Home / Romance / Maid For You / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of Maid For You : Chapter 71 - Chapter 80

128 Chapters

CHAPTER 70

CHAPTER 70" Sige, salamat ulit hija! Balik ka next time! " Magiliw na paalam ng tindera kay Anna matapos nitong iabot ang sukli ng mga binili ng dalaga sa tindahan niya. " Salamat din po! Ate, huwag niyong kalimutan 'yong order kong pabango sainyo ah? Iyong amoy strawberry, " paalala ni Anna na kinatawa ng tindera dahil makailang beses itong sinisingit ni Anna sa kuwentuhan nila. Halatang sabik na makuha ang pabangong inalok niya. Nang makalabas ng tindahan si Anna bitbit ang ilang kasangkapang pinamili niya, napagpasyahan niyang dumaan sa studio ni Javier na halos sampung minuto lang ang layo kung ito'y lalakarin niya. Namasahe lang si Anna nang siya'y utusang bumili ni Manang Susan ng ilang kasangkapan na lulutuin para sa hapunan mamaya. Mas matagal ang naging byahe kaysa sa pagbili niya kaya naman susulitin na ni Anna ang oras na nasa labas niya. Tumingin si Anna sa kaniyang relos, alas kuwatro ng hapon. Nagkibit balikat siya bago nagtungo sa paradahan ng tricycle at sumakay. W
Read more

CHAPTER 71

CHAPTER 71" Pasensya na, pero hindi kita matutulungan, " ang sagot ni Adam na nagpalaho sa ngiti ng babae sa kaniyang harapan. Inilibas ni Adam ang kaniyang wallet at kumuha ng pera para iabot kay Estrellita. " May hotel malapit dito. Doon ka na magpalipas ng gabi. "Isang sarkastikong tawa ang kumawala kay Estrellita habang nakatingin sa perang iniaabot sa kaniya. " My gosh, ngayon lang ako napahiya nang ganito, ah? "" Wala akong intensyon na ipahiya ka, Miss Estrellita. Hindi lang talaga tama na magpalipas ka ng gabi sa bahay ng taong hindi mo naman kilala, " paliwanag ni Adam. " Paano tayo magkakakilala kung ilag ka? " Ipinag-krus ni Estrellita ang mga braso niya. " Sabihin mo, single ka naman 'di ba? "" May nagugustuhan na ako, " diretsahang sagot ni Adam na lalong nagpalubog sa kinatatayuan ni Estrellita. " Dalawang beses mo na akong pinapahiya...actually pangatlong beses na pala 'to. Iyong una ay noong ni-reject mo ako noong unang beses na nagkita tayo. " Humakbang palapit
Read more

CHAPTER 72

CHAPTER 72 " Nai-imagine ko na ang hitsura mo Este kapag sinuot mo ang dress na 'to. Hindi ka na matatawag na Señorita, isa ka ng Doña. " manghang wika ni Anna habang pinagmamasdan ang kulay itim na bestidang isusuot ni Estrella. Naka-hanger na ito upang hindi magusot o malukot. " Mermaid dress ang isusuot mo kaya huhulma ang balakang mo dito. Off shoulder pa kaya kaya girl, maipagmamalaki mo talaga ang future mo. " Napangiwi si Estrella. " Pakiramdam ko nga, hindi babagay saakin 'yan. Masyadong magara at maganda para isuot ko. " Pabirong hinampas ni Anna ang braso ni Estrella. " Sira, bagay sa'yo 'yan, ano ka ba! Sinukat mo na nga, 'di ba? " " Itinapat ko lang siya saakin, " paglilinaw ni Estrella saka inilipat ang tingin sa tukador kung saan nakapatong ang pouch na kasama sa loob ng kahon na natanggap niya. " Hindi ko rin magagamit 'to dahil baka mawala ko siya. Kumikinag-kinang pa kaya nakakatakot talaga siya dalhin. Baka mailagay ko pa kung saan. " " Ano ba, Este. Huwag ka ng
Read more

