Home / Romance / Maid For You / CHAPTER 60

Share

CHAPTER 60

Author: janeebee
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56
CHAPTER 60

Alas nuebe nang gabi noong makabalik sila sa mansyon at lahat sila ay ramdam ang pagod sa dalawang araw nilang bakasyon sa probinsya at ilang oras na byahe pauwi sa siyudad. Sa loob ng dalawang araw na 'yon, parang napakadaming nangyari sa bawat isa sa kanila, lalong-lalo na sa mag-asawa.

" Manang Susan, nasaan po 'yong first aid kit? " tanong ni Sebastian nang makitang pumanhik na sa taas si Estrella upang makapagpahinga.

" Ah, sandali lang. " Nagpunta naman agad si Manang Susan sa kusina upang kuhanin ito sa cabinet at pagkatapos ay inabot kay Sebastian. " Para saan niyo ba 'yan gagamitin? Mayroon ba kayong sugat? "

" Hindi po para saakin, " ani Sebastian saka binuksan ang kit upang silipin kung nandoon ang mga kailangan niya. " Sige ho, magpahinga na ho kayong lahat. Goodnight. "

Nagtataka man ay tumango na lamang si Manang Susan saka pinanood na maglakad paalis si Sebastian. Naisip niya na baka para kay Estrella iyon pero hindi rin siya sigurado dahil wala naman s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (25)
goodnovel comment avatar
Merilyn Gandoy Silagan Barcelona
sama talaga ng ugali ni Azami nakakainis,Sebastian huwag mo pababayaan si Estrilla dahil may pina plano si Azami sa inyong dalawa Kong pwede alisin mo sya bilang endoser ng iyong Company
goodnovel comment avatar
Fely Fernandez
update Po ...️
goodnovel comment avatar
Melita Pagutayao Acierto
kailan po ang continuation ng maid for you.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Maid For You    CHAPTER 61

    CHAPTER 61 " Ayos. " Pinagdikit ni Javier ang dalawa niyang palad para magpagpag matapos ibaba ang huling kahon na naglalaman ng mga gamit niya. Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng unit na kaniyang titirhan simula ngayon. Tamang-tama lang para sa iisang tao. Hindi maliit, ngunit hindi rin naman kalakihan. " Sir Javier? " Napalingon si Javier sa likuran nang marinig ang boses ni Anna. " Nakalimutan niyo 'tong kuhanin sa kotse. " " Ah, oo nga pala. Mabuti nakita mo. " Kinuha ni Javier 'yong kahon na bitbit ni Anna na naglalaman ng mga lens ng camera niya. " Halika, tumuloy ka sa loob. Nag order ako ng pagkain, padating na 'yon at saluhan mo na ako. " Sa una ay nagdadalawang isip si Anna kung papasok ba siya pero wala na siyang nagawa noong tapikin ni Javier ang likod niya na para bang pinapapasok siya sa loob. " Ako na maghahatid sa'yo mamaya pauwi. Kain lang tayo para makabawi ako sa pagtulong saakin sa paglilipat, " saad ni Javier saka binaba ang kahon sa isang lamesita. " Up

  • Maid For You    CHAPTER 62

    CHAPTER 62 " Puntahan mo, " saad ni Sebastian matapos marinig ang mga sinabi ni Anna. Naglakad siya palapit sa dalawa na bakas pa rin ang gulat sa mukha nang makita siya. " Hindi ko intensyon makinig sa pinag-usapan niyo, pero ayoko namang takpan ang tainga ko habang papunta dito. " " S-sir Sebastian... " Natatarantang tumayo si Anna. Napakamot sa ulo at tumingin kay Estrella upang sana'y manghingi ng tulong para makalabas siya sa kahihiyan nang muling magsalita si Sebastian. " Pinagbawalan ka ba ni Javier na makita siya? " tanong nito. Takha namang umiling si Anna. " Sinabi niya ba sa'yo na huwag mo na siyang kauusapin pagkatapos nito? " Muling umiling si Anna. " Hindi naman po... " " Ibig sabihin hindi pa ito ang katapusan ng mundo mo. Wala naman siyang sinabi na ito na ang huling pag-uusap niyo kaya walang dahilan para magmukmok, " saad nito na agad naman dinugtungan ni Estrella. " Ang gustong sabihin ni Sebastian, puwede mong puntahan si Javier kahit kailan mo gusto. Hindi

