JANINA MARIE
Agad kong hinila ang aking anak at saka kinarga ito para protektahan kung sakaling kumilos ng hindi tama si Xavier. Ang mga mata kasi niya ay nag-aapoy sa galit at umigting din ang kaniyang panga.
"G-good morning, sir," bati ko sa kaniya.
"Whose child is it?" paasik na tanong ni Xavier.
"Anak ko po, sir. Siya po si…"
"I don't care who he is."
Mabilis na lumakad si Xavier papasok ng bahay at iniwan kaming mag-ina. Napatunganga naman ang kapit-bahay namin at nakaimik lamang nang tinapik ko siya sa braso.
"Nakakita ba ako ng demonyo o nakakademonyo na lalaki? Grabe ang kagwapuhan niyang taglay pero ang sama ng ugali. Ang taray niya, Janina," sabi ng kapitbahay namin.
Gusto kong sabihin sa kaniya na bakla si Xavier kaya ganoon kung kumilos pero hindi ako nagsalita. Nakikinig kasi ang anak ko na bahagya ko lang tinakpan ang tainga nang magsalita na ang kausap ko. Ayaw ko rin isipin ng mga kapitbahay na bakla ang mapapangasawa ko at bigyan sila ng pagkakataon para pagtawanan kami ni lolo katulad nang ginawa nila noong nabuntis ako.
Pumasok ako ng bahay para pakinggan ang usapan ng mga matatanda. Nabanggit na kanina ng mga magulang ni Xavier na mamamanhikan na sila at kinakabahan ako sa magiging takbo ng usapan.
Nakamamatay na tingin ni Xavier ang una kong nakita pagpasok namin ni Jude sa sala ng bahay. Hindi man siya kumibo, pakiramdam ko ay bibitayin n'ya na ako.
"Janina is here. Let's start planning their wedding," nakangiting sabi ni Sir Kurt Montefona.
"Iho, come here," sabi ni Ma'am Levy Montefona kay Jude. Hindi naman nag-alinlangan ang anak ko na lumapit sa mabait na ginang.
"Xavier, as you know, you and Janina are going to get married. Her son will also be your son," saad ni Sir Kurt.
"Daddy, I can't marry her because I'm gay, and if we pursue this marriage, it will be difficult for her. I'd rather be with men than be an instant father to a child whose father may be a gangster."
"My papa is not a gangster; he lives in the United States," umiiyak na sabi ng aking anak.
"See? May tatay siya. Bakit hindi n'yo sa kaniya ipakasal si Janina?" Binalingan ni Xavier ang lolo ko. "Look, Sir Winston Villasanta, your debt is paid already. Kahit wala nang wedding na magaganap, wala ka nang problema."
"Shut up, Xavier Wensley!" sigaw ng Daddy ni Xavier.
Hindi nakaimik si lolo dahil sa mga kaganapan. Kita ko ang panliliit niya at ganoon din ako. Para kaming mga makasalanan na naghihintay ng hatol.
"Daddy, lower your voice. Jude is frightened because of you two," saway ni Ma'am Levy kay Sir Kurt.
"Xavier, kahit balewalain mo ang utang ni Tito Winston sa pamilya natin, you must still marry Janina because that is what Daddy and Tito promised to each other. Sino tayo para hindi sumunod sa last will and testament ng lolo mo? Hindi mo ba alam na bukod sa bayaran ng utang, kapag hindi ka sumunod ay mawawalan ka ng mana?" tanong ni Sir Kurt sa anak niya.
"What? No!" Sunod-sunod na iling ang ginawa ni Xavier. "What you're saying is completely absurd. It's deception! You're all attempting to thwart my personal life decisions."
"Listen carefully before you open your fücking dirty mouth, Xavier. Kung ang mga Villasanta ay may malaking utang na pera sa atin, tayong mga Montefona ay may malaking utang na loob sa mga Villasanta. Did you know that your Lolo Emmanuel was willing to support Tito Winston hanggang makabawi siya pero tinanggihan iyon ni Tito simply because of his love to daddy? Tito Winston declined all monetary help. He didn't want to destroy your Lolo's reputation because at that time, the attack dog of his rival in business was spreading fake news about him. Kung hindi dahil kay Tito Winston, tayong mga Montefona ang nasa sitwasyon nila ngayon at sila ang nasa sitwasyon natin! Whether you like it or not, you will marry Janina! That's an order!"
Natahimik ako dahil sa matigas na boses ni Sir Kurt. Madalas ko siyang makitang mahinahon at parang easy to deal with. Hindi ko akalain na para siyang mabangis na hayop kung magalit. Maging si Xavier ay naumid na rin ang dila at tulad ko ay nakinig na lang siya sa usapan ng mga magulang niya at ni lolo.
"Jude, come. Pakakainin muna kita," tawag ko sa anak ko.
Mabilis namang bumaba ang aking anak mula sa pagkakakarga ni Ma'am Levy. Nang kami na lang mag-ina sa kusina, biglang niyakap ako ng aking anak.
