Home / Romance / Maid For You / Kabanata 81 - Kabanata 90

Lahat ng Kabanata ng Maid For You : Kabanata 81 - Kabanata 90

128 Kabanata

CHAPTER 80

CHAPTER 80 " Goodbye Teacher Adam! Bukas po ulit! " Magiliw na paalam ng mga bata kay Adam bago ito nag una-unahang umalis sa bangkentang kanilang nagsisilbing silid-aralan. Ang iba ay bumalik sa paglalaro habang ang ilan ay nagtungo sa kani-kanilang magulang upang ikuwento ang kanilang pinag-aralan ngayong araw. Karamihan sa mga batang tinuturuan ni Adam ay mayroong pamilyang inuuwian at bilang sa daliri sa kamay ang mga batang kaibigan na lang ang nasasandalan. Ganunpaman, hindi ito naging hadlang upang mawalan ng interes sa pag-aaral ang mga batang ito. Saksi si Adam kung gaano kauhaw ang ilan sa mga batang paslit na matutong bumasa, sumulat, magbilang at gumawa ng mga bagay na sila rin ang makikinabang sa hinaharap. " Teacher Adam! " Napatingin si Adam sa isang estudyante niyang bumalik, mayroon itong dalang isang plastic ng lollipop na hindi niya alam kung saan nanggaling. " Teacher, hinihintay po kayo ni ate ganda doon. Bilisan niyo raw po, kundi magagalit daw po siya. " Hin
Magbasa pa

CHAPTER 81

CHAPTER 81 " Ay, kaaalis lang ni Este. Sayang hindi mo naabutan. Halos magkasunuran lang kayong dalawa, " sagot ni Anna kay Adam na nasa labas ngayon ng gate. " Ganoon ba? Mga anong oras ang balik niya? " pagtatanong ni Adam. " Hindi ko sigurado pero baka mamaya pa siya umuwi. Nandoon kasi siya ngayon sa kabilang mansyon para bumisita sa Lolo at Papa ni Sir Sebastian. Kung hindi hapon, baka mga gabi na ang dating niya, " saad ni Anna, " Bakit pala? Tuesday pa lang naman ngayon 'di ba? Bukas pa 'yong tutoring session niyo or bago na ang schedule niyo? " " Ah, hindi, mayroon lang sana akong gustong sabihin sa kaniya pero siguro bukas na lang. Salamat, Anna. " Nagpaalam na rin si Adam bago bumalik sa kotse at tumingin sa passenger seat kung saan naroon si Estrellita. " Wala siya ngayon dito. Sa ibang araw ka na lang makipagkita kay Estrella. " " Well, ano pa nga ba? May choice ba ako? " Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga at sumandal sa inuupan niya. " Anyway, tama b
Magbasa pa

CHAPTER 82

CHAPTER 82Tahimik ang naging byahe pauwi ng mag-asawa. Hindi kumikibo si Sebastian, mainit ang ulo niya sa naabutan kanina kung saan narinig at nasaksihan niya ang pagiging bayolente ng kaniyang ama kay Estrella. Hindi inakala ni Sebastian na ganoon ang eksenang kaniyang maabutan na para sakaniya ay sapat ng dahilan upang lalong lumayo ang kaniyang loob sa ama. Tumingin si Sebastian sa passenger seat kung saan nakaupo ang kaniyang asawa. Tahimik lang ito buong byahe, hindi siya nito magawang tignan sa mata at kausapin man lang matapos ng gulong nangyari sa mansyon ni Lolo Pio. " Estrella, " pagtawag ni Sebastian sa asawa. Mula sa pagkatulala ay takha itong lumingon sakaniya." B-bakit? "" Nandito na tayo, " ani Sebastian dahilan upang umalis sa pagkakasandal si Estrella sa upuan at napatingin sa labas ng sasakyan. Inalis ni Sebastian ang kaniyang seatbelt at balak rin sanang tanggalin ang kay Estrella nang unahan na siya nito at walang imik na lumabas ng kotse. Pinanood ni Sebasti
Magbasa pa