  • Maid For You    CHAPTER 63

    CHAPTER 63 Inilapag sa lamesa ang tatlong klase ng putaheng dala ni Azami na pinasalin nito sa plato. Pinagmasdan ito ni Estrella at tila gusto niyang itago ang ginawa niyang Ensaladang talong nang makita kung gaano ka-presintable ang putaheng inihain sa harap nila. Sa hitsura pa lang, alam na niyang walang panama ang ginawa niya dahil mukhang mamahalin ang mga kasangkapan na ginamit sa pagkaing niluto at dinala ni Azami sa kanila. " Pasta alla Carbonara. " Tinuro ni Azami ang isang plato na naglalaman ng pasta. " Promise, hindi kayo magsisisi dito. Ito ang favorite ko sa lahat ng mga dish na niluluto ko. Tikman niyo. " Walang kumilos sa mag-asawa. Sa ekspresyon ng mukha ni Sebastian, makikitang wala itong balak tumikim sa mga pagkaing dinala ni Azami habang si Estrella naman ay nakakaramdam ng pagkailang, nangangapa kung paano aalisin ang tensyon sa hapag kainan. " Ah, p-puwede ko bang tikman? " Lumawak ang ngiti sa labi ni Azami nang marinig ang sinabi ni Estrella. " Siyempre

  • Maid For You    CHAPTER 64

    CHAPTER 64 Ibinaba ni Adam sa mesa ang papel kung saan nakalahad ang talambuhay na ginawa ni Estrella bago iniangat ang tingin sa estudyante niyang naghihintay ng puntos at komentong ibibigay n'ya. " Anong masasabi mo? Maayos lang ba ang pagkakasulat ko? Iyong mga grammar ba, tama ba ang paggamit ko? " Nag aalalang tanong nito. " Huwag kang mag-alala, maayos ang pagkaka-kuwento mo. May ilan akong nakitang mali sa grammar mo pero madali na lang ayusin, " ani Adam ngunit nakakunot pa rin ang noo ni Estrella. " K-kung ganoon bakit iba ang sinasabi ng ekspresyon mo? Maraming mali, ano? " Nagpakawala nang malalim na buntong hininga si Estrella na napasandal na lamang sa silyang inuupan niya. " Pasensya na, medyo nalilito pa ako sa paggamit ng past, present and future tense. Siguradong marami ring maling spelling diyan, ano? Iyong 'currently' ko diyan, sa halip na letter 'r' ang doble, iyong letter 'l'. Ngayon ko lang naisip kung kailan napasa ko na sa'yo. " Ngumiti si Adam at inusog a

  • Maid For You    CHAPTER 65

    CHAPTER 65 Tamad na bumangon sa kama si Javier nang tumunog sa ikatlong pagkakataon ang alarm sa cellphone niya. Ramdam niya ang pagkirot ng sentido niya dahil sa alak na magdamag niyang kasama. " Sh*t, " saglit siyang naupo sa gilid ng kama saka pinatay ang nakakairitang tunog ng alarm. Ilang saglit pa ay tumayo na siya at dumiretso sa banyo nang makaramdam ng pagsusuka. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nanatili sa loob dahil namalayan na lang niya ang sarili na nakasubsob sa upuan ng kubeta dahilan para magising ang diwa niya. Agad siyang tumayo at lumabas ng banyo, dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Pagkatapos ay naglakad patungo sa salas, naupo sa sopa at natulala sa kawalan. Tahimik ang paligid ngunit maingay sa isip ni Javier ang nangyari na namang pagtatalo nila ng ina. Mabigat sa loob ang kaniyang naging desisyon ngunit para sa kaniyang pangarap, nakahanda siyang bitiwan ang lahat. Batid niyang magiging mahirap ito ngunit nakahanda na siyang harapin ang rea

