LAKAD-TAKBO ang ginawa ko habang palinga-linga sa daan papunta sa bungadan. Kung may makita na kahina-hinala ay kailangan maaksyunan. Mahirap na. Panay naman ang reklamo ni Brix pero ganoon din ang ginagawa.“Kapag ako nagka-appendicitis nang dahil dito, ikaw na ang bahala sa akin.”Pagdating ko sa entrance, agad kong tinanong ang nagbabantay sa convenience store. “Manang, iyong babae po kanina?”“Iyong girlfriend mo ba kamo? Nauna na, galit na galit. Nag-away ba kayo? Naku Hijo, hindi mo dapat hinahayaang mag-isa sa daan ang girlfriend mo. Baka mapano. Kahit safe itong lugar namin, naku!”Gusto ko sanang itama ang sinabi ni Manang. Pero sapat na sa akin na malaman na nakarating naman dito ang babae.
NAHAMPAS KO ang desk na gumulantang sa mga nag-uusap na nurse.“I’m a doctor. I will tend to her,” mariin na sabi ko. A second wasted is a minute taken away from her.“Pero, Sir-““Do you want me to wait for a doctor while my wife is dying here?!”Mabilis naman silang tumayo at hinanda ang operating room na nasa likod lang ng receiving desk. Pinuntahan ko ang babae. Habol niya na ang hininga. She is frowning and a tear escape from her eyes.“What are you dreaming right now, hmm?”Tumunog ang phone niya sa loob ng bag niya.“I’m sorry, Miss,” bulong ko at kinuha ang dipindot na phone niya.May tumatawag na pangalan ay James.“Hell-““Elle, where are you?!”“She’s in the hospital.” Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at sinabi ang lokasyon ng ospital. Hindi na siya nagtanong kung ano
KAILANGAN KO rin naman bumalik sa sariling ospital para alamin kung totoo nga ang mga sinabi ni Uncle Rod. And this excuse is not bad.Binyahe ko ang natutulog na si Ellyna na mukhang nasa coma, kasama ang kapatid niyang si Ezekiel.Kalahating oras lang ang ginugol ko sa pagtanggal ng iniinda niya sa kanang dibdib, ngunit isang araw na ang lumipas, hindi pa rin siya gumigising.Pinatingnan ko na rin siya kay Mia. Sinabi ko sa kanya ang history ni Ellyna pati na ang pagkakabaril. Ang tanging sagot lang sa akin ni Mia ay wala namang problema sa ulo, papagpahingahin ko lang.Nagpaalam ang kapatid niya na dadalhin sa biopsy lab ang mga natanggal kay Ellyna for further examinations. Mukha namang hindi malignant pero para na rin makasiguro. Naiwan akong nagbabantay kay Ellyna.Mayamaya ay may kumatok sa pinto. Kahit hindi ko tingnan, alam kong si Mark iyon dahil sa paraan ng pagkatok niya. “Doc, welcome back. Babalik na po ba kayo?”&l
SAMPAL AT sabunot ang inabot ko kay Ellyna. Is she aware that she is in my territory?“What the fuvk are you saying, you jerk?!”This innocent young lady is cursing me. Mukhang pagsisisihan ko yata ang desisyon kong ito.“Elle, umayos ka!” saway ng Kuya niya.I signaled her brother to step back. “Let me talk to her. Alone.”Nagdalawang-isip pa siya pero tumalima kalaunan.Maingat kong nilayo ang kamay niya sa buhok ko. “Look here, Miss. First of all, I own this hospital. Second, I am trying to consider your situation but you show no gratitude at all. Now you choose. Be my wife and forget about the bills, or pay the bil
ANG WALANG hiyang Brix, nagpatawag na naman ng pagtitipon–farewell party sa pagiging single ko. Isang buwan na mula nang mag-propose ako kay Lyn. At sa darating na linggo, ikakasal na kami.Si Mom ang nag-asikaso ng lahat. Sinabi ko lang sa kanya na simpleng kasalan lang ang gawin. Ayaw niya pang makinig noong una, pero sabi ko na iyon ang gusto ni Lyn.“Bro, it never crossed my mind that you’re into baby girls. Kung alam ko lang, mga menor de edad ang pinapapasok ko rito sa bar.”Gago talaga kahit kailan si Brix. Malaman-laman ko lang na may ginagawa siyang illegal sa bar, ako mismo magsusuplong sa kanya sa pulis.“So, where is this girl? Where did you find someone willing to take you head-on?” RC asked.“Alam niyo ba, mga Bro? Na-love at first sight si John doon sa babae! Nakita namin siya sa probinsya noong nagbakasyon kami. Dalawang buwan pa lang, kasal agad. Ayaw nang pakawalan. Todo deny pa n
“MAY SAKIT ka ba? Bakit ka umuubo? Pinapabayaan ka talaga ng asawa mo, ano? Huwag ka nang magsinungaling na bata ka!”Naka-loud speaker pala siya. Naghahanap siya ng kung ano sa ref habang mahina ang ginagawang pagkanta.“Wala po akong sakit. Sabi ko po ‘di ba? Mabait ang asawa ko at hindi pabaya,” sabi niya at muling umubo.Napapikit ako nang mariin. Kaya pala umuubo. Ako namang parang sira kung mag-alala rito. I guess I should stay a little longer here to see how well she stab my back.“Sige na po, Ma. Mag-aasikaso pa po ako. May pasok pa po ako,” paalam niya kayMama.“Aurgh! Ang sakit sa lalamun
BLUE IS purring in my hands as I look in his eyes. Sabado ngayon at walang pasok. Hapon na nang matapos ako sa paglalaba. Gusto ko sanang igala si Blue sa dike kaso pagod ako kaya dito ko siya dinala sa rooftop.Nang umuwi ako sa apartment nang araw na nagpaalam si Ja, isang golden retriever na may golden yellow na balahibo ang nadatnan ko. I felt so embarrassed when I realized na ang sinasabi ni Ja na anak niya ay isang aso. Hindi niya naman kasi nilinaw na fur daddy siya. And this guy here is reminding me every minute that I am married.I keep hearing him barking “mom” sa tuwing meal time. At sa tuwing matutulog ako, he will bark two times and remain silent sa balcony. Kapag uuwi ako, nag-aabang siya sa pinto with his tongue stick
KALAHATING BUWAN akong tumambay sa bar ni Brix. Nagsimula na rin kaming mangalap ng impormasyon. Sinimulan namin sa backgrounds ng lahat ng empleyado sa ospital, mapaluma at bago. Sa loob ng mga oras na iyon, hindi pa kami nangangahalatian. Pinaubaya ko na lang iyon kay Brix. Wala naman siyang ibang ginagawa kundi babae at alak. Ayos naman sa kanya.Pinatawag din ako ni Uncle, kung maari ay sa probinsya muna ako mamalagi. Hindi na ako tumutol. Gusto ko rin makasama si Lyn.I want to feel what it’s like to go home with a wife waiting for me. However, our marriage is different from normal. So these kinds of things are better to stay in my imagination.Pagdating ko sa apartment niya alas tres ng hapon, si Blue lang ang naroon at tahol nang tahol. May nakahanda na rin na pagkain para sa buong magdamag sa bowl niya. Walang lutong pagkain, malinis ang buong kabahayan, at mukhang kaaalis niya lang.Basa pa ang lababo, maging ang sahig sa banyo. Malakas din