Home / Romance / Unveiling Mr. CEO's Daughter / Chapter 101 - Chapter 110

All Chapters of Unveiling Mr. CEO's Daughter : Chapter 101 - Chapter 110

134 Chapters

Kabanata 92: Event

DAHAN-DAHANG humakbang si Monica papasok sa loob ng silid kung saan dumadagundong ang malakas na tugtog ng musika at nagsasayawan ang mga ilaw na nakasabit sa bawat gilid ng lugar. Luminga siya sa paligid, tumambad sa kaniya ang maraming kilalang mga tao sa mundo ng business. Gusto niyang manliit dahil hindi naman siya dapat naroon. Kilala hindi lang sa pilipinas kung 'di sa ibang bansa ang mga naroon at kapwa sila bilyonaryo at masasabing nasa mataas na estado ng lipunang ginagalawan nila. Lumunok siya. Kinalma niya ang kaniyang sarili para hindi makita ng mga tao na kinakabahan siya at intimated sa mga naroon. Umayos siya ng tayo at postura, saka marahang naglakad habang palinga-linga sa paligid. Hindi niya maiwasang hindi mamangha sa kinalabasan ng pagpaplano nila para sa malaking pagdiriwang na iyon. Nagawa ng maayos ang lahat ng disenyo at naging mahusay ang pagkakagawa niyon. Nature feels ang buong lugar. Hindi sinasadyang nasagi ng mga mata niya si Shy, 'di kalayuan sa kinaror
last updateLast Updated : 2022-11-12
Read more

Kabanata 93: Get Him Back

"A-ANO'NG sinabi mo kanina?" tanong ni Monica nang makarating sila sa terrace ng gusaling kinaroroonan nila. Binitawan siya ni Zymon at humarap ito sa kabuuan ng malawak na siyudad kung saan kita nila ang maliwanag na ilaw na nagmumula sa iba't ibang gusali at bahay sa ibaba ng gusaling iyon. Bumuntong-hininga si Zymon. Humarap ito sa kaniya na blangko ang mukha. "I won't marry her kung sasabihin mong huwag kong ituloy, kung pipigilan mo ako na gawin iyon," sambit nito. Bumakas ang lungkot at kaba sa mukha nito na baka hindi niya pigilan ang pagpapakasal nito kay Shy. Naalala niya ang nakita niyang eksena, na may kahalikan si Shy at si Ronie ang lalaking iyon ngunit sa tingin niya hindi na niya kailangan pang pakialamanan iyon o sabihin pa kay Zymon kung hahayaan lang din naman niya itong magpakasal.Hindi siya nakaimik. May bumubulong sa kaniya na pigilan ang binata sa pagpapakasal pero may bahagi pa rin sa kaniya na natatakot sa pwedeng mangyari pagkatapos niyon, lalo't ayaw na ay
last updateLast Updated : 2022-11-12
Read more

Kabanata 94: New Life

MAKALIPAS ang isang buwan..."Kumusta ang supply ng ibang mga bulaklak, dumating na ba lahat ng orders natin?" tanong ni Monica kay Ria habang hawak niya ang record book na naglalaman ng listahan ng mga bulaklak na mayroon ang shop niya. Kasalukuyan niyang chini-check ang lahat ng pasamano kung kailangan pa nilang um-order ng ibang klase ng bulaklak dahil ang iba roon ay paubos na rin. Karamihan pa ay limitado ang supply kaya kailangan niyang makipag-unahan sa ibang mga shop."As of today po, Ate sabi ng supplier nasa byahe na raw po ang supply and they expect it to arrive tomorrow," sagot ni Ria sa kaniya.Tumango lang siya habang patuloy sa ginagawa niya. Nilagyan niya ng bilog sa record book niya ang isang uri ng bulaklak na wala na roon dahil ubos na. Humarap siya sa dalaga "Then, you can call now Mr. Gore for her requested bouquet, sabihin mong ready na for pick up ang pinagawa niya," utos niya, na tinutukoy ay ang customer ng shop. Ngumiti siya rito. Tumango si Ria habang nakan
last updateLast Updated : 2022-11-13
Read more