"Mama, bakit ka ikakasal na si ibang lalaki. Paano ang papa ko?" uutal-utal na tanong ni Jude.
"Because your mom is a crazy whore," sagot ni Xavier na hindi ko namalayan ay sumunod pala.
Napalunok ako. Hindi ko matanggap na sa harapan pa ng aking anak ako iinsultuhin ni Xavier. Mabuti na lang at hindi n'ya pa kayang intindihin ang sinabi ng lalaking nasa harapan namin. Nanginginig ang aking mga kamay nang hawakan ko ang baso. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kina Xavier at Jude.
"Hey, defend yourself," pang-aasar pa ni Xavier.
"Jude, labas ka nga muna, 'nak" utos ko sa anak ko.
Subalit hindi siya kumilos at sa halip ay yumakap siya agad kay Xavier.
"Sana ikaw na lang po ang papa ko," sabi ng anak ko. "Parang ghost kasi ang papa ko. Ang tagal niya na sa ibang bansa pero lungkot ako kasi hindi n'ya ako naaalala."
Pakiramdam ko ay biglang nanigas ang katawan ni Xavier. Hindi kasi siya gumalaw o nagsalita man lang. Nakatitig lang siya kay Jude pero hindi naman siya galit katulad kanina. Hinablot ko agad si Jude sa braso n'ya at inilayo ko siya kay Xavier.
"Sir, saka na lang po tayo mag-usap. Pakakainin ko po muna ang anak ko. Papasok na po ako sa trabaho bukas. Doon tayo mag-usap." Sinadya kong bigyan diin ang huling linyang sinabi ko. Nakangiti rin ako pero ipinkita ko sa kaniya ang pagkairita ko.
"Are you mad, mama?" inosente na tanong ng anak ko.
Sa halip na sumagot ay hinalikan ko lang si Jude. Pinaupo ko siya sa lamesa at nagsimula na akong maghanda ng pagkain niya. Nanatili naman na nakamasid sa amin si Xavier habang nakahalukipkip ang mga braso niya.
"Hindi ko naman pala kailangan na magpakasal sa lokong ito kung hindi lang dahil sa last will ng lolo n'ya. Kausapin ko nga si lolo mamaya," bulong ko sa aking sarili.
Hindi ko na pinansin pa si Xavier. Itinuring ko siyang parang multo na hindi ko nakikita pero nararamdaman ko. Kalaunan ay kusa siyang umalis sa kusina pagkatapos niya kaming pagmasdan ng aking anak.
Bago mag-tanghalian ay nagpaalam na rin ang mga Montefona. Bigla na lang nawala si Xavier at hindi na nagpaalam pa. Nang mapagsolo kami ni lolo ay puso sa puso ko siyang kinausap.
"Hindi maaari, Janina. May utang pa rin tayo sa pamilya nila at lalong hindi maaari na balewalain ko ang last will and testament ng kaibigan ko. We have a word of honor. No matter what, we will uphold the word of friendship."
"Pero, lolo, kinabukasan ko po at ni Jude ang nakataya rito. Eh, daig pa ni Xavier ang isang tigre na lalapain ang anak ko," himutok ko.
"Xavier is kind and very loving person. He's sweet and caring. You'll see soon, iha."
"Soon? Lolo…"
"Stop, Janina. Panahon na para bigyan mo ng ama si Jude."
Napabuga ako ng hangin. Kung pwede lang talaga akong sumagot sa lolo ko, ginawa ko na. Ngunit ayaw kong sumama ang loob niya kaya nanahimik ako.
Kinabukasan, nagulat ako nang pagpasok ko sa opisina ni Xavier ay wala siyang kibo. Wala na ang mga pagkain sa table niya ngunit nakaupo si Jake sa mahabang couch. Nauna pa silang dumating sa opisina kahit hindi naman ako late.
"Good morning, sirs," bati ko sa dalawa. "Coffee?"
"No need to ask repetitive questions each day!" singhal agad ni Xavier.
Agad akong tumalikod.
"Ang aga-aga, kumalma ka muna, JM," paalala ko sa aking sarili.
Nang matapos akong magtimpla ay agad kong dinala ang kape sa dalawang lalaki na seryosong nag-uusap. Narinig kong tapos na ang problema ng MEC at naghahanda na ang company para sa susunod na namang batch of orders.
"Janina, iuwi mo mamaya ang mga pinamili ko para sa anak mo," wika ni Jake. "Tell me if you need more."
"No!" Sabay kaming napalingon ni Jake kay Xavier.
"May tama talaga sa ulo niya ang lalaking ito," bulong ko sa sarili. "Si Jake na lang kaya ang akitin ko at pakasalan. Mukhang siya ang mas lalaki sa relasyon nilang dalawa."
"What are you thinking? Magtitimpla ka na lang ng coffee, wala pang lasa. Ang aga mong lumandi pero simpleng pagtimpla ng coffee, hindi mo magawa ng tama!" bulyaw ni Xavier.
"Xavier, this coffee is delicious. This is, without a doubt, the best coffee I've ever had," tutol ni Jake.
"No, it's not!" inis na sabi ni Xavier.