  • Maid For You    CHAPTER 66

    CHAPTER 66 " Mag miryenda ka muna, Anna. " Inilapag ni Javier ang isang tray sa lamesita kung saan abala si Anna sa pag-aayos ng mga palamuti na ididikit sa dingding. " Nag abala pa kayo Sir, pero salamat sa pa-miryenda. " Inalis ni Anna ang ilang gamit sa lamesita bago tulungan si Javier na ilapag ang apat na paper meal box na naglalaman ng iba't ibang klaseng pagkain na pina-deliver nito mula sa isang fast food chain. Hindi maiwasang mahiya ni Anna nang maalala ang pagkawala ng paper bag na dala niya. Hindi niya alam kung saan niya ito nabitawan pagkatapos niya itong ihampas kay Javier. Nanghihinayang siya dahil ang pagkain sana na iyon ay puwede nilang maging miryenda. Alas tres na ng hapon, ang pagbisita ni Anna kay Javier ay nauwi sa pag bo-boluntaryong pag-aayos ng tinatayo nitong studio. Hindi namalayan ni Anna ang oras dahil nalilibang siya sa ginagawa niya at kung hindi pa siya inaya ni Javier na mag miryenda, hindi niya mamamalayan na hapon na. Pasimpleng pinanood ni J

  • Maid For You    CHAPTER 67

    CHAPTER 67 Sa buong buhay ni Anna, kailanman ay hindi niya naisip na magagawa niyang makapasok sa loob ng estasyon ng mga pulis habang kaharap ang tatlong taong kanilang naka engkwentro. " Sinabi ko na sainyo mga Sir, sinaktan ako ng batang 'yan! " Nanggagalaiting wika ng Tiyo ng dating ka-eskwela ni Anna habang dinuduro si Javier. " Iyan ang dapat na ikulong, hindi ako! Walang galang sa nakatatanda! Tignan mo ang ginawa sa mukha ko, may black eye ako! " " Tama, silang dalawa ang dapat na ipasok sa kulungan! Sinaktan ng babaeng 'yan ang anak ko! Sinampal niya ang anak ko nang walang dahilan! " pagsang-ayon naman ng ina habang nakayakap sa anak nito na animo'y kinawawa ni Anna. " Ni hindi ko nga pinapadapo sa lamok ang anak ko, tapos sasampalin lang ng kutong-lupa na 'yan ang anak ko?! Aba'y hindi ako makapapayag doon! " Napatungo si Anna. Wala siyang ideya kung gaano na sila katagal na nanatili sa loob ng estasyon matapos silang isama ng mga pulis dahil sa gulo na nangyari sa cond

  • Maid For You    CHAPTER 68

    CHAPTER 68 " Mukhang ang lalim ng iniisip mo, " mula sa pagkatulala, nabalik sa realidad si Estrella nang maramdaman ang pagyakap ni Sebastian mula sa likuran niya. " May problema ba? Bakit hindi ka pa nahihiga? " Malungkot na ngiti ang gumuhit sa mukha ni Estrella habang nakatingin kay Sebastian sa salamin na nasa harap niya. Nakaupo siya sa harap ng tukador, abala siya sa pagsusuklay sa mahaba niyang buhok at hindi namalayang nalulunod na pala siya sa lalim ng iniisip niya. " Hindi lang ako makapaniwala sa nangyari kay Anna, " ani Estrella, " Lagi ko kasi siyang nakikitang nakangiti at makwela kapag nagku-kuwentuhan kaming dalawa. Hindi sumagi sa isip ko na mayroon siyang ganoon kabigat na problema. Nako-konsensiya lang ako kasi bilang kaibigan, wala akong nagawa para gumaan ang pakiramdam niya. " " Minsan hindi naman natin kailangan gumawa ng paraan para makatulong sa isang kaibigan. Sapat na 'yong presensya para iparamdam na nariyan ka at tainga para makinig sa mga sasabihin