CHAPTER 73

CHAPTER 73 Hindi alam ni Sebastian kung anong dapat na sabihin habang nakatingin sa kaniyang ama. Halos sampung taon itong hindi umuwi sa bansa at ngayong nasa harap na niya ito, pakiramdam niya'y naputulan siya ng dila. Marami siyang gustong sabihin, pero walang lumalabas na salita mula sa kaniyang bibig dahil pinangungunahan siya ng kaba. " Sino ang batang 'to? " puno ng pagtatakang tanong ng ama ni Sebastian. " Pakiramdam ko nakatingin ako sa salamin. Ganiyan ang hitsura ko noong araw. " Gumuhit ang matamlay na ngiti sa labi ni Sebastian bago lumakad patungo sa kaniyang ama. " Papa, ako po 'to, si Sebastian... " Nagsalubong ang kilay nito saka nilingon si Lolo Pio na agad namang tumango. " Sergio, anak mo 'yang nasa harapan mo at hindi ka nagkakamali dahil talagang kamukha mo nga siya noong kabataan mo. " Binalik ni Sergio ang tingin kay Sebastian. Ilang segundo niya itong tinitigan dahil kaniyang kinikilala ang lalake sa kaniyang harapan hanggang sa sumilay ang ngiti sa kani
Read more

CHAPTER 74

CHAPTER 74 Mahigit kalahating oras na magmula noong magsimula ang programa at ang lahat ng mga tao sa loob ng venue ay dalang-dala sa emcee na nagsasalita sa harap nila. Kuwela ito at mahusay maglaro ng mga salitang nagpapahalakhak sa mga bisita. Kapansin-pansin din ang mga maaliwalas na mukha at ngiti ng mga tao sa bawat mesa, maliban kay Sebastian na hindi maipinta ang mukha dala ng gulat matapos makita ang kaniyang ama. Hindi niya makayang ituon ang buong atensyon sa kaganapan sa paligid dahil hanggang ngayon, hindi pa rin niya maalis sa isipan ang mga tanong na naiipon at patuloy na bumabagabag sa kaniya. " Sebastian. " Napaangat ng tingin si Sebastian sa tumapik sa kaniyang balikat. Si Lolo Pio, kasama nito si Sergio na nasa wheelchair at tulak-tulak ng isang nurse. " Malayo pa lang ay tanaw ko na kung gaano kalukót ang mukha mo. Mag focus ka, hijo. Baka iba ang isipin ng mga tao. " Umayos ng pagkakaupo si Sebastian at binatak pababa ang suot niyang blazer. " I'm sorry, Chair
Read more

CHAPTER 75

CHAPTER 75 Hindi magawang pumirmi ni Azami sa iisang puwesto habang ang mga tao sa paligid niya ay nagagawa ng magsaya dahil sa ganap na nangyayari ngayon sa entablado. Kada-department ay may mga inihandang performance kung saan ipinapakita ang kanilang talento sa pagsayaw at pagkanta na naging tradisyon na rin kada sasapit ang anibersaryo ng kumpanya. " Azami, mababali na ang leeg mo sa kakalingon kung saan-saan, " saad ng Manager ni Azami, " Ano ba ang hinahanap mo—o baka dapat na tanong ay sino ang hinahanap mo? " " Hindi pa po ba obvious? " tanong ni Azami saka binalik ang tingin sa harap kung saan nagkakasiyahan pa rin ang mga empleyado. Nakita niya roon ang sekretarya ni Sebastian, ngunit hindi naman niya ito magawang lapitan dahil marami itong mga kasama. Tumayo si Azami at tumingin sa kaniyang Manager na dire-diretsong ininom ang red wine saka tumayo. Napailing si Azami sabay kuha ng kaniyang pouch sa mesa. " Sa restroom lang po ako. Kailangan kong mag retouch. Gusto niy
Read more

CHAPTER 76

CHAPTER 76Magmula noong bata si Sebastian, ang kaniyang ama ay kilala na sa pagiging istrikto at pagiging perpekto. Mas mahalaga ang kumpanya kaysa sa pamilya na naging rason upang lumayo ang loob ni Sebastian sa ama. Lumaki si Sebastian na mayroong sama ng loob rito at ang kaniyang ina at nakababatang kapatid lamang ang kaniyang madalas na kasama sa mga importanteng okasyon kagaya ng kaarawan niya. Sapat na noon kay Sebastian na kasama niya ang dalawang babaeng mahalaga sa buhay niya, subalit isang araw ay namulat na lamang siya na sira na ang lahat sa pamilya niya. Labing limang taon si Sebastian noong mawala ang kaniyang kapatid na babae na si Sarah, namatay ito dahil sa isang aksidente na naging rason para magkaroon lalo ng lamat ang relasyon ng magulang niya. Isang taon lang pagkatapos noon, namatay naman ang kaniyang ina dahil sa labis na kalungkutan.Dalawang mahalagang tao ang nawala kay Sebastian. Ilang taon siyang nalunod sa sama ng loob at lungkot subalit ang kaniyang ama
Read more