"Black coffee, without cream. Ano po ba ang gusto n'yo?" nagpipigil na tanong ko.
"Less sugar."
"Sir, hindi ko iyan nilagyan ng sugar."
Napangiti si Jake. Ngunit kumunot lalo ang noo ni Xavier.
"Kapag sinabi kong less sugar, less sugar! Give me another cup of coffee."
Okay. Nakuha ko na. Gusto niya lang akong pahirapan at hindi talaga totoong hindi masarap ang kapeng tinimpla ko kanina. Habang nagtitimpla ako, nakita ko si Jake na umalis na at bahagya pa siyang kumaway sa akin. Napatango na lang ako sa kaniya bago siya nawala sa may pintuan.
Nang muli akong pumasok sa loob ng office ni Xavier ay napataas ang maitim kong kilay. Wala na kasing laman ang tasa na pinaglagyan ko kanina ng kape. Ininom na ni Xavier ang lahat ng laman noon.
Buong araw ay daig ko pa ang alila ni Xavier. Pagod na pagod na ako at halos hindi ko na ma-take ang kagaspangan ng ugali niya. Alam kong sinasadya n'ya ang lahat para umusok ang ilong ko pero hindi ako nagpahalata na napipikon na ako.
Nang uwian na, dinala ko lahat ng mga binili ni Jake para kay Jude. Para sa anak ko iyon at dati na rin naman na tinulungan kami ni Jake kaya walang kaso iyon. Nag-text na lang ako sa kaniya para sabihin ang pasasalamat ko. Tiningnan lang naman ako ni Xavier at hindi ito nagsalita.
Araw ng Linggo, wala akong pasok. Gusto ko pa sanang matulog ng hanggang alas-nueve ng umaga pero ginising ako ng mga halik ni Jude.
"Papa is here. Papa is here."
Halos malaglag ako sa higaan. Nakabihis na ng panlakad ang aking anak. Suot n'ya ang kaniyang paboritong damit na regalo ko noong third birthday niya. Ngunit hindi roon napako ang tingin ko kun'di sa lalaking nakatayo sa may pintuan ng silid naming mag-ina.
"Sir! A-a-no pong ginagawa n'yo rito?"
"Get ready. May pupuntahan tayo," sagot ni Xavier sa tanong ko.
"Ho?"
"Stupid! Is it necessary for me to reiterate what I've said?"
"No, sir. Saan po tayo pupunta? I mean, bakit kayo nandito?"
"Ayaw ko kasing nanlilimos ka kay Jake kaya aasikasuhin ko ang mga kailangan n'yong mag-ina."
Limos? Bigla kong nakuha ang unan para batuhin si Xavier ngunit wala na siya. Nahila na siya ng anak ko at sumigaw pa si Jude ng, "Please faster, mama. I'm excited na po."
Sumunod ako sa dalawa. Hindi ko gustong magkaroon ng utang na loob sa CEO ng MEC kaya hindi ako sasama sa lakad na gusto niya. Ang hirap niya kasing unawain. Para siyang hangin na paiba-iba ng ihip. Minsan mabait, ngunit madalas salbahe.
"Bakit hindi ka pa rin nakahanda, Janina?" nagtataka na tanong ni lolo.
"Hindi po ako pwedeng sumama kay Xavier. May birthday-han po kaming pupuntahan mamaya ni Jude," pagsisinungaling ko.
"That's okay. We will attend the party once na natapos na tayo sa pamimili," kalmadong sabi ni Xavier.
"Mama, wala po akong natanggap na invitation," wika ni Jude.
"Janina…" mahinang tawag ni lolo sa pangalan ko. Alam na kasi niya na hindi ako nagsasabi ng totoo. Pinandilatan niya ako ng kaniyang mga mata.
Tiningnan ako ni Xavier. Hindi siya nagsalita pero halata sa mga tingin niya na hindi n'ya na naman nagustuhan ang pagsisinungaling ko. Napilitan akong maligo at magbihis.
Isang white crop top at highwaist pants na khaki ang sinuot ko. Lumutang ang ka-sexy-han ko at natuwa ako. Hinayaan ko lang na nakalugay ang maitim kong buhok na nilagyan ko lang ng hair clip. Kaunting polbo at lipstick lang din ang nilagay ko para lumutang ang natural kong ganda na bagay sa katawan ko.
Nagbaba-taas ang Adams apple ni Xavier ng makita n'ya ako. Napangiti ako. Mukhang naapektuhan ang bakla sa outfit ko. Bago kami umalis ay niyaya n'ya si lolo na sumama pero tumanggi naman siya kaya kaming tatlo na lang ang umalis.
Sa likuran ng kotse kami ni Jude sumakay. First time ng anak ko na sumakay ng kotse kaya tuwang-tuwa siya. Sa sobrang likot niya ay hindi ako magkandaugaga sa pag-asikaso sa kaniya habang nagmamaneho si Xavier. Pasalamat na rin ako dahil nakalimutan ko ang matinding pagkailang na nararamdaman ko kanina pa.
