Janina Marie
Welcome to Montefona Electronics Company!
Napabuga ako ng hangin. Isa akong graduate ng Business Management at para sa akin ay hindi kailangan ng malaking tarpaulin sa may gate ng company. Natatakpan kasi noon ang ganda ng building at ng paligid nito. Dagdag pa iyon sa expenses ng company na pwede naman sanang alisin na lang o kaya ay ilaan sa mga employees.
"In fairness, ang gwapo ng CEO namin," bulong ng isip ko. Nakabalandra kasi ang mukha ni Xavier Wesley sa tarpaulin.
"Girl, huwag mong pagnasaan si sir. Bading iyan at walang pake sa babae." Tinapik ako ng isang tao sa aking balikat.
"Totoo?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Sayang. Ang yummy n'ya pa naman."
Tumawa ang babae na nagpakilalang Nene. Regular employee na s'ya sa Quality Assurance Department ng company.
"Bago ka lang ba?" tanong niya sa akin.
"Oo, eh. First day ko ngayon at same department tayo," sabi ko sa kan'ya.
"Wow! Thank God! Sa wakas, binigyan na rin nila ako ng makakasama. Halika na sa loob." Hinila na ako ni Nene sa kamay. Ipinakilala niya pa ako sa mga taga production area. Tuwang-tuwa kasi siya na may makakasama na siya.
Madali lang ang trabaho ko. Sampling lang ang ginagawa ko pero medyo mabigat din ang responsibilidad. Hindi pwedeng may makalabas na rejected products sa company. Sa tulong ni Nene, naging maayos at magaan ang unang araw ko sa company ng future husband ko.
Naalala ko nang kinausap ako ni lolo. Kailangan ko raw makuha ang puso ni Xavier Wesley Montefona. Iyon daw ang napag-usapan nila noong nagkita sila ni Emmanuel Montefona, lolo ni Xavier. Hindi aksidente ang pagpasok ko sa Montefona Electronics Company. Mismong may-ari ang backer ko para maging inspector ako sa company na ito.
Buong maghapon ay hindi ko nakita si Xavier. Mission failed ang first day ko dahil doon. Naiinis na kinuha ko ang aking bag sa locker room at nagmamadali na akong lumabas. I'm sure, naghihintay na ang three years old baby boy ko sa aking pag-uwi kaya hindi ko na hinintay pa si Nene.
Nang makalabas ako ng gate, isang mamahalin at brand new car ang nakaabang sa akin. Nakangiti ang isang hindi kagwapuhan at kayumangging lalaki. Siya si Tommy Bueno, anak ng isang senador at ex-boyfriend ko. Agad akong sumimangot nang makita ko siya. Ngunit malapad na ngiti ang isinalubong niya sa akin.
"JM, how are you?" tanong niya agad sa akin.
"Anong ginagawa mo rito?" Humalukipkip ako sa sobrang inis. "Kapag galing ng Amerika, dapat English ba talaga ang gamiting language sa pakikipag-usap?"
"Chill. I'm back. Tara, usap tayo sa loob ng sasakyan." Binuksan ni Tommy ang pintuan ng new car niya at saka ako inalalayan papasok.
Ngunit nakakaisang hakbang pa lang ako ay nakita ko si Xavier na nakatayo sa tabi ng kotse niya. Nakatingin siya sa amin ni Tommy at mukhang galit siya.
"Janina!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Kinakawayan ako ni Nene na palabas na rin ng gate. Bigla kong tinabig ang kamay ni Tommy na nasa braso ko.
"Bumalik ka na ng Amerika. Iyon ang mahalaga sa iyo, 'di ba? Huwag ka na rin ulit magpapakita sa akin. Wala ka na kasing babalikan katulad ng sinabi ko sa iyo noon," wika ko.
Bago pa nakasagot si Tommy ay nakalayo na ako sa kaniya. Nilapitan ko si Nene para may makakasabay ako at para iwan din ako ng aking ex-boyfriend na ipinagpalit ako sa Amerika. Nagsisimula pa lang kaming mag-usap ng katrabaho ko nang sunod-sunod na bosena ang narinig namin. Hinila ako ni Nene para tumabi.
"Palabas si bakla. Wala pa iyang regla kaya mainit ang ulo," sabi ni Nene. Napangiti ako dahil sa sinabi niya.
