Home / Romance / Maid For You / CHAPTER 54

Share

CHAPTER 54

Author: janeebee
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56
CHAPTER 54

Kapag marami ka ng nakikitang mga puno sa paligid, ibig sabihin ay nasa probinsya ka na. Wala na ang naglalakihang mga gusali, ingay ng mga sasakyan at mga taong nagkalat sa daan. Ang tanging makikita mo na lang sa daan ay mga bukiran, mga simpleng bahay na matatawag mong tahanan at hindi mawawala ang preskong hangin na madalang magparamdam sa siyudad.

" Ang lawak pala talaga sa lugar na'to, Este. Parang ang sarap gumala kapag ganito 'yong dadaanan mo, " komento ni Anna na hindi maalis ang atensyon sa bintana ng sasakyan dahil ngayon na lang siya ulit nakakita ng mga kulay berde sa daan. " Ang sarap din siguro magpalipad ng saranggola dito, ano? Walang masyadong kable ng kuryente sa taas. Maganda rin mag habulan dito kasi ang dami mong pwedeng takbuhan at lusutan— "

" Anna, bata ka pa ba? Iyang mga napapansin mo, hindi ayon sa edad mo, " puna ni Manang Susan na kinatawa ng mga nasa loob ng sasakyan.

" Huwag kang mag-alala, Anna. Papasyal ko kayo mamayang hapon para hi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Maid For You    CHAPTER 55

    CHAPTER 55 " Pwede naman kayong tumanggi sa kanila kung hindi niyo naman kaya. Wala pang laman mga sikmura niyo kanina, alak agad ang ininom niyo, " ani Estrella kay Sebastian habang sila'y naglalakad-lakad sa bukiran kasama sina Anna at Javier na may sariling mundo sa kanilang likuran. Naiwan sa bahay nila sina Manang Susan, Manong Cesar at ang dalawa pang kasama nilang kasambahay na piniling hindi muna sumama sa paglilibot nila dahil napasarap ang kwentuhan sa mesa. Alas kwatro na ng hapon at may lilim na rin ang dinadaanan nila. Masarap at presko ang hangin subalit dahil piyesta ngayon, bawat bahay ay may ingay dahil ang ilan sa mga ito, may mga nagkakantahan na animo'y na sa isang paligsahan. May ilang bata ring naglalaro at nagkalat sa daan. Mga pawisan pero bakas naman sakanila ang kasiyahan. " Ayos lang, hindi naman ganoon kalakas 'yong alak na pinainom nila kanina, " ani Sebastian saka pasimpleng hinawakan ang kaniyang kamay habang ang mga tingin ay diretso sa daan. " Saan

  • Maid For You    CHAPTER 56

    CHAPTER 56 Isang plato, dalawang baso at dalawang chi-chirya. Iyon ang hawak-hawak ni Anna at Estella habang pinanonood at tatlong lalakeng kasama nila na naglalaro na kung saan, kailangan mong maghagis ng barya sa isang malaking tabla na may mga numero na kapag ang hinagis mo ay sumakto sa numerong ninanais mo, mayroon kang premyo. Pero kapag ito'y walang tinamaan, kukuhanin ito ng nagbabantay sa gitna. Marami ring mga naglalaro pero mas maraming nanonood na mga kabataan na kababaihan na ang mga atensyon ay na kayla Sebastian, Javier at Adam. Halos tunawin na nila ito sa titig na hindi naman nakapagtataka dahil sa kanilang mga hitsura, pananamit at tindig. Para silang mga bida sa pelikula na pinagkakaguluhan habang 'yong dalawa, ekstra na nakikinood lang. " Akala ko kanina hindi mag e-enjoy si sir, pero tignan mo, ayaw pa nilang paawat, " bulong ni Anna kay Estrella na lihim na natawa. " Ang akala ko nga rin kanina, magyayaya na siyang umuwi dahil halata namang nababagot na siy

  • Maid For You    CHAPTER 57

    CHAPTER 57 Alas-singko ng umaga, gising na si Javier dahil sa tilaok ng mga manok at mabangong aroma ng putahe na sinisimulang lutuin sa bakuran. Bumaba siya ng sasakyan at nakita si Manong Cesar na may hawak ng tasa ng kape habang ka-kuwentuhan ang lolo ni Estrella. Pahikab-hikab pa s'ya noong una pero nang masalubong niya si Teodora na kalalabas lang ng bahay, tila nagising pati kaluluwa niya. " Oh, aga niyo namang nagising. Alas-singko pa lang, " anito habang nagkakabit ng apron sa katawan. " Kumusta naman ang tulog ninyo? Nakatulog ba kayo nang maayos sa kwarto? " " Ah, nakatulog naman ho kami, " sagot ni Javier at umagang-umaga, pinagpapawisan agad siya. Hindi na siya bumalik kagabi sa kwarto kaya naman wala siyang ideya kung doon ba natulog si Estrella o bumalik ito sa sala. Pero sa kaso ng pinsan niya ngayon, mukhang hindi na nito pinalabas pa ang asawa kagabi sa kwarto. " Mabuti naman kung ganoon. Siya nga pala kung nagugutom na kayo, kumain na kayo at may naluto naman ng

