Janina Marie Isang araw pagkatapos ng mala-bangungot na experience ko sa resort sa Naic ay nagkalat sa silid ko ang mga damit na dinala ko noong mag-swimming kami. Hindi ko kasi makita ang hinahanap ko. Pawis na pawis na ako at magulo na rin ang buhok ko. Magkahalo na ang sipon at luha ko pero hindi ko pa rin matagpuan ang bagay na mahalaga sa akin. "Janina, why are your clothes strewn here?" tanong ni lolo. Sumalampak ako sa sahig. Humagulgol na ako. Hindi ko magawang sagutin si lolo dahil alam kong pagagalitan n'ya ako. "Janina, what's wrong?" His tone is very calming pero hindi napayapa noon ang puso ko. He might get angry kapag nalaman n'yang nawala ko ang bracelet na kabibigay n'ya lang noong graduation ko. Ang bracelet na iyon ay regalo n'ya pa sa lola ko, minana ng mommy ko, at ngayon ay ipinasa na sana sa akin. "Nawawala ang pera ko, 'lo," pagsisin
Last Updated : 2022-04-24 Read more