JANINA MARIE
Nagising ako sa malakas na sigawan at putok ng baril. Agad kong hinanap sina lolo at Jude. Ngunit umiikot pa rin ang paningin ko kaya hindi ko sila maaninag.
"How are you?" tanong ng isang familiar na tinig.
"Nasaan si lolo at Jude?" tanong ko kay Xavier na pangko ako.
"Don't worry. They are safe," sagot ni Xavier.
Nang mahimasmasan ay bigla akong bumangon. Nahihiya na lumayo ako kay Xavier. Nasa reception venue pa rin kami ngunit iilan na lang ang mga tao. Sina lolo at Jude ay nasa isang gilid kasama ang mga magulang ni Xavier.
"N-na-saan si Tommy at mga kasama niya?" nauutal kong tanong.
"They were apprehended by cops. We will file a case against Tommy and his team," sabi ni Xavier.
"Senator ang tatay ni Tommy," wala sa sarili na nasabi ko habang naglalakad palapit kay Jude at lolo.
"I don't mind kahit president pa ng Amerika ang tatay niya!" iritado na sagot ni Xavier.
Halos hindi ko bitawan si Jude nang mayakap ko s'ya. Buong buhay ko ay noon lang ako nakaramdam ng matinding takot. Takot hindi para sa sarili ko kun'di para sa buhay ng anak ko. Bigla akong naging emotional. Biglang lumabas ang weak side ko nang hindi ko namalayan.
"Let's go," sabi ni Xavier. "Uuwi na tayo."
"U-uwi? Tayo?"
"Sige na, hija. Sumama na kayo ni Jude kay Xavier sa bago ninyong bahay," sabi ni lolo.
Biglang naging malinaw na sa akin ang lahat. Hindi ko agad naisip na kapalit ng kasal ay posibleng mawalay ako kay lolo. Hindi ko yata kakayanin iyon lalo at buong buhay ko ay kasama ko si lolo.
"Janina, sumama na kayo ni Jude sa asawa mo," wika ulit ni lolo.
"Pero, lolo, wala ka nang kasama sa bahay," nag-aalala kong sabi.
"Don't worry. I'll be fine without you. May makakasama na ako roon. Naayos na ni Xavier ang lahat bago pa man ang kasal n'yo," paliwanag ni lolo.
Napatingin ako kay Xavier. Hawak niya na sa kamay si Jude. Si Jake ay nakamasid din sa amin kaya lalo akong nag-alinlangan. Akala ko noong una ay magiging madali lang ang lahat pero hindi pala. May mga bagay o tao pala akong kailangan isakripisyo.
"Don't worry, Janina. Hindi naman porke't kasal na kayo ni Xavier ay hindi mo na pwedeng makasama si Tito Winston. You are free to visit him all the time. Kailangan n'yo lang talaga bumukod ni Xavier para matuto kayo kung paano tumayo sa mga sarili n'yong mga paa," panghihikayat ni Sir Kurt.
Tumingin ako kay Althea. Nakiusap akong alagaan n'ya si lolo habang wala ako. Willing akong magbayad para lang may mag-asikaso sa lolo ko. Ayaw ko kasing mapabayaan siya.
Habang nasa byahe ay nakatulog ang anak ko. Tahimik lang naman si Xavier. Sa isang malaking bahay malapit sa boundary ng Naic kami tumigil. Isang contemporary house ang bumungad sa akin. Napanganga ako sa ganda noon. May malaking parking lot ito na kasya kahit limang sasakyan. Magara ang lahat ng interior designs.
"Bahay mo ba ito?" tanong ko kay Xavier.
"Yes," parang tinatamad na sagot niya habang karga niya si Jude.
Nagkibit-balikat lang ako. Nakasuot pa ako ng traje de boda kaya hirap akong lumakad. Sa isang silid na panlalaki dinala ni Xavier si Jude. Itinuro n'ya rin ang silid ko na katabi lang ng silid ng aking anak.
Halos lumuwa ang mga mata ko sa ganda ng silid na para kay Jude. Napatingin ako kay Xavier. May puso naman pala ang mataray na bakla. Special kasing inayos ang silid ng anak ko nang hindi niya sinabi sa akin.
"Sir, thank you," nahihiya kong turan.
"Don't mention it. Stop calling me sir. Masanay kang tawagin ako sa first name ko lalo na sa harapan ng mga kamag-anak natin."
"Okay po," sabi ko na lang. "Pwede po bang dito rin ako matulog? Hindi po sanay ang anak ko na mag-isa lang siya sa gabi."
"It's up to you. I don't care, Janina."
Para siyang ipo-ipo na bigla na lang nawala sa silid pagkatapos n'yang ilapag si Jude sa kama. Lumapit ako sa mga cabinets. Halos lumuwa ang mga mata ko sa dami ng magagandang damit na para kay Jude. Sa isang bahagi ng silid ay maayos na nakahelera ang mga laruan na pambata.