  • Maid For You    CHAPTER 58

    CHAPTER 58 " Imposible 'yang sinasabi mo, hija. Amo ni Estrella ang tinutukoy mo, hindi naman sila mag-asawa, " paglilinaw ni Lola Teodora kay Azami na nagsalubong ang kilay sa pagtataka. Maingay ang karaoke pero malinaw sa pandinig niya ang sinabi ng matandang babae sa harap niya. " Ano pong ibig niyong sabihin? " hindi pa rin inaalis ni Azami ang ngiti sa labi pero kitang-kita ang pagkalito sa mukha niya. " Nagta-trabaho po si Estrella kay Sebastian? " " Oo, kasambahay ang pinasok ng apo ko doon sa mansyon nila. Hindi naman sila mag-asawa, ano ka ba? Napagkamalan mo pa sila, " ang mga katanungan sa isipan ni Azami ay unti-unting nabibigyan ng linaw matapos madinig ang sinabi nito. Hindi siya agad nakaimik dahil pino-proseso pa ng isip niya ang impormasyong nalaman niya ngayon. " Kung ganoon, hindi niyo po pala alam... " ang tanging lumabas sa bibig ni Azami na unti-unting kinawala ng ngiti sa labi ng matanda, ngunit bago pa ito muling makapagtanong, dumating si Estrella sa pwes

  • Maid For You    CHAPTER 59

    CHAPTER 59 Hindi alam ni Estrella kung saan siya pupunta. Ang nasa isip niya lang sa mga oras na ito ay makalayo sa bahay nila dahil sobra siyang nahihiya sa nangyari. Hindi siya makapaniwala na nagawa niyang sumagot nang ganoon sa lola niya. Pakiramdam niya, napakasama niyang tao. Siya ang may mali, siya ang may kasalanan, pero bigla siyang nawala sa sarili niya noong sabihin ng lola niya na paghihiwalayin sila ni Sebastian dahilan para masabi niya ang pinainiwalaan niyang dahilan ng pag-abandona sakaniya ng magulang niya. Huminto si Estrella sa pagtakbo nang manghina ang mga tuhod niya. Nasa gitna siya ng kalsada at may mga tao sa daan na nakatingin sakaniya at nagtataka. Malayo na siya sa bahay nila at ang unang pumasok sa isip niya ay ang batis na malapit lang sa kaniyang kinatatayuan kaya agad siyang nagtungo sa masukal na daan pababa pero sa kasamaang palad, bigla siyang nadapa nang matisod sa ugat ng puno sa lupa. Nagpagulong-gulong siya pababa at kagaya ng inaasahan, dumir

  • Maid For You    CHAPTER 60

    CHAPTER 60 Alas nuebe nang gabi noong makabalik sila sa mansyon at lahat sila ay ramdam ang pagod sa dalawang araw nilang bakasyon sa probinsya at ilang oras na byahe pauwi sa siyudad. Sa loob ng dalawang araw na 'yon, parang napakadaming nangyari sa bawat isa sa kanila, lalong-lalo na sa mag-asawa. " Manang Susan, nasaan po 'yong first aid kit? " tanong ni Sebastian nang makitang pumanhik na sa taas si Estrella upang makapagpahinga. " Ah, sandali lang. " Nagpunta naman agad si Manang Susan sa kusina upang kuhanin ito sa cabinet at pagkatapos ay inabot kay Sebastian. " Para saan niyo ba 'yan gagamitin? Mayroon ba kayong sugat? " " Hindi po para saakin, " ani Sebastian saka binuksan ang kit upang silipin kung nandoon ang mga kailangan niya. " Sige ho, magpahinga na ho kayong lahat. Goodnight. " Nagtataka man ay tumango na lamang si Manang Susan saka pinanood na maglakad paalis si Sebastian. Naisip niya na baka para kay Estrella iyon pero hindi rin siya sigurado dahil wala naman s

