Maxine's POVHALOS hindi ako makagalaw nang makilala ang taong tumawag sa aking pangalan! Agad na nangilid ang aking mga luha sa hindi malamang dahilan. Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman sa mga oras na ito. Hindi ko matukoy kung masaya ba ako o malungkot. Basta ang alam ko lang, may taong natira pa sa buhay ko. "M-Maxine, anak!" Mas lalong walang lumabas na salita mula sa aking bibig dahil sa narinig. Kung g-ganoon..Agad ako nitong niyakap ng mahigpit. Ramdam ko ang labis nitong pangungulila at pagsisisi. Tuluyan nang naglandas ang aking mga luha habang nasa bisig ng aking tunay na ama! "Sobrang saya ko.. sobrang saya kong kasama kita sa mga oras na ito. Ngunit, kalahati ng puso ko ang namatay dahil sa.. dahil sa nangyari kay Maribeth at Arnolfo! Lalong-lalo na kay Lutcho at sa mga apo ko!" Madamdamin nitong saad kaya napahagulhol na lamang ako. Agad akong kumalas sa pagkakayakap. Kitang-kita ko kung paano sunod-sunod na naglandas ang mga luha nito pababa sa kanyang pi
Maxine's POV MATAMAN akong nakikinig sa abogadong kaharap namin ngayon. Mahigit isang linggo na rin ang nakalipas at kahit papaano ay naghilom na ang ilang mga sugat at pasang natamo ko. "As of now, we can file a case against them, but we need a strong evidence para tuluyan silang mahatulan. Puwede nilang ideny ang aligasyon laban sa kanila kung wala tayong testigo." Seryosong paliwanag nito at saka naman ako napaisip. "But attorney, hindi ba puwedeng ilahad na lang ni ate Maxine ang mga nangyari?" Naguguluhan ring sabat ni Lexi at mukhang seryoso talaga ito dahil nakakunot pa ang kanyang mga kilay. Napabuntong hininga ang binatang abogado. At saka pinakatitigan ang mga papeles na nagkalat sa center table. "Tulad nga ng sinabi ni Miss Mercedes, makapangyarihan ang pamilyang iyon. Baka tayo pa ang makasuhan kapag nagkataon. Kahit isa o dalawang testigo lang para sa pag usad ng kaso-""What about her family then? Hindi ba't naireport na iyon sa pulisya?" Pagputol naman ni Rusty rito
Maxine's POV PAIKOT-IKOT na ako sa aking kama ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Kahit anong pikit ang gawin ko, talagang hindi ako makatulog. Napatingin ako sa wall clock at pasado alas-dos na pala ng madaling araw. Malamang ay tulog na rin ang lahat. Pinagod ko naman ang sarili ko kanina, ngunit talagang hirap na hirap akong makatulog. Dahan-dahan akong tumayo at sinuot ang isang tsenelas na may maraming balahibo. Kulay itim iyon at talagang sukat na sukat sa paa ko. Marahan kong hinawakan ang siradora ng pinto at dahan-dahan itong pinihit. Agad akong lumabas at hinayaang nakaawang nang bahagya ang pinto. Napakalaki nitong Zapanta Hacienda. Pakiramdam ko ay maliligaw ako sa tuwing lumalabas ako ng aking kuwarto na walang kasama. May mga litrato rin ni papa na nandito at maging ang litrato ni Lexi at Rusty na magkakasama silang tatlo. Hindi man ito nakangiti sa larawan, hindi naman maipagkakaila ang taglay nitong kaguwapuhan. Para bang ginawang perpe
Maxine's POV MAKALIPAS ang mahigit isang buwan. Wala ng mababakas na sugat o pasa sa aking katawan. Nakakabawi na rin ang aking katawan mula sa pangangayayat at kahit papaano ay nakakasabay na ako sa bawat pag atake na ginagawa ni Rusty! "Iyan lang ba ang kaya mo?" Bulalas nito kaya mas nakahigpit ang aking pagkuyom sa aking kamao. Ilang linggo na rin simula noong mag umpisa itong turuan ako ng mga self-defense. Noong una ay halos puro tumba at ngiwi lamang ang nagagawa ko pero ngayon ay nakikipagsabayan na ako sa bawat pag atake nito. Agad itong nakailag sa aking pagsipa at s'ya naman ang sumugod ngunit naiwasan ko rin ang bawat suntok nito. Agad akong umikot upang bigyan ito ng malakas na sipa ngunit nahuli lamang nito ang aking paa kaya muli kong binigyan ng puwersa ang pagkakalapat nang aking kamay sa lupa at naramdaman ko ang kamay nitong mas humihigpit pa ang hawak sa aking mga paa ngunit ginamit ko agad ang pagkakataon na iyon upang makawala. Nang tuluyan kong maikot ang