"Para kay Jude ba ang lahat ng ito?" tanong ko sa aking sarili.
Kumuha ako ng isang terno ng pajama mula sa cabinet. Dahan-dahan kong binihisan ang anak ko. Ingat na ingat akong magising siya at baka magsimula siyang umiyak. Hindi namin bahay iyon at ayaw kong magwala sa galit si Xavier nang dahil sa ingay na likha ng anak ko.
Malaki ang kama ni Jude pero maikli lang iyon kaya kailangan kong mamaluktot kung sakaling doon ako matutulog. Pwede akong humiga roon para magkatabi pa rin kaming mag-ina. Madalas kasing gumising ang anak ko sa madaling-araw at humahawak siya sa dibdib ko.
Nang matapos kong bihisan ang aking anak ay lumipat ako sa silid na itinuro ni Xavier na para raw sa akin. Excited kong binuksan ang malalaking cabinets pero empty iyon. Okay lang. Kahit medyo disappointed ako dahil inakala ko na tulad ng anak ko ay may mga bago rin akong damit, ngumiti pa rin ako. Sa isang sulok ay nakita ko ang bag na nilagyan ng mga damit ko mula sa bahay ni lolo. Para iyong basura sa isang magarang silid. Dinampot ko iyon at saka humanap ako ng pwedeng isuot.
Ngunit nang huhubarin ko na ang traje ay hindi ko maabot ang zipper sa likod. Problemado na lumabas ako ng silid. Mula sa ikatlong palapag ng bahay ay bumaba ako sa pag-asa na may makikita akong kahit isang katulong para may magbaba ng zipper sa likuran ko. Subalit sobrang tahimik ng paligid. Wala kahit isang tao.
Dahan-dahan akong muling umakyat sa ikatlong palapag. Mabuti na lang at nakayapak ako kun'di ay daig ko pa ang nagpenitensya kahit hindi pa naman Holy Week.
"It's been more than three years. Sabihin ninyo kung hindi n'yo kaya ang pinagagawa ko. I need to find that girl!" sigaw ni Xavier sa kausap niya sa cellphone.
Napakunot ang noo ko. May babaeng hinahanap si Xavier. Akala ko ba ay gay siya. Paanong nangyari na may ibang babae siyang gustong makita?
"Damn it! Ilang taon na akong hindi pinatutulog ng babaeng iyon. Mababaliw na ako kaiisip sa kaniya. I need to find her," sabi ni Xavier habang nagpapalakad-lakad sa corridor. Hawak niya ang kaniyang buhok at hindi maipinta ang kaniyang mukha.
Nahihiya at kinakabahan na tinawag ko si Xavier. No choice na ako. Kailangan kong may tumulong sa akin para mahubad ko ang traje. Ngunit lahat ng lakas ng loob ko ay nawala nang tumingin siya sa akin na para bang may nagawa akong isang krimen.
Umurong ako saglit. Nanlilisik ang mata ni Xavier at kung may matataguan lang ako ay baka tumakbo na ako.
"S-sir, mag-pa-patulong po sana ako," halos pabulong na lang ang pagbigkas ko noon.
"What do you want, Janina? Anong narinig mo? Kanina ka pa ba riyan?"
"Ipabababa ko lang po sana ng kaunti ang zipper sa likod ko. Huwag po kayong mag-alala, wala po akong narinig," pagsisinungaling ko.
Lumapit sa akin si Xavier at saka marahas akong pinatalikod. Naramdaman kong dahan-dahan na hinaplos ng isang daliri niya ang balat ko sa likod pero nagkunwari akong walang nangyari. Napalunok din ako nang madama ko ang mainit niyang hininga sa aking batok.
Nang ibaba niya dahan-dahan ang zipper ng traje ay mabilis akong humarap sa kaniya para magpasalamat at makatakbo na rin pabalik ng silid na inilaan niya sa akin. Subalit dahil sa haba ng damit pangkasal kaya natalisod ako. Napasubsob ako sa dibdib ni Xavier.
"Clumsy! Stupid!"
Halos madurog ang mga buto ko sa braso dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Xavier. Naiinis na naman ako dahil tinawag niya akong stupid pero sa halip na magpa-apekto, hinalikan ko siya sa pisngi.
"Good night, loves," pang-aasar ko sa kaniya sabay takbo.
Buong magdamag ay hindi ako makatulog. Iniisip ko kung sino ang babaeng pinahahanap ni Xavier. Nakaramdam ako ng takot. Paano kapag nakita ni Xavier ang babaeng iyon? Saan kaya kami pupulutin ng anak ko? Ngunit hindi lang iyon. Nasasaktan ako! Bakit? Mahal ko na ba siya kaya parang sinasaksak ang dibdib ko?
