MAKALIPAS ang isang buwan..."Kumusta ang supply ng ibang mga bulaklak, dumating na ba lahat ng orders natin?" tanong ni Monica kay Ria habang hawak niya ang record book na naglalaman ng listahan ng mga bulaklak na mayroon ang shop niya. Kasalukuyan niyang chini-check ang lahat ng pasamano kung kailangan pa nilang um-order ng ibang klase ng bulaklak dahil ang iba roon ay paubos na rin. Karamihan pa ay limitado ang supply kaya kailangan niyang makipag-unahan sa ibang mga shop."As of today po, Ate sabi ng supplier nasa byahe na raw po ang supply and they expect it to arrive tomorrow," sagot ni Ria sa kaniya.Tumango lang siya habang patuloy sa ginagawa niya. Nilagyan niya ng bilog sa record book niya ang isang uri ng bulaklak na wala na roon dahil ubos na. Humarap siya sa dalaga "Then, you can call now Mr. Gore for her requested bouquet, sabihin mong ready na for pick up ang pinagawa niya," utos niya, na tinutukoy ay ang customer ng shop. Ngumiti siya rito. Tumango si Ria habang nakan
"WHAT?" gulat na sambit ni Monica nang marinig ang sinabi ni Crystal. Nabalitaan daw nito mula sa nobyong si Vincent na matutuloy daw ang kasal ni Shy at Zymon sa susunod na buwan. Na-delay lang daw iyon dahil sa biglang pagkawala ni Zymon. "P-paanong mangyayari iyon?" hindi makapaniwalang tanong niya.Naramdaman niya ang kirot sa puso niya na muling pumapatay sa pag-asa niya na magiging ok pa sila ni Zymon. Paano kung tuluyan na ngang maikasal si Zymon sa babaeng iyon? "Hindi ko rin alam, Monica pero iyon ang balitang galing kay Vincent and you know him, close sila ni Zymon." Narinig niya ang pag-ismid ng nasa kabilang linya. "Grabi talaga ang babaeng iyon, hindi talaga niya titigilan si Zymon hanggat hindi niya ito nakukuha. Ano'ng gusto niya, magpakasal kay Zymon habang nakikipaghalikan siya kay Ronie? She's b*tch, Monica," gigil na sabi ni Crystal dahil naikwento rin niya rito ang nakita niya noon sa event.Hindi agad siya nakaimik. Binalot siya ng kaba at pangamba na baka tuluya
"Z-ZYMON! I-ikaw nga!" Nanatili ang mga mata ni Monica kay Zymon. Hindi siya makapaniwalang nasa harap na niya ang binata. Mahigit isang buwan niya itong hindi nakita at labis na pananabik ang naramdaman niya para sa binata. Bumilis ang tibok ng puso niya at kusang kumurba ang ngiti sa mga labi niya dahil sa bumalot na saya at ligaya sa kaniyang puso nang masilayan niya ito. Ang sabi ni Aunor bumalik na ito sa Manila, bakit nandito ulit si Zymon?Gusto niyang yakapin ang binata at kumustahin ito pero hindi siya makagalaw habang nakatingin lang dito. Hindi na niya pinigilan ang sariling ipakita rito ang pananabik at ligayang nararamdaman niya. Ngunit bakit wala siyang makitang katulad na emosyon sa binata? Blangko ang mukha nito.Kapagkuwa'y, umiwas sa kaniya ang binata at saka tumalikod. "Just wait here, nasa taas pa si Tita Aunor," kaswal na sambit nito bago naglakad palayo sa kaniya. Umupo si Zymon sa sofa at hinarap ang cellphone nito.Nanatili siyang nakatayo at nagulat sa inasal