Kabanata 95: Muling Pagtatagpo

"WHAT?" gulat na sambit ni Monica nang marinig ang sinabi ni Crystal. Nabalitaan daw nito mula sa nobyong si Vincent na matutuloy daw ang kasal ni Shy at Zymon sa susunod na buwan. Na-delay lang daw iyon dahil sa biglang pagkawala ni Zymon. "P-paanong mangyayari iyon?" hindi makapaniwalang tanong niya.Naramdaman niya ang kirot sa puso niya na muling pumapatay sa pag-asa niya na magiging ok pa sila ni Zymon. Paano kung tuluyan na ngang maikasal si Zymon sa babaeng iyon? "Hindi ko rin alam, Monica pero iyon ang balitang galing kay Vincent and you know him, close sila ni Zymon." Narinig niya ang pag-ismid ng nasa kabilang linya. "Grabi talaga ang babaeng iyon, hindi talaga niya titigilan si Zymon hanggat hindi niya ito nakukuha. Ano'ng gusto niya, magpakasal kay Zymon habang nakikipaghalikan siya kay Ronie? She's b*tch, Monica," gigil na sabi ni Crystal dahil naikwento rin niya rito ang nakita niya noon sa event.Hindi agad siya nakaimik. Binalot siya ng kaba at pangamba na baka tuluya
last updateLast Updated : 2022-11-13
Read more

Kabanata 96: New Zymon

"Z-ZYMON! I-ikaw nga!" Nanatili ang mga mata ni Monica kay Zymon. Hindi siya makapaniwalang nasa harap na niya ang binata. Mahigit isang buwan niya itong hindi nakita at labis na pananabik ang naramdaman niya para sa binata. Bumilis ang tibok ng puso niya at kusang kumurba ang ngiti sa mga labi niya dahil sa bumalot na saya at ligaya sa kaniyang puso nang masilayan niya ito. Ang sabi ni Aunor bumalik na ito sa Manila, bakit nandito ulit si Zymon?Gusto niyang yakapin ang binata at kumustahin ito pero hindi siya makagalaw habang nakatingin lang dito. Hindi na niya pinigilan ang sariling ipakita rito ang pananabik at ligayang nararamdaman niya. Ngunit bakit wala siyang makitang katulad na emosyon sa binata? Blangko ang mukha nito.Kapagkuwa'y, umiwas sa kaniya ang binata at saka tumalikod. "Just wait here, nasa taas pa si Tita Aunor," kaswal na sambit nito bago naglakad palayo sa kaniya. Umupo si Zymon sa sofa at hinarap ang cellphone nito.Nanatili siyang nakatayo at nagulat sa inasal
last updateLast Updated : 2022-11-14
Read more

Kabanata 97: Car Scene

PASALPAK na umupo si Monica sa swivel chair na nasa opisina niya. Sinapo niya ang kaniya noo dahil hanggang ngayon hindi pa rin niya makalimutan si Zymon at ang naging pagkikita nila nang nagdaang gabi. Hindi pa rin siya makahuma sa pagbabagong naganap sa binata sa loob lang ng isang buwan. Sinubukan naman niya itong contact-kin noon hanggang ngayon pero hindi ito sumasagot. Sa kabila niyon, kinuhanan niya iyon ng pag-asa dahil kung wala na talagang pakialam sa kaniya si Zymon, noon pa lang ay nagpalit na ito ng sim card ngunit hindi nito ginawa.Mayamaya'y napapitlag siya nang marinig ang pag-vibrate ng cellphone niya na nakapatong sa table. Umayos siya ng pagkakaupo at kinuha iyon. Kumunot ang noo niya nang makita ang pangalan ng teacher ni Princess. Sinagot niya iyon."Hello, Miss Prado," bungad ng nasa kabilang linya. "Magandang araw po gusto ko lang po sanang ipaalam sa inyo ang darating na parent meeting bukas po nang 1 o'clock ng hapon," anunsiyo ni Jean Cris, ang guro ni Prin
last updateLast Updated : 2022-11-15
Read more

Kabanata 98: Parent Meeting

HINDI mapigilan ni Monica ang mapangiti habang inaalala niya ang nangyari nang nagdaang gabi. Muli niyang naramdaman ang pag-aalaga at concern sa kaniya ni Zymon at iyon ang panghahawakan niya para hindi sumuko dahil alam niyang sa kabila ng kinikilos at sinasabi nito, kabaligtaran iyon ng nararamdaman nito.Dahil sa nangyari at sayang naramdaman niya, nakalimutan niyang kasama pala niya si Jericho nang nagdaang gabi. Dahil sa guilty niya, tinawagan niya ito nang maalala niyang iniwan niya ito sa restaurant. Gumawa na lang siya nang alibi na tumawag ang yaya ni Princess dahil hinahanap siya nito. Mukhang nakumbinsi naman niya ang binata.Simula sa paghatid niya kay Princess sa paaralan hanggang sa pagdating niya sa shop, nandoon pa rin sa kaniyang mga labi ang matamis na ngiti at sayang matagal niyang hindi naramdaman. Halos ayaw na nga niya hubarin ang jacket ni Zymon na ipinasuot sa kaniya nang nagdaang gabi. Kung pwede nga lang sana na suot niya iyon hanggang ngayon gagawin niya, k
last updateLast Updated : 2022-11-15
Read more