Nagpabaling-baling ako sa higaan ng anak ko. Parang hindi ko matanggap na unti-unting nahuhulog ang loob ko kay Xavier.
"Is it love?" tanong kong muli sa aking sarili. "Hindi ako pwedeng magpadala sa damdamin kong ito."
Kinabukasan, tahimik kaming bumaba ni Jude sa ground floor ng bahay. Ang sabi ni Xavier ay libre kami sa bahay na iyon kaya nahihiya ako. May kaunting pera pa naman ako kaya balak kong mag-grocery para sa pagkain namin ni Jude nang sa gano'n ay hindi magugutom ang anak ko. Ayaw ko rin na susumbatan ako ni Xavier pagdating ng araw kaya mas mabuting hindi ako umasa sa kaniya. Baka kapag nakita niya ang babaeng pinahahanap niya ay pagbayarin niya ako bigla sa mga nagastos niya sa aming mag-ina kaya hindi ako aasa sa kaniya.
Sa dining area ay naabutan namin si Xavier. Tumakbo ang anak ko palapit sa kaniya pagkatapos niyang sumigaw ng, "Papa."
"Good morning, sir," bati ko kay Xavier.
"I repeat, stop calling me sir kapag narito tayo sa bahay."
Nakakatakot ang boses niya. Ang aga-aga pero bad mood agad siya. Nakakasira ng mood!
"From now on, tutulong ka sa gawaing bahay para naman may silbi ka sa bahay na ito, Janina. Hindi porke't free ang pagtira mo rito ay aarte ka rin na parang senyorita. You are a worker here, not a boss. Am I clear?"
Tumango ako. Halos hindi ko malunok kahit ang tubig na iniinom ko. Napapikit ako dahil hindi ko gustong magalit sa harapan ng aking anak. Pero sa kaloob-looban ko ay gusto ko nang batuhin ng kutsilyo si Xavier at gawin siyang target sa peryahan.
Ayon kay Xavier, isang linggo raw kaming hindi papasok sa opisina. Iyon daw ang utos ng daddy niya. Nabalitaan ko rin mula kay Althea na nakulong si Tommy at nakikipag-negotiate daw ang ama nito sa daddy ni Xavier. Si Jake naman ay umalis ng bansa. Marahil ay nasaktan siya sa naganap na kasalan na hindi naman namin ginusto.
Habang nasa bahay ako ni Xavier ay ginawa ko ang lahat. Linis dito, linis doon. Isa-isa ko rin nakilala ang tatlong kasambahay. Ang chef naman ay lalaki na mukha rin may galit sa mundo. Halos hindi man lang ngumiti at parang takot sa liwanag.
"Ma'am, ang ganda n'yo po," sabi ni Gemma. Siya ang mabilis kong nakapalagayan ng loob sa tatlong katulong.
"Salamat," maikli kong sagot.
"Pwede po bang magtanong? Bakit po hiwalay kayo ng room ni Sir Xavier?"
Bigla kong nabitawan ang basahan na hawak ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong ni Gemma.
"Who are you to question our way of living?" galit na tanong ni Xavier sa katulong. "Once na magtanong ka pa ulit tungkol sa set-up namin ni Janina, you will be fired! Wala rin kayong sasabihin tungkol sa mga nagaganap sa bahay na ito. By the way, you will sign a contract later."
"Contract?" tanong ko.
"It's none of your business!" singhal ni Xavier sa akin.
Gosh, napahiya ako! Mabuti na lang at wala ang anak ko dahil naglalaro ito sa labas kasama ng isang katulong.
"Gemma, iwan mo muna kami. Saglit lang ito," sabi ko. Mabilis na tumalima si Gemma at naiwan kami ni Xavier.
Dinampot ko ang basahan at saka mabilis na ibinato iyon sa masungit kong asawa. Hindi ko na naisip kung ano ang magiging epekto noon. Two days pa lang kaming kasal at parang mapapatid na ang pasensya ko.
"How could you…"
"Huwag mo akong ipahihiya sa harapan ng ibang tao! Hindi lang ikaw ang napilitan sa kasal na ito!" bara ko kay Xavier.
"You have no right to express your concern! I am the boss around here. This is my home. This is my rule!"
"Ah… your house, your rule pala. Pwes, lalayas na kami ni Jude. Pinagbigyan ko na si lolo at ang mga magulang mo sa kasal na gusto ng lolo mo kaya tapos na ang obligasyon ko sa iyo at sa pamilya mo! Bahala kang magpaliwanag sa parents mo!"
Mabilis akong lumakad paakyat sa silid na tinutuluyan ko. Sumunod naman sa akin si Xavier.
"Janina, stop!"
Ngunit dedma sa akin ang malakas na sigaw ni Xavier. Hindi ganoon kabilis uminit ang ulo ko pero kapag napuno ako, daig ko pa ang bulkan kaya sa halip na maihulog ko siya sa hagdanan ay hindi ko na lang siya pinansin.