PASALPAK na umupo si Monica sa swivel chair na nasa opisina niya. Sinapo niya ang kaniya noo dahil hanggang ngayon hindi pa rin niya makalimutan si Zymon at ang naging pagkikita nila nang nagdaang gabi. Hindi pa rin siya makahuma sa pagbabagong naganap sa binata sa loob lang ng isang buwan. Sinubukan naman niya itong contact-kin noon hanggang ngayon pero hindi ito sumasagot. Sa kabila niyon, kinuhanan niya iyon ng pag-asa dahil kung wala na talagang pakialam sa kaniya si Zymon, noon pa lang ay nagpalit na ito ng sim card ngunit hindi nito ginawa.Mayamaya'y napapitlag siya nang marinig ang pag-vibrate ng cellphone niya na nakapatong sa table. Umayos siya ng pagkakaupo at kinuha iyon. Kumunot ang noo niya nang makita ang pangalan ng teacher ni Princess. Sinagot niya iyon."Hello, Miss Prado," bungad ng nasa kabilang linya. "Magandang araw po gusto ko lang po sanang ipaalam sa inyo ang darating na parent meeting bukas po nang 1 o'clock ng hapon," anunsiyo ni Jean Cris, ang guro ni Prin
HINDI mapigilan ni Monica ang mapangiti habang inaalala niya ang nangyari nang nagdaang gabi. Muli niyang naramdaman ang pag-aalaga at concern sa kaniya ni Zymon at iyon ang panghahawakan niya para hindi sumuko dahil alam niyang sa kabila ng kinikilos at sinasabi nito, kabaligtaran iyon ng nararamdaman nito.Dahil sa nangyari at sayang naramdaman niya, nakalimutan niyang kasama pala niya si Jericho nang nagdaang gabi. Dahil sa guilty niya, tinawagan niya ito nang maalala niyang iniwan niya ito sa restaurant. Gumawa na lang siya nang alibi na tumawag ang yaya ni Princess dahil hinahanap siya nito. Mukhang nakumbinsi naman niya ang binata.Simula sa paghatid niya kay Princess sa paaralan hanggang sa pagdating niya sa shop, nandoon pa rin sa kaniyang mga labi ang matamis na ngiti at sayang matagal niyang hindi naramdaman. Halos ayaw na nga niya hubarin ang jacket ni Zymon na ipinasuot sa kaniya nang nagdaang gabi. Kung pwede nga lang sana na suot niya iyon hanggang ngayon gagawin niya, k
DAHIL sa nalaman ni Monica na pumunta si Zymon sa school ni Princess para sa meeting nito, hindi niya maiwasang hindi isipin na baka ginagawa lang ni Zymon na iwasan siya para iparamdam sa kaniya ang sakit na naramdaman nito noong itinataboy niya ang binata. Gusto niyang paniwalaang mahal pa rin siya nito, na baka tinitiis lang siya ni Zymon kaya hindi siya papayag na mawala pa ito sa kaniya. Gagawin niya lahat para muli siya nitong tanggapin. Kung kailangan niyang suyuin ang binata at gawin ang ginawa nito noon, gagawin niya dahil hindi niya yata kayang tanggapin kung matutuloy ang kasal nito kay Shy.Ngumiti siya at dahan-dahang bumaba sa sasakyan niya. Muli na naman siyang namangha nang makita ang magarang bahay ni Aunor. Ito na ang simula nang pagsuyo niya sa binata. Kukulitin niya ito hanggang sa muli siya nitong tanggapin at sabihing mahal siya.Kahit kinakabahan siya na baka sungitan siya ni Zymon, binalewala niya iyon. Humugot siya ng lakas ng loob sa pagmamahal na mayroon siy
BINALOT ni Monica si Kevyn nang makapal na kumot habang nakabaluktot ito. Hindi mawala ang labis na pag-aalala niya sa binata dahil alam niyang siya ang dahilan kaya ito nagkasakit. Gusto niyang itong yakapin at iparamdam dito ang init na kaya niyang ibigay pero hindi niya magawa dahil sa nararamdaman niyang konsensiya at sa galit ni Zymon.Bumuntong-hininga siya habang nakaupo sa gilid ng kama nito at pinagmamasdan ang natutulog na si Zymon. Masyadong mataas ang lagnat nito kaya kinakaliglig ito.Marahan niyang sinapo ang noo ni Zymon at mainit pa rin noo nito. Hindi pa rin ito kumakain dahil nakatulog agad ito dahil siguro sa masamang pakiramdam nito. Tumayo siya sa pagkakaupo at nagpasiyang lumabas ng silid. Dumeretso siya sa kusina at nadatnan niya ang dalawang katulong na naroon at nagluluto. Pakiramdam niya tuloy ay masyado siyang feel at home kaya nakaramdam siya ng hiya sa mga ito.Ngumiti siya. "Ate, kailan po babalik si Tita Aunor?" tanong niya habang abala ang mga ito. Nagk