Latest chapter

  • Maid For You    Author's Note

    Hi, maraming salamat po sa lahat ng nakaabot dito. Halos isang taon na rin pala simula noong isulat ko ito at ang sarap sa feeling na nakatapos ulit ako ng nobela. Sa ngayon, ito na pinakamahaba kong nobela na naisulat. Hindi ko inakala na aabot ito sa 100+ chapter pero wala, nag enjoy ako isulat ang journey nina Estrellla at Sebasian. San ganoon rin po kayo! So ayon, sa mga nagtatanong po kung mayroon bang story sina Anna/Javier at si Estrellita/Adam? Ang sagot ay wala po...pero puwede ring magbago depende sa panahon. Sa ngayon kasi, marami pa po akong story na planong i-published dito sa Good Novel at wala pang time para mag-isip ng plot sa mga side characters ng Maid For You. Ganunpaman, sana po ay suportahan niyo pa rin ako sa mga bago kong story at sa mga darating pang iba. Muli, salamat po sa inyong lahat!

  • Maid For You    EPILOGUE

    EPILOGUE Humugot ng isang malalim na hininga si Estrella habang nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin. Walang mapaglagyan ang kaniyang tuwa, hindi siya makapaniwala na sa ikalawang pagkakataon, ikakasal ulit siya. " Ready ka na? " Napatingin si Estrella sa gilid nang marinig ang boses ng kambal. " Ganda ng ngiti mo, ah. Siguraduhin mong nakapag banyo ka na bago ka lumakad sa altar mamaya. Baka tumakbo ka na naman. " Bahagyang natawa si Estrella nang maalala ang marriage proposal ni Sebastian sa kaniya. Magkahalong kaba at saya ang naramdaman ni Estrella noong mga oras na yon, resulta upang magmadali siyang magtungo sa banyo. " But kidding aside, masaya ako para sayo, Estrella. " Inayos ni Estrellita ang belo na suot ng kaniyang kambal at pinagmasdan ang hitsura nito mula sa salamin. " Medyo nakakalungkot lang dahil saglit lang 'yong oras na nagkasama tayo. Ngayong kakasal ka na, malilimitahan na ang oras mo sa labas. " " Ate, noong nagkita naman tayo, kasal naman na kami

  • Maid For You    CHAPTER 125

    CHAPTER 125" Anong ginagawa niyo rito? " tanong ni Estrellita sa dalawang matanda saka siya lumapit sa kinatatayuan ng kambal upang hawakan ang kamay nito at ilagay sa kaniyang likuran. " Hindi kayo gusto makausap ni Estrella. Umuwi na lang kayo. "" H-hindi lang naman siya ang gusto naming kausapin, " ani Lola Teodora saka tumingin sa asawa bago muling ibalik ang tingin sa kambal. " Gusto namin kayong makausap na dalawa. "" Wala tayong dapat na pag-usapan. " Matigas na sambit ni Estrellita, humigpit ang kapit sa kamay ni Estrella nang maramdaman ang kagustuahn nitong lapitan ang dalawang matanda. " Wala kaming sasabihin sainyo. Umalis na lang kayo... "Hindi nagawang ituloy ni Estrellita ang balak na sabihin nang makita ang pagluhod ni Lolo Teodora na sinundan ni Lolo Emilio. " Humihingi kami ng kapatawaran sa ginawa namin, " saad ni Lolo Emilio, pilit pinipigilan ang luha subalit mababakas ang nginig sa boses nito. " Alam kong hindi sapat ang paghingi namin ng tawad at pagluhod s