Pabalibag na binuksan ko ang silid na tinutuluyan ko. Mabilis kong kinuha ang bag na lagayan ko ng damit at isa-isa kong isinaksak doon ang mga damit ko.
"Janina, I'm sorry," wika ni Xavier.
Wait!
Tama ba ang narinig ko? Ang high and mighty Xavier Wesley Montefona ng MEC ay nagso-sorry sa harapan ko. Totoo ba ito o panlilinlang lang para kumalma ako?
Humalakhak ako ng ubod lakas. Mukha kasing inutangan ng milyones ang mukha ni Xavier. Dahil sa nakita ko, biglang nagbago ang isip ko. Marahil tama nga si lolo: mabait at protective si Xavier dahil iyon ang nakikita ko sa tuwing kasama niya si Jude.
"Sige. Pagbibigyan kita. Baka sakaling maging magkaibigan din tayo katulad ng mga parents at grandparents natin," wika ko.
"Thank you, Janina."
Simula noon ay naging maayos ang pagsasama namin ni Xavier. Kumuha pa siya ng yaya para kay Jude kahit tumanggi ako. Bilang kabayaran naman, ay naging mas lalong mabait ako.
Sa opisina, very civil kami sa isa't isa. Ngunit tuwing uwian ay hindi kami sabay kung umuwi. Madalas pa nga ay pinauuna ako ni Xavier. Nang matuto akong mag-drive ng motorsiklo ay nagsimula na naman ang away naming dalawa. Halos sirain niya kasi ang motor na inutang ko pa nang makita n'ya iyon sa garahe.
Hanggang sa company ay hindi kami nagkakasundo. Ang gusto niyang mangyari ay isuli ko ang motor sa shop o kaya ay ibenta na lang sa iba. Galit na galit siya dahil pwede raw akong madisgrasya roon kahit responsible driver naman ako. Paano raw sina Jude at lolo kapag may nangyaring masama sa akin.
"I don't want to see your motorcycle on the company's grounds!" agad na bungad ni Xavier nang pumasok ito sa office niya.
Napabuntong-hininga ako. Nagsisimula na naman kasi si Xavier na maging iritado. Nakakapagod makinig sa mga sermon niya.
"I'll give you one of my cars. I'll find you a driver. Just dumb that fûcking motorcycle of yours. It isn't good for you," sermon sa akin ni Xavier.
Wow! Lalong naging guwapo si Xavier sa paningin ko. Panandalian kong nakalimutan na isa siyang gay. At katulad ng dati, para maging maayos ang lahat, sinunod ko siya. Ngunit dahil doon ay naging sentro ako ng tsismis sa company.
"Kumusta?" tanong ni Nene nang minsan ay magkita kami sa canteen.
"Ayos lang ako. Ikaw?"
"Ito, updated sa chicka. Janina, ikaw ang nasa hot seat ngayon."
"Alam ko, Nene."
"Richlalu ka na kasi. Bakit bigla kang may car? Kabit ka ba ni Sir Kurt or third person ka sa love story nina Sir Admerson at Sir Montefona?"
Napaawang ang mga labi ko. Noon ko lang napansin na ang mga kasabay ko sa canteen ay nakatingin sa akin. Sa lakas ng boses ni Nene, dinig ng mga malapit sa pwesto namin ang mga tanong nito. Bigla akong nalito kung ano ang sasabihin ko. Ngunit mas lalo akong napatanga nang makita ko si Xavier na naglalakad palapit sa akin. Seryoso ang mukha nito at hindi ko mabasa ang emosyon na nararamdaman niya.
"If you have any questions, you can ask me directly," sabi ni Xavier kay Nene.
Napatingin ako kay Xavier.
"Sir, pasensya na po," sabi ko.
"Sorry, sir," segunda rin ni Nene.
Sa halip na sumagot ay hinawakan ako ni Xavier sa braso at pwersahan niya akong inilabas sa canteen.
