Home / Romance / Maid For You / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of Maid For You : Chapter 51 - Chapter 60

128 Chapters

CHAPTER 50

CHAPTER 50 Matagal na nakatitig si Estrella sa kontrata na hawak niya, iniisip kung tungkol saan ang kanilang pag-uusapan nila ni Sebastian. Natatakot siya at kinakabahan dahil hindi niya mabasa ang nasa isip nito. Dalawang taon pa bago tuluyang mawalan ng bisa ang kasal nila subalit may pakiramdam siyang mapapaaga ito dahil iyon lang ang nakikita niyang dahilan para kausapin siya ni Sebastian tungkol dito. Napahawak si Estrella sa dibdib nang makaramdam nang kirot. Naguguluhan siya at hindi mapag-konekta ang lahat ng nangyayari sa kanila dahil matapos niyang ibigay ang sarili sa asawa, bakit tila puputulin nito agad ang ugnayan nila? Anong dahilan? Bakit biglaan? Mayroon ba siyang ginawang mali? Mayroon ba siyang ginawang hindi nito nagustuhan? Marami siyang gustong itanong subalit ilang oras pa ang kailangan niyang hintayin bago niya mailabas ang mga 'yon dahil sa mga oras na ito, si Sebastian ay nasa kompanya na at mamayang pag uwi pa nito pagdi-diskuyunan ang bagay na 'yon.
last updateLast Updated : 2022-07-11
Read more

CHAPTER 51

CHAPTER 51 " Kiss...and make up? " pabulong na wika ni Estrella nang mabasa ang huling idyoma na kailangan niyang sagutan bilang parte ng pagsusulit niya ngayon. Inangat niya ang tingin kay Adam na abala sa pag c-check noong unang subject na sinagutan niya kanina nang bigla ring inangat ang tingin sa kaniya. " Tapos ka na? " " Ah, malapit na. Isa na lang 'yong hindi ko nasasagutan, " ani Estrella saka binaba ang tingin sa papel. Kailangan lang niyang isulat kung anong kahulugan ng idyoma na itinuro na sakaniya ni Adam kanina pero hindi na niya maalala. Sampong idyoma na ang nasagutan niya sa itaas at kung kailan matapos na siya, saka naman siya na-blangko. " Saan ka ba nahihirapan? " tanong ni Adam saka sinilip 'yong papel niya upang makita kung nasaaan na siya. Ngumiti ito. " Kung alin pa 'yong madali, iyon pa 'yong hindi mo masagutan. " Napangiwi si Estrella. " Ang hirap kaya nilang lahat...pero pwede ba ako humingi ng kaunting clue? Kaunting-kaunti lang talaga." Nag-isip kunw
last updateLast Updated : 2022-07-12
Read more

CHAPTER 52

CHAPTER 52 Hindi na makapag-isip nang diretso si Estrella at pati ang paglalakad niya ay naapektuhan na. Nanlalabo ang kaniyang paningin dahil sa hindi mapigiliang luha kaya hindi na rin niya alam kung saan siya dapat pumunta hanggang sa siya'y makarating sa sala. Nagtungo siya agad sa hagdan para pumanhik sa kwarto pero bago pa man siya makatungtong sa unang baitang ng hagdan, isang kamay ang humawak sa braso niya upang siya'y mapigilan. " Estrella, sandali. Ganoon na lang talaga 'yon? " boses pa lang pero bakas na ang isang mabigat na emosyon na pareho nilang nararamdaman ngayon. " Wala kang balak pakinggan ako? " Lumingon si Estrella upang harapin si Sebastian. " Mayroon bang magbabago kapag narinig ko 'yong sasabihin mo? Pumayag na nga ako, hindi ba? Ayos na, hindi na kailangan ng paliwanag dahil nakita ko naman na ang totoo. " Lalong nagsalubong ang kilay nito. " Anong totoo? " " Na may relasyon talaga kayo noong artista! Iyong maganda, maputi, mabait at hindi stupida kagay
last updateLast Updated : 2022-07-13
Read more