"Nasaan tayo?" tanong ko kay Xavier ng bumaba na kami ng sasakyan.
"MOA," maikling sagot niya.
Pinagbuksan n'ya kami ni Jude ng pintuan pero hindi n'ya ako pinansin. Hinawakan n'ya lang sa kamay ang anak ko at nauna na silang lumakad. Sumunod lang ako sa kanila na para bang katulong lang ako ni Xavier at yaya ako ni Jude.
Buong umaga ay walang tigil sina Xavier at Jude sa kanilang paglalaro. Ako naman ay nakatayo lang sa tabi. Nang oras na ng tanghalian ay asikasong-asikaso ni Xavier ang anak ko at bihira niya lang akong kausapin.
Kumakain pa kami ng tumawag si Jake. Tinatanong niya ako kung free daw ba ako dahil balak niyang pumunta sa bahay at ipasyal kaming mag-ina sa labas.
"I'm sorry, Sir Jake. Nasa labas po kami ni Jude," sabi ko.
"Oh, I see. Okay. Probably next week…"
Napatingin ako kay Xavier. Mahigpit ang hawak n'ya sa table knife kaya bumilis ang tibok ng puso ko.
"S-sorry, sir. Hindi ko pa masasabi," sambit ko.
Biglang ibinagsak ni Xavier ang hawak niyang table knife at lumikha iyon ng tunog. Napatingin ako sa aking anak na nasa tabi n'ya lang at paminsan-minsan niyang sinusubuan. Bigla kong pinatay ang tawag at isinalid sa bag ko ang aking cellphone.
"Jude, okay ka lang ba, anak?" tanong ko.
"Yes, mama. Nagulat lang po ako. Bigla kasi pong nabitawan ni Papa Vier ang knife n'ya," sagot ng anak ko.
"I'm sorry," wika ni Xavier habang ginugulo ang buhok ni Jude.
Pagkatapos naming kumain ay halos bilihin na lahat ni Xavier ang laman ng isang shop na puro pambata at laruan ang paninda. Hindi pa siya nakuntento, lahat ng gustong laruin ng anak ko ay nilaro nilang dalawa. Tumutulo na ang pawis n'ya sa kahahabol sa anak ko ngunit hindi ko siya narinig na nagreklamo.
"Ang swerte mo sa asawa mo. Napakabait na ama," wika ng isang ginang na nakatabi ko habang hinihintay ko sina Xavier at Jude na matapos sa rides na sinakyan nila. Hindi ko alam kung bakit hindi ko nagawang itanggi si Xavier. Pinabayaan ko ang babae sa paniniwala niyang asawa ko nga ang CEO ng kumpanya kung saan ako nagtatrabaho.
Oras ng uwian, bagsak ang anak ko dahil sa sobrang pagod sa maghapon na paglalaro. Kalong-kalong ko siya habang naiipit kami sa traffic.
"Miss Villasanta, do you really want to marry me?" Naalimpungatan ako. Muntik na sana akong makatulog sa loob ng sasakyan ngunit nang marinig ko ang tanong ni Xavier ay biglang lumipad ang antok ko.
"Wala po akong choice, sir," sagot ko.
"Honestly, ayaw kitang maging asawa," prangka niyang sabi.
"Alam ko po."
"I don't want any commitment. Masyado na akong nasaktan dahil sa pagpapahalaga ko sa ibang tao. Ngunit may matindi akong dahilan kaya ayaw kong makasal sa iyo. My heart belongs to somebody."
Napatingin ako sa labas ng sasakyan. Hindi ko alam kung saan galing iyong sakit sa dibdib na bigla kong naramdaman. Feeling ko ay hindi ako makahinga. Siguro dahil naiipit ako ni Jude.
"Si Sir Jake po ba ang…"
Tumawa si Xavier. Noon ko lang siya nakitang tumawa ng ubod lakas. Naningkit din ang mga mata niya dahil sa tuwa.
"What if I'm gay? Would you be willing to let me go? Would you call off the wedding?"
"Sir…"
"Let's make a deal," wika ni Xavier. "I'm going to give you everything you ask for. Money, a house, a lot, and cars. Name it."
"Wala po akong kailangan."
"Liar! I'm gay! Don't you get it? I hate women. I hate you! There is someone else na gusto kong makasama sa buhay.
"Ang swerte naman ni Sir Jake," naisip ko.
Ngunit nang aktong magsasalita na ako para pumayag na sana sa gusto niya para matahimik naman ang buhay ko ay bigla nya akong hinagisan ng tseke. Three million pesos ang nakalagay doon na amount.
"Take it! Sapat na siguro iyan para lubayan mo ako dahil hindi ikaw ang para sa 'kin."
Nainsulto ako ng sobra dahil sa ginawa n'ya. Ang puso kong palaban ay biglang nabuhay.
"Bibigyan ko ng leksyon ang aroganteng baklang ito. Isinusumpa ko, mahuhulog ka sa bitag ko," bulong ng isip ko habang malanding nakangiti kay Xavier.