Kabanata 99: Sick

DAHIL sa nalaman ni Monica na pumunta si Zymon sa school ni Princess para sa meeting nito, hindi niya maiwasang hindi isipin na baka ginagawa lang ni Zymon na iwasan siya para iparamdam sa kaniya ang sakit na naramdaman nito noong itinataboy niya ang binata. Gusto niyang paniwalaang mahal pa rin siya nito, na baka tinitiis lang siya ni Zymon kaya hindi siya papayag na mawala pa ito sa kaniya. Gagawin niya lahat para muli siya nitong tanggapin. Kung kailangan niyang suyuin ang binata at gawin ang ginawa nito noon, gagawin niya dahil hindi niya yata kayang tanggapin kung matutuloy ang kasal nito kay Shy.Ngumiti siya at dahan-dahang bumaba sa sasakyan niya. Muli na naman siyang namangha nang makita ang magarang bahay ni Aunor. Ito na ang simula nang pagsuyo niya sa binata. Kukulitin niya ito hanggang sa muli siya nitong tanggapin at sabihing mahal siya.Kahit kinakabahan siya na baka sungitan siya ni Zymon, binalewala niya iyon. Humugot siya ng lakas ng loob sa pagmamahal na mayroon siy
last updateLast Updated : 2022-11-17
Read more

Kabanata 100: Personal Nurse

BINALOT ni Monica si Kevyn nang makapal na kumot habang nakabaluktot ito. Hindi mawala ang labis na pag-aalala niya sa binata dahil alam niyang siya ang dahilan kaya ito nagkasakit. Gusto niyang itong yakapin at iparamdam dito ang init na kaya niyang ibigay pero hindi niya magawa dahil sa nararamdaman niyang konsensiya at sa galit ni Zymon.Bumuntong-hininga siya habang nakaupo sa gilid ng kama nito at pinagmamasdan ang natutulog na si Zymon. Masyadong mataas ang lagnat nito kaya kinakaliglig ito.Marahan niyang sinapo ang noo ni Zymon at mainit pa rin noo nito. Hindi pa rin ito kumakain dahil nakatulog agad ito dahil siguro sa masamang pakiramdam nito. Tumayo siya sa pagkakaupo at nagpasiyang lumabas ng silid. Dumeretso siya sa kusina at nadatnan niya ang dalawang katulong na naroon at nagluluto. Pakiramdam niya tuloy ay masyado siyang feel at home kaya nakaramdam siya ng hiya sa mga ito.Ngumiti siya. "Ate, kailan po babalik si Tita Aunor?" tanong niya habang abala ang mga ito. Nagk
last updateLast Updated : 2022-11-18
Read more

Kabanata 101: Pagtitiis

MATAPOS magluto ni Monica nang lugaw, agad siyang naghanda ng pagkain para kay Zymon. Kanina pa kasi itong tulog at hindi pa kumakain, kailangan din nitong uminom ng gamot para madali itong gumaling. Dahil sa labis na pag-aalala niya sa binata hindi niya naramdaman ang gutom kahit pasado ala-una nang hapon at hindi pa siya kumakain.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng silid ni Zymon habang bitbit niya ang tray na may nakalagay na lugaw at tubig. Nang makapasok siya sa silid, bahagya siyang nagulat nang makitang wala nang kunot si Zymon at nakatihaya ito. Marahil nakaramdam na ito ng pawis at pagkabanas. Pinatong niya ang tray sa side table at mabilis na nilapitan ang binata. Nakita niya ang namumuong pawis sa noo nito kaya agad siyang naghagilap ng panyo para punasan ang pawis nito. Mabuti na rin na lumalabas na ang pawis ni Zymon, senyales na nababawasan na ang init sa katawan nito. Nang makakuha siya ng panyo, marahan niyang pinunasan ang noo nito hanggang sa parteng leeg ng b
last updateLast Updated : 2022-11-18
Read more
PREV
1
...
91011121314
DMCA.com Protection Status