Home / Romance / I Want Romance For A Lifetime / Chapter 4 From The Past

Share

Chapter 4 From The Past

NADAGDAGAN na naman ang isipin ko sa buhay. Kailangan ko talaga ng mahabang bakasyon.

Bakit sinabi iyon ni Mr. Dizon? Tila ba gusto nila akong paalisin sa lugar na ito. Kung sakali man na hindi ako isa sa mga may-ari ng ospital, asset ako dito. Gaya ng sabi nila, isa ako sa mga magaling na surgeon ng ospital, kaya bakit?

Pagbukas ko ng pinto sa opisina ko, nadatnan ko si Brix na seryoso sa ginagawa. Tahimik siyang nakaupo sa harap ng lamesa ko habang kinukuhanan ng BP ni Uncle Rod.

“Anong nangyari sa iyo, Brix?”

“Nadapa ako kanina, sa maling tao.”

“Uncle,” tawag-pansin ko kay Uncle na hindi pinansin si Brix. Tinanguan lang ako ni Uncle.

Nagtimpla muna ako ng kape bago tuluyang maupo at harapin silang dalawa.

“Nakakailang tasa na kami ng kape kahihintay sa iyo. Anong balita?” tanong ni Brix.

Nagkibit-balikat lang ako. Wala ako sa mood. Kung pwede lang, gusto ko muna mapag-isa ngayon.

“Hey, Son.” Agaw-pansin ni Uncle. “I heard your operations didn’t go well. Is there something bothering you?”

Napapikit ako nang mariin. Hindi ko pwedeng sabihin na ang sinabi ng mga kaibigan ko ang pumupuno sa isip ko ngayon.

“Wala naman po,” magalang na sagot ko. “Gusto niyo raw po akong makausap?”

“Normal po ba ang BP ko, Uncle?”

“Hindi na. Nasobrahan ka na sa babae.”

This is the first time someone told him that, and he remained silent. Guess having an uncle like him is bad for Brix.

“Bakit hindi si John ang pagsabihan niyo?”

Binabawi ko na ang sinabi ko.

Remained silent, my ass!

Binaling ni Uncle ang atensyon niya sa akin.

“Ang Mommy mo, tumawag sa akin. Pilitin daw kitang magbakasyon muna at maghanap ng-“

“Wait.” Tinaas ko ang kamay ko para patigilin si Uncle. “I think I know where this is going and I don’t want to hear it.”

Bumuntong-hininga siya. “Nasabi na rin ni Mia na pinagbabakasyon ka ng board. Kahit ang management, alam ang kailangan mong gawin. Ikaw na lang ang hinihintay. Kung narito lang ang daddy mo…”

“Uncle,” Brix said in a low voice.

Nanatili akong tahimik. Humigop ng kape at hinayan ang sarili na sagutin ang mga sinabi ni Uncle sa likod ng isip ko.

Kung narito ang tatay ko, oo pagagalitan niya ako sa kapalpakan ko. Sasabihin niya na magpahinga ako. Pero hindi niya ipagpipilitan na tumigil ako sa trabaho ko nang ganoon katagal.

It is a duty I promised to fulfill on his grave–a duty to save lives.

“Oh, by the way, since you are going to take a break, why not have a visit in the province?” Uncle suggested.

It was a good idea. Matagal-tagal na mula noong huling punta ko sa kanila.

“I’ll think about it. If I were to have a vacation, I’d rather spend it with Mom.”

Umalingawngaw sa maliit na kwartong ito ang nakakalokong tawa ni Brix. Ang sarap selyuhan ng tasa ang bibig niya.

“Bro, nagpapatawa ka ba? Apo ang hanap ng nanay mo. Meaning? Sawang-sawa na siya sa pagmumukha mo. Maawa ka.”

“Eh kung basagin ko iyang mukha mo? Huwag kang mag-alala. Ako ang mag-oopera sa iyo, libre pa. Please accept the offer.” I even rolled up my sleeves and show Brix my fists.

Tumayo siya at pinatong ang mga kamay sa lamesa ko na tila hinahamon ako kung kaya kong gawin iyon.