Hello readers. Please don't be surprised. Pina-move ko po ang lock chapter para makaipon po kayo ng vcoins. Thank you po sa support n'yo sa akin.
JANINA MARIEMaaga akong pumasok sa company. Isang maikling mini skirt ang suot ko. Pinarisan ko iyon ng isang white blouse na may long neckline. Pinatungan ko ng blazer ang suot ko para hindi ako masilipan habang nasa byahe pero tinanggal ko rin naman agad iyon pagpasok ko sa opisina ni Xavier. Nanggigigil kong ibinagsak ang dala kong papel sa lamesa niya nang pumasok ako sa kaniyang office. Naalala ko kasi kung gaano siya biglang naging mabangis nang pinunit ko ang tseke sa harapan niya pagkatapos kong ngumiti ng ubod landi. "I can't accept the check, sir. I want more," sabi ko. "Damn you! You're a fucking slüt! Pagkatapos mong magpabuntis sa iba, gagawin mo akong instant dad! No way! I will not marry you!" sigaw n'ya sa mukha ko.Ngunit hindi ako nagpatinag sa lakas ng boses n'ya. Bigla lang siyang tumigil nang magising si Jude at umiyak ito. Mula sa pagiging galit na galit ay biglang lumambot ang mukha niya at saka pinatahan ang anak kong nagsimula nang mag-alburoto dahil naist
JANINA MARIENagising ako sa malakas na sigawan at putok ng baril. Agad kong hinanap sina lolo at Jude. Ngunit umiikot pa rin ang paningin ko kaya hindi ko sila maaninag. "How are you?" tanong ng isang familiar na tinig."Nasaan si lolo at Jude?" tanong ko kay Xavier na pangko ako. "Don't worry. They are safe," sagot ni Xavier. Nang mahimasmasan ay bigla akong bumangon. Nahihiya na lumayo ako kay Xavier. Nasa reception venue pa rin kami ngunit iilan na lang ang mga tao. Sina lolo at Jude ay nasa isang gilid kasama ang mga magulang ni Xavier. "N-na-saan si Tommy at mga kasama niya?" nauutal kong tanong. "They were apprehended by cops. We will file a case against Tommy and his team," sabi ni Xavier. "Senator ang tatay ni Tommy," wala sa sarili na nasabi ko habang naglalakad palapit kay Jude at lolo. "I don't mind kahit president pa ng Amerika ang tatay niya!" iritado na sagot ni Xavier. Halos hindi ko bitawan si Jude nang mayakap ko s'ya. Buong buhay ko ay noon lang ako nakaramd
XAVIER WESLEY Time flies so fast. I have been married for almost one month. I can feel na unti-unting nahuhulog na ang aking loob sa babaeng pinakasalan ko ngunit nandidiri ako sa kaniya. Ilang beses ko siyang tinanong kung sino ang ama ni Jude, but she refused to tell me the truth. Palagi niya lang sinasabi na isang pagkakamali ang nangyari noon ngunit hindi niya pinagsisisihan ang pagdating ni Jude sa buhay n'ya. Despite being ruthless and rude, I can't control myself. I'm not sure if what I'm feeling right now is love. One thing is certain: she is special in my heart. I want to see her every day. I want to take care of her. I want to protect her secretly. The employees at Montefona Electronics Company are intrigued by her. They are destroying her image. But she's strong enough to face her battle on her own. She never fights back. She knows when and where to speak. With that, I adore her. "Stop answering their questions!" bulyaw ko kay Janina ng makapasok kami sa opisina ko. "
JANINA MARIEIlang gabi na akong walang tulog. Nahuli kong may sikretong inabot si Xavier kay Jake noong huling dalaw ng bestfriend niya sa kaniyang bahay. Hindi ko alam kung ano iyon pero narinig ko ang usapan nila na isa iyong remembrance na naiwan ng isang babae kay Jake at itinago lang ni Xavier. Ganoon ba katindi ang selos ni Xavier sa babaeng iyon para kunin n'ya ang bagay na pagmamay-ari ng pinagseselosan niya? Dahil sa bagay na iyon na binawi ni Jake ay napatunayan ko na sa relasyon nina Jake at Xavier, si Jake ang lalaki at si Xavier ang bakla. Sayang! Umasa pa naman ako dati na si Jake ang binabae at si Xavier ang lalaking-lalaki sa kanilang dalawa pero nagkamali ako. "May bago ba, Janina? Matagal mo na rin namang alam na bakla ang pinakasalan mo pero hinayaan mo ang iyong sarili na unti-unting mahulog sa kan'ya kahit pinahihirapan ka n'ya," galit ko sa aking sarili. Habang nakaupo sa harap ng isang bakanteng lamesa, matiyaga kong hinihintay si Althea. Abala pa s'ya sa pa