  • Maid For You    CHAPTER 61

    CHAPTER 61 " Ayos. " Pinagdikit ni Javier ang dalawa niyang palad para magpagpag matapos ibaba ang huling kahon na naglalaman ng mga gamit niya. Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng unit na kaniyang titirhan simula ngayon. Tamang-tama lang para sa iisang tao. Hindi maliit, ngunit hindi rin naman kalakihan. " Sir Javier? " Napalingon si Javier sa likuran nang marinig ang boses ni Anna. " Nakalimutan niyo 'tong kuhanin sa kotse. " " Ah, oo nga pala. Mabuti nakita mo. " Kinuha ni Javier 'yong kahon na bitbit ni Anna na naglalaman ng mga lens ng camera niya. " Halika, tumuloy ka sa loob. Nag order ako ng pagkain, padating na 'yon at saluhan mo na ako. " Sa una ay nagdadalawang isip si Anna kung papasok ba siya pero wala na siyang nagawa noong tapikin ni Javier ang likod niya na para bang pinapapasok siya sa loob. " Ako na maghahatid sa'yo mamaya pauwi. Kain lang tayo para makabawi ako sa pagtulong saakin sa paglilipat, " saad ni Javier saka binaba ang kahon sa isang lamesita. " Up

  • Maid For You    CHAPTER 62

    CHAPTER 62 " Puntahan mo, " saad ni Sebastian matapos marinig ang mga sinabi ni Anna. Naglakad siya palapit sa dalawa na bakas pa rin ang gulat sa mukha nang makita siya. " Hindi ko intensyon makinig sa pinag-usapan niyo, pero ayoko namang takpan ang tainga ko habang papunta dito. " " S-sir Sebastian... " Natatarantang tumayo si Anna. Napakamot sa ulo at tumingin kay Estrella upang sana'y manghingi ng tulong para makalabas siya sa kahihiyan nang muling magsalita si Sebastian. " Pinagbawalan ka ba ni Javier na makita siya? " tanong nito. Takha namang umiling si Anna. " Sinabi niya ba sa'yo na huwag mo na siyang kauusapin pagkatapos nito? " Muling umiling si Anna. " Hindi naman po... " " Ibig sabihin hindi pa ito ang katapusan ng mundo mo. Wala naman siyang sinabi na ito na ang huling pag-uusap niyo kaya walang dahilan para magmukmok, " saad nito na agad naman dinugtungan ni Estrella. " Ang gustong sabihin ni Sebastian, puwede mong puntahan si Javier kahit kailan mo gusto. Hindi

Pinakabagong kabanata

  • Maid For You    Author's Note

    Hi, maraming salamat po sa lahat ng nakaabot dito. Halos isang taon na rin pala simula noong isulat ko ito at ang sarap sa feeling na nakatapos ulit ako ng nobela. Sa ngayon, ito na pinakamahaba kong nobela na naisulat. Hindi ko inakala na aabot ito sa 100+ chapter pero wala, nag enjoy ako isulat ang journey nina Estrellla at Sebasian. San ganoon rin po kayo! So ayon, sa mga nagtatanong po kung mayroon bang story sina Anna/Javier at si Estrellita/Adam? Ang sagot ay wala po...pero puwede ring magbago depende sa panahon. Sa ngayon kasi, marami pa po akong story na planong i-published dito sa Good Novel at wala pang time para mag-isip ng plot sa mga side characters ng Maid For You. Ganunpaman, sana po ay suportahan niyo pa rin ako sa mga bago kong story at sa mga darating pang iba. Muli, salamat po sa inyong lahat!

  • Maid For You    EPILOGUE

    EPILOGUE Humugot ng isang malalim na hininga si Estrella habang nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin. Walang mapaglagyan ang kaniyang tuwa, hindi siya makapaniwala na sa ikalawang pagkakataon, ikakasal ulit siya. " Ready ka na? " Napatingin si Estrella sa gilid nang marinig ang boses ng kambal. " Ganda ng ngiti mo, ah. Siguraduhin mong nakapag banyo ka na bago ka lumakad sa altar mamaya. Baka tumakbo ka na naman. " Bahagyang natawa si Estrella nang maalala ang marriage proposal ni Sebastian sa kaniya. Magkahalong kaba at saya ang naramdaman ni Estrella noong mga oras na yon, resulta upang magmadali siyang magtungo sa banyo. " But kidding aside, masaya ako para sayo, Estrella. " Inayos ni Estrellita ang belo na suot ng kaniyang kambal at pinagmasdan ang hitsura nito mula sa salamin. " Medyo nakakalungkot lang dahil saglit lang 'yong oras na nagkasama tayo. Ngayong kakasal ka na, malilimitahan na ang oras mo sa labas. " " Ate, noong nagkita naman tayo, kasal naman na kami

