JANINA MARIE
Nagtataka ako sa ikinilos ni Xavier. Ang sungit niya, napakawalang-puso at higit sa lahat ay weird siya. Kumain lang ako saglit sa canteen dahil natapos ko na rin naman ang paperworks na alam kong hindi naman importante pero rumaragasa siyang pumasok sa opisina niya na para bang galing siya sa pakikipag-away.
Gusto kong pagtawanan ang itsura niya pero kailangan kong maging mas mabait dahil alam na niyang apo ako ni Winston Villasanta. Nakilala n'ya na rin ako bilang mapapangasawa niya. Batid kong iyon din ang dahilan kaya pinahihirapan niya ako.
Hindi ko gustong maging secretary niya pero hindi ako makatanggi kay Sir Kurt Montefona. Sa tingin ko ay pwede kong maging kakampi ang Daddy ni Xavier kaya sunod-sunuran ako kahit labag na sa loob ko.
"Bongga ka na," wika ni Nene sabay tapik sa balikat ko. Five dapat ng hapon ng labas ko pero dahil kay Xavier kaya ala-sais na ako nakalabas.
"Kung alam mo lang," sambit ko. "Hindi talaga ako natutuwa sa bago kong trabaho."
"Mataray ba si Sir Xavier? Akitin mo, girl, para bumait. Agawin mo siya kay Sir Admerson," payo ni Nene.
"Sira! Hindi ko kaya ang tupak niya," reklamo ko.
Umikot ang mga mata ni Nene. Hinila niya pa ako pagkatapos naming mag-timeout para sabay raw kami sa jeep. Nakita kong palabas si Xavier sa lobby ng building kaya dali-dali akong sumunod kay Nene para hindi na ako makita pa ng masungit na CEO. Pagod na ako at gusto ko nang matulog kaya baka kapag mapagdeskitahan na naman ako ni Xavier ay makalimutan kong boss ko siya.
"Janina!"
Natapik ko ang aking noo. Si Tommy na naman ang sumigaw at nasa kabila ito ng kalsada. Alam kong batid niyang may anak na ako pero hindi pa rin niya ako tinitigilan. Si Xavier na noon ay nasa tabi na ng sasakyan niya ay nakatingin sa amin. Maliwanag pa kaya nakita niya ang naging expression ko.
Sa isang nakaparadang tricycle ako sumakay. Hinila ko na lang si Nene para hindi na kami mag-abang pa ng jeep. Nagulat man ang katrabaho ko, sumakay na rin siya.
"Lintek ka, Janina. Sagad na ang allowance ko. Special pa itong sinakyan natin. Paglalakarin mo ba ako pauwi ng Novelita?" tungayaw ni Nene.
"Ako na ang magbabayad. May extra pa naman akong pera rito. Ayaw ko lang talagang makipagtalo sa ex ko. Andoon pa naman si Sir Montefona."
"Ang haba ng hair mo, girl," tukso ni Nene sa akin. "Ayaw kang tigilan ng ex mo. Mukhang mayaman pa naman siya. Familiar sa akin ang mukha niya."
"Nene, malamang nakita mo na si Tommy kapag may kampanya. Anak kasi siya ni Senator Bueno."
"Talaga? Panalo ka pala sa kaniya. Bakit hindi mo balikan?"
"Hindi na. Kung noon ay patay na patay ako sa mokong na iyon, hindi na ngayon. Hindi ko siya pwedeng sandalan. Nakatakda na rin akong ikasal…"
Bigla kong natutop ang aking bibig. Hindi ko nga pala pwedeng sabihin kahit kanino ang tungkol sa nakatakda naming kasal ni Xavier. Kinulit ako ni Nene pero hindi ako nagbigay pa ng detalye. Naunawaan n'ya naman na hindi pa ako pwedeng magkwento tungkol sa bagay na iyon.
Nang gabing iyon, naabutan kong muli ang aking anak na naghihintay sa akin. Katulad ng tanong niya sa akin sa telepono, hinanap n'ya ulit ang papa niya sa akin. Gusto kong umiyak dahil doon. Naaawa ako sa anak ko. Siya ngayon ang nagdurusa dahil sa katangahan ko at dahil sa kapabayaan ko.
"Iha, how's your day?" tanong ni lolo.
"Okay lang po. Mabait naman si Xavier."
"Really? Nice to hear that. We do believe na magkakasundo talaga kayong dalawa ng apo ni Emmanuel."
"Kailangan ko ng himala, lolo," mahina kong usal.
Marami pang magagandang kwento si lolo tungkol kay Xavier ngunit nagkibit-balikat lamang ako. Hindi ko kasi makita ngayon ang sinasabi niyang mabait, over-protected at very generous na lalaki. Halimaw kasi ang nakita at nakasama ko kanina; at nang mga nakaraang araw.
Kinabukasan, tamad na tamad akong pumasok. Nakahiga pa kasi ako ay naiisip ko na agad ang mukha ni Xavier. Kung hindi lang talaga para kay lolo, mas gugustuhin kong gamitin ang pinag-aralan ko kaysa ang maging utusan lang ng lalaking iyon. Ibinilin ko kay lolo si Jude. I requested him na turuan ang aking anak habang wala ako. Kapakanan pa rin kasi ni Jude ang priority ko.