XAVIER WESLEY Time flies so fast. I have been married for almost one month. I can feel na unti-unting nahuhulog na ang aking loob sa babaeng pinakasalan ko ngunit nandidiri ako sa kaniya. Ilang beses ko siyang tinanong kung sino ang ama ni Jude, but she refused to tell me the truth. Palagi niya lang sinasabi na isang pagkakamali ang nangyari noon ngunit hindi niya pinagsisisihan ang pagdating ni Jude sa buhay n'ya. Despite being ruthless and rude, I can't control myself. I'm not sure if what I'm feeling right now is love. One thing is certain: she is special in my heart. I want to see her every day. I want to take care of her. I want to protect her secretly. The employees at Montefona Electronics Company are intrigued by her. They are destroying her image. But she's strong enough to face her battle on her own. She never fights back. She knows when and where to speak. With that, I adore her. "Stop answering their questions!" bulyaw ko kay Janina ng makapasok kami sa opisina ko. "
JANINA MARIEIlang gabi na akong walang tulog. Nahuli kong may sikretong inabot si Xavier kay Jake noong huling dalaw ng bestfriend niya sa kaniyang bahay. Hindi ko alam kung ano iyon pero narinig ko ang usapan nila na isa iyong remembrance na naiwan ng isang babae kay Jake at itinago lang ni Xavier. Ganoon ba katindi ang selos ni Xavier sa babaeng iyon para kunin n'ya ang bagay na pagmamay-ari ng pinagseselosan niya? Dahil sa bagay na iyon na binawi ni Jake ay napatunayan ko na sa relasyon nina Jake at Xavier, si Jake ang lalaki at si Xavier ang bakla. Sayang! Umasa pa naman ako dati na si Jake ang binabae at si Xavier ang lalaking-lalaki sa kanilang dalawa pero nagkamali ako. "May bago ba, Janina? Matagal mo na rin namang alam na bakla ang pinakasalan mo pero hinayaan mo ang iyong sarili na unti-unting mahulog sa kan'ya kahit pinahihirapan ka n'ya," galit ko sa aking sarili. Habang nakaupo sa harap ng isang bakanteng lamesa, matiyaga kong hinihintay si Althea. Abala pa s'ya sa pa
JANINA MARIE"Don't touch me with your filthy hand!" sigaw sa akin ng babae nang aalalayan ko sana siyang tumayo. Napasadsad kasi ang babae sa puno ng hagdanan ng itulak siya ni Xavier. Napatingin ako sa aking anak na nagtatago sa likuran ng tinatawag niyang papa. Bakas sa mukha niya ang matinding takot. "Who are they?" tanong ng babae. "Leave! I don't want to see your face again!" sigaw ni Xavier. "Ouch! It hurts, huh." Ipinagpag ng babae ang kan'yang mga kamay. "This is also my house, Xavier. May I remind you, honey, we built this house together.""This is my property. Your name is not written in its title. Leave before I call the police." Ang pula ng mukha ni Xavier. Halata ang matinding galit sa kan'yang boses. Dali-dali naman akong lumapit sa kanilang dalawa ni Jude at iniakyat ko sa third floor ang aking anak. Ayaw ko kasing makita niya ang away ng dalawa. Narinig kong nagsisigawan sila sa baba. Tinakpan ko ang tenga ng aking anak. Wala akong ibang priority kun'di siya. Ng
XAVIER WESLEYMy heart is breaking, but I have to be harsh so that Janina can easily forget me when the time comes for us to be separated. Gusto ko na kasing pakawalan siya dahil katulad din siya ni Rhian, pakawala. Aside from that, Rhian is silently trying to spy me with hidden cameras. Nang lumapit sa akin si Janina para ibigay ang schedules ko for that day, I received a text message from Rhian saying that there was a hidden camera in my office. Knowing Rhian, alam kung totoo iyon kaya kahit labag sa loob ko, sinaktan ko physically si Janina para isipin ni Rhian na walang namamagitan sa amin ni Janina. Gusto kong mabuo rin sa isip niya na kinamumuhian ko ang aking asawa. I was deeply hurt nang makita kong inaalalayan ni Jake si Janina nang halos mawalan na siya ng malay dahil sa narinig niyang usapan namin ni Rhian. Mahal ni Jake si Janina kaya nga kahit natagpuan niya na ang babaeng naka-one-night stand n'ya ay wala siyang naikukwento man lang tungkol dito. Lalaki rin ako kaya al
JANINA MARIENagulat ako nang isang araw ay biglang may pumasok na mga lalaki sa opisina ni Xavier. Pati mesa ko ay halos ibaliktad nila. Hindi ko alam kung ano ang hinahanap nila. Ang weird ng kilos ng lahat sa paligid ko. Maging si Xavier ay ganoon din. Hindi ko siya maintindihan. Nag-uusap-usap sila gamit ang mga code na hindi pamilyar sa akin. "Ano po ba ang problema, kuya?" Hindi ako nakatiis kaya tinanong ko na ang isa sa mga lalaki."Wala naman po, ma'am. Sige lang po, magtrabaho lang po kayo," sagot n'ya. Tiningnan ko si Xavier. Nakahalukipkip lang siya habang tinitingnan ang mga lalaki. Alam kong hindi bad guys ang mga nasa loob ng office ni Xavier kasi magalang naman nilang kinakausap ang CEO ng Montefona Electronics Company. "Ito, sir, ang isa," sabi ng isang lalaki habang may ipinapakita siya kay Xavier. "Ano kayang hinahanap ng mga ito?" tanong ko sa sarili. Wala rin kasi akong makuha na sagot mula sa mga lalaki. Hindi ko rin nakita ang nasa palad niya nang may ipakit