Maxine's POV Isinuot ko ang isang simpleng itim na blusa at maong na pantalon. Matapos ay isinunod ko namang suotin ang aking manipis na medyas at sapatos. Sinulyapan ko ang aking sarili sa salamin at marahang muling sinuklay ang aking buhok. Napahinto ako nang maramdaman ang kabang namumuo sa aking dibdib sa mga oras na ito. Ngayon ang araw na maghaharap kami ng mga Francisco. Ngayon ang araw na pinakahihintay ko upang maipagpatuloy ang laban na kanilang sinimulan. Kailangan kong ikalma ang aking sarili kaya naman huminga ko nang malalim at ibinuga ang hangin gamit ang aking bibig. Matapos kong manalamin ay agad kong dinampot ang shoulder bag na ibinigay sa akin ni Lexi. Nandito ako sa isang apartment kung saan ito ang napili ni Rusty na aming rentahan upang pansamantalang palabas sa mga Francisco. Sa aking katapat na apartment ay ang isang private apartment na inuupahan rin ni Rusty. Nais lamang ni papa na makasigurado na magiging ligtas ako rito kaya naman naisip n'yang kunin
Maxine's POV Napailing na lamang ako nang aking mapagmasdan ang sarili sa harap ng salamin. Ngayon ang unang araw ko sa trabaho kung saan madalas na pumunta sina Donya Sylvia at Liezel. ZnV Jewelry Corporation. Ayon kay Lexi, pag-aari ito ni papa at Rusty. Kaya nga Zapanta at Verano ang ibig sabihin ng mga initials na iyon. Isa lang naman sa pinakasikat na negosyo ang ZnV Jewelry at talagang maraming tao ang tumatangkilik sa mga alahas na gawa sa nasabing kompanya dahil nga maganda ang kalidad. Agad kong sinuto ang isang kulay asul na coat nang masuot ko na ang kulay puting polo na pangloob. Pencit cut rin ang style ng palda kaya naman pormal na pormal ang datingan ko para sa trabahong ito. Gustuhin man ni papa na ipaalam sa lahat na ako ang anak n'ya, ngunit tulad ng aming napag-usapan, hangga't hindi pa maayos ang lahat mas mabuting wala munang ibang nakakaalam. Matapos kong maiayos ang aking mga gamit, binitbit ko na ang aking shoulder bag at nagmamadaling lumabas ng apartmen
Maxine's POV "Tell me, paano ka nakapasok rito?!" Nanlilisik ang mga mata ni Liezel at kulang na lang ay sakmalin na ako nito. Gusto kong matawa ngunit nanatili akong pormal dahil napatingin na rin sa aming gawi ang aming supervisor na si Mr. Co."What's happening here?" Napabuga ng hangin si Liezel at agad na dumistansya sa akin ng dumating si Mr. Verano.. si papa. Agad s'yang pumagitna sa aming dalawa at nagtataka na tumingin kay Liezel. "May I know what's the problem, Miss Madrid?" Pag uulit pa nito at agad namang ngumiti si Liezel na para bang walang nangyari. "She's someone I know. She's not even a degree holder pero nakalusot rito sa kompanya? Paano nangyari iyon?" Untag naman ni Donya Sylvia at mukhang plano talaga nila akong ipahiya sa maraming tao. Maging ang supervisor namin ay lumapit na sa amin upang malaman kung ano nga ba ang nangyayari. Narinig ko ang bahagyang pagbuntong hininga ni papa dahil sa sinabi ni Donya Sylvia. "Mrs. Francisco, we're giving a chance to
Maxine's POV NAGING usap-usapan ang mga naging pasaring sa akin ni Donya Sylvia at Liezel sa buong kompanya. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pagkailang dahil halata sa aking kasamahan na may mga opinyon ito patungkol sa mga nangyayari. "Maxine?" Pagtawag sa akin ni Aria kaya naman agad ko itong nilingon kahit na abala ako sa aking binabasa. "Totoo ba talagang naging asawa mo si Mr. Lawrence Francisco?" Muli na naman nitong tanong na ikinabuntong hininga ko na lamang. Panay kasi ang tanong nito sa akin kung totoo ba talaga ang bagay na iyon. Mukhang hindi kapani-paniwala para sa kanilang lahat ngunit iyon ang katotohanan. Isa pa, si Donya Sylvia naman ang nagpakalat ng bagay na ito. Talagang gumagawa s'ya ng paraan para masiraan nila ako sa ibang tao ngunit wala akong pakialam. Hahayaan ko silang gawin ang gusto nilang mangyari. "Siguro kailangan ko na lang irecord ang sagot ko sa bagay na iyan, ano?" Naiiling kong tugon kaya napangisi naman ito dahil sa narinig. Wala nama