Sa company ay mas maaga akong dumating kaysa dati. Nagulat ako na pagpasok ko ay nasa labas na ulit ng opisina ni Xavier ang table ko.
"Sira talaga ang ulo niya. Pinagod lang talaga ako kahapon," bulong ko sa aking sarili.
Kumuha ako ng walis at saka nagsimulang linisin ang silid. Inayos ko rin ang table n'ya. Napangiti pa ako ng mapagmasdan ko ang picture frame na nakapatong sa kan'yang table. Family picture nila ang isa roon at ang isa naman ay picture nila ni Jake.
"Sorry, Jake. Hindi ko gustong agawan ka ng karelasyon pero kailangan talaga. Hindi ko nakalilimutan ang ginawa mong tulong sa akin noong nanganak ako. Inakala pa nga ng mga nurses na ikaw ang ama ni Jude," bulong ko habang nakatingin sa gwapong mukha ni Jake.
"What are you doing?" tanong ng isang baritono na tinig.
Muntik kong mabitawan ang picture frame nina Xavier at Jake dahil sa sobrang gulat. Mabilis ko iyong nailapag sa lamesa at saka yumuko ako bilang pagbati sa bagong dating.
"Janina? Is that you? Why are you here?" sunod-sunod na tanong ni Jake kahit hindi ko pa nasasagot ang unang tanong niya.
"Good morning, sir. Pinupunasan ko lang po ang picture frame. Hinahanap n'yo po ba si Sir Montefona?"
"Yes. I repeat, why are you here?"
Lumakad si Jake palapit sa mahabang upuan na nasa gilid ng opisina ni Xavier. Niyaya n'ya akong lumapit sa kaniya at umupo. Sumunod ako sa kaniya ngunit hindi ako naupo dahil nahihiya ako.
"Nagtratrabaho po ako rito, sir," sagot ko.
"Since when?"
"Almost one week na po."
"That's great. Madalas na pala tayong magkikita. I was expecting you to visit me pero hindi ka na nagparamdam pagkatapos mong manganak sa hospital. I became busy for the last three years kaya pasensya na kung hindi na kita na-kumusta pa. What happened to you, Janina, for the past years?"
"Sobrang nahiya po ako dahil sa laki ng tulong mo sa akin noon sa hospital kaya minabuti kong huwag nang tanggapin pa ang tulong na binibigay mo noon," sagot ko kay Jake.
Biglang may tumikhim mula sa aking likuran. Nagulat ako nang makita ko ang galit na mukha ni Xavier. Napairap ako dahil sa itsura niya. Ang aga-aga pero beastmode agad ang boss ko.
"Get out of here," utos ni Xavier sa akin.
"Xavier, I'm still talking to her," protesta ni Jake.
"She has a lot of work to do." Irritated ang boses ni Xavier kaya agad kong kinuha ang walis, dustpan at pamunas. Ayaw kong mapahiya kay Jake kaya mabilis ang naging kilos ko.
"Gusto n'yo po ba ng kape?" tanong ko sa dalawa bago ko isara ang pintuan.
"Yes, please," sagot ni Jake.
"No! O-order na lang ako sa labas. Baka lagyan mo pa iyan ng kung ano." Tumalikod na lang ako pagkarinig ko ng sinabi ni Xavier. Nakakapanginig talaga ng laman ang lalaking iyon.
Bago umalis si Jake ay hiningi n'ya ang bagong cellphone number ko. Hindi naman ako nag-atubiling ibigay iyon sa kaniya kahit karibal ko siya.
"Miss Villasanta, come to my office."
Napabuntong-hininga ako. Nakakainis ang boses ni Xavier kahit sa intercom ko lang iyon narinig. Subalit pagbukas ko ng pintuan, isang magalang na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya. Kailangan kong maging mahinahon dahil baka mabaliktad ko ang lamesa n'ya at hindi niya na ako pakasalan pa.
"You are not allowed to talk to Jake," nakasimangot niyang sabi.
"Ho?"
"Miss Villasanta, are you deaf?"
"No, sir."
"Iyon naman pala. Stupid! Get out!"
"Hays, kung hindi ka lang talaga…" naiinis kong bulong sa hangin.
"What is it, Miss Villasanta?"
"Nothing, sir."
Pagdating sa table ko ay agad akong uminom ng malamig na tubig. Huminga rin ako ng ilang ulit para lang mawala ang inis ko. Hindi ko kasi talaga maintindihan ang kasungitan ni Xavier.
Buong umaga ay wala akong trabaho. Hindi ko alam ang gagawin ko at wala rin siyang utos. Gusto ko na ulit pumasok sa opisina niya pero natatakot naman akong masigawan niya. Dahil doon ay naisipan kong umalis sa aking pwesto at puntahan ang dati n'yang secretary na nasa Line A.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ng dating secretary ni Xavier.
" Ano ba ang gagawin ko, sir? Simula eight in the morning, nakatunganga na lang po ako," sabi ko.