"Don't block the driveway!" singhal ni Xavier ng tumapat sa akin. Napahiya ako lalo na at maraming mga empleyado ang palabas na ng company. Biglang uminit ang ulo ko at sasagot na sana ako pero naalala ko ang paalala ni lolo. Kailangan kong mapaibig ang masungit kong boss.
Sa halip na magsalita ng hindi maganda ay ngumiti ako ng ubod tamis. Kumaway ako kay Xavier at malambing na nagsalita ng, "Ingat po kayo, sir!"
Kung si Xavier ay nakatikim ng ngiti ko, si Tommy ay ipinagtabuyan ko. Dahil napapahiya na kaya pinasibad na rin nito ang sasakyan. Sumabay ako kay Nene hanggang gate ng Economic Zone at doon na kami naghiwalay.
Pagdating sa bahay, hindi na ako tinigilan ni lolo sa dami ng tanong n'ya. Daig ko pa ang may exam na kailangan ipasa. Wala naman akong mai-kuwento dahil hindi naman talaga kami nagkaharap ng matagal ni Xavier.
"You must maintain your focus on your goal. You must entice him to fall in love with you. You are my last hope. I know your job is difficult, but you must do this, Janina, or your son will pay the families' debts."
Nang narinig ko ang sinabi ni lolo ay para akong nanghina. Hindi ako papayag na manahin pa ng anak ko ang utang ng lolo ko. Hindi ko kayang ipasa sa kaniya ang responsibilidad na nakaatang sa balikat ko.
"Mama, sabi ni lolo ay rich daw tayo. Bakit ka work?" tanong ng anak ko nang pinatutulog ko na siya.
Tumikhim ako at hinaplos ang buhok n'ya. Paano ko ba sasabihin sa aking anak na kailangan ko siyang buhayin at kailangan kong makuha ang loob ng future stepfather n'ya dahil sa palpak na business transaction noon ni Lolo?
"Mama, I want to see my papa. Kailan ang uwi niya from State?" pabulol na tanong ulit ng anak ko.
Dahil walang maisagot kaya humabi na lang ako ng kwento para lang tantanan ako ng aking anak. Naniwala naman siya.
Kinabukasan, isang galit na Xavier Montefona ang nabungaran ko sa QA Department. Nakapamulsa ito at pulang-pula ang mukha.
"Why are you late?" pasigaw na tanong niya sa akin.
Tiningnan ko ang aking suot na relo. May fifteen minutes pa bago mag-eight o'clock ng umaga. Sadyang maaga lang siya kaya siya nauna ngunit hindi ako sumagot.
"You are all stupid! Paano nakalampas sa inyo ang mga defective products at nai-deliver iyon sa customers?"
Nakatingin lang ako kay Xavier habang pinagagalitan kami. Hindi ko siya maintindihan. Ang alam ko ay sa darating na Biyernes pa ang delivery ng batch na dumaan sa akin at kinunan ko ng samplings. Martes pa lang kaya sigurado akong hindi dumaan sa akin ang mga products na may NG o not good na tinatawag.
"You!" Itinuro ako ni Xavier. "Bago ka lang, 'di ba?"
"Yes, sir," sagot ko.
"Siguro ikaw ang may kagagawan nito. Spy ka ba ng ibang company para ibagsak ang MEC? I remember you. Bakit palagi kang nakabuntot sa akin? Mula sa resort, hanggang dito… Sino ka bang talaga?"
"Unang-una sa lahat, malay ko ba, sir, na ikaw ang CEO sa company na ito. Pangalawa, kahapon lang ako pumasok. Kailan ang delivery date ng batch na may defective products at bakit ako agad ang pinagbibintangan mo?"
Lahat ng kasama ko sa QA Department ay biglang napatingin sa akin. Siniko ako ng line leader namin. Pati supervisor ay napatingin ng masama sa akin.
"Who are you to question me?" Dumadagundong ang boses ni Xavier.
Hindi na ako nakapagpigil pa. Napipilitan lang talaga ako sa trabaho na iyon dahil sa nalalapit nang kasal namin ng mokong na nasa harapan ko. Alam kong malakas ang backer ko sa kompanya kaya hindi ako nagpatalo. I'm sure, hindi ako matatanggal agad kapag sinagot ko ang CEO dahil hindi papayag ang parents niya.