JANINA MARIE"Don't touch me with your filthy hand!" sigaw sa akin ng babae nang aalalayan ko sana siyang tumayo. Napasadsad kasi ang babae sa puno ng hagdanan ng itulak siya ni Xavier. Napatingin ako sa aking anak na nagtatago sa likuran ng tinatawag niyang papa. Bakas sa mukha niya ang matinding takot. "Who are they?" tanong ng babae. "Leave! I don't want to see your face again!" sigaw ni Xavier. "Ouch! It hurts, huh." Ipinagpag ng babae ang kan'yang mga kamay. "This is also my house, Xavier. May I remind you, honey, we built this house together.""This is my property. Your name is not written in its title. Leave before I call the police." Ang pula ng mukha ni Xavier. Halata ang matinding galit sa kan'yang boses. Dali-dali naman akong lumapit sa kanilang dalawa ni Jude at iniakyat ko sa third floor ang aking anak. Ayaw ko kasing makita niya ang away ng dalawa. Narinig kong nagsisigawan sila sa baba. Tinakpan ko ang tenga ng aking anak. Wala akong ibang priority kun'di siya. Ng
XAVIER WESLEYMy heart is breaking, but I have to be harsh so that Janina can easily forget me when the time comes for us to be separated. Gusto ko na kasing pakawalan siya dahil katulad din siya ni Rhian, pakawala. Aside from that, Rhian is silently trying to spy me with hidden cameras. Nang lumapit sa akin si Janina para ibigay ang schedules ko for that day, I received a text message from Rhian saying that there was a hidden camera in my office. Knowing Rhian, alam kung totoo iyon kaya kahit labag sa loob ko, sinaktan ko physically si Janina para isipin ni Rhian na walang namamagitan sa amin ni Janina. Gusto kong mabuo rin sa isip niya na kinamumuhian ko ang aking asawa. I was deeply hurt nang makita kong inaalalayan ni Jake si Janina nang halos mawalan na siya ng malay dahil sa narinig niyang usapan namin ni Rhian. Mahal ni Jake si Janina kaya nga kahit natagpuan niya na ang babaeng naka-one-night stand n'ya ay wala siyang naikukwento man lang tungkol dito. Lalaki rin ako kaya al
JANINA MARIENagulat ako nang isang araw ay biglang may pumasok na mga lalaki sa opisina ni Xavier. Pati mesa ko ay halos ibaliktad nila. Hindi ko alam kung ano ang hinahanap nila. Ang weird ng kilos ng lahat sa paligid ko. Maging si Xavier ay ganoon din. Hindi ko siya maintindihan. Nag-uusap-usap sila gamit ang mga code na hindi pamilyar sa akin. "Ano po ba ang problema, kuya?" Hindi ako nakatiis kaya tinanong ko na ang isa sa mga lalaki."Wala naman po, ma'am. Sige lang po, magtrabaho lang po kayo," sagot n'ya. Tiningnan ko si Xavier. Nakahalukipkip lang siya habang tinitingnan ang mga lalaki. Alam kong hindi bad guys ang mga nasa loob ng office ni Xavier kasi magalang naman nilang kinakausap ang CEO ng Montefona Electronics Company. "Ito, sir, ang isa," sabi ng isang lalaki habang may ipinapakita siya kay Xavier. "Ano kayang hinahanap ng mga ito?" tanong ko sa sarili. Wala rin kasi akong makuha na sagot mula sa mga lalaki. Hindi ko rin nakita ang nasa palad niya nang may ipakit
JANINA MARIEHindi ko alam kung ano ang gagawin ko nang may isang lalaking nagwawala sa labas ng bahay ni Xavier at nagpapakilala na dati kong nobyo raw siya. Hindi ko siya kilala at hindi ko rin alam kung ano ang dahilan bakit niya ginagawa iyon. Ipinagsisigawan niya sa lahat na isa akong walang kwentang babae. Iniwan ko raw siya dahil sa pera. Marami pa siyang sinasabi na hindi naman totoo at puro paninirang puri lang. Uminit ang ulo ni Xavier dahil sa nagaganap. Naglabasan na rin kasi ang mga kapitbahay niya dahil sa ingay na likha ng nagpapakilalang ex boyfriend ko raw. Ang mga guards ay pilit na kinakausap ang lalaki ngunit wala itong planong tumigil. Naghahanap talaga siya ng atensyon kaya mas lalo pa siyang naging agresibo. "Do you know him, Janina?" tanong ni Xavier sa akin. "Hindi, Xavier. Hindi ko nga alam kung ano ang pangalan niya. Ngayon ko lang din nakita ang pagmumukha ng lalaking iyan," sagot ko. "Why is he making a scene here if you do not know who he is, huh, Jan