MATAPOS magluto ni Monica nang lugaw, agad siyang naghanda ng pagkain para kay Zymon. Kanina pa kasi itong tulog at hindi pa kumakain, kailangan din nitong uminom ng gamot para madali itong gumaling. Dahil sa labis na pag-aalala niya sa binata hindi niya naramdaman ang gutom kahit pasado ala-una nang hapon at hindi pa siya kumakain.Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng silid ni Zymon habang bitbit niya ang tray na may nakalagay na lugaw at tubig. Nang makapasok siya sa silid, bahagya siyang nagulat nang makitang wala nang kunot si Zymon at nakatihaya ito. Marahil nakaramdam na ito ng pawis at pagkabanas. Pinatong niya ang tray sa side table at mabilis na nilapitan ang binata. Nakita niya ang namumuong pawis sa noo nito kaya agad siyang naghagilap ng panyo para punasan ang pawis nito. Mabuti na rin na lumalabas na ang pawis ni Zymon, senyales na nababawasan na ang init sa katawan nito. Nang makakuha siya ng panyo, marahan niyang pinunasan ang noo nito hanggang sa parteng leeg ng b
"THANK you, Zymon for everything you've done para lang mauwi tayo sa ganito," malumanay na sabi ni Monica habang nakatingin siya sa labas ng bahay at nakatayo sa terrace niyon. Naramdaman niya ang pagyakap ng binata mula sa kaniya likod. Naririnig niya ang paghinga nito. Mas siniksik pa nito ang ulo sa kaniya leeg na animo'y inaamoy iyon. "You don't need to thank me, Monica dahil sapat na kayo ni Princess para sa akin. Kayo lang naman 'yong gusto kong makasama at lahat ng ginawa ko, dahil iyon mahal ko kayo and I'm willing to do everything for you and for our daughter," masuyo at puno ng pagmamahal nitong pahayag. Hindi niya maiwasang hindi makadama ng kilig na tila ba ang bawat salita nito'y humihipo sa kaniyang puso. "Salamat dahil hindi ka sumuko kahit pilit kitang tinataboy. You deserve the love, Zymon at sana sapat ang pagmamahal mo para maibigay ko kung ano'ng deserve mo." Humiwalay sa kaniya si Zymon at hinarap siya. Hinawakan siya nito sa balikat. Ngumiti ito na animo'y nag
SA KABILA nang galit ni Monica at Zymon kay Shy, Jericho at Ronnie, mas pinili nilang ang batas na ang magparusa sa mga ito. Kumuha sila nang legal na abokado para asikasuhin ang kasong sinampa nila para maparusahan ang kasamaang ginawa ng mga ito sa kanila. Mahirap patawarin ang mga ito, pero hindi naman niya sinasara ang puso niya para sa pagpapatawad pero ang parusa, mananatili sa kanila."Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" tanong ni Zymon sa kaniya habang magkahawak sila ng kamay at naglalakad sa parke malapit sa shop niya.Binalingan niya ito at ngumiti. "Sa ngayon, hindi ko pa sila kayang patawarin pero naawa ako kay Shy, she's pregnant and she needs care kaya gusto kong hindi na magsampa ng kaso sa ginawa niyang pananakit sa akin," sagot niya.Bumuntong-hininga si Zymon at ngumiti. "You're still concern to her kahit sinaktan ka niya at sinabotahe niya ang DNA test?" hindi makapaniwala pero manghang tanong nito.Umiling siya. "Hindi ako concern kay Shy, nag-aalala ako sa kalagay
