Share

Kabanata 11.2

Maxine's POV

Ilang araw ko ng iniiwasan si Andrei. Hindi na rin ako halos lumabas ng kuwarto lalo na kapag wala si Lawrence. Minsan kasi ay napapansin ko ang mga pasimpleng paghawak nito sa akin.

Tulad na lang noong nakaraang araw, umaaga iyon at kamuntik na akong madulas.. mabuti na lang at nandoon si Andrei upang masalo ako.

Hindi pa ito nakontento at binuhat ako upang maihatid sa kuwarto. Nakita ko pa si Joy sa isang sulok na may kakaibang tingin na ipinukol sa akin kaya naman namamalagi na lang ako rito sa aming kuwarto.

Ayokong madagdagan pa ang mga bagay na maaari n'yang gawin.

"Hon?"

Napahinto ako nang makita si Lawrence na kakapasok lang sa aming kuwarto. Agad nitong hinubad ang kanyang coat at bahagyang niluwagan ang neck tie. Matapos nang ilang araw ay ngayon lang kami muling nagkita dahil abala pa rin ito sa kanilang kompanya.

"Damn, I'm so tired.." bulong nito nang mahubad ang medyas na suot at agad na nahiga sa malambot na kama. "Wait? Masama ba ang pakiramdam mo?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status