HALF DAY, puro lang kwentuhan ang ginawa namin dahil para sa kanila, boring ang activities sa umaga. Nag-set up na rin kami ng tent kahit pa malapit lang ang bahay-bakasyunan ni Sir Nick. Nag-ipon ng kahoy ang mga lalaki, kami namang mga babae ay nagluluto. Halos bente katao rin kami at mas marami ang lalaki.After ng lunch, nagkanya-kanya muna kami. Ang ilan ay natulog sa duyan, ang iba naman ay naglakad-lakad kahit mainit pa, at ang ilan ay pumunta sa bahay ni Sir Nick.Minabuti ko na lang na tumambay sa tent. Medyo mahina ang signal kaya hindi ako makatawag kay Ja. Nagme-message lang ako at halos fifteen minutes bago mag-send, tapos twenty minutes bago ako maka-receive.Naiinis nga si Ja. Gusto akong puntahan dito. Sabi ko naman, magsasabi lang ako kung gusto ko nang umuwi. Overnight is fun, pero hindi ko sila ganoon kakilala kaya standby lang si Ja when I say so.I smirked. Buti at hindi siya pumasok ngayon, mamaya lalo pa siyang magalit at hindi na a
Last Updated : 2022-09-15 Read more