"What? Hindi mo ba in-inform si Sir tungkol sa meetings niya? Nilagay ko ang schedule niya sa table mo."
Nanlamig ang aking mga kamay dahil sa narinig ko. Hindi ko alam ang tungkol sa meetings at schedule ni Xavier. Wala akong nakitang kahit na ano sa table. Ang sinasabi ng dating secretary ng boss ko, hindi ko man lang nasilip iyon.
Dahil sa takot ay hinawakan ko ang kamay ng dating secretary ng CEO at hinila ko siya papunta sa pwesto ko. Saktong palabas naman si Xavier ng opisina niya at nakita niya kaming magka-holding hands ng dati niyang secretary.
Namula ang mukha ni Xavier at bigla rin hinila ng dating secretary niya ang mga kamay nito. Matalim na tingin ang ipinukol sa akin ni Xavier bago niya sinagot ang tawag ni Jake.
"I'm going out. Yes. Wait for me, Jake," mga katagang narinig ko.
Habang wala si Xavier ay itinuro sa akin ng dating secretary n'ya ang mga kailangan kong gawin. Dahil doon ay nakalimutan kong kumain ng tanghalian. Nang bumalik siya galing sa meeting nila ni Jake ay nawalan na ako ng oras para kumain. Tinambakan niya kasi ako ulit ng mga gagawin. Kahit mag-merienda ay hindi ko rin magawa dahil minamadali ako ni Xavier. Matindi na ang gutom na nararamdaman ko at hindi ako makareklamo.
"Come to the conference room," utos sa akin ni Xavier. Alam kong may meeting siya at ala-singko na ng hapon. Dapat ay out ko na at pwede na sana akong kumain pero hindi ko nagawa. Puro tubig na lang ang laman ng tiyan ko.
"Sir, baka pwedeng…"
"No!"
Lihim akong napamura. Kinuha ko ang mga kailangan niya sa meeting at dinala ko iyon sa conference room. Hindi ako natatakot sa mga sigaw niya pero ayaw kong mapahiya kaya sinusubukan kong gawin ang mga inuutos niya.
Hanggang sa sinigawan n'ya ako sa harap ng mga empleyado na kasama sa meeting. Pinababalik niya ako sa opisina n'ya dahil nakalimutan ko ang isang importanteng papeles.
Literal na nagdilim ang paningin ko dahil sa pagod at gutom ngunit pinilit kong makarating sa opisina ni Xavier. Ayaw kong mawalan ng malay sa hallway ng company dahil tiyak na sisipain ako ng walang-pusong CEO ng MEC. Hanggang sa aktong hahawakan ko na ang papel na ipinakukuha sa akin ni Xavier. Hindi ko na kinaya... Bigla na lang nanlambot ang aking tuhod at tuluyan na akong bumagsak.
Kukurap-kurap ako nang naramdaman kong nakalapat ang likod ko sa isang malambot na bagay.
"Damn it! What the hell is she thinking? boses ni Xavier.
"Calm down. She's safe na. Next time, huwag mong masyadong pahirapan. Baka mamatay iyan, may a…"
Napaubo ako bigla. Hindi pa pwedeng malaman ni Xavier ang tungkol kay Jude. Baka lalo niya akong ipagtulakan kapag nalaman niya iyon. Hindi kakayanin ng lolo ko kapag hindi natuloy ang kasal.
Dahan-dahan akong umupo. Parang kidlat na nilapitan ako ni Xavier. Mabilis niya akong naalalayan.
"Why didn't you eat your lunch? Are you attempting to commit suicide? Stupid! You're so stupid! You're a contemptibly obnoxious person," litanya ni Xavier.
Ang sarap manapak ng lalaki pero wala akong lakas para gawin iyon.
"Sir, uuwi na po ako." Sinikap kong tumayo. Hindi ko kasi alam kong ilang oras akong nakatulog. Tiyak na naghihintay na sa akin si Jude.
"Seat!" Hinila ako ni Xavier sa braso kaya napasalampak ako ulit sa upuan na hinigaan ko ng matagal.
Nagulat ako nang subuan ako ni Xavier ng pagkain. Napatingin ako kay Jake na nakamasid lang din sa amin habang naka-de kuwatro at hinihimas ang baba niya.
"Sir, ako na po," nahihiyang sabi ko at kinuha ko sa kan'ya ang kutsara. Ngunit hindi iyon binitawan ni Xavier. Nanindig ang mga balahibo ko nang mahawakan ko ang kamay niya pero hindi ako nagpahalata.
"Eat," maikli niyang sabi.
Wala na akong choice kun'di tanggapin ang pagkain at ibuka ang aking bibig. Gutom ako kaya kahit lugaw lang ang isinusubo n'ya sa akin ay tanggap lang ako nang tanggap. Dahil nanghihina ako, hindi ko masabi kay Xavier na hindi ako kumakain ang lugaw.
"Jake, umuwi ka na. Ako na ang bahala kay Miss Villasanta," wika ni Xavier.
"Ihahatid ko na siya. Gusto ko kasing makita si… By the way, Janina, I bought some stuff for him. Sana magkasya at..."