JANINA MARIEHindi ko alam kung ano ang gagawin ko nang may isang lalaking nagwawala sa labas ng bahay ni Xavier at nagpapakilala na dati kong nobyo raw siya. Hindi ko siya kilala at hindi ko rin alam kung ano ang dahilan bakit niya ginagawa iyon. Ipinagsisigawan niya sa lahat na isa akong walang kwentang babae. Iniwan ko raw siya dahil sa pera. Marami pa siyang sinasabi na hindi naman totoo at puro paninirang puri lang. Uminit ang ulo ni Xavier dahil sa nagaganap. Naglabasan na rin kasi ang mga kapitbahay niya dahil sa ingay na likha ng nagpapakilalang ex boyfriend ko raw. Ang mga guards ay pilit na kinakausap ang lalaki ngunit wala itong planong tumigil. Naghahanap talaga siya ng atensyon kaya mas lalo pa siyang naging agresibo. "Do you know him, Janina?" tanong ni Xavier sa akin. "Hindi, Xavier. Hindi ko nga alam kung ano ang pangalan niya. Ngayon ko lang din nakita ang pagmumukha ng lalaking iyan," sagot ko. "Why is he making a scene here if you do not know who he is, huh, Jan
JANINA MARIE"Mas mabuting wala kang alam, Janina," seryosong sabi ni Xavier habang nakatingin sa mga mata ko. Tinatanong ko kasi siya kung ano ang mga inililihim niya sa akin. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit siya nagsinungaling kay Rhian. Imposible na gagawin niya iyon ng walang dahilan kasi kilala siya ng lahat na very straightforward. Sasabihin n'ya kung ano ang gusto niya at wala siyang pakialam sa iba. "Ang dami mong sikreto," mahina kong sabi para hindi kami marinig ni lolo. Ayaw kong malaman niyang nag-aaway kami ni Xavier. "What was the content of the text message you received?" he asked instead. "Bakit mo ako tinatanong? Hindi ba dapat ikaw muna ang sumagot sa mga tanong ko? Kung hindi mo ako sasagutin ng maayos, hindi ko rin sasabihin sa iyo ang laman ng text na natanggap ko. Ngunit hindi talaga nagpatalo si Xavier. Kahit anong pilit ko sa kaniya ay paulit-ulit niyang sinasabi na mas ligtas ako kung wala akong alam. Dahil doon kaya hindi ko rin sinabi sa kaniya an
JANINA MARIEHinablot ni Xavier ang mga braso ko. Hindi naman ako nasaktan dahil doon. Kinuha niya rin si Jude at kinarga ito. Inilayo n'ya kami sa nagpapambuno na sina Jake at Tommy. Tiningnan ko ang mukha niya at pilit kong binabasa ang saloobin niya. "I'm sorry." Nahihiya ako kaya mahina lang ang pagkakasabi ko noon. "Hindi ko alam na aabot sa ganito. Pumunta kami rito para mamili ng mga gagamitin sa birthday ni Jude at hindi para gumawa ng eksena.""Sa bahay tayo mag-usap," galit niyang tugon sa akin. "I am so disappointed with you. Why can't you obey me?""Akala ko ba sa bahay na tayo mag-uusap," balik ko sa kaniya. "Hindi ko talaga ginusto ito."Lumapit sa amin ang ilang guwardiya at saka niyaya kaming pumunta sa isang opisina na hindi ko alam na meron pala noon sa mall. Nakasunod sa amin si Althea habang ako ay hawak-hawak ni Xavier sa kamay. Nang lumingon ako sa aking kaibigan ay pilya siyang nakangiti at bahagya pang kumindat sa akin. "Tumigil ka," pabulong kong sabi sa kan
JANINA MARIE Makalipas ang isang taon, habang masaya kaming magkakaharap na kumakain sa malawak na bakuran ng Paraiso De Montefona sa Calauag ay biglang umiyak ang aking bunso. Parang sinilaban ang puwet ni Xavier dahil sa bilis n’yang tumayo. "Dessa, don't cry, baby," sabi niya habang isinasayaw ito. Kumikislap ang aking mga mata habang pinapanood ko sila. Sa tabi ko ay naroon sina Yna at Jude. Tinutulungan ni Yna ang kanyang kapatid para tanggalan ng tinik ang isda na nasa plato nito. "Ako na ate. Ayaw kong mahirapan ka kasi girl ka. Dapat ako ang tutulong sa iyo," saad ni Jude. "'Wag ka na ngang magreklamo diyan. Ate ako," sagot ni Yna. "Oh, 'wag na kayong mag-away. Ako na lang ang gagawa," sabad ni Nanay Elle. "Hindi po kami nag-aaway. Ganito lang po talaga kami," mahinang sabi ni Jude. Nakangiting sumubo ako ng pagkain. Sa mga gano'ng pagkakataon ay pinapabayaan ko ang aking mga anak upang matutunan nila kung paano respetuhin ang isa't isa. Hinahayaan ko sila para
JANINA MARIEAng mga sumunod na linggo na wala si Xavier ay napakahirap para sa akin. Nagsimula na akong makaranas ng morning sickness at katulad noong ipinagbubuntis ko si Jude, wala akong asawa na puwedeng tumulong sa akin. Nag-initiate ang mga biyenan ko na sa mansyon ng Montefona muna ako tumira subalit tinanggihan ko sila. Mas gusto ko kasing manatili sa bahay kung saan ay na kasama ko si Xavier ng matagal. Gusto kong mabuhay sa mga alaala ng aking mag-ama. "Kumusta ka rito," tanong sa akin ni Althea. "Maayos naman ako," sagot ko sa kan'ya. Tumingin sa akin ang aking kaibigan na para bang hindi niya ako pinaniniwalaan. "Sigurado ka?" tanong niya ulit sa akin. "Baka mamaya tumalon ka riyan sa swimming pool katulad nang ginawa mo noon sa dagat sa Batangas."Nahampas ko ang aking bestfriend. Kahit kasi ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang nangyaring iyon. Aaminin kong nawala ako noon sa aking sarili, ngunit hindi ko na gustong mangyari pa iyon.