DAHAN-DAHAN iminulat ni Monica ang mga mata niya. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang pagkirot ng kaniyang ulo kaya nasapo niya iyon at napagtantong may benda iyon. Nabahala siya nang maalala ang nangyari matapos niyang mawalan ng malay. Natigilan siya at bahagyang natulala. Naramdaman din niya ang kirot ng balakang at iba pang bahagi ng katawan niya na marahil dahil sa pagkahulog niya sa hagdan. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang walang malay."A-anak, gising ka na!" Napakurap siya at nagtaka nang marinig niya ang boses ng kaniyang ina. Binalingan niya ito at napagtanto niyang nandoon nga ang kaniyang magulang. "'Ma, 'Pa?" hindi makapaniwalang tanong niya. Ngumiti siya."Kumusta na ang pakiramdam mo, 'Nak?" tanong ng kaniyang ama.Hinawakan ni Terry ang kamay niya at marahan iyong pinisil. "Masaya ako na sa wakas nagkamalay ka na. Labis kaming nag-aalala sa nangyari sa iyo at kay Zymon kaya agad kaming pumunta rito sa Davao para maalagan ka namin. I'm sorry, 'nak dahil—"
AKMANG aalis na sana si Monica sa likod ng pinto ng silid kung saan naka-admit si Shy nang bigla iyong bumukas at niluwa niyon si Jericho. Natutop niya ng madiin ang bibig niya pero huli na dahil nakita na siya nito. Natigilan ang binata at agad bumakas ang labis na kaba at gulat sa mukha nito."M-Monica? W-what are you doing here?" gulat na tanong nito na namutla ang mga labi na animo'y tinakasan na ito ng dugo. "K-kanina ka pa ba riyan?" Lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa braso. "Let's talk, please!" Sinubukan siya nitong hilahin pero hindi siya pumayag.Marahas niyang binawi ang braso niya. Madilim ang tingin niya sa binata na tila ba kutsilyo iyong nakasusugat. "T-tama ba ang lahat nang narinig ko, Jericho?" malumanay pa niyang tanong pero may diin doon."A-ano'ng narinig mo? I-I expl—""Sagutin mo ang tanong ko, Jericho! Tama ba lahat nang narinig ko?" sigaw niya para putulin ang sasabihin nito. "Paano mo nagawa sa akin ito? Pinagkatiwalaan kita dahil malapit ka sa amin n
"ZYMON! ZYMON!" umiiyak na sigaw ni Monica habang palapit siya sa operating room kung nasaan si Zymon. Nang na-recieve niya ang balita mula kay Aunor, agad silang nagtungo ni Crystal sa hospital kahit pa malakas ang ulan sa labas. "Zymon!" Halos mawalan na siya ng hininga dahil sa labis na pag-iyak at kung hindi nga siya hawak ni Crystal, baka tuluyan na siyang nabuwal dahil sa labis na hapis na nararamdaman niya. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay Zymon. Kasalanan niya iyon. "M-Monica, please calm down! He'll be ok, magtiwala ka kay Zymon, lalaban siya," umiiyak na rin na pagpapagaan ng loob ni Crystal sa kaniya habang alalay siya nito. Nagpupumilit siyang pumasok sa emergency room para tingnan ang lalaking pinakamamahal niya. "P-papasukin niyo ako! Please, let me in gusto kong makita si Zymon," patuloy niya na halos pumiyok na dahil sa pag-iyak. "P-pero, hindi ka pwedeng pumasok sa loob. Zymon is there for the operation," ani Crystal. Sa pali
MAHIGPIT siyang niyakap ni Crystal nang makita siya nitong umiiyak sa sala nang bahay sa gitna ng maulang gabi habang nakatingin sa labas ng bahay at pinagmamasdaan ang pagpatak ng ulang tila ba nakikisimpatiya sa nararamdaman niya. Pakiramdam niya'y muli na namang nabasag ang puso niyang nabuo na sanang muli. Ang masakit pa, parehong tao lang din ang dahilan niyon."I'm here for you, Monic. Palagi akong nandito kapag kailangan mo ako, ok? Alam kong nasasaktan ka, napapagod at nahihirapan pero huwag mong mag-isang dalhin ang lahat dahil nandito kami para sa iyo," malumanay at puno ng concern na wika ni Crystal sa kaniya.Nanatili siyang nakahalukipkip at nakatingin sa labas. Suminghot siya at binasa ang mga labi. "H-hindi ko na alam kung paano ko pa kakayanin 'to, Crystal. Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan kong danasin lahat ng ito. Simula noon, nagtiis na ako sa lahat ng sakit na binabato sa akin ng mundong ito at akala ko'y matatapos iyon kapag hinayaan kong piliin ang gusto n