"At sino ka rin para bintangan ako ng walang dahilan?" tanong ko. Iniangat ko ang mukha ko para makipagtitigan kay Xavier ng mata sa mata.
"You're fired!" sigaw niya.
"Okay. Payag akong tanggalin mo sa trabaho dahil sa palpak mong judgement pero sa isang kondisyon. Hahalikan mo ako sa labi at patutunayan mo sa lahat dito na hindi ka bakla."
Tumaas ang isa kong kilay at mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang mga nakaawang na bibig ng mga katrabaho ko. Matapang akong ngumisi para insultuhin ang galit na galit na CEO ng company.
Hanggang sa dahan-dahan niya akong nilapitan ngunit umurong ako. Bigla akong nataranta ngunit hindi ako nagpahalata. Salubong ang kilay ni Xavier at walang kangiti-ngiti ang mapula niyang labi. Sa kauurong ko ay napadikit ako sa pader. Itinukod ni Xavier ang dalawang kamay niya sa may ulunan ko dahilan para makulong ako sa mga braso niya. Nakatitig lang ako sa guwapo niyang mukha. Dahan-dahan niya naman na ibinaba ang kaniyang bibig sa nakawang kong mga labi.
Parang tumigil ang aking mundo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hindi ako pwedeng matanggal sa trabaho. Ngunit may bahagi ng aking puso ang naghihintay na lumapat ang mga labi namin sa isa't isa. Hanggang sa isang sigaw ang gumulantang sa aming lahat.
JANINA MARIE Halos malaglag ang puso ko sa sigaw ng daddy ni Xavier. Napaurong din ang baklang CEO ng Montefona Electronics Company at nakita ko ang takot sa mga mata niya. Alam kong namumula ang mukha ko kahit hindi ko iyon nakikita. Ang init ng pisngi ko at ramdam ko iyon kahit malamig ang buong Quality Assurance Department. "Follow me!" matigas na utos ni Kurt Montefona sa anak n'ya. "I'm not yet done with you," mahina ngunit sakto para marinig ko ang mga katagang binitawan ng gwapo naming CEO. "I'm not yet done with you mo ang lelang mong panot," gigil ko rin na sabi. "What?" Lumingon s'ya sa akin. Sa halip na sumagot ay ngumiti ako ng ubod tamis at saka humawak sa tapat ng aking puso para magbigay pugay sa kaniya. Kumukulo ang dugo ko pero kailangan kong magpakumbaba dahil may lolo akong umaasa sa akin. Yumuko ako tanda ng kunwaring pagsuko. Nang mawala na ang may-ari ng kumpanya at ang CEO niyang anak sa harapan namin ay saka nagkaroon ng lakas ng loob ang aking mga
Xavier Wesley Parusa sa akin ang pagpasok ni Janina Marie Villasanta sa company na pinamamahalaan ko. I was in college when my family told me about the arranged marriage na haharapin ko in the near future. Iyon din ang dahilan kaya nagkaroon kami ng matinding away ng ex-girlfriend ko. Nang malaman niya iyon ay nagsimula na siyang manlamig sa akin hanggang sa sumama siya sa ibang lalaki papuntang US. Habang nasa isang bar ay pinipilit kong aliwin ang aking sarili. Damn that girl! I hate Janina Marie Villasanta! Hindi ko nagawang makaganti sa kaniya kanina dahil bigla siyang tumakbo palabas ng aking office. Ang lakas ng loob niyang kalabanin ako porket alam niyang hindi s'ya basta-basta matatanggal sa company. "I'm gonna break her neck kapag hindi ako nakapagpigil. She's really getting into my nerves. Makita ko lang ang mukha n'ya, naiinis na ako," bulong ko sa aking sarili habang parang hari na nakaupo ako sa isang mamahaling upuan. Ang bar ay pagmamay-ari ng pamilya ni Jake na aki