RHIAN HOFREY Jake has been irritable lately. Madalas ay ikinukulong niya ako sa silid at hindi pinakakain. Ginagamit niya rin ako na parang hayop. My life with him is like hell. Nakakasakal at nakakapagod ang bawat segundo. Kapag lasing siya ay pinagdidiskitahan niya ako at binubugbog na para bang wala ng bukas. Madalas ay nagiging unconscious ako sa bawat atake niya. The love I felt for him turned into hate. Galit na pumapatay unti-unti sa akin. Ang daming mga boses ang bumubulong sa akin na tapusin ko na raw ang aking buhay pero pilit kong pinaglalabanan iyon. Ang tanging pangarap ko ngayon ay ang makita si Yna. Subalit idineklara na siyang patay ng mga alagad ng batas. Pumasok si Jake sa silid ko at pinukpok ako ng baril sa ulo. Naramdaman ko ang pagtulo ng pulang likido sa aking noo. Pinahid ko iyon ng likod ng aking palad. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig ako kay Jake na parang sinasapian din ng demonyo. “Jake, set me free. Hayaan mong hanapin ko si Yna,” I beg
JANINA MARIEHalos mawasak ang mundo ko dahil sa balitang dumating. Hindi ko napigilan nang unti-unti akong nawalan ng malay. Nagising na lang ako dahil sa mga boses na tumatawag sa pangalan ko. “Ma’am, gusto n’yo po bang dalhin namin kayo sa hospital?” tanong sa akin ng secretary ko. "Ma'am, ano po ang nararamdaman mo?""Misis Montefona, kumusta po kayo?""Ma'am, gusto n'yo po ba ng tubig o kahit anong inumin?"Umiling ako sa bawat tanong ng mga taong nakapaligid sa akin. Pinilit kong umupo kahit nanghihina ako. Agad kong inutusan ang aking personal assistant na tawagan si Althea at Lola Genevieve. Agad naman siyang tumalima sa utos ko. “Ma’am, on the way na raw po ang lola mo,” wika ng inutusan ko.Bago pa man ako magsalita ay agad na pumasok si Althea sa conference room ng isang hotel kung saan namin isinagawa ang meeting para sa expansion ng mga projects ng Villasanta. Agad akong yumakap kay Althea habang hinahayaan niya lang na dumaloy ang mga luha ko.“Ano ang gagawin ko?” ta
JAKE ADMERSONKapag pera ang gumalaw, kahit anghel ay magiging demonyo!I am patiently waiting sa news sa tv. Hindi ko na kasi makontak ang taong inutusan ko kaya sa balita ako ngayon umaasa. Si Rhian ay walang alam sa ginawa ko at panay lang ang ngawa niya dahil wala raw akong ginagawa kahit malapit na kaming magutom. Nakaririndi ang bibig niya ngunit hindi ko siya magawang palayasin o patayin dahil pwede ko pa siyang magamit laban kay Xavier. “Jake, ano ba, wala ka na bang gagawin riyan kung hindi ang umupo at tumunganga sa tv?” she asked angrily. Sinulyapan ko lang siya. Hindi ko gustong makipag-away dahil ayaw kong mabahiran ang saya ko ng galit. Hanggang sa binato niya ako ng unan. Sinalo ko lang iyon. “Jake, ano ba ang susunod na plano natin? Nakakainip na. Wala ka ng pera, wala na rin ako. Paano na tayo? Magtatago na lang ba tayo rito? I don’t want to live my life like this forever,” reklamo ni Rhian. Dahil nakakatulig na ang bibig niyang walang preno kaya binunot ko ang ba