My heart raced when I saw her rushing came to my car, asking for helped and she looked so helpless. I recognize her when I saw the picture from Don Ignacio which was happened to be his biological father. I immediately opened the door so she can hop in, that was the night where all it started. My feelings towards her were undeniable! I can't help it, I can't help myself to be so in love with that woman who stole my heart and effortlessly change my whole damn life. "You may now kiss the bride!" I smiled at her when Tyler and Aria sealed their promises, today is their wedding. And I am right here beside with the woman I love most. "They look good together!" "Daddy, picturan mo kami ni mommy!" Yes, my daughter knows how speak Filipino language since natuto na ito nang husto. I really love seeing them together, with their beautiful sweetest warming smiles! I promise to my self to be the best dad and husband to my family. I did my best to give the best life
Maxine's POV TODAY is the day I have been waiting for. Ngayon kasi ang kaarawan ni Dianara and she's officially become my daughter! Alam kong napasaya ko s'ya noong nalaman n'yang ako mismo ang magiging mommy n'ya. Naging emosyonal ito at mas lalong naging sweet noong maiuwi na namin s'ya sa bahay.Rusty and I decided na dalhin s'ya rito sa pilipinas. Gusto ko kasing makilala n'ya si daddy pati na rin ang iba pa naming kaibigan na tinanggap naman s'ya ng buo. I become an instant mom when I had Dianara ever since kahit noong nasa bahay ampunan pa lamang s'ya, kaya nga ganito ang closeness naming dalawa at kahit ang iba ay sinasabi nagiging magkamukha na kami! Nakakatuwa lang dahil natupad ko ang pangako ko sa kanya. Gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano kasarap magkaroon ng isang pamilya, gusto kong maintindihan n'ya na may pamilyang handang gumabay sa kanya sa lahat ng oras. Si mommy Katy ang mismo nagpaasikaso sa venue, mas excited pa nga silang dalawa ni daddy kaysa sa akin.
Maxine's POVHALOS hindi ko na ata mabilang sa aking daliri kung ilang beses na akong bumuntong hininga sa araw na ito. I'm still with Rusty at sa oras na ito ay hindi na ako natutuwa dahil ang dami n'yang gustong gawin. "Can I stay with you? I mean, you know I don't have a house-" hindi ko na pinatapos pa ang balak nitong sabihin dahil mukhang alam ko na ito. Inis ko itong sinipat dahil hindi ko alam kung sinasadya n'ya ba talaga ito o hindi pero naiinis pa rin ako kahit na ano pang gawin n'ya. Alam mo yung pakiramdam na kahit wala din s'yang ginagawa pero mas lalo kang naiinis? Damn, hindi ko alam kong may sayad na ba ako dahil sa ganitong pangyayari! "Ang daming hotels d'yan, Rusty! Puwede kang mag stay buong magdamag." Malamig kong tugon ngunit talagang hindi ito nagpapatinag! "We're going to be a husband and a wife," pilosopo nitong pahayag na ikinailing ko na lamang. "So, I think it's inappropriate if we're separated?"And yes, for the sake of Dianara's
Maxine's POV NAPANGITI ako nang tuluyang makita si Dianara kasama si Jasper. Agad itong tumakbo papalapit sa akin habang suot ang paborito nitong damit at may dalawang ribon pang tali sa kanyang buhok. "I miss you!" Bulong ko rito nang mayakap ko ito ng mahigpit. Ngumiti ito sa akin at agad na humalik sa aking pisngi. "I miss you more, Miss M!"Nakita kong maging si Jasper ay napangiti na lamang sa aming dalawa agad kong hinawakan ang kamay ni Dianara saka hinarap si Jasper. "Any update?" Tanong ko rito at bahagya pang napatango ito sa narinig. "Don't worry, dear!" Nakangisi nitong tugon na ikinairap ko sa kawalan. "May nahanap na ako! And take note, malinis ang record, mabait, mayaman, at guwapo na matipuno pa!" Aniya na ikinailing ko na lang. Hindi ko alam kung may mga katotohanan ba ang mga pinagsasasabi n'ya pero siguraduhin n'ya lang talaga! Iyon na lang ang hinihintay ko para mapasaakin si Dianara bago ito magdiwang ng kaarawan n'ya! I'm planni
Maxine's POV GUSTO ko itong itulak papalayo ngunit agad nitong hinapit ang aking bewang papalapit sa kanya. Unti-unting namuo ang inis sa aking dibdib dahil sa kalapastanganan nitong halikan ako nang basta-basta! "How dare you!" Sa wakas ay matagumpay ko itong naitulak papalayo sa akin at agad na dumapo ang palad ko sa pisngi nito. Malamlam ang mga mata nitong tumingin sa akin habang punong-puno nang galit ang puso ko dahil pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako nito. "Kung sa tingin mo, kagaya pa rin ako ng dating Maxine na nakilala mo puwes, nagkakamali ka Rusty!" Madiin kong saad bago ito nilampasan ngunit agad nitong hinigit ang aking kamay na ikinahinto ko. "I-I'm s-sorry-"Inis ko itong pinasadahan nang tingin at hinarap ng maayos. "Sorry? Sorry for what Rusty? I'm supposed to be with Dianara's operation! But look what you did! Kailangan bang hanggang ngayon guluhin mo pa rin ang buhay ko?!" Gusto kong pigilan ang sarili kong h'wag magsalita nang ma