Bigla akong napalingon kay Jake. Mukhang nakuha niya ang ibig kong ipahiwatig kaya natigilan siya.
"No! Ako na ang bahalang maghatid sa kaniya. Si Janina ang sinasabi ko sa iyong nakatakda kong mapangasawa. I guess it's time to meet her lolo."
Wait! Galit ba si Xavier? Kagalit-galit naman talaga ang nangyari sa akin. Hindi na ako nagtanong pa kung ano ang mga naganap kasi baka singhalan niya lang ako.
"She's my friend, Xavier. Kahit pa siya ang mapapangasawa mo, hindi naman siguro masama na ihatid ko siya. You don't have any connection bukod sa nakatakda kayong ikasal sa isa't isa. We, on the other hand, are acquaintance friends."
"Don't worry, Jake. We'll make a connection while we're on the road."
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa magkarelasyon na nasa harapan ko.
"Nag-aaway na ba sila?" tanong ko sa aking sarili.
Bigla akong nakaramdam ng lakas. Hindi ko gustong ihatid ako ng kahit sino sa kanila para walang gulo. Baka mamaya ay magsabunutan pa sila sa harapan ni Jude, biglang ma-stress ang anak ko.
"Permission to leave, sirs. Wala pong maghahatid sa akin. Kaya ko po ang sarili ko."
"No! Stay!" sabay nilang sabi.
"Dito ka na matulog," mabilis na wika ni Xavier. "You're too weak to travel."
"Hindi po pwede. Hinihintay po ako ni Jude." Kulang na lang ay nagmakaawa ako kay Xavier.
Ngunit tila wala siyang narinig. Tumawag siya sa telepono at narinig namin ni Jake na kausap n'ya ang Daddy niya. Sinabi niya rito na tawagan ang lolo ko, sabihin dito na overtime ako sa trabaho at bukas na ako ng umaga uuwi.
Napatingin ako kay Jake. Gusto kong sabihin rito na hindi ako pwedeng hindi umuwi dahil naghihintay ang aking anak pero nagkibit-balikat lang siya.
"Sir, hindi talaga ako…"
"Stay here or else walang kasalan na magaganap," banta ni Xavier.
Nanlulumo na sumunod na lang ako sa kaniya nang inalalayan niya ako papasok ng silid niya sa office. Dahil hindi pa talaga ako nakababawi ng lakas kaya mabilis akong nakatulog kahit ang isip ko ay abala sa pag-aalala para sa anak at lolo ko.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Nang mahimasmasan ay saka ko lang na-realize na nasa isang mabangong silid ako na panlalaki. Malaki iyon at napakalinis. Kulay blue ang interior design kaya sobrang lamig sa mata. Biglang bumalik ang alaala nang naganap noon sa resort sa Naic. Bigla akong napabalikwas ng bangon at tumakbo palabas. Nagulat ako nang makita kong tulog sa couch si Xavier. Sa table na malapit rito ay maraming pagkain.
Dahan-dahan akong lumabas ng opisina niya. Kinuha ko ang aking gamit at saka nagmamadaling lumabas ako nang company. Nang makalabas ako ng Economic Zone, dumaan muna ako sa isang kainan bago sumakay ng baby bus pauwi sa Tanza. Late kong naisip na marami pala akong gagawin sa araw na iyon.
"Bahala na," bulong ko habang naglalakad ako papasok ng gate.
"Mama!" sigaw ni Jude.
Ibinuka ko ang aking mga braso para mayakap ko ang aking anak. Ngunit nagulat ako nang naramdaman kong mainit siya. Kinapa ko ang kaniyang noo at mabilis ko siyang kinarga papasok ng bahay.
"Lolo, bakit may lagnat si Jude?" Nag-aalala na tanong ko sa aking lolo na palabas ng kusina at may dalang kape.
"Oo nga. I was so worried last night. Tumawag si Kurt at sinabing busy ka sa company kaya hindi na kita inistorbo. Pinainom ko na si Jude ng medicine. He'll be fine later, Janina."
Ngunit hindi ako mapakali. Tinanong ko ang aking anak kung ano ang masakit sa kan'ya at wala naman daw. Bahin lang siya ng bahin.
"Pinainom n'yo po ba ito ng malamig na tubig?"
"Binilhan ko ng ice cream kahapon. Mainit daw at gusto niya. Kaysa umiyak, pinagbigyan ko na," sabi ni lolo.
May sipon ang anak ko kaya siya nilalagnat. Dahil sabi ng mama ni Althea na huwag ko raw sanayin sa gamot si Jude kaya kumuha na lang ako ng oregano leaves at pinainitan ko iyon sa kalan. Piniga ko iyon at saka pinainom sa aking anak.
Two days na akong absent sa trabaho nang tumawag ako sa HR Department at sinabi ko lang na emergency. Sa loob ng mga panahon na iyon, natahimik bigla ang mundo ko. Malayo ako kay Xavier at sa mga mata niyang parang agila.
Ngunit hindi ko inaasahan na sa pangatlong araw ay darating sina Mr. and Mrs. Kurt Montefona. Masaya ko silang pinapasok sa loob ng bahay. Sandali ko munang iniwan si Jude sa kapitbahay namin na kausap ko bago pa dumating ang mga magulang ni Xavier. Pagkatapos ko silang alukin ng pagkain at tumanggi sila, muli akong lumabas para kunin ang aking anak.