CHAPTER 53

CHAPTER 53 Arman Somera, ang Chief Executive Officer ng HowRU app at ang ama ni Azami Somera. Sila na lamang mag-ama ang magkasama sa buhay dahil ang ilaw ng tahanan ay maagang lumisan. Bata pa lang si Azami, hindi na niya maramdaman ang pagmamahal ng isang magulang dito dahil palagi itong nasa kompaniya, ginagawa ang tungkulin niya. Minsan lang sila magkita sa kanilang bahay dahilan para maging malayo ang loob ni Azami sa kaniyang ama. Binibigay naman nito ang lahat ng gusto at pangangailangan niya, subalit wala itong oras para sakaniya. " Good evening Miss Azami. Mabuti at nauwi na ulit kayo dito. " Nakangiting bati ng kasambahay nila kay Azami na isa sa mga saksi kung paano siya lumaki at magkaisip sa bahay na kailanman ay hindi na niya itinuring isang tahanan. " Hindi naman po ako magtatagal dito. " Malamig na saad ni Azami saka sumilip sa loob ng bahay. " Nakauwi na po ba si Papa? " " Ay, pauwi na si sir Arman. Halika pumasok ka na. Nakapaghapunan ka na ba? " at kagaya ng la
last updateLast Updated : 2022-07-14
Read more

CHAPTER 54

CHAPTER 54 Kapag marami ka ng nakikitang mga puno sa paligid, ibig sabihin ay nasa probinsya ka na. Wala na ang naglalakihang mga gusali, ingay ng mga sasakyan at mga taong nagkalat sa daan. Ang tanging makikita mo na lang sa daan ay mga bukiran, mga simpleng bahay na matatawag mong tahanan at hindi mawawala ang preskong hangin na madalang magparamdam sa siyudad. " Ang lawak pala talaga sa lugar na'to, Este. Parang ang sarap gumala kapag ganito 'yong dadaanan mo, " komento ni Anna na hindi maalis ang atensyon sa bintana ng sasakyan dahil ngayon na lang siya ulit nakakita ng mga kulay berde sa daan. " Ang sarap din siguro magpalipad ng saranggola dito, ano? Walang masyadong kable ng kuryente sa taas. Maganda rin mag habulan dito kasi ang dami mong pwedeng takbuhan at lusutan— " " Anna, bata ka pa ba? Iyang mga napapansin mo, hindi ayon sa edad mo, " puna ni Manang Susan na kinatawa ng mga nasa loob ng sasakyan. " Huwag kang mag-alala, Anna. Papasyal ko kayo mamayang hapon para hi
last updateLast Updated : 2022-07-16
Read more

CHAPTER 55

CHAPTER 55 " Pwede naman kayong tumanggi sa kanila kung hindi niyo naman kaya. Wala pang laman mga sikmura niyo kanina, alak agad ang ininom niyo, " ani Estrella kay Sebastian habang sila'y naglalakad-lakad sa bukiran kasama sina Anna at Javier na may sariling mundo sa kanilang likuran. Naiwan sa bahay nila sina Manang Susan, Manong Cesar at ang dalawa pang kasama nilang kasambahay na piniling hindi muna sumama sa paglilibot nila dahil napasarap ang kwentuhan sa mesa. Alas kwatro na ng hapon at may lilim na rin ang dinadaanan nila. Masarap at presko ang hangin subalit dahil piyesta ngayon, bawat bahay ay may ingay dahil ang ilan sa mga ito, may mga nagkakantahan na animo'y na sa isang paligsahan. May ilang bata ring naglalaro at nagkalat sa daan. Mga pawisan pero bakas naman sakanila ang kasiyahan. " Ayos lang, hindi naman ganoon kalakas 'yong alak na pinainom nila kanina, " ani Sebastian saka pasimpleng hinawakan ang kaniyang kamay habang ang mga tingin ay diretso sa daan. " Saan
last updateLast Updated : 2022-07-18
Read more

CHAPTER 56

CHAPTER 56 Isang plato, dalawang baso at dalawang chi-chirya. Iyon ang hawak-hawak ni Anna at Estella habang pinanonood at tatlong lalakeng kasama nila na naglalaro na kung saan, kailangan mong maghagis ng barya sa isang malaking tabla na may mga numero na kapag ang hinagis mo ay sumakto sa numerong ninanais mo, mayroon kang premyo. Pero kapag ito'y walang tinamaan, kukuhanin ito ng nagbabantay sa gitna. Marami ring mga naglalaro pero mas maraming nanonood na mga kabataan na kababaihan na ang mga atensyon ay na kayla Sebastian, Javier at Adam. Halos tunawin na nila ito sa titig na hindi naman nakapagtataka dahil sa kanilang mga hitsura, pananamit at tindig. Para silang mga bida sa pelikula na pinagkakaguluhan habang 'yong dalawa, ekstra na nakikinood lang. " Akala ko kanina hindi mag e-enjoy si sir, pero tignan mo, ayaw pa nilang paawat, " bulong ni Anna kay Estrella na lihim na natawa. " Ang akala ko nga rin kanina, magyayaya na siyang umuwi dahil halata namang nababagot na siy
last updateLast Updated : 2022-07-20
Read more