Maxine's POV PAGOD akong naupo sa kama nang makapag-check-in ako rito sa isang hotel. Sobrang daming tumatakbo sa isip ko at hindi ko na alam kung ano pa nga ba ang dapat kong unahin. I get mad, I'm damn really mad because I should be the one taking care of Dianara. I can't imagine the fact na galit ito sa akin dahil hindi ko natupad ang pangako ko. Sana ay pinag-isipan ko muna ang pagpunta rito, kung puwede ko lang ibalik ang oras I would rather spend my time with that kid! She's precious. I love her and I cannot afford losing her! Akala ko, I can able to do everything for her! But I failed her! I failed her so many times! Napahinto ako sa pag-iisip nang tumunog ang buzzer kaya naman inis akong tumayo! Pinaalala ko nang ayokong may nang-iistorbo sa akin ngunit mukhang hindi ata nila maintindihan iyon! "What is it?" Inis kong tanong nang mabuksan ang pinto dahil inakala kong isa ito sa mga staff ng hotel. Ngunit, napaawang na lamang ang aking labi nang makita si Tyler sa labas.
Maxine's POV NAPABUNTONG hininga na lamang ako nang mabalitaang nasa ospital ngayon si Tyler at ang sabi pa sa akin ay nag-aagaw buhay! Hindi ako magkandaugaga sa kakalagay nang aking mga gamit sa maleta upang agad na makauwi pabalik sa pilipinas upang makita at madalaw man lang ito. Iyon kasi ang naging bungad sa akin ni Aria noong tawagan ako nito sa kalagitnaan nang aking meeting. Agad kong inutusan ang aking secretary na ipagbooked ako nang flight pauwi sa pilipinas para lamang agad na makaalis. Nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi ko pa naisipang sumabay kay daddy noong umuwi ito pabalik roon! Edi sana hindi ganito kagahol ang oras! Napakabalashubas naman kasing magmaneho nitong si Tyler! Ano bang akala n'ya? Malapusa s'ya na may siyam na buhay? Tsk. Ang sabi pa ni Lexi, sumalpok raw sa isang truck yung kotse nito at hindi lang iyon! Talagang nagsend sila nang mga larawan ni Tyler sa akin at kung ano-anung nakakabit sa katawan nito. Habang nandito ako sa airport, hinihintay
Maxine's POV Four years had passed and now I have my own business clothing line, I become a model, and now everybody knows me because of my named I created in this industry. "Good morning, Miss Verano." My secretary hand me this contract from another company which I'm not interested. "Would you like to be part of this-"Hindi pa man ito natatapos sabihin ang mga bagay-bagay nang agad kong punitin ang kontrata na nasa aking harapan saka ito pinasadahan ng tingin. "No." Matigas kong saad bago ito napalabi saka marahang tumango. "Why would I spend my money with them? They're just wasting my time." Kaswal kong saad saka nito itinapon ang papel sa basurahan. Don't get me wrong, people. I don't trust anybody. Trusting them is like giving them a chance to completely ruin me and my life. Ito lang naman ang mga kompanyang gustong dumikit sa akin para gamitin ang pangalan ko upang tumaas sila at pagkatapos no'n? Sila rin mismo ang sisira sa akin sa bandang huli. Hindi na bag
Maxine's POV ITINAAS ko ang bote ng alak habang matamang nakapikit. "Wohooooo! Umorder pa tayo, Tyler!" Sigaw ko kahit na magkalapit lamang kaming dalawa. Napadilat ako nang mawala na sa aking kamay ang bote ng alak na hawak-hawak ko lamang! "No! You're drunk, Maxine! Baka mapagalitan pa ako ng daddy mo kapag nalaman n'yang hinayaan kitang uminom!" Inis nitong pahayag kaya napasimangot na lamang ako. Bakit ba napakakontrabida nitong kaibigan ko? Tsk! "C'mon! H'wag ka namang killjoy! Minsan lang naman ito kaya susulitin ko na 'no!" Muli ko na namang inagaw ang bote ng alak mula sa kamay nito saka tinungga! Muli na naman itong napailing saka inilabas ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa. Mukhang plano nitong tawagan si papa kaya agad kong inagaw ang cellphone nito. "Give me back my phone, Maxine! I'm going to call your father-" Tinakpan ko ang bibig nito gamit ang aking daliri saka mahinang natawa dahil literal na namilog ang mga mata nito sa g