Share

Chapter 3 Mr. Single

KUNOT-NOONG pinagmasdan ko si RC. “What promise?”

“John, hindi ka namin ipipilit sa taong ayaw mo.” Bumaling ako kay Miguel. “At lalong hindi namin ipipilit ang ideals namin sa iyo. Alam namin na iyon ang pinakaayaw mo. Pero tumatanda ka na. Unico hijo ka pa-“

“Narinig ko na iyan. Honestly, hindi ko na rin alam sa sarili ko kung bakit nagkaganito ako. Naalala ko ganyang ganyan tayo kay Brix eh. Si Brix lang yata ang hindi nagbago mula high school.”

Naramdaman ko na tila binabasa ni RC ang buong pagkatao ko. That’s right, he hasn’t answered me yet. “What prom–“

“Mag-chill ka rin. Bakasyon. Out of town. Maghanap ka ng ibang pagkaka-abalahan. Hindi ko sinasabi na babae. Pero mas ok kung makahanap ka ng lifetime partner mo while you’re at it.” 

“Oo nga. Ang sarap sa feeling iyong uuwi ka, sasalubong sa iyo hindi katulong niyo kundi katulong mo sa buhay. Asawa mo. Dagdag pa ng mga makukulit at sobrang cute na mga bata. Speaking of, congrats pala Miguel. Daddy ka na! Let’s celebrate! Ako na ang bahala sa damit, sabihin mo lang kung babae o lalaki. Papasadya ko sa factory namin. Siguro naman si John na ang bahala sa ospital?”

“Surgical oncologist ako, hindi obgyne.”

Marami pa kaming napag-usapan, at hindi na naungkat pa ang topic sa pag-aasawa. Tumagal ng halos tatlong oras ang inuman namin hanggang sa pinauwi na sila ng mga asawa nia. Hindi na rin bumalik si Brix mula nang habulin niya ang kasamang babae.

Nang maiwan ako sa bar, nakaramdam ako ng pag-iisa. Ang weird dahil palagi naman akong mag-isa pero ang naramdaman ko ngayon, tila may kulang talaga.

Hindi na rin maalis sa isip ko ang mga binitawan nilang salita.

Family.

Kids.

Lifetime partner.

Hindi na ako pinatulog ng mga salitang ito.

“HEY MR. Single ready to mingle, nasabon ka ng dalawa kagabi, ano? How are you today?”

“Get lost!” I said, annoyed. Hinilot ko ang sentido ko.

Aside from I didn’t sleep a wink, I don’t want to talk to Brix, first thing in the morning. Lalo lang masisira ang araw ko. Ni hindi ko na nga maintindihan ang sarili ko, dumagdag pa ang walang magawa sa buhay na lalaking ito.

“Scary John! Pinapasabi nga pala ni Uncle Rod na kung pwede ka na raw makausap. Hindi mo raw siya pinansin kagabi sa bahay niyo pag-uwi mo.”

“What?!”

“Kita mo, hindi mo pala alam na narito sa Orlyn si Uncle. Sabihan ko na lang na puntahan ka rito sa opisina. Alis na ako.”

Pagbukas ni Brix ng pinto, sakto na naroon si Mark.

“Doc, in five minutes po.”

“What?” wala sa sariling napatanong ako kay Mark. Though I know that this sentence is my cue that I have an operation.

Maging si Mark ay naguluhan sa reaksyon ko. Si Brix, nakikiusyoso sa likod nito, halata sa mukha ang pag-aalala.

Paano kong nakalimutan na may naka-sched ako ngayong araw? I’m a surgeon for pete’s sake! Ilang beses akong huminga ng malalim.

“In ten minutes, please.”

Tango lang ang sinagot ni Mark saka umalis.

“Bro, okay ka lang? It’s not you to forget your scheduled surgery operation,” nag-aalalang tanong ni Brix.

“I’m fine. I just need some time alone. Now, if you won’t mind, can you please get your ass out of here?”

“Kung wala ka lang gagawin ngayon, magko-comment ako sa need some time alone mo na iyan,” he said.

“Shut up! Just get lost, will you?”

“Fine. Gotta go.” 

He left finally. I let out a sigh. I need to compose myself. I wash my hands and arms clean and wear my disposable operating gown and off I go to the operating room.

Kung tutuusin, halos lahat ng nakalinyang ooperahan ko sa maghapon ay mga minor lang na tumatagal ng kalahating oras na operasyon–in my normal state.

Pero ngayon, na gulong-gulo ang utak ko, napapadalas ang pagkakamali ko. Minsan pa na hiniwa ko ang pasyente kahit hindi pa nabibigyan ng pampamanhid. Mayroon din na halos maubusan ng dugo ang pasyente dahil natulala ako bigla. Pasalamat na lang ako na kasama ko si Mark, at maalam siya sa ginagawa. Ang iba sa team ay todo panic.

Kasalanan ko rin naman. Pero sa mga ganoong sitwasyon, hindi nakakatulong ang panic.

“Someone in your team reported what happened in the whole afternoon schedule. Care to explain?” asked Mr. Alfredo Dizon.

I am in the hot seat–the board meeting–which I find went overboard for this situation. “I admit my mistakes, and I am sorry.”

“Apologizing is not the appropriate thing to do here, Mr. Cruz. In case you mess up again and cause more damage, your sorry will never cure them, right?” Mr. Dizon said, showing he is the authority.

They all know that I own the biggest share in the hospital. But this time, Mr. Dizon is acting like he is above me. When I get back to my senses, I will show them who the boss is.

“I think you need to take a break, Doctor Cruz. Ever since you work here, I never heard you take a long vacation. Don’t worry, you will be paid. Just take your time,” said the Vice President.

“Maybe you stress yourself too much. You have the most surgical operations. You never made mistakes before. All your operations went well. We know you are capable of doing so but, we can’t afford such mistakes. It may affect your job, money, and lives. We can’t afford to lose such talent. So take our offer and have a long vacation to relieve yourself. It will be good for you. We'll take it from here so you don’t have to worry,” said one of the board members.

I should say “thank you” but words don’t want to come out of my mouth. It’s not that having a vacation in my current state is not a good thing. It’s just that I sense something’s wrong with their sudden suggestion.

“Okay,” I simply said and left the room.

“Finally.” I heard one of them say before I closed the door.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status