JANINA MARIE Makalipas ang isang taon, habang masaya kaming magkakaharap na kumakain sa malawak na bakuran ng Paraiso De Montefona sa Calauag ay biglang umiyak ang aking bunso. Parang sinilaban ang puwet ni Xavier dahil sa bilis n’yang tumayo. "Dessa, don't cry, baby," sabi niya habang isinasayaw ito. Kumikislap ang aking mga mata habang pinapanood ko sila. Sa tabi ko ay naroon sina Yna at Jude. Tinutulungan ni Yna ang kanyang kapatid para tanggalan ng tinik ang isda na nasa plato nito. "Ako na ate. Ayaw kong mahirapan ka kasi girl ka. Dapat ako ang tutulong sa iyo," saad ni Jude. "'Wag ka na ngang magreklamo diyan. Ate ako," sagot ni Yna. "Oh, 'wag na kayong mag-away. Ako na lang ang gagawa," sabad ni Nanay Elle. "Hindi po kami nag-aaway. Ganito lang po talaga kami," mahinang sabi ni Jude. Nakangiting sumubo ako ng pagkain. Sa mga gano'ng pagkakataon ay pinapabayaan ko ang aking mga anak upang matutunan nila kung paano respetuhin ang isa't isa. Hinahayaan ko sila para
JANINA MARIEAng mga sumunod na linggo na wala si Xavier ay napakahirap para sa akin. Nagsimula na akong makaranas ng morning sickness at katulad noong ipinagbubuntis ko si Jude, wala akong asawa na puwedeng tumulong sa akin. Nag-initiate ang mga biyenan ko na sa mansyon ng Montefona muna ako tumira subalit tinanggihan ko sila. Mas gusto ko kasing manatili sa bahay kung saan ay na kasama ko si Xavier ng matagal. Gusto kong mabuhay sa mga alaala ng aking mag-ama. "Kumusta ka rito," tanong sa akin ni Althea. "Maayos naman ako," sagot ko sa kan'ya. Tumingin sa akin ang aking kaibigan na para bang hindi niya ako pinaniniwalaan. "Sigurado ka?" tanong niya ulit sa akin. "Baka mamaya tumalon ka riyan sa swimming pool katulad nang ginawa mo noon sa dagat sa Batangas."Nahampas ko ang aking bestfriend. Kahit kasi ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang nangyaring iyon. Aaminin kong nawala ako noon sa aking sarili, ngunit hindi ko na gustong mangyari pa iyon.
RHIAN HOFREY Jake has been irritable lately. Madalas ay ikinukulong niya ako sa silid at hindi pinakakain. Ginagamit niya rin ako na parang hayop. My life with him is like hell. Nakakasakal at nakakapagod ang bawat segundo. Kapag lasing siya ay pinagdidiskitahan niya ako at binubugbog na para bang wala ng bukas. Madalas ay nagiging unconscious ako sa bawat atake niya. The love I felt for him turned into hate. Galit na pumapatay unti-unti sa akin. Ang daming mga boses ang bumubulong sa akin na tapusin ko na raw ang aking buhay pero pilit kong pinaglalabanan iyon. Ang tanging pangarap ko ngayon ay ang makita si Yna. Subalit idineklara na siyang patay ng mga alagad ng batas. Pumasok si Jake sa silid ko at pinukpok ako ng baril sa ulo. Naramdaman ko ang pagtulo ng pulang likido sa aking noo. Pinahid ko iyon ng likod ng aking palad. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig ako kay Jake na parang sinasapian din ng demonyo. “Jake, set me free. Hayaan mong hanapin ko si Yna,” I beg
JANINA MARIEHalos mawasak ang mundo ko dahil sa balitang dumating. Hindi ko napigilan nang unti-unti akong nawalan ng malay. Nagising na lang ako dahil sa mga boses na tumatawag sa pangalan ko. “Ma’am, gusto n’yo po bang dalhin namin kayo sa hospital?” tanong sa akin ng secretary ko. "Ma'am, ano po ang nararamdaman mo?""Misis Montefona, kumusta po kayo?""Ma'am, gusto n'yo po ba ng tubig o kahit anong inumin?"Umiling ako sa bawat tanong ng mga taong nakapaligid sa akin. Pinilit kong umupo kahit nanghihina ako. Agad kong inutusan ang aking personal assistant na tawagan si Althea at Lola Genevieve. Agad naman siyang tumalima sa utos ko. “Ma’am, on the way na raw po ang lola mo,” wika ng inutusan ko.Bago pa man ako magsalita ay agad na pumasok si Althea sa conference room ng isang hotel kung saan namin isinagawa ang meeting para sa expansion ng mga projects ng Villasanta. Agad akong yumakap kay Althea habang hinahayaan niya lang na dumaloy ang mga luha ko.“Ano ang gagawin ko?” ta
JAKE ADMERSONKapag pera ang gumalaw, kahit anghel ay magiging demonyo!I am patiently waiting sa news sa tv. Hindi ko na kasi makontak ang taong inutusan ko kaya sa balita ako ngayon umaasa. Si Rhian ay walang alam sa ginawa ko at panay lang ang ngawa niya dahil wala raw akong ginagawa kahit malapit na kaming magutom. Nakaririndi ang bibig niya ngunit hindi ko siya magawang palayasin o patayin dahil pwede ko pa siyang magamit laban kay Xavier. “Jake, ano ba, wala ka na bang gagawin riyan kung hindi ang umupo at tumunganga sa tv?” she asked angrily. Sinulyapan ko lang siya. Hindi ko gustong makipag-away dahil ayaw kong mabahiran ang saya ko ng galit. Hanggang sa binato niya ako ng unan. Sinalo ko lang iyon. “Jake, ano ba ang susunod na plano natin? Nakakainip na. Wala ka ng pera, wala na rin ako. Paano na tayo? Magtatago na lang ba tayo rito? I don’t want to live my life like this forever,” reklamo ni Rhian. Dahil nakakatulig na ang bibig niyang walang preno kaya binunot ko ang ba