Ngunit hindi ko inaasahan ang eksena sa labas ng bahay namin. Si Jude, nakayakap sa hita ni Xavier habang matalim na nakatingin ang baklang CEO ng Montefona sa inosente kong anak.
JANINA MARIE Agad kong hinila ang aking anak at saka kinarga ito para protektahan kung sakaling kumilos ng hindi tama si Xavier. Ang mga mata kasi niya ay nag-aapoy sa galit at umigting din ang kaniyang panga. "G-good morning, sir," bati ko sa kaniya. "Whose child is it?" paasik na tanong ni Xavier. "Anak ko po, sir. Siya po si…" "I don't care who he is." Mabilis na lumakad si Xavier papasok ng bahay at iniwan kaming mag-ina. Napatunganga naman ang kapit-bahay namin at nakaimik lamang nang tinapik ko siya sa braso. "Nakakita ba ako ng demonyo o nakakademonyo na lalaki? Grabe ang kagwapuhan niyang taglay pero ang sama ng ugali. Ang taray niya, Janina," sabi ng kapitbahay namin. Gusto kong sabihin sa kaniya na bakla si Xavier kaya ganoon kung kumilos pero hindi ako nagsalita. Nakikinig kasi ang anak ko na bahagya ko lang tinakpan ang tainga nang magsalita na ang kausap ko. Ayaw ko rin isipin ng mga kapitbahay na bakla ang mapapangasawa ko at bigyan sila ng pagkakataon para
JANINA MARIEMaaga akong pumasok sa company. Isang maikling mini skirt ang suot ko. Pinarisan ko iyon ng isang white blouse na may long neckline. Pinatungan ko ng blazer ang suot ko para hindi ako masilipan habang nasa byahe pero tinanggal ko rin naman agad iyon pagpasok ko sa opisina ni Xavier. Nanggigigil kong ibinagsak ang dala kong papel sa lamesa niya nang pumasok ako sa kaniyang office. Naalala ko kasi kung gaano siya biglang naging mabangis nang pinunit ko ang tseke sa harapan niya pagkatapos kong ngumiti ng ubod landi. "I can't accept the check, sir. I want more," sabi ko. "Damn you! You're a fucking slüt! Pagkatapos mong magpabuntis sa iba, gagawin mo akong instant dad! No way! I will not marry you!" sigaw n'ya sa mukha ko.Ngunit hindi ako nagpatinag sa lakas ng boses n'ya. Bigla lang siyang tumigil nang magising si Jude at umiyak ito. Mula sa pagiging galit na galit ay biglang lumambot ang mukha niya at saka pinatahan ang anak kong nagsimula nang mag-alburoto dahil naist
JANINA MARIENagising ako sa malakas na sigawan at putok ng baril. Agad kong hinanap sina lolo at Jude. Ngunit umiikot pa rin ang paningin ko kaya hindi ko sila maaninag. "How are you?" tanong ng isang familiar na tinig."Nasaan si lolo at Jude?" tanong ko kay Xavier na pangko ako. "Don't worry. They are safe," sagot ni Xavier. Nang mahimasmasan ay bigla akong bumangon. Nahihiya na lumayo ako kay Xavier. Nasa reception venue pa rin kami ngunit iilan na lang ang mga tao. Sina lolo at Jude ay nasa isang gilid kasama ang mga magulang ni Xavier. "N-na-saan si Tommy at mga kasama niya?" nauutal kong tanong. "They were apprehended by cops. We will file a case against Tommy and his team," sabi ni Xavier. "Senator ang tatay ni Tommy," wala sa sarili na nasabi ko habang naglalakad palapit kay Jude at lolo. "I don't mind kahit president pa ng Amerika ang tatay niya!" iritado na sagot ni Xavier. Halos hindi ko bitawan si Jude nang mayakap ko s'ya. Buong buhay ko ay noon lang ako nakaramd
XAVIER WESLEY Time flies so fast. I have been married for almost one month. I can feel na unti-unting nahuhulog na ang aking loob sa babaeng pinakasalan ko ngunit nandidiri ako sa kaniya. Ilang beses ko siyang tinanong kung sino ang ama ni Jude, but she refused to tell me the truth. Palagi niya lang sinasabi na isang pagkakamali ang nangyari noon ngunit hindi niya pinagsisisihan ang pagdating ni Jude sa buhay n'ya. Despite being ruthless and rude, I can't control myself. I'm not sure if what I'm feeling right now is love. One thing is certain: she is special in my heart. I want to see her every day. I want to take care of her. I want to protect her secretly. The employees at Montefona Electronics Company are intrigued by her. They are destroying her image. But she's strong enough to face her battle on her own. She never fights back. She knows when and where to speak. With that, I adore her. "Stop answering their questions!" bulyaw ko kay Janina ng makapasok kami sa opisina ko. "