JANINA MARIENagtataka ako sa ikinilos ni Xavier. Ang sungit niya, napakawalang-puso at higit sa lahat ay weird siya. Kumain lang ako saglit sa canteen dahil natapos ko na rin naman ang paperworks na alam kong hindi naman importante pero rumaragasa siyang pumasok sa opisina niya na para bang galing siya sa pakikipag-away. Gusto kong pagtawanan ang itsura niya pero kailangan kong maging mas mabait dahil alam na niyang apo ako ni Winston Villasanta. Nakilala n'ya na rin ako bilang mapapangasawa niya. Batid kong iyon din ang dahilan kaya pinahihirapan niya ako. Hindi ko gustong maging secretary niya pero hindi ako makatanggi kay Sir Kurt Montefona. Sa tingin ko ay pwede kong maging kakampi ang Daddy ni Xavier kaya sunod-sunuran ako kahit labag na sa loob ko. "Bongga ka na," wika ni Nene sabay tapik sa balikat ko. Five dapat ng hapon ng labas ko pero dahil kay Xavier kaya ala-sais na ako nakalabas. "Kung alam mo lang," sambit ko. "Hindi talaga ako natutuwa sa bago kong trabaho.""Mata
JANINA MARIE Agad kong hinila ang aking anak at saka kinarga ito para protektahan kung sakaling kumilos ng hindi tama si Xavier. Ang mga mata kasi niya ay nag-aapoy sa galit at umigting din ang kaniyang panga. "G-good morning, sir," bati ko sa kaniya. "Whose child is it?" paasik na tanong ni Xavier. "Anak ko po, sir. Siya po si…" "I don't care who he is." Mabilis na lumakad si Xavier papasok ng bahay at iniwan kaming mag-ina. Napatunganga naman ang kapit-bahay namin at nakaimik lamang nang tinapik ko siya sa braso. "Nakakita ba ako ng demonyo o nakakademonyo na lalaki? Grabe ang kagwapuhan niyang taglay pero ang sama ng ugali. Ang taray niya, Janina," sabi ng kapitbahay namin. Gusto kong sabihin sa kaniya na bakla si Xavier kaya ganoon kung kumilos pero hindi ako nagsalita. Nakikinig kasi ang anak ko na bahagya ko lang tinakpan ang tainga nang magsalita na ang kausap ko. Ayaw ko rin isipin ng mga kapitbahay na bakla ang mapapangasawa ko at bigyan sila ng pagkakataon para
JANINA MARIEMaaga akong pumasok sa company. Isang maikling mini skirt ang suot ko. Pinarisan ko iyon ng isang white blouse na may long neckline. Pinatungan ko ng blazer ang suot ko para hindi ako masilipan habang nasa byahe pero tinanggal ko rin naman agad iyon pagpasok ko sa opisina ni Xavier. Nanggigigil kong ibinagsak ang dala kong papel sa lamesa niya nang pumasok ako sa kaniyang office. Naalala ko kasi kung gaano siya biglang naging mabangis nang pinunit ko ang tseke sa harapan niya pagkatapos kong ngumiti ng ubod landi. "I can't accept the check, sir. I want more," sabi ko. "Damn you! You're a fucking slüt! Pagkatapos mong magpabuntis sa iba, gagawin mo akong instant dad! No way! I will not marry you!" sigaw n'ya sa mukha ko.Ngunit hindi ako nagpatinag sa lakas ng boses n'ya. Bigla lang siyang tumigil nang magising si Jude at umiyak ito. Mula sa pagiging galit na galit ay biglang lumambot ang mukha niya at saka pinatahan ang anak kong nagsimula nang mag-alburoto dahil naist
JANINA MARIENagising ako sa malakas na sigawan at putok ng baril. Agad kong hinanap sina lolo at Jude. Ngunit umiikot pa rin ang paningin ko kaya hindi ko sila maaninag. "How are you?" tanong ng isang familiar na tinig."Nasaan si lolo at Jude?" tanong ko kay Xavier na pangko ako. "Don't worry. They are safe," sagot ni Xavier. Nang mahimasmasan ay bigla akong bumangon. Nahihiya na lumayo ako kay Xavier. Nasa reception venue pa rin kami ngunit iilan na lang ang mga tao. Sina lolo at Jude ay nasa isang gilid kasama ang mga magulang ni Xavier. "N-na-saan si Tommy at mga kasama niya?" nauutal kong tanong. "They were apprehended by cops. We will file a case against Tommy and his team," sabi ni Xavier. "Senator ang tatay ni Tommy," wala sa sarili na nasabi ko habang naglalakad palapit kay Jude at lolo. "I don't mind kahit president pa ng Amerika ang tatay niya!" iritado na sagot ni Xavier. Halos hindi ko bitawan si Jude nang mayakap ko s'ya. Buong buhay ko ay noon lang ako nakaramd