  • Maid For You    CHAPTER 124

    CHAPTER 124 " Azami, saan ka pupunta? " Napahinto si Azami sa balak na pagbaba ng stage nang harangan siya ng Manager niya. " Kumalma ka muna, okay? Huwag mong ipakita na apektado ka. Maraming tao ngayon dito sa Mall at lahat ng mata at camera ay nakatutok sa'yo ngayon. " Mariing napapikit si Azami, at humugot nang malalim na buntong hininga sa pag-asang mawala ang mga daga sa dibdib niya ngunit hindi ito tumalab. " Okay guys, kumalma muna ang lahat. Mayroon lang po tayong technical difficulties ngayon at 'yong narinig niyo kanina ay isa lang audio clip mula sa haters. Relax lang po tayong lahat! " Pagpapagaan ng emcee sa sitwasyon. Hindi na gumagana ang mike kaya kinailangang nitong lakasan ang boses para marinig ng lahat ang sinasabi niya at hindi magkagulo ang mga tao. Walang alam ang emcee sa nangyayari ngunit kailangan niya pa ring gumawa ng paraan upang mapakalma ang lahat at matuloy ang programa. Tumingin si Azami sa puwesto kung saan niya nakita si Estrella ngunit hind

  • Maid For You    CHAPTER 123

    CHAPTER 123" Halikan mo 'ko. " Gumuhit ang gulat sa mukha ni Adam sa sinabi ni Estrellita na nakalingkis ang kamay sa braso niya." Pinagsasabi mo? Wala naman sa plano ''yon, Estrellita, " angal ni Adam saka binalik ang tingin sa harap kung saan abala ang lahat ng tao sa kani-kanilang mundo. Nasa isa sila ngayong parke, nakaupo sa isang bench habang magkahawak ang kamay ngunit si Estrellita ay halos ipulupot na ang sarili sa braso ni Adam." Para nga mas makatotohanan, 'di iba? Isipin mo na lang na ako si Estrella para hindi ka mailang, " ani Estrellita dahilan para lalong magsalubong ang kilay ni Adam. " Oh, bakit? May mali ba sa sinabi ko? 'Di ba may gusto ka sa kambal ko—"" Estrellita, please. " Pigil ni Adam, hindi komportable sa balak sabihin ng kasama niya, ngunit gusto niyang linawin ang lahat para hindi na ito mabuksan pa. " Yes, inaamin kong may gusto ako kay Estrella, pero matagal na 'yon at wala akong balak guluhin ang relasyon nila Sebastian. "" Talaga ba? " tila pang-a

  • Maid For You    CHAPTER 122

    CHAPTER 122 Halos lumuwa ang mata ni Anna nang makita ang nag doorbell sa labas ng gate ng mansyon. Ilang beses siyang kumurap sa pag-aakalang mag-iiba ang mukha ng babae sa harapan niya ngunit walang nabago sa histura nito. " Alam kong maganda ako, huwag mo na ako masyadong titigan, " anito saka isinara ang payong at tiniklop. " K-kayo ba ang kambal na sinasabi ni Este? " tanong ni Anna at nang tumango ito, napalitan ng paghanga ang nararamdaman niya. " Grabe, magkamukhang-magkamukha talaga kayo. Sa pananamit pa lang, si Este na ang nakikita ko sainyo. " " Hindi ito ang style ko. Ginaya ko lang ang pananamit ni Estrella para papasukin ako sa subdivision, " ani Estrellita saka tumingin sa loob ng gate. " Anyway, nandiyan ba siya ngayon? " " Ah, oo, na sa loob si Este. Pasok kayo, " sabik na pagpapatuloy ni Anna, hindi magawang alisin ang tingin kay Estrellita dahil labis ang gulat, tuwa at paghanga ang nararamdaman niya. Nang makarating sa salas, hindi maiwasang humanga ni Estr