JANINA MARIEIlang gabi na akong walang tulog. Nahuli kong may sikretong inabot si Xavier kay Jake noong huling dalaw ng bestfriend niya sa kaniyang bahay. Hindi ko alam kung ano iyon pero narinig ko ang usapan nila na isa iyong remembrance na naiwan ng isang babae kay Jake at itinago lang ni Xavier. Ganoon ba katindi ang selos ni Xavier sa babaeng iyon para kunin n'ya ang bagay na pagmamay-ari ng pinagseselosan niya? Dahil sa bagay na iyon na binawi ni Jake ay napatunayan ko na sa relasyon nina Jake at Xavier, si Jake ang lalaki at si Xavier ang bakla. Sayang! Umasa pa naman ako dati na si Jake ang binabae at si Xavier ang lalaking-lalaki sa kanilang dalawa pero nagkamali ako. "May bago ba, Janina? Matagal mo na rin namang alam na bakla ang pinakasalan mo pero hinayaan mo ang iyong sarili na unti-unting mahulog sa kan'ya kahit pinahihirapan ka n'ya," galit ko sa aking sarili. Habang nakaupo sa harap ng isang bakanteng lamesa, matiyaga kong hinihintay si Althea. Abala pa s'ya sa pa
JANINA MARIE"Don't touch me with your filthy hand!" sigaw sa akin ng babae nang aalalayan ko sana siyang tumayo. Napasadsad kasi ang babae sa puno ng hagdanan ng itulak siya ni Xavier. Napatingin ako sa aking anak na nagtatago sa likuran ng tinatawag niyang papa. Bakas sa mukha niya ang matinding takot. "Who are they?" tanong ng babae. "Leave! I don't want to see your face again!" sigaw ni Xavier. "Ouch! It hurts, huh." Ipinagpag ng babae ang kan'yang mga kamay. "This is also my house, Xavier. May I remind you, honey, we built this house together.""This is my property. Your name is not written in its title. Leave before I call the police." Ang pula ng mukha ni Xavier. Halata ang matinding galit sa kan'yang boses. Dali-dali naman akong lumapit sa kanilang dalawa ni Jude at iniakyat ko sa third floor ang aking anak. Ayaw ko kasing makita niya ang away ng dalawa. Narinig kong nagsisigawan sila sa baba. Tinakpan ko ang tenga ng aking anak. Wala akong ibang priority kun'di siya. Ng
XAVIER WESLEYMy heart is breaking, but I have to be harsh so that Janina can easily forget me when the time comes for us to be separated. Gusto ko na kasing pakawalan siya dahil katulad din siya ni Rhian, pakawala. Aside from that, Rhian is silently trying to spy me with hidden cameras. Nang lumapit sa akin si Janina para ibigay ang schedules ko for that day, I received a text message from Rhian saying that there was a hidden camera in my office. Knowing Rhian, alam kung totoo iyon kaya kahit labag sa loob ko, sinaktan ko physically si Janina para isipin ni Rhian na walang namamagitan sa amin ni Janina. Gusto kong mabuo rin sa isip niya na kinamumuhian ko ang aking asawa. I was deeply hurt nang makita kong inaalalayan ni Jake si Janina nang halos mawalan na siya ng malay dahil sa narinig niyang usapan namin ni Rhian. Mahal ni Jake si Janina kaya nga kahit natagpuan niya na ang babaeng naka-one-night stand n'ya ay wala siyang naikukwento man lang tungkol dito. Lalaki rin ako kaya al
JANINA MARIENagulat ako nang isang araw ay biglang may pumasok na mga lalaki sa opisina ni Xavier. Pati mesa ko ay halos ibaliktad nila. Hindi ko alam kung ano ang hinahanap nila. Ang weird ng kilos ng lahat sa paligid ko. Maging si Xavier ay ganoon din. Hindi ko siya maintindihan. Nag-uusap-usap sila gamit ang mga code na hindi pamilyar sa akin. "Ano po ba ang problema, kuya?" Hindi ako nakatiis kaya tinanong ko na ang isa sa mga lalaki."Wala naman po, ma'am. Sige lang po, magtrabaho lang po kayo," sagot n'ya. Tiningnan ko si Xavier. Nakahalukipkip lang siya habang tinitingnan ang mga lalaki. Alam kong hindi bad guys ang mga nasa loob ng office ni Xavier kasi magalang naman nilang kinakausap ang CEO ng Montefona Electronics Company. "Ito, sir, ang isa," sabi ng isang lalaki habang may ipinapakita siya kay Xavier. "Ano kayang hinahanap ng mga ito?" tanong ko sa sarili. Wala rin kasi akong makuha na sagot mula sa mga lalaki. Hindi ko rin nakita ang nasa palad niya nang may ipakit