CHAPTER 83

CHAPTER 83 " Bulaklak po. Bulaklak po ang magandang ibigay kung susuyuin niyo po si Miss Estrella. Dagdagan niyo na rin po ng tsokolate para mas-sweet. Siguradong magkakaayos po agad kayo ng Misis niyo," ang sagot ng sekretarya ni Sebastian matapos nitong makatanggap ng seryosong tanong. " Iyon lang? " tila namomorblema pa ring tanong ni Sebastian. " Siyempre po isang sorry na may halong sincerity. Iyon ang pinakamahalaga at susi para magkaayos po kayong dalawa—" " Bakit ko kailangan mag sorry kung wala naman akong ginagawang mali? " tanong ni Sebastian na siyang kinangiwi ng sekretarya. " Ah, sigurado po kayo? " Natatakot na tanong nito, " Kasi po minsan, iyong inaakalang tama ng mga lalaki, mali po sa paningin naming mga babae. " Napansandal si Sebastian sa swivel chair niya, salubong ang mga kilay habang nakatingin sa sekretarya niyang agad rin namang ipinagpatuloy ang sinasabi. " A-ang ibig ko pong sabihin, baka po may nagawa o nasabi kayo sakaniya na para sainyo ay wala l
Magbasa pa

CHAPTER 84

CHAPTER 84 " Wala na si Sarah. Iniwan na tayo ng kapatid mo..." ang mga salitang bumasag kay Sebastian nang sandaling marinig niya ito sa kaniyang ina na halos maglupasay sa pasilyo ng ospital. Puno ng paghihinagpis si Kristal, labis ang sakit at kirot sa kaniyang dibdib nang sabihin sakaniya ng Doctor na wala na ang kaniyang bunso na si Sarah. Hindi naman magawang magsalita si Sebastian, nanatili siyang nakatayo at tulala sa kawalan dahil ayaw niyang paniwalaan ang mga salitang lumabas sa kaniyang ina. " Kristal! " mula sa dulo ng pasilyo, patakbong lumapit si Sergio sa puwesto ng kaniyang mag-ina. Binalot siya ng takot nang makita ang pagtangis ng asawa habang nakaupo sa sahig at hawak ang manika ni Sarah na puno ng pulang likido. Lumapit si Sergio sa asawa, hinawakan ito sa magkabilang pisngi upang iharap sa kaniya. " N-nasaan si Sarah? Nasaan ang anak ko? " " Sergio..." basag ang boses ni Kristal, hindi magawang magsalita nang diretso dahil sa emosyong bumabalot sakaniya. " S
Magbasa pa

CHAPTER 85

CHAPTER 85 " Ito, maganda 'tong coloring book sa kanila. May kuwento na, puwede pa nilang makulayan 'yong drawing sa loob, " ani Estrella habang binubuklat ang isang manipis na aklat sa harap ng dalawang lalakeng kasama niya. " Dapat iba-ibang klaseng kuwento para puwede rin silang maghiraman kapag natapos na nila 'yong kuwentong matatanggap nila. Ano sa tingin niyo? " " Magkano ba ang isa? " tanong ni Adam saka tumingin sa tinderang nagkukumahog nguyain ang pagkaing nasa bibig upang sila'y sagutin. " Bente ang isa niyan, hijo. Kung kukuha kayo ng isang set, 280 na lang, " anito saka itinuro ang isang box na naglalaman ng mga aklat. " Sa isang set kasi, labing-lima ang laman. Iba-ibang storya na ito kagaya ng sabi ng kasama niyo. Gusto niyong tignan? " " Sige ho, " ani Adam, kaya nagmadali naman ang tindera na buksan ang isang kahon upang ipakita ang mga aklat na may iba't ibang klaseng larawan at pamagat. Tumingin si Adam kay Estrella upang hingin sana muli ang opinyon nito subal
Magbasa pa

CHAPTER 86

CHAPTER 86 " Azami! Gumising ka na, may good news ako sa'yo ngayon! " mula sa mahimbing na pagkakatulog, napamulat ng mata si Azami dahil sa sunod-sunod na pagyugyog sa kaniyang braso ni Manager Kara. " Bumagon ka na diyan, ano ba? Sinabi ko na sayong huwag kang magpupuyat, napakatigas talaga ng ulo mo. " " Ano ba, sandali nga! " Inis na bumangon mula sa pagkakahiga si Azami saka tinapunan ng tingin ang Manager niya. " Ano bang sasabihin niyo? Hindi po ba 'yan makakapaghintay mamaya? Urgent ba? " Sa halip na sumagot, ibinigay nito ang hawak na envelope kay Azami na salubong ang kilay nang tanggapin ito. Animo'y nagdadabog si Azami nang buksan ito at nang makita niya ang isang makapal na papel na mayroong pamilyar na title na nakasulat sa harap, tumuwid ang kilay niya at gulat na napatingin sa Manager niya. " Yup, ikaw na ang napili nila na gaganap bilang bida sa pelikulang 'yan. " Nakangiting saad ni Manager Kara saka sinilip ang script na hawak ngayon ng alaga niya. " Kita mo n
Magbasa pa