CHAPTER 77

CHAPTER 77" Wow... " ang tanging salitang lumabas sa bibig ni Estrella nang makita ang mansyon na unang naging tahanan ni Sebastian. " Akala ko malaki na 'yong mansyon mo, Sebastian. May mas ilalaki pa pala ang bahay niyo rito. Buong barangay yata ay kasya dito. "Ngumiti si Sebastian bago ihinto ang sasakyan sa harap ng mansyon. " Si Lolo ang nagmamay-ari nitong mansyon. Pinamana ito sa kaniya ng magulang niya noon. Dito na rin siya nagkaroon ng asawa at dito na rin bumuo ng pamilya. " Napatango si Estrella. " Malaki nga pala ang pamilya niyo, ano? Siguro kasyang-kasya kayo lahat rito kapag dito kayo matutulog? Mukhang maraming kuwarto kung pagbabasehan ang mga bintanang nakikita ko. "" Nasa sampu ang lahat ng kuwarto rito. Hindi pa kasama 'yong ibang kuwarto na tambakan ng mga lumang gamit ng mansyon at iyong silid-aklatan na paboritong puntahan ni Lolo Pio, " saad ni Sebastian saka inalis ang seatbelt niya. Binuksan niya ang pinto at lumabas upang umikot sa kabilang side ng kot
Read more

CHAPTER 78

CHAPTER 78" Gusto niyo pong lokohin ko si Papa? " hindi makapaniwalang tanong ni Sebastian matapos siyang pakiusapan ng Lolo Pio niya tungkol sa kalagayan ng kaniyang ama. " Lolo, mali naman po yata na paniwalain natin si Papa na buhay pa si Mama at si Sarah. " Sebastian, makinig ka muna saakin. " Pagpapakalma ni Lolo Pio sa apo. " Ang mga tita at tito mo ay sang-ayon naman dito sa ideyang ito dahil makakatulong rin ito para kumalma ang isip ng iyong ama. Ang hallucination at delision ay common na sa may mga sakit na dementia. Maaaring mag hysterical ang Papa mo kung ipipilit natin ang bagay na ayaw niyang paniwalaan. "" Sorry po pero hindi ako sang-ayon dito, " saad ni Sebastian. " Hindi po ito ang solusyon para mapabuti ang kalagayan ni Papa. Mas mabuti kung alam niya ang totoo. "Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga ang matanda. " Araw-araw niyang nakikita at kinakausap si Kristal pati na rin si Sarah. Ilang beses din naming nililinaw sa Papa mo na matagal na silang w
Read more

CHAPTER 79

CHAPTER 79 Maulan na umaga ang gumising kay Estrella. Bukas ang kurtina sa bintana ng kuwarto nila ni Sebastian at kitang-kita niya ang buhos ng ulan na rumaragasa sa labas. Ibinaling ni Estrella ang tingin sa kanang bahagi ng kama, wala na siyang katabi at nang inangat niya ang tingin sa orasan sa dingding, napabagon siya nang makitang mag a-alas onse na ng tangahali. Kinusot-kusot ni Estrella ang kaniyang mata sa pagbabakasakaling mali lang ang tingin niya, pero malinaw na malinaw kung saan nakatapat ang maliit na kamay ng orasan. Tuluyan ng umalis si Estrella mula sa kama at lumabas ng kuwarto. Nagmadali siyang bumaba at nagtungo sa dining area nang makasalubong si Anna. " Oh, gising ka na pala, Este. Kain ka na? " tanong ni Anna. " Ah, mamaya na. Hindi pa ako nagugutom, " ani Estrella saka nilingon ang paligid. " Pumasok na ba si Sebastian? " Natawa nang bahagya si Anna. " Siyempre, pumasok na si Sir. Malapit na nga mag lunch break, eh. " Nakangiwing napakamot si Estrella s
Read more
PREV
1
...
678910
...
13
DMCA.com Protection Status