XAVIER WESLEY Time flies so fast. I have been married for almost one month. I can feel na unti-unting nahuhulog na ang aking loob sa babaeng pinakasalan ko ngunit nandidiri ako sa kaniya. Ilang beses ko siyang tinanong kung sino ang ama ni Jude, but she refused to tell me the truth. Palagi niya lang sinasabi na isang pagkakamali ang nangyari noon ngunit hindi niya pinagsisisihan ang pagdating ni Jude sa buhay n'ya. Despite being ruthless and rude, I can't control myself. I'm not sure if what I'm feeling right now is love. One thing is certain: she is special in my heart. I want to see her every day. I want to take care of her. I want to protect her secretly. The employees at Montefona Electronics Company are intrigued by her. They are destroying her image. But she's strong enough to face her battle on her own. She never fights back. She knows when and where to speak. With that, I adore her. "Stop answering their questions!" bulyaw ko kay Janina ng makapasok kami sa opisina ko. "
JANINA MARIEIlang gabi na akong walang tulog. Nahuli kong may sikretong inabot si Xavier kay Jake noong huling dalaw ng bestfriend niya sa kaniyang bahay. Hindi ko alam kung ano iyon pero narinig ko ang usapan nila na isa iyong remembrance na naiwan ng isang babae kay Jake at itinago lang ni Xavier. Ganoon ba katindi ang selos ni Xavier sa babaeng iyon para kunin n'ya ang bagay na pagmamay-ari ng pinagseselosan niya? Dahil sa bagay na iyon na binawi ni Jake ay napatunayan ko na sa relasyon nina Jake at Xavier, si Jake ang lalaki at si Xavier ang bakla. Sayang! Umasa pa naman ako dati na si Jake ang binabae at si Xavier ang lalaking-lalaki sa kanilang dalawa pero nagkamali ako. "May bago ba, Janina? Matagal mo na rin namang alam na bakla ang pinakasalan mo pero hinayaan mo ang iyong sarili na unti-unting mahulog sa kan'ya kahit pinahihirapan ka n'ya," galit ko sa aking sarili. Habang nakaupo sa harap ng isang bakanteng lamesa, matiyaga kong hinihintay si Althea. Abala pa s'ya sa pa
JANINA MARIE Makalipas ang isang taon, habang masaya kaming magkakaharap na kumakain sa malawak na bakuran ng Paraiso De Montefona sa Calauag ay biglang umiyak ang aking bunso. Parang sinilaban ang puwet ni Xavier dahil sa bilis n’yang tumayo. "Dessa, don't cry, baby," sabi niya habang isinasayaw ito. Kumikislap ang aking mga mata habang pinapanood ko sila. Sa tabi ko ay naroon sina Yna at Jude. Tinutulungan ni Yna ang kanyang kapatid para tanggalan ng tinik ang isda na nasa plato nito. "Ako na ate. Ayaw kong mahirapan ka kasi girl ka. Dapat ako ang tutulong sa iyo," saad ni Jude. "'Wag ka na ngang magreklamo diyan. Ate ako," sagot ni Yna. "Oh, 'wag na kayong mag-away. Ako na lang ang gagawa," sabad ni Nanay Elle. "Hindi po kami nag-aaway. Ganito lang po talaga kami," mahinang sabi ni Jude. Nakangiting sumubo ako ng pagkain. Sa mga gano'ng pagkakataon ay pinapabayaan ko ang aking mga anak upang matutunan nila kung paano respetuhin ang isa't isa. Hinahayaan ko sila para
JANINA MARIEAng mga sumunod na linggo na wala si Xavier ay napakahirap para sa akin. Nagsimula na akong makaranas ng morning sickness at katulad noong ipinagbubuntis ko si Jude, wala akong asawa na puwedeng tumulong sa akin. Nag-initiate ang mga biyenan ko na sa mansyon ng Montefona muna ako tumira subalit tinanggihan ko sila. Mas gusto ko kasing manatili sa bahay kung saan ay na kasama ko si Xavier ng matagal. Gusto kong mabuhay sa mga alaala ng aking mag-ama. "Kumusta ka rito," tanong sa akin ni Althea. "Maayos naman ako," sagot ko sa kan'ya. Tumingin sa akin ang aking kaibigan na para bang hindi niya ako pinaniniwalaan. "Sigurado ka?" tanong niya ulit sa akin. "Baka mamaya tumalon ka riyan sa swimming pool katulad nang ginawa mo noon sa dagat sa Batangas."Nahampas ko ang aking bestfriend. Kahit kasi ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang nangyaring iyon. Aaminin kong nawala ako noon sa aking sarili, ngunit hindi ko na gustong mangyari pa iyon.
