BUMALIK na sa pagtatrabaho si Ja sa Orlyn Medical Hospital. Nag-start na rin pumasok sa school si Raizel as Kinder. Si Raveia naman, ayaw magpaawat at gusto rin sumama sa kuya niya, kaya napagpasyahan namin ni Ja na papasukin siya sa Day Care Center. Binabantayan ko naman siya habang gumagawa siya ng arts, at nakikipaglaro sa ibang bata.But Ravi is different from her brother. Feeling naman ng bunso ko, matanda na siya just by going to school. She always say that she can go on her own na, kaya makalipas ng halos dalawang linggong pagpasok sa center, pinapauwi niya na ako. Umiiyak pa siya at nagwawala.“Mommy, nakakahiya! I’m a big girl now, see? Iwan mo na ako,” sabi niya at pinagtutulakan pa ako palabas ng room.“Ravi, no. I will play with you.”“I have friends na. I love you, Mommy. Uwi ka na po.”Pilit na ngiti ang ibinigay ko sa teacher niya na nakatingin sa ginagawa niya.“Mrs. Cruz, bunso
Magbasa pa