CHAPTER 57

CHAPTER 57 Alas-singko ng umaga, gising na si Javier dahil sa tilaok ng mga manok at mabangong aroma ng putahe na sinisimulang lutuin sa bakuran. Bumaba siya ng sasakyan at nakita si Manong Cesar na may hawak ng tasa ng kape habang ka-kuwentuhan ang lolo ni Estrella. Pahikab-hikab pa s'ya noong una pero nang masalubong niya si Teodora na kalalabas lang ng bahay, tila nagising pati kaluluwa niya. " Oh, aga niyo namang nagising. Alas-singko pa lang, " anito habang nagkakabit ng apron sa katawan. " Kumusta naman ang tulog ninyo? Nakatulog ba kayo nang maayos sa kwarto? " " Ah, nakatulog naman ho kami, " sagot ni Javier at umagang-umaga, pinagpapawisan agad siya. Hindi na siya bumalik kagabi sa kwarto kaya naman wala siyang ideya kung doon ba natulog si Estrella o bumalik ito sa sala. Pero sa kaso ng pinsan niya ngayon, mukhang hindi na nito pinalabas pa ang asawa kagabi sa kwarto. " Mabuti naman kung ganoon. Siya nga pala kung nagugutom na kayo, kumain na kayo at may naluto naman ng
last updateLast Updated : 2022-07-21
Read more

CHAPTER 58

CHAPTER 58 " Imposible 'yang sinasabi mo, hija. Amo ni Estrella ang tinutukoy mo, hindi naman sila mag-asawa, " paglilinaw ni Lola Teodora kay Azami na nagsalubong ang kilay sa pagtataka. Maingay ang karaoke pero malinaw sa pandinig niya ang sinabi ng matandang babae sa harap niya. " Ano pong ibig niyong sabihin? " hindi pa rin inaalis ni Azami ang ngiti sa labi pero kitang-kita ang pagkalito sa mukha niya. " Nagta-trabaho po si Estrella kay Sebastian? " " Oo, kasambahay ang pinasok ng apo ko doon sa mansyon nila. Hindi naman sila mag-asawa, ano ka ba? Napagkamalan mo pa sila, " ang mga katanungan sa isipan ni Azami ay unti-unting nabibigyan ng linaw matapos madinig ang sinabi nito. Hindi siya agad nakaimik dahil pino-proseso pa ng isip niya ang impormasyong nalaman niya ngayon. " Kung ganoon, hindi niyo po pala alam... " ang tanging lumabas sa bibig ni Azami na unti-unting kinawala ng ngiti sa labi ng matanda, ngunit bago pa ito muling makapagtanong, dumating si Estrella sa pwes
last updateLast Updated : 2022-07-22
Read more

CHAPTER 59

CHAPTER 59 Hindi alam ni Estrella kung saan siya pupunta. Ang nasa isip niya lang sa mga oras na ito ay makalayo sa bahay nila dahil sobra siyang nahihiya sa nangyari. Hindi siya makapaniwala na nagawa niyang sumagot nang ganoon sa lola niya. Pakiramdam niya, napakasama niyang tao. Siya ang may mali, siya ang may kasalanan, pero bigla siyang nawala sa sarili niya noong sabihin ng lola niya na paghihiwalayin sila ni Sebastian dahilan para masabi niya ang pinainiwalaan niyang dahilan ng pag-abandona sakaniya ng magulang niya. Huminto si Estrella sa pagtakbo nang manghina ang mga tuhod niya. Nasa gitna siya ng kalsada at may mga tao sa daan na nakatingin sakaniya at nagtataka. Malayo na siya sa bahay nila at ang unang pumasok sa isip niya ay ang batis na malapit lang sa kaniyang kinatatayuan kaya agad siyang nagtungo sa masukal na daan pababa pero sa kasamaang palad, bigla siyang nadapa nang matisod sa ugat ng puno sa lupa. Nagpagulong-gulong siya pababa at kagaya ng inaasahan, dumir
last updateLast Updated : 2022-07-24
Read more
PREV
1
...
45678
...
13
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status