RHIAN HOFREY Jake has been irritable lately. Madalas ay ikinukulong niya ako sa silid at hindi pinakakain. Ginagamit niya rin ako na parang hayop. My life with him is like hell. Nakakasakal at nakakapagod ang bawat segundo. Kapag lasing siya ay pinagdidiskitahan niya ako at binubugbog na para bang wala ng bukas. Madalas ay nagiging unconscious ako sa bawat atake niya. The love I felt for him turned into hate. Galit na pumapatay unti-unti sa akin. Ang daming mga boses ang bumubulong sa akin na tapusin ko na raw ang aking buhay pero pilit kong pinaglalabanan iyon. Ang tanging pangarap ko ngayon ay ang makita si Yna. Subalit idineklara na siyang patay ng mga alagad ng batas. Pumasok si Jake sa silid ko at pinukpok ako ng baril sa ulo. Naramdaman ko ang pagtulo ng pulang likido sa aking noo. Pinahid ko iyon ng likod ng aking palad. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig ako kay Jake na parang sinasapian din ng demonyo. “Jake, set me free. Hayaan mong hanapin ko si Yna,” I beg
JANINA MARIEHalos mawasak ang mundo ko dahil sa balitang dumating. Hindi ko napigilan nang unti-unti akong nawalan ng malay. Nagising na lang ako dahil sa mga boses na tumatawag sa pangalan ko. “Ma’am, gusto n’yo po bang dalhin namin kayo sa hospital?” tanong sa akin ng secretary ko. "Ma'am, ano po ang nararamdaman mo?""Misis Montefona, kumusta po kayo?""Ma'am, gusto n'yo po ba ng tubig o kahit anong inumin?"Umiling ako sa bawat tanong ng mga taong nakapaligid sa akin. Pinilit kong umupo kahit nanghihina ako. Agad kong inutusan ang aking personal assistant na tawagan si Althea at Lola Genevieve. Agad naman siyang tumalima sa utos ko. “Ma’am, on the way na raw po ang lola mo,” wika ng inutusan ko.Bago pa man ako magsalita ay agad na pumasok si Althea sa conference room ng isang hotel kung saan namin isinagawa ang meeting para sa expansion ng mga projects ng Villasanta. Agad akong yumakap kay Althea habang hinahayaan niya lang na dumaloy ang mga luha ko.“Ano ang gagawin ko?” ta
JAKE ADMERSONKapag pera ang gumalaw, kahit anghel ay magiging demonyo!I am patiently waiting sa news sa tv. Hindi ko na kasi makontak ang taong inutusan ko kaya sa balita ako ngayon umaasa. Si Rhian ay walang alam sa ginawa ko at panay lang ang ngawa niya dahil wala raw akong ginagawa kahit malapit na kaming magutom. Nakaririndi ang bibig niya ngunit hindi ko siya magawang palayasin o patayin dahil pwede ko pa siyang magamit laban kay Xavier. “Jake, ano ba, wala ka na bang gagawin riyan kung hindi ang umupo at tumunganga sa tv?” she asked angrily. Sinulyapan ko lang siya. Hindi ko gustong makipag-away dahil ayaw kong mabahiran ang saya ko ng galit. Hanggang sa binato niya ako ng unan. Sinalo ko lang iyon. “Jake, ano ba ang susunod na plano natin? Nakakainip na. Wala ka ng pera, wala na rin ako. Paano na tayo? Magtatago na lang ba tayo rito? I don’t want to live my life like this forever,” reklamo ni Rhian. Dahil nakakatulig na ang bibig niyang walang preno kaya binunot ko ang ba
