life. "You may now kiss the bride!" I smiled at her when Tyler and Aria sealed their promises, today is their wedding. And I am right here beside with the woman I love most. "They look good together!" "Daddy, picturan mo kami ni mommy!" Yes, my daughter knows how speak Filipino language since natuto na ito nang husto. I really love seeing them together, with their beautiful sweetest warming smiles! I promise to my self to be the best dad and husband to my family. I did my best to give the best life
Maxine's POV TODAY is the day I have been waiting for. Ngayon kasi ang kaarawan ni Dianara and she's officially become my daughter! Alam kong napasaya ko s'ya noong nalaman n'yang ako mismo ang magiging mommy n'ya. Naging emosyonal ito at mas lalong naging sweet noong maiuwi na namin s'ya sa bahay.Rusty and I decided na dalhin s'ya rito sa pilipinas. Gusto ko kasing makilala n'ya si daddy pati na rin ang iba pa naming kaibigan na tinanggap naman s'ya ng buo. I become an instant mom when I had Dianara ever since kahit noong nasa bahay ampunan pa lamang s'ya, kaya nga ganito ang closeness naming dalawa at kahit ang iba ay sinasabi nagiging magkamukha na kami! Nakakatuwa lang dahil natupad ko ang pangako ko sa kanya. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano kasarap magkaroon ng isang pamilya, gusto kong maintindihan n'ya na may pamilyang handang gumabay sa kanya sa lahat ng oras. Si mommy Katy ang mismo nagpaasikaso sa venue, mas excited pa nga silang dalawa ni daddy kaysa sa akin.
Maxine's POVHALOS hindi ko na ata mabilang sa aking daliri kung ilang beses na akong bumuntong hininga sa araw na ito. I'm still with Rusty at sa oras na ito ay hindi na ako natutuwa dahil ang dami n'yang gustong gawin. "Can I stay with you? I mean, you know I don't have a house-" hindi ko na pinatapos pa ang balak nitong sabihin dahil mukhang alam ko na ito. Inis ko itong sinipat dahil hindi ko alam kung sinasadya n'ya ba talaga ito o hindi pero naiinis pa rin ako kahit na ano pang gawin n'ya. Alam mo yung pakiramdam na kahit wala din s'yang ginagawa pero mas lalo kang naiinis? Damn, hindi ko alam kong may sayad na ba ako dahil sa ganitong pangyayari! "Ang daming hotels d'yan, Rusty! Puwede kang mag stay buong magdamag." Malamig kong tugon ngunit talagang hindi ito nagpapatinag! "We're going to be a husband and a wife," pilosopo nitong pahayag na ikinailing ko na lamang. "So, I think it's inappropriate if we're separated?"And yes, for the sake of Dianara's
Maxine's POV NAPANGITI ako nang tuluyang makita si Dianara kasama si Jasper. Agad itong tumakbo papalapit sa akin habang suot ang paborito nitong damit at may dalawang ribon pang tali sa kanyang buhok. "I miss you!" Bulong ko rito nang mayakap ko ito ng mahigpit. Ngumiti ito sa akin at agad na humalik sa aking pisngi. "I miss you more, Miss M!"Nakita kong maging si Jasper ay napangiti na lamang sa aming dalawa agad kong hinawakan ang kamay ni Dianara saka hinarap si Jasper. "Any update?" Tanong ko rito at bahagya pang napatango ito sa narinig. "Don't worry, dear!" Nakangisi nitong tugon na ikinairap ko sa kawalan. "May nahanap na ako! And take note, malinis ang record, mabait, mayaman, at guwapo na matipuno pa!" Aniya na ikinailing ko na lang. Hindi ko alam kung may mga katotohanan ba ang mga pinagsasasabi n'ya pero siguraduhin n'ya lang talaga! Iyon na lang ang hinihintay ko para mapasaakin si Dianara bago ito magdiwang ng kaarawan n'ya! I'm planni
Maxine's POV GUSTO ko itong itulak papalayo ngunit agad nitong hinapit ang aking bewang papalapit sa kanya. Unti-unting namuo ang inis sa aking dibdib dahil sa kalapastanganan nitong halikan ako nang basta-basta! "How dare you!" Sa wakas ay matagumpay ko itong naitulak papalayo sa akin at agad na dumapo ang palad ko sa pisngi nito. Malamlam ang mga mata nitong tumingin sa akin habang punong-puno nang galit ang puso ko dahil pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako nito. "Kung sa tingin mo, kagaya pa rin ako ng dating Maxine na nakilala mo puwes, nagkakamali ka Rusty!" Madiin kong saad bago ito nilampasan ngunit agad nitong hinigit ang aking kamay na ikinahinto ko. "I-I'm s-sorry-"Inis ko itong pinasadahan nang tingin at hinarap ng maayos. "Sorry? Sorry for what Rusty? I'm supposed to be with Dianara's operation! But look what you did! Kailangan bang hanggang ngayon guluhin mo pa rin ang buhay ko?!" Gusto kong pigilan ang sarili kong h'wag magsalita nang ma