  • Maid For You    CHAPTER 121

    CHAPTER 121 Sa apat na araw na itinagal ng burol ni Sergio, naging dahilan na rin ito para muling magsama-sama at magkita-kita ang pamilyang Martinez. Ang ibang mga kamag-anak na nasa ibang bansa ay umuwi upang makita sa huling pagkakataon si Sergio. Muli ring nagkita-kita ang mga malalapit na kaibigan ni Sergio sa araw ng libing nito, maliban sa isa na piniling hindi lumabas ng kotse habang pinanonood sa hindi kalayuan ang pagbaba ng kabaong sa ilalim ng lupa. " Sir Arman, hindi ho ba kayo bababa para tignan ang libing ni Mr. Sergio Martinez? " tanong ng sekretarya ni Arman na nasa passenger seat. " Hindi ho ba kayo magpapaalam sa dati niyong kaibigan? " Piniling hindi sumagot ni Arman. Hindi niya maintindihan kung bakit nakararamdam siya ng panghihinayang noong nagkausap sila ni Sergio na huling beses na pala mangyayari. Mayroong pagsisisi si Arman dahil hindi niya agad nagawang ilabas at ipakita ang galit na kinimkim niya ng matagal na panahon kay Sergio, dahil ngayong wala na i

  • Maid For You    CHAPTER 120

    CHAPTER 120 Hindi magawang gumalaw ni Sebastian sa kinaatayuan niya habang nakayakap sa kaniya si Estrella. Hindi niya inaasahan na makikita niya ito pag-uwi niya, ngunit sa kabila ng lungkot sa nangyari sa biglaang pagpanaw ng ama, kahit papano ay gumaan ang kaniyang nararamdaman dahil sa higpit ng yakap mula sa asawa, " Pasensya na kung umalis ako..." saad ni Estrella sa pagitan ng paghikbi. Inangat ni Sebastian ang kamay upang yakapin pabalik ang asawa ngunit humiwalay na si Estrella. " Patawarin mo 'ko kung hindi ako nakapagpaalam sa'yo nang personal. Alam kong galit ka pa rin saakin, pero sana hayaan mo akong damayan ka..." Hindi magawang sumagot agad ni Sebastian. Gusto niyang sabihin na hindi na siya galit at aminin ang pagkakamali n'ya ngunit walang salita ang gustong lumabas sa bibig niya, hanggang sa biglang mag-ring ang kaniyang cellphone sa bulsa ng pantalon. Kinuha niya ito at isang tawag mula sa kaniyang tiya ang nakita niya. " Sebastian, nakauwi ka na ba? " tanong n

  • Maid For You    CHAPTER 119

    CHAPTER 119 " Okay, ready na ang lahat ng mga kailangan nating dalhin! " Masiglang wika ni Estrellita matapos isara ang zipper ng bag niya. Tumingin siya kay Estrella na nagkakamot ng ulo habang nakatingin sa ilang bagong biling damit at gamit nito. " So, anong balak mo? Tititigan mo na lang 'yan? Ilagay mo na kaya 'yan sa bag mo, 'no? Alas-tres ng madaling araw ang alis natin mamaya kaya dapat naka-ready na ang lahat ng mga gamit mo. " " B-bakit kasi ang daming biniling damit ni Mama? " Nahihiyang saad ni Estrella habang pinagmamasdan ang mga damit na binili sa kaniya ng ina. " Ang mahal pa ng mga damit—tsaka hindi ko kayang suotin 'tong kapirasong tela na 'to. " " Bikini ang tawag diyan, ano ba? Tsaka beach ang pupuntahan natin kaya normal lang na iyan ang mga suot doon. Mas pagtitinginan ka ng mga tao kung naka-pajama ka habang nag s-swimming. " Pinasadahan ng tingin ni Estrellita ang kapatid mula ulo hanggang paa. " Isa pa, perfect naman ang shape ng body mo. Sexy ka naman at a

DMCA.com Protection Status