XAVIER WESLEY As I watched Tommy suffer because of some people's cruelty, I couldn't keep my range under control. I feel bad for his mother, who recently lost her husband. I feel sorry for my wife because she blames herself for what happened.I resolved to take action once more. Although paulit-ulit na pumapalpak ang mga plano ko, hindi ako mapapagod na sumubok ulit para sa safety ng aking buong pamilya. Batid kong hanggang nakakalaya sina Jake at Rhian, hindi mararanasan ng mga anak ko ang kalayaan na tinamasa ko dati. Hindi nila magagawang maglaro ng malaya sa mga parks at lalong hindi sila makakakain sa labas na walang iniisip na panganib. Dad was surprised when I told him na pipilayan kong muli ang mga Admerson. He asked me why and I simply said na preparation lang iyon para sa isang sorpresa. He looked at me and said, "Okay. I'll support you all the way. Tell me what you need and I'll give it to you." It's not usual na basta-basta ako papayagan ni Daddy sa mga ganoong gawain pe
JANINA MARIEFeeling ko ay nabura ang lahat ng hinanakit at galit ko sa isang simpleng yakap lang ni Xavier. Mas nanaig kasi sa akin ang pagkagulat nang nakita ko siya sa police station. Hindi siya nakadamit pangkasal bagkus ay nakasuot siya ng isang simpleng t-shirt at maong pants lang. Pagkatapos masiguro na okay kami ng mga bata ay iniuwi kami ni Xavier sa bahay naming dalawa. Natatakot man dahil sa isyu ng security pero buo ang loob niya at ng mga police na hanggang nagtatago kami ay lalong hindi rin lalabas sina Jake at Rhian. Sinang-ayunan ni Lola Genevieve ang pasya ni Xavier. Ngunit may isang kondisyon, iyon ay itatago ulit ang mga bata at kaming mag-asawa lang ang parang magsisilbi na pain. Subalit hindi gusto nina Jude at Yna na malayo sa aming mag-asawa kaya no choice na ang lahat kung hindi magsama-sama sa loob ng isang bahay. Ang bahay namin na dapat ay ubod ng saya ay punong-puno palagi ng tensyon. Maraming tauhan kaming kasama bukod pa sa mga pulis na maya't-maya ang
JAKE ADMERSONDaig pa namin ni Rhian ang aso't pusa habang nasa biyahe kami pabalik ng Cavite. Kasal daw nila ni Xavier at naghihintay na ang fücking bestfriend ko. I was not about to go dahil hindi ko gustong maki-celebrate sa buhay ni Xavier. Magiging masaya lang kasi ako kung patay na siya. Tumawag si Rhian sa pinagkakatiwalaan niyang katulong na nasa mansion ng mga Montefona. Gusto kong marinig ang latest activity ni Xavier dahil aaminin kong duda ako sa magaganap na kasal nila ni Rhian kaya inutusan ko siyang lakasan ng tawag para marinig ko. “Ma’am, kinausap ako ni Sir Xavier. Tulungan ko raw siyang mag-ayos ng mga gagamitin sa kasal at inayos ko na po lahat,” wika ni Gemma. “Ano ang ginagawa niya ngayon?” ‘Nakakulong lang po siya sa kan’yang silid. Nitong mga nakaraan ay palagi siyang nasa kaniyang room lang kasi masama raw ang pakiramdam niya. Masakit daw ang kaniyang ulo.” “Have you seen any unwanted actions or may narinig ka ba na kahit na anong mga salita na laban sa
JANINA MARIEMatinding awa ang naramdaman ko habang tinitingnan ko si Rhian na dahan-dahang umuupo sa sahig at umiiyak. Alam kong biktima rin siya ng mga sakim na tao lalo na ng kaniyang kinilalang ina. Hindi ko alam kung ano ang mga pinagdaanan niya pero may hinuha akong marami siyang pasakit na naranasan. Inilayo ko si Yna sa kaniyang ina. Ayaw kong makita niya na nasasaktan ang Mommy niya. Kahit hindi ko man siya dugo’t-laman, mahal ko si Yna na parang tunay kong anak. Hanggang hindi matino si Rhian ay ipaglalaban ko ang batang natutunan ko nang mahalin. Nang madala ko si Yna sa silid, muli kong binalikan si Rhian. Ngunit naroon na si Jake. Parang bata na naglambitin si Rhian sa bestfriend ng asawa ko at umiyak lang siya nang umiyak. Panay naman ang tanong ni Jake sa kan’ya kung bakit siya umiiyak pero hindi naman nagsasalita si Rhian. Dahan-dahan akong lumayo sa kanila para hindi ako makaistorbo. Alam ko kasing may relasyon sila dahil nahuli ko silang naghahalikan sa living room