JANINA MARIE Makalipas ang isang taon, habang masaya kaming magkakaharap na kumakain sa malawak na bakuran ng Paraiso De Montefona sa Calauag ay biglang umiyak ang aking bunso. Parang sinilaban ang puwet ni Xavier dahil sa bilis n’yang tumayo. "Dessa, don't cry, baby," sabi niya habang isinasayaw ito. Kumikislap ang aking mga mata habang pinapanood ko sila. Sa tabi ko ay naroon sina Yna at Jude. Tinutulungan ni Yna ang kanyang kapatid para tanggalan ng tinik ang isda na nasa plato nito. "Ako na ate. Ayaw kong mahirapan ka kasi girl ka. Dapat ako ang tutulong sa iyo," saad ni Jude. "'Wag ka na ngang magreklamo diyan. Ate ako," sagot ni Yna. "Oh, 'wag na kayong mag-away. Ako na lang ang gagawa," sabad ni Nanay Elle. "Hindi po kami nag-aaway. Ganito lang po talaga kami," mahinang sabi ni Jude. Nakangiting sumubo ako ng pagkain. Sa mga gano'ng pagkakataon ay pinapabayaan ko ang aking mga anak upang matutunan nila kung paano respetuhin ang isa't isa. Hinahayaan ko sila para
JANINA MARIEAng mga sumunod na linggo na wala si Xavier ay napakahirap para sa akin. Nagsimula na akong makaranas ng morning sickness at katulad noong ipinagbubuntis ko si Jude, wala akong asawa na puwedeng tumulong sa akin. Nag-initiate ang mga biyenan ko na sa mansyon ng Montefona muna ako tumira subalit tinanggihan ko sila. Mas gusto ko kasing manatili sa bahay kung saan ay na kasama ko si Xavier ng matagal. Gusto kong mabuhay sa mga alaala ng aking mag-ama. "Kumusta ka rito," tanong sa akin ni Althea. "Maayos naman ako," sagot ko sa kan'ya. Tumingin sa akin ang aking kaibigan na para bang hindi niya ako pinaniniwalaan. "Sigurado ka?" tanong niya ulit sa akin. "Baka mamaya tumalon ka riyan sa swimming pool katulad nang ginawa mo noon sa dagat sa Batangas."Nahampas ko ang aking bestfriend. Kahit kasi ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang nangyaring iyon. Aaminin kong nawala ako noon sa aking sarili, ngunit hindi ko na gustong mangyari pa iyon.
RHIAN HOFREY Jake has been irritable lately. Madalas ay ikinukulong niya ako sa silid at hindi pinakakain. Ginagamit niya rin ako na parang hayop. My life with him is like hell. Nakakasakal at nakakapagod ang bawat segundo. Kapag lasing siya ay pinagdidiskitahan niya ako at binubugbog na para bang wala ng bukas. Madalas ay nagiging unconscious ako sa bawat atake niya. The love I felt for him turned into hate. Galit na pumapatay unti-unti sa akin. Ang daming mga boses ang bumubulong sa akin na tapusin ko na raw ang aking buhay pero pilit kong pinaglalabanan iyon. Ang tanging pangarap ko ngayon ay ang makita si Yna. Subalit idineklara na siyang patay ng mga alagad ng batas. Pumasok si Jake sa silid ko at pinukpok ako ng baril sa ulo. Naramdaman ko ang pagtulo ng pulang likido sa aking noo. Pinahid ko iyon ng likod ng aking palad. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig ako kay Jake na parang sinasapian din ng demonyo. “Jake, set me free. Hayaan mong hanapin ko si Yna,” I beg
JANINA MARIEHalos mawasak ang mundo ko dahil sa balitang dumating. Hindi ko napigilan nang unti-unti akong nawalan ng malay. Nagising na lang ako dahil sa mga boses na tumatawag sa pangalan ko. “Ma’am, gusto n’yo po bang dalhin namin kayo sa hospital?” tanong sa akin ng secretary ko. "Ma'am, ano po ang nararamdaman mo?""Misis Montefona, kumusta po kayo?""Ma'am, gusto n'yo po ba ng tubig o kahit anong inumin?"Umiling ako sa bawat tanong ng mga taong nakapaligid sa akin. Pinilit kong umupo kahit nanghihina ako. Agad kong inutusan ang aking personal assistant na tawagan si Althea at Lola Genevieve. Agad naman siyang tumalima sa utos ko. “Ma’am, on the way na raw po ang lola mo,” wika ng inutusan ko.Bago pa man ako magsalita ay agad na pumasok si Althea sa conference room ng isang hotel kung saan namin isinagawa ang meeting para sa expansion ng mga projects ng Villasanta. Agad akong yumakap kay Althea habang hinahayaan niya lang na dumaloy ang mga luha ko.“Ano ang gagawin ko?” ta
JAKE ADMERSONKapag pera ang gumalaw, kahit anghel ay magiging demonyo!I am patiently waiting sa news sa tv. Hindi ko na kasi makontak ang taong inutusan ko kaya sa balita ako ngayon umaasa. Si Rhian ay walang alam sa ginawa ko at panay lang ang ngawa niya dahil wala raw akong ginagawa kahit malapit na kaming magutom. Nakaririndi ang bibig niya ngunit hindi ko siya magawang palayasin o patayin dahil pwede ko pa siyang magamit laban kay Xavier. “Jake, ano ba, wala ka na bang gagawin riyan kung hindi ang umupo at tumunganga sa tv?” she asked angrily. Sinulyapan ko lang siya. Hindi ko gustong makipag-away dahil ayaw kong mabahiran ang saya ko ng galit. Hanggang sa binato niya ako ng unan. Sinalo ko lang iyon. “Jake, ano ba ang susunod na plano natin? Nakakainip na. Wala ka ng pera, wala na rin ako. Paano na tayo? Magtatago na lang ba tayo rito? I don’t want to live my life like this forever,” reklamo ni Rhian. Dahil nakakatulig na ang bibig niyang walang preno kaya binunot ko ang ba
