"SAAN MO ba talaga ako dadalhin, Zymon, huh?" usisa ni Monica habang lulan siya ng sasakyan ni Zymon. Wala na siyang nagawa nang buhatin siya nito mula sa event place hanggang sa sasakyan nito. Sinubukan niya itong takasan pero hindi siya nito hinayaan. Mukhang balak talaga siya nitong itakas. "Sa tingin mo ba sa ginagawa mo pipiliin kita? Kahit ipilit mo, ipilit natin ang ating mga sarili sa isa't isa, hindi nga tayo pwede. Kaya please, stop this, Zymon, iuwi mo na lang ako," patuloy niyang pakiusap pero tila wala namang naririnig ang binata, patuloy lang ito sa pagmamaneho.Kapagkuwa'y binalingan siya nito. Seryoso ang mukha nito at bakas doon ang lungkot at tila pagkadesperado. "I'm sorry, Monica pero I need to do this if it's just the way to be with you. Alam kong mahal mo ako pero hindi mo kayang panindigan ang pagmamahal mo para sa akin. Pilit mo akong itinataboy kahit nasasaktan ka, kaya ako na ang gagawa ng paraan para magkasama tayong dalawa. Para mag-usap tayo, magkaroon ng
Last Updated : 2022-10-13 Read more