TRUE TO his words, tiningnan niya ang apartment ko. And thanks God, safe ang place. “You are safe for now. So, nagte-text pa ba sa iyo ang lalaki?” tanong ni James habang sinisilid ang gamit niya. “Hindi pa, siguro pagod na sa pangungulit iyong tao. Mabuti na rin siguro ito.” Dati, halos minu-minuto kung mag-text, ngayon matatapos na ang araw, wala pa akong natatanggap. “You sound disappointed.” “What?!” “Oh, umuusok na naman ang ilong mo.” Kinuha niya ang isang cup ng instant ramen na niluto ko. Wala akong maihahain na homemade sa kanya, kaya magtiis siya. “Nga pala, nagyaya ang mga ka-batch ko na magpi-picnic sa Solong Falls bukas. Weekend naman at wala akong gagawin kaya pumayag ako.” “Niyayaya mo ba ako?” tanong niya. “Hindi, bakit naman kita yayayain?” “Grabe, ang sama mo na sa akin ngayon,” sabi niya at humawak pa siya sa dibdib niya na parang nasasaktan talaga siya. “Okay lang iyan. Kami-k
Terakhir Diperbarui : 2022-06-02 Baca selengkapnya