XAVIER WESLEY As I watched Tommy suffer because of some people's cruelty, I couldn't keep my range under control. I feel bad for his mother, who recently lost her husband. I feel sorry for my wife because she blames herself for what happened.I resolved to take action once more. Although paulit-ulit na pumapalpak ang mga plano ko, hindi ako mapapagod na sumubok ulit para sa safety ng aking buong pamilya. Batid kong hanggang nakakalaya sina Jake at Rhian, hindi mararanasan ng mga anak ko ang kalayaan na tinamasa ko dati. Hindi nila magagawang maglaro ng malaya sa mga parks at lalong hindi sila makakakain sa labas na walang iniisip na panganib. Dad was surprised when I told him na pipilayan kong muli ang mga Admerson. He asked me why and I simply said na preparation lang iyon para sa isang sorpresa. He looked at me and said, "Okay. I'll support you all the way. Tell me what you need and I'll give it to you." It's not usual na basta-basta ako papayagan ni Daddy sa mga ganoong gawain pe
JANINA MARIEFeeling ko ay nabura ang lahat ng hinanakit at galit ko sa isang simpleng yakap lang ni Xavier. Mas nanaig kasi sa akin ang pagkagulat nang nakita ko siya sa police station. Hindi siya nakadamit pangkasal bagkus ay nakasuot siya ng isang simpleng t-shirt at maong pants lang. Pagkatapos masiguro na okay kami ng mga bata ay iniuwi kami ni Xavier sa bahay naming dalawa. Natatakot man dahil sa isyu ng security pero buo ang loob niya at ng mga police na hanggang nagtatago kami ay lalong hindi rin lalabas sina Jake at Rhian. Sinang-ayunan ni Lola Genevieve ang pasya ni Xavier. Ngunit may isang kondisyon, iyon ay itatago ulit ang mga bata at kaming mag-asawa lang ang parang magsisilbi na pain. Subalit hindi gusto nina Jude at Yna na malayo sa aming mag-asawa kaya no choice na ang lahat kung hindi magsama-sama sa loob ng isang bahay. Ang bahay namin na dapat ay ubod ng saya ay punong-puno palagi ng tensyon. Maraming tauhan kaming kasama bukod pa sa mga pulis na maya't-maya ang
JAKE ADMERSONDaig pa namin ni Rhian ang aso't pusa habang nasa biyahe kami pabalik ng Cavite. Kasal daw nila ni Xavier at naghihintay na ang fücking bestfriend ko. I was not about to go dahil hindi ko gustong maki-celebrate sa buhay ni Xavier. Magiging masaya lang kasi ako kung patay na siya. Tumawag si Rhian sa pinagkakatiwalaan niyang katulong na nasa mansion ng mga Montefona. Gusto kong marinig ang latest activity ni Xavier dahil aaminin kong duda ako sa magaganap na kasal nila ni Rhian kaya inutusan ko siyang lakasan ng tawag para marinig ko. “Ma’am, kinausap ako ni Sir Xavier. Tulungan ko raw siyang mag-ayos ng mga gagamitin sa kasal at inayos ko na po lahat,” wika ni Gemma. “Ano ang ginagawa niya ngayon?” ‘Nakakulong lang po siya sa kan’yang silid. Nitong mga nakaraan ay palagi siyang nasa kaniyang room lang kasi masama raw ang pakiramdam niya. Masakit daw ang kaniyang ulo.” “Have you seen any unwanted actions or may narinig ka ba na kahit na anong mga salita na laban sa
JANINA MARIEMatinding awa ang naramdaman ko habang tinitingnan ko si Rhian na dahan-dahang umuupo sa sahig at umiiyak. Alam kong biktima rin siya ng mga sakim na tao lalo na ng kaniyang kinilalang ina. Hindi ko alam kung ano ang mga pinagdaanan niya pero may hinuha akong marami siyang pasakit na naranasan. Inilayo ko si Yna sa kaniyang ina. Ayaw kong makita niya na nasasaktan ang Mommy niya. Kahit hindi ko man siya dugo’t-laman, mahal ko si Yna na parang tunay kong anak. Hanggang hindi matino si Rhian ay ipaglalaban ko ang batang natutunan ko nang mahalin. Nang madala ko si Yna sa silid, muli kong binalikan si Rhian. Ngunit naroon na si Jake. Parang bata na naglambitin si Rhian sa bestfriend ng asawa ko at umiyak lang siya nang umiyak. Panay naman ang tanong ni Jake sa kan’ya kung bakit siya umiiyak pero hindi naman nagsasalita si Rhian. Dahan-dahan akong lumayo sa kanila para hindi ako makaistorbo. Alam ko kasing may relasyon sila dahil nahuli ko silang naghahalikan sa living room