XAVIER WESLEY As I watched Tommy suffer because of some people's cruelty, I couldn't keep my range under control. I feel bad for his mother, who recently lost her husband. I feel sorry for my wife because she blames herself for what happened.I resolved to take action once more. Although paulit-ulit na pumapalpak ang mga plano ko, hindi ako mapapagod na sumubok ulit para sa safety ng aking buong pamilya. Batid kong hanggang nakakalaya sina Jake at Rhian, hindi mararanasan ng mga anak ko ang kalayaan na tinamasa ko dati. Hindi nila magagawang maglaro ng malaya sa mga parks at lalong hindi sila makakakain sa labas na walang iniisip na panganib. Dad was surprised when I told him na pipilayan kong muli ang mga Admerson. He asked me why and I simply said na preparation lang iyon para sa isang sorpresa. He looked at me and said, "Okay. I'll support you all the way. Tell me what you need and I'll give it to you." It's not usual na basta-basta ako papayagan ni Daddy sa mga ganoong gawain pe
JANINA MARIEFeeling ko ay nabura ang lahat ng hinanakit at galit ko sa isang simpleng yakap lang ni Xavier. Mas nanaig kasi sa akin ang pagkagulat nang nakita ko siya sa police station. Hindi siya nakadamit pangkasal bagkus ay nakasuot siya ng isang simpleng t-shirt at maong pants lang. Pagkatapos masiguro na okay kami ng mga bata ay iniuwi kami ni Xavier sa bahay naming dalawa. Natatakot man dahil sa isyu ng security pero buo ang loob niya at ng mga police na hanggang nagtatago kami ay lalong hindi rin lalabas sina Jake at Rhian. Sinang-ayunan ni Lola Genevieve ang pasya ni Xavier. Ngunit may isang kondisyon, iyon ay itatago ulit ang mga bata at kaming mag-asawa lang ang parang magsisilbi na pain. Subalit hindi gusto nina Jude at Yna na malayo sa aming mag-asawa kaya no choice na ang lahat kung hindi magsama-sama sa loob ng isang bahay. Ang bahay namin na dapat ay ubod ng saya ay punong-puno palagi ng tensyon. Maraming tauhan kaming kasama bukod pa sa mga pulis na maya't-maya ang
JAKE ADMERSONDaig pa namin ni Rhian ang aso't pusa habang nasa biyahe kami pabalik ng Cavite. Kasal daw nila ni Xavier at naghihintay na ang fücking bestfriend ko. I was not about to go dahil hindi ko gustong maki-celebrate sa buhay ni Xavier. Magiging masaya lang kasi ako kung patay na siya. Tumawag si Rhian sa pinagkakatiwalaan niyang katulong na nasa mansion ng mga Montefona. Gusto kong marinig ang latest activity ni Xavier dahil aaminin kong duda ako sa magaganap na kasal nila ni Rhian kaya inutusan ko siyang lakasan ng tawag para marinig ko. “Ma’am, kinausap ako ni Sir Xavier. Tulungan ko raw siyang mag-ayos ng mga gagamitin sa kasal at inayos ko na po lahat,” wika ni Gemma. “Ano ang ginagawa niya ngayon?” ‘Nakakulong lang po siya sa kan’yang silid. Nitong mga nakaraan ay palagi siyang nasa kaniyang room lang kasi masama raw ang pakiramdam niya. Masakit daw ang kaniyang ulo.” “Have you seen any unwanted actions or may narinig ka ba na kahit na anong mga salita na laban sa
JANINA MARIEMatinding awa ang naramdaman ko habang tinitingnan ko si Rhian na dahan-dahang umuupo sa sahig at umiiyak. Alam kong biktima rin siya ng mga sakim na tao lalo na ng kaniyang kinilalang ina. Hindi ko alam kung ano ang mga pinagdaanan niya pero may hinuha akong marami siyang pasakit na naranasan. Inilayo ko si Yna sa kaniyang ina. Ayaw kong makita niya na nasasaktan ang Mommy niya. Kahit hindi ko man siya dugo’t-laman, mahal ko si Yna na parang tunay kong anak. Hanggang hindi matino si Rhian ay ipaglalaban ko ang batang natutunan ko nang mahalin. Nang madala ko si Yna sa silid, muli kong binalikan si Rhian. Ngunit naroon na si Jake. Parang bata na naglambitin si Rhian sa bestfriend ng asawa ko at umiyak lang siya nang umiyak. Panay naman ang tanong ni Jake sa kan’ya kung bakit siya umiiyak pero hindi naman nagsasalita si Rhian. Dahan-dahan akong lumayo sa kanila para hindi ako makaistorbo. Alam ko kasing may relasyon sila dahil nahuli ko silang naghahalikan sa living room