XAVIER WESLEY As I watched Tommy suffer because of some people's cruelty, I couldn't keep my range under control. I feel bad for his mother, who recently lost her husband. I feel sorry for my wife because she blames herself for what happened.I resolved to take action once more. Although paulit-ulit na pumapalpak ang mga plano ko, hindi ako mapapagod na sumubok ulit para sa safety ng aking buong pamilya. Batid kong hanggang nakakalaya sina Jake at Rhian, hindi mararanasan ng mga anak ko ang kalayaan na tinamasa ko dati. Hindi nila magagawang maglaro ng malaya sa mga parks at lalong hindi sila makakakain sa labas na walang iniisip na panganib. Dad was surprised when I told him na pipilayan kong muli ang mga Admerson. He asked me why and I simply said na preparation lang iyon para sa isang sorpresa. He looked at me and said, "Okay. I'll support you all the way. Tell me what you need and I'll give it to you." It's not usual na basta-basta ako papayagan ni Daddy sa mga ganoong gawain pe
JANINA MARIEFeeling ko ay nabura ang lahat ng hinanakit at galit ko sa isang simpleng yakap lang ni Xavier. Mas nanaig kasi sa akin ang pagkagulat nang nakita ko siya sa police station. Hindi siya nakadamit pangkasal bagkus ay nakasuot siya ng isang simpleng t-shirt at maong pants lang. Pagkatapos masiguro na okay kami ng mga bata ay iniuwi kami ni Xavier sa bahay naming dalawa. Natatakot man dahil sa isyu ng security pero buo ang loob niya at ng mga police na hanggang nagtatago kami ay lalong hindi rin lalabas sina Jake at Rhian. Sinang-ayunan ni Lola Genevieve ang pasya ni Xavier. Ngunit may isang kondisyon, iyon ay itatago ulit ang mga bata at kaming mag-asawa lang ang parang magsisilbi na pain. Subalit hindi gusto nina Jude at Yna na malayo sa aming mag-asawa kaya no choice na ang lahat kung hindi magsama-sama sa loob ng isang bahay. Ang bahay namin na dapat ay ubod ng saya ay punong-puno palagi ng tensyon. Maraming tauhan kaming kasama bukod pa sa mga pulis na maya't-maya ang
JAKE ADMERSONDaig pa namin ni Rhian ang aso't pusa habang nasa biyahe kami pabalik ng Cavite. Kasal daw nila ni Xavier at naghihintay na ang fücking bestfriend ko. I was not about to go dahil hindi ko gustong maki-celebrate sa buhay ni Xavier. Magiging masaya lang kasi ako kung patay na siya. Tumawag si Rhian sa pinagkakatiwalaan niyang katulong na nasa mansion ng mga Montefona. Gusto kong marinig ang latest activity ni Xavier dahil aaminin kong duda ako sa magaganap na kasal nila ni Rhian kaya inutusan ko siyang lakasan ng tawag para marinig ko. “Ma’am, kinausap ako ni Sir Xavier. Tulungan ko raw siyang mag-ayos ng mga gagamitin sa kasal at inayos ko na po lahat,” wika ni Gemma. “Ano ang ginagawa niya ngayon?” ‘Nakakulong lang po siya sa kan’yang silid. Nitong mga nakaraan ay palagi siyang nasa kaniyang room lang kasi masama raw ang pakiramdam niya. Masakit daw ang kaniyang ulo.” “Have you seen any unwanted actions or may narinig ka ba na kahit na anong mga salita na laban sa
JANINA MARIEMatinding awa ang naramdaman ko habang tinitingnan ko si Rhian na dahan-dahang umuupo sa sahig at umiiyak. Alam kong biktima rin siya ng mga sakim na tao lalo na ng kaniyang kinilalang ina. Hindi ko alam kung ano ang mga pinagdaanan niya pero may hinuha akong marami siyang pasakit na naranasan. Inilayo ko si Yna sa kaniyang ina. Ayaw kong makita niya na nasasaktan ang Mommy niya. Kahit hindi ko man siya dugo’t-laman, mahal ko si Yna na parang tunay kong anak. Hanggang hindi matino si Rhian ay ipaglalaban ko ang batang natutunan ko nang mahalin. Nang madala ko si Yna sa silid, muli kong binalikan si Rhian. Ngunit naroon na si Jake. Parang bata na naglambitin si Rhian sa bestfriend ng asawa ko at umiyak lang siya nang umiyak. Panay naman ang tanong ni Jake sa kan’ya kung bakit siya umiiyak pero hindi naman nagsasalita si Rhian. Dahan-dahan akong lumayo sa kanila para hindi ako makaistorbo. Alam ko kasing may relasyon sila dahil nahuli ko silang naghahalikan sa living room