“Haha, salamat na lang. But I need to decline your very kind offer.”

Kapag ganitong wala ako sa mood, nag-sparring kami ni Brix. Kaya ang lakas ng loob niya na hamunin ako kahit taliwas ang lumalabas sa bibig niya.

“Tama na iyan.” Awat sa amin ni Uncle.

Bumalik sa kanyang upuan si Brix. “Magsusuntukan lang naman-“

Naitikom niya ang bibig nang samaan siya ng tingin ni Uncle.

Nanahimik na lang kami pareho. Hindi namin kayang sawayin si Uncle. Bukod sa nakatatandang kapatid siya ng tatay ko, tumayo rin siya bilang ama sa aming dalawa ni Brix.

“John, pwede ka rin magtrabaho sa ospital kung saan ako nagtatrabaho, kung hindi ka mapakali na walang ginagawa sa buhay.”

For the first time, no one told me to look for a wife.

PASADO ALAS-NUEBE na at kararating ko lang sa bahay. Wala naman akong masyadong ginawa sa ospital. Gusto ko lang mapag-isip-isip iyong nangyari sa operation room.

Pagpasok ko, nadatnan ko si Mom sa sala. Tahimik siya habang nagbabasa ng magazine. May tsaa rin at sugar-free na biscuit sa mesa.

“Mom,” tawag ko.

“Hindi mo na kailangan pang magpaalam. Pinaempake ko na ang mga gamit mo. Sumama ka na sa uncle mo, ngayon na,” sabi niya na hindi man lang ako tiningnan.

Napabuntong hininga na lang ako. Tumatanda na si Mom, alam ko. Pero hindi ko mahanap sa puso ko na ibigay ang gusto niya.

Lumapit ako sa kanya at naupo sa kaharap na sofa.

“Are you that sick of me?”

I want to say sorry for being a bad child to her. Pero lalo lang sumasama ang tingin ko sa sarili ko. Ayaw kong ipakita sa kanya na maging ako ay naiinis na rin sa kalagayan ko.

“John Cruz, huwag mo akong dramahan na bata ka! Lumayas ka na habang hindi pa kita sapilitang ipakasal kay Mia.”

Dahil sa narinig ay marahas akong napatayo. Dali-dali rin akong pumunta sa hagdan. Ngunit bago pa ako tuluyang umakyat ay hinarap ko si Mom na nagtatakang nakatingin sa akin.

“Alis na po ako. I love you. Good night!” sabi ko at patakbong umakyat papunta sa kwarto ko.

Narinig ko pa ang pagsigaw niya, “walang hiya ka talaga! Ganoon mo ba kaayaw magkaroon ng asawa?!”

Hindi sa ayaw kong mag-asawa. Wala lang talaga akong makita na gusto kong makasama. At isa pa, ayaw ko sa gusto niya na mapangasawa ko.

“Seryoso ba si Mom, si Mia pa talaga?”

I’d rather be single for life than marry her.

Kinuha ko na ang travel bag sa itaas ng kabinet. Kumuha na rin ako ng ilang pares ng damit at iba pang mga kakailanganin ko.

Kailangan kong umalis ngayon bago pa maubusan ng pasensya ang nanay ko, at tuluyan niya nang gawin ang masamang balak na iyon. Bukas na bukas din, babyahe ako.

Habang inaayos ko ang mga gamit ko, napatanong ako. Isang tanong na nakaligtaan na ng panahon.

Saan nga ba nagsimula ang lahat?

Kahit kailan, hindi ako nagkaroon ng seryosong karelasyon. Hindi rin ako nanligaw. Lahat ng nangyari noon ay isang normal para sa mapusok na mga taon ng pagiging teenager ko. Ni hindi ko nga matatawag na girlfriend ang mga babaeng nagpainit lang sa kama ko. Both parties agreed that no feelings attached. Magsawa man ang isa, walang maghahabol.

But why?

Why does it feel like I am longing for something from the past?

Why do I feel like I am waiting for someone to come back?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Reyna Faye Laxamana
interesting
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status