  • Maid For You    CHAPTER 125

    CHAPTER 125" Anong ginagawa niyo rito? " tanong ni Estrellita sa dalawang matanda saka siya lumapit sa kinatatayuan ng kambal upang hawakan ang kamay nito at ilagay sa kaniyang likuran. " Hindi kayo gusto makausap ni Estrella. Umuwi na lang kayo. "" H-hindi lang naman siya ang gusto naming kausapin, " ani Lola Teodora saka tumingin sa asawa bago muling ibalik ang tingin sa kambal. " Gusto namin kayong makausap na dalawa. "" Wala tayong dapat na pag-usapan. " Matigas na sambit ni Estrellita, humigpit ang kapit sa kamay ni Estrella nang maramdaman ang kagustuahn nitong lapitan ang dalawang matanda. " Wala kaming sasabihin sainyo. Umalis na lang kayo... "Hindi nagawang ituloy ni Estrellita ang balak na sabihin nang makita ang pagluhod ni Lolo Teodora na sinundan ni Lolo Emilio. " Humihingi kami ng kapatawaran sa ginawa namin, " saad ni Lolo Emilio, pilit pinipigilan ang luha subalit mababakas ang nginig sa boses nito. " Alam kong hindi sapat ang paghingi namin ng tawad at pagluhod s

  • Maid For You    CHAPTER 124

    CHAPTER 124 " Azami, saan ka pupunta? " Napahinto si Azami sa balak na pagbaba ng stage nang harangan siya ng Manager niya. " Kumalma ka muna, okay? Huwag mong ipakita na apektado ka. Maraming tao ngayon dito sa Mall at lahat ng mata at camera ay nakatutok sa'yo ngayon. " Mariing napapikit si Azami, at humugot nang malalim na buntong hininga sa pag-asang mawala ang mga daga sa dibdib niya ngunit hindi ito tumalab. " Okay guys, kumalma muna ang lahat. Mayroon lang po tayong technical difficulties ngayon at 'yong narinig niyo kanina ay isa lang audio clip mula sa haters. Relax lang po tayong lahat! " Pagpapagaan ng emcee sa sitwasyon. Hindi na gumagana ang mike kaya kinailangang nitong lakasan ang boses para marinig ng lahat ang sinasabi niya at hindi magkagulo ang mga tao. Walang alam ang emcee sa nangyayari ngunit kailangan niya pa ring gumawa ng paraan upang mapakalma ang lahat at matuloy ang programa. Tumingin si Azami sa puwesto kung saan niya nakita si Estrella ngunit hind

  • Maid For You    CHAPTER 123

    CHAPTER 123" Halikan mo 'ko. " Gumuhit ang gulat sa mukha ni Adam sa sinabi ni Estrellita na nakalingkis ang kamay sa braso niya." Pinagsasabi mo? Wala naman sa plano ''yon, Estrellita, " angal ni Adam saka binalik ang tingin sa harap kung saan abala ang lahat ng tao sa kani-kanilang mundo. Nasa isa sila ngayong parke, nakaupo sa isang bench habang magkahawak ang kamay ngunit si Estrellita ay halos ipulupot na ang sarili sa braso ni Adam." Para nga mas makatotohanan, 'di iba? Isipin mo na lang na ako si Estrella para hindi ka mailang, " ani Estrellita dahilan para lalong magsalubong ang kilay ni Adam. " Oh, bakit? May mali ba sa sinabi ko? 'Di ba may gusto ka sa kambal ko—"" Estrellita, please. " Pigil ni Adam, hindi komportable sa balak sabihin ng kasama niya, ngunit gusto niyang linawin ang lahat para hindi na ito mabuksan pa. " Yes, inaamin kong may gusto ako kay Estrella, pero matagal na 'yon at wala akong balak guluhin ang relasyon nila Sebastian. "" Talaga ba? " tila pang-a