CHAPTER 87

CHAPTER 87 " Pasensya na kung pumasok ako nang hindi agad nagsasabi, ah. Nakabukas kasi 'yong pinto noong dumating ako kaya akala ko, nandoon ka lang sa bungad, " paliwanag ni Estrella saka binaling ang tingin kay Jessie na masiglang kumakaway sa kaniya. " Sa totoo lang, kinabahan ako. Akala ko napasok na 'ko, " ani Javier saka tumingin sa likuran ni Estrella, may hinahanap ang mata. " Bakit pala napadalaw ka? Ikaw lang ba mag-isa? " " Ah hindi, kasama ko si Manong Cesar. Hindi nakasama si Sebastian dahil napagod sa pamimili kanina sa bayan. Dumaan lang ako dito para sabihan ka tungkol sa mangyayaring program sa bahay ampunan. Natatandaan mo 'yong pinag-usapan natin noon sa peryahan sa probinsiya noong pyesta? Iyong tungkol sa mga bata na tinuturuan ni Adam. " " Ah, oo nga pala, 'no? Sige, sasama ako. Next week pa naman ang opening nitong photo studio kaya susulitin ko na buong linggo ko, " sagot ni Javier. " Anong mayroon? Puwede ba akong mag join? " Singit ni Jessie. " Puwede
Magbasa pa

CHAPTER 88

CHAPTER 88 Pakiramdam ni Estrella ay bumalik siya sa pagkabata habang pinagmamasdan ang makukulay na palamuti sa paligid ng bahay ampunan. Mayroong nakasabit na mga lobo sa bawat sulok ng bakuran, ang mga mesa at silya ay kulay asul at rosas na nagpadagdag sa buhay ng programa. Nakasuot rin ang mga bata ng makukulay na sumbrelo at mayroong matatamis na ngiti sa labi habang masayang nakikinig kay Adam na nagsasalita ngayon sa harap ng lahat. "...at bago tayo magsimula, tayo ay magdarasal para magpasalamat at humingi ng gabay sa Itaas, " panimula ni Adam dahilan para unti-unting mawala ang ingay ng mga bata. Sabay-sabay na yumuko, pumikit at nagdasal na siya ring pinangunahan ni Adam. Alas-onse na ng tanghali at kahit makulimlim ang panahon, hindi ito naging hadlang para itigil ang munting selebrasyon sa bakuran sa likod ng bahay ampunan. " Huwag naman sana umulan ngayon, " saad ni Anna habang hawak ang paper plate na kaniyang ginagamit para paypayan ang sarili. " Bakit pawis na p
Magbasa pa

CHAPTER 89

CHAPTER 89" Sa tingin ko mayroon nga kaming koneksyon ni Estrella. Kung hindi kambal, edi malamang magkapatid nga kami. " Napatayo si Adam mula sa kinauupan niya nang marinig ang sinabi ni Estrellita sa kabilang linya." Sigurado ka sa sinabi mo? " Gulat na tanong ni Adam, saka tumingin sa gawin ni Estrella na abala sa pakikipagkuwentuhan sa mga bata kasama ang asawa nito." Naghahanap pa ako nang matibay na ebidensya, " sagot ni Estrellita, " Kung hindi mo pa sinabi ang pangalan ng Lola at Lolo ni Estrella, malamang wala pa rin akong nauumpisahan sa research na ginagawa ko. Ngayon, puwede mo bang sabihin saaakin ang eksaktong address nila sa probinsya para mapuntahan na. "" Sandali lang, bakit ba bigla-bigla ka na lang kikilos? " Umalis si Adam sa kaniyang puwesto at naglakad palayo sa bakuran kung saan walang makakarinig sa mga sinasabi niya. " Anong gusto mong gawin ko? Tumunganga? Halata naman kay Mama na wala siyang balak sagutin ang mga tanong ko tungkol sa dalawang matanda.
Magbasa pa
PREV
1
...
7891011
...
13
DMCA.com Protection Status