Maxine's POV PAGOD akong naupo sa kama nang makapag-check-in ako rito sa isang hotel. Sobrang daming tumatakbo sa isip ko at hindi ko na alam kung ano pa nga ba ang dapat kong unahin. I get mad, I'm damn really mad because I should be the one taking care of Dianara. I can't imagine the fact na galit ito sa akin dahil hindi ko natupad ang pangako ko. Sana ay pinag-isipan ko muna ang pagpunta rito, kung puwede ko lang ibalik ang oras I would rather spend my time with that kid! She's precious. I love her and I cannot afford losing her! Akala ko, I can able to do everything for her! But I failed her! I failed her so many times! Napahinto ako sa pag-iisip nang tumunog ang buzzer kaya naman inis akong tumayo! Pinaalala ko nang ayokong may nang-iistorbo sa akin ngunit mukhang hindi ata nila maintindihan iyon! "What is it?" Inis kong tanong nang mabuksan ang pinto dahil inakala kong isa ito sa mga staff ng hotel. Ngunit, napaawang na lamang ang aking labi nang makita si Tyler sa labas.
Maxine's POV NAPABUNTONG hininga na lamang ako nang mabalitaang nasa ospital ngayon si Tyler at ang sabi pa sa akin ay nag-aagaw buhay! Hindi ako magkandaugaga sa kakalagay nang aking mga gamit sa maleta upang agad na makauwi pabalik sa pilipinas upang makita at madalaw man lang ito. Iyon kasi ang naging bungad sa akin ni Aria noong tawagan ako nito sa kalagitnaan nang aking meeting. Agad kong inutusan ang aking secretary na ipagbooked ako nang flight pauwi sa pilipinas para lamang agad na makaalis. Nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi ko pa naisipang sumabay kay daddy noong umuwi ito pabalik roon! Edi sana hindi ganito kagahol ang oras! Napakabalashubas naman kasing magmaneho nitong si Tyler! Ano bang akala n'ya? Malapusa s'ya na may siyam na buhay? Tsk. Ang sabi pa ni Lexi, sumalpok raw sa isang truck yung kotse nito at hindi lang iyon! Talagang nagsend sila nang mga larawan ni Tyler sa akin at kung ano-anung nakakabit sa katawan nito. Habang nandito ako sa airport, hinihintay
Maxine's POV Four years had passed and now I have my own business clothing line, I become a model, and now everybody knows me because of my named I created in this industry. "Good morning, Miss Verano." My secretary hand me this contract from another company which I'm not interested. "Would you like to be part of this-"Hindi pa man ito natatapos sabihin ang mga bagay-bagay nang agad kong punitin ang kontrata na nasa aking harapan saka ito pinasadahan ng tingin. "No." Matigas kong saad bago ito napalabi saka marahang tumango. "Why would I spend my money with them? They're just wasting my time." Kaswal kong saad saka nito itinapon ang papel sa basurahan. Don't get me wrong, people. I don't trust anybody. Trusting them is like giving them a chance to completely ruin me and my life. Ito lang naman ang mga kompanyang gustong dumikit sa akin para gamitin ang pangalan ko upang tumaas sila at pagkatapos no'n? Sila rin mismo ang sisira sa akin sa bandang huli. Hindi na bag
Maxine's POV ITINAAS ko ang bote ng alak habang matamang nakapikit. "Wohooooo! Umorder pa tayo, Tyler!" Sigaw ko kahit na magkalapit lamang kaming dalawa. Napadilat ako nang mawala na sa aking kamay ang bote ng alak na hawak-hawak ko lamang! "No! You're drunk, Maxine! Baka mapagalitan pa ako ng daddy mo kapag nalaman n'yang hinayaan kitang uminom!" Inis nitong pahayag kaya napasimangot na lamang ako. Bakit ba napakakontrabida nitong kaibigan ko? Tsk! "C'mon! H'wag ka namang killjoy! Minsan lang naman ito kaya susulitin ko na 'no!" Muli ko na namang inagaw ang bote ng alak mula sa kamay nito saka tinungga! Muli na naman itong napailing saka inilabas ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa. Mukhang plano nitong tawagan si papa kaya agad kong inagaw ang cellphone nito. "Give me back my phone, Maxine! I'm going to call your father-" Tinakpan ko ang bibig nito gamit ang aking daliri saka mahinang natawa dahil literal na namilog ang mga mata nito sa g