HINDI na kinaya ni Monica na maghintay na lang ng balita tungkol sa kalagayan ni Shy. Hindi na rin niya kayang maghintay kay Zymon na puntahan siya dahil marahil galit na galit ito sa kaniya kaya nagpasiya na siyang pumunta sa hospital kung saan naka-admit si Shy. Kinakabahan man siya pero wala siyang ibang maisip na paraan. Kailangan niyang malaman ang kalagayan nito dahil alam niyang iyon lang ang ikapapanatag ng puso at isip niya.Nang marating niya ang hospital, agad siyang tumungo sa nurse station at nagtanong kung saan ng silid ni Shy. Nagpakilala siyang kaibigan ni Zymon. Mabuti na nga lang at hindi na nagtanong pa ang nurse at tinuro nito na lang nito ang silid na inuukupahan ng dalaga.Mabigat ang bawat hakbang niya habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba sa maaaring malaman niya at maging reaction ni Zymon kapag nakita siya nito. Napalunok siya ng ilang beses hanggang sa marating niya ang private room na iyon.Nagdalawang-isip pa siya kung tutuloy o
HINDI mapakali si Monica habang palakad-lakad siya sa loob ng opisina niya. Gusto niyang pumumta sa Hospital kung nasaan si Shy pero alam niyang hindi pwede dahil mas lalo lang magiging malala ang gulo. Nanginginig ang kamay niya kaya marahan niya iyong pinipisil para pakalmahin. Kahit alam niyang wala siyang kasalanan, hindi pa rin niya maiwasang hindi kabahan at makonsensiya dahil kung hindi niya ito pinatulan, hindi na sana iyon nangyari. Anak pa rin iyon ni Zymon at marahil galit na galit ito sa kaniya. "Ate, ito po ang tubig, uminom po muna kayo," pukaw ni Ria sa kaniya nang makapasok ito sa silid dala ang tubig.Humarap siya rito. "K-kumusta na kaya si Shy, Ria? N-natatakot ako na baka may mangya—""Ate, ikalma mo ang sarili mo. You're not guilty, ok? Kung may mangyari mang masama sa anak ng babaeng iyon, hindi niyo ho kasalanan dahil siya ang gumawa niyon sa sarili niya." Bumuntong-hininga ito at lumapit pa sa kaniya. "Ate, alam nating pareho na wala kang ginawang masama. Si S
TAHIMIK lang si Monica habang nakahalukipkip at nakatingin sa labas ng bintana ng silid niya habang katabi naman ni Zymon si Princess at pinatutulog ito. Masaya siya na makitang ganoon na lang ang pagtanggap ng anak niya sa binata pero sa kabilang banda, nalulungkot siya sa katotohanang si Jericho pa rin ang ama nito. Nalulungkot din siya para rito dahil alam niyang labis niya itong nasaktan. Hindi niya masisisi kung galit ito sa kaniya dahil alam niyang may kasalanan siya sa nangyari. Hindi niya alam kung paano papawiin ang sakit sa puso nito, pero alam niyang matatanggap din ito ni Jericho. "Hey! Why you're so silent, huh?" Napabuntong-hininga siya nang marinig niya ang boses ni Zymon. Pinulupot nito ang mga braso sa baywang niya at ipinatong ang baba nito sa balikat niya. "Kanina ka pang tahimik, aren't you happy, Monica?" usisa nito. Bumaba ang tingin niya sa braso nitong nakayakap sa kaniya. Marahan niya iyong hinawakan at hinaplos. Nag-angat ulit siya ng tingin sa labas ng bint