  • Maid For You    CHAPTER 122

    CHAPTER 122 Halos lumuwa ang mata ni Anna nang makita ang nag doorbell sa labas ng gate ng mansyon. Ilang beses siyang kumurap sa pag-aakalang mag-iiba ang mukha ng babae sa harapan niya ngunit walang nabago sa histura nito. " Alam kong maganda ako, huwag mo na ako masyadong titigan, " anito saka isinara ang payong at tiniklop. " K-kayo ba ang kambal na sinasabi ni Este? " tanong ni Anna at nang tumango ito, napalitan ng paghanga ang nararamdaman niya. " Grabe, magkamukhang-magkamukha talaga kayo. Sa pananamit pa lang, si Este na ang nakikita ko sainyo. " " Hindi ito ang style ko. Ginaya ko lang ang pananamit ni Estrella para papasukin ako sa subdivision, " ani Estrellita saka tumingin sa loob ng gate. " Anyway, nandiyan ba siya ngayon? " " Ah, oo, na sa loob si Este. Pasok kayo, " sabik na pagpapatuloy ni Anna, hindi magawang alisin ang tingin kay Estrellita dahil labis ang gulat, tuwa at paghanga ang nararamdaman niya. Nang makarating sa salas, hindi maiwasang humanga ni Estr

  • Maid For You    CHAPTER 121

    CHAPTER 121 Sa apat na araw na itinagal ng burol ni Sergio, naging dahilan na rin ito para muling magsama-sama at magkita-kita ang pamilyang Martinez. Ang ibang mga kamag-anak na nasa ibang bansa ay umuwi upang makita sa huling pagkakataon si Sergio. Muli ring nagkita-kita ang mga malalapit na kaibigan ni Sergio sa araw ng libing nito, maliban sa isa na piniling hindi lumabas ng kotse habang pinanonood sa hindi kalayuan ang pagbaba ng kabaong sa ilalim ng lupa. " Sir Arman, hindi ho ba kayo bababa para tignan ang libing ni Mr. Sergio Martinez? " tanong ng sekretarya ni Arman na nasa passenger seat. " Hindi ho ba kayo magpapaalam sa dati niyong kaibigan? " Piniling hindi sumagot ni Arman. Hindi niya maintindihan kung bakit nakararamdam siya ng panghihinayang noong nagkausap sila ni Sergio na huling beses na pala mangyayari. Mayroong pagsisisi si Arman dahil hindi niya agad nagawang ilabas at ipakita ang galit na kinimkim niya ng matagal na panahon kay Sergio, dahil ngayong wala na i

  • Maid For You    CHAPTER 120

    CHAPTER 120 Hindi magawang gumalaw ni Sebastian sa kinaatayuan niya habang nakayakap sa kaniya si Estrella. Hindi niya inaasahan na makikita niya ito pag-uwi niya, ngunit sa kabila ng lungkot sa nangyari sa biglaang pagpanaw ng ama, kahit papano ay gumaan ang kaniyang nararamdaman dahil sa higpit ng yakap mula sa asawa, " Pasensya na kung umalis ako..." saad ni Estrella sa pagitan ng paghikbi. Inangat ni Sebastian ang kamay upang yakapin pabalik ang asawa ngunit humiwalay na si Estrella. " Patawarin mo 'ko kung hindi ako nakapagpaalam sa'yo nang personal. Alam kong galit ka pa rin saakin, pero sana hayaan mo akong damayan ka..." Hindi magawang sumagot agad ni Sebastian. Gusto niyang sabihin na hindi na siya galit at aminin ang pagkakamali n'ya ngunit walang salita ang gustong lumabas sa bibig niya, hanggang sa biglang mag-ring ang kaniyang cellphone sa bulsa ng pantalon. Kinuha niya ito at isang tawag mula sa kaniyang tiya ang nakita niya. " Sebastian, nakauwi ka na ba? " tanong n

  • Maid For You    CHAPTER 119

    CHAPTER 119 " Okay, ready na ang lahat ng mga kailangan nating dalhin! " Masiglang wika ni Estrellita matapos isara ang zipper ng bag niya. Tumingin siya kay Estrella na nagkakamot ng ulo habang nakatingin sa ilang bagong biling damit at gamit nito. " So, anong balak mo? Tititigan mo na lang 'yan? Ilagay mo na kaya 'yan sa bag mo, 'no? Alas-tres ng madaling araw ang alis natin mamaya kaya dapat naka-ready na ang lahat ng mga gamit mo. " " B-bakit kasi ang daming biniling damit ni Mama? " Nahihiyang saad ni Estrella habang pinagmamasdan ang mga damit na binili sa kaniya ng ina. " Ang mahal pa ng mga damit—tsaka hindi ko kayang suotin 'tong kapirasong tela na 'to. " " Bikini ang tawag diyan, ano ba? Tsaka beach ang pupuntahan natin kaya normal lang na iyan ang mga suot doon. Mas pagtitinginan ka ng mga tao kung naka-pajama ka habang nag s-swimming. " Pinasadahan ng tingin ni Estrellita ang kapatid mula ulo hanggang paa. " Isa pa, perfect naman ang shape ng body mo. Sexy ka naman at a

DMCA.com Protection Status