Share

Kabanata 30.1

Maxine's POV

HANGGANG makaalis kami sa apartment nina Aling Ester at Nanay Anita ay wala pa rin akong kibo. Nakatingin lamang ako sa labas at mukhang wala rin itong planong magsalita.

Alam kong nangangapa rin ito sa aming sitwasyon dahil sino bang mag aakala na ganoon na lang ang mangyayari sa pagitan namin? Kahit ata ikuwento ko ito kay Aria o kay Lexi ay hinding-hindi sila maniniwala.

Nagulat na lang ako nang marahas nitong inihinto ang sasakyan kaya naman nangunot ang noo ko nang sulyapan ko ito. Saka naman ito nagpakalawa ng hangin sa kanyang bibig saka tumingin sa akin ng diretso.

"Let's talk." Panimula nito saka ipinihit ang kanyang katawan paharap sa akin. Ilang beses akong napakurap saka napalunok dahil talagang seryoso ito. "talk to me, Maxine."

Napahilamos na lamang ako sa aking mukha dahil pakiramdam ko, wala naman akong masasabi pa. Ano pa ba kasi ang dapat naming pag-usapan?

"Talk to me or I'll kiss you right here, right now until we'll do that thing a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status