Home / Romance / Maid For You / Kabanata 31 - Kabanata 40

Lahat ng Kabanata ng Maid For You : Kabanata 31 - Kabanata 40

128 Kabanata

CHAPTER 30

CHAPTER 30 " Ang iyakin mo talaga kahit kailan, Estrella. Para kang bata," ani Estrella sa sarili habang pinagmamasdan ang mukha niya sa salamin. Halos mamaga ang mga mata niya at dumagdag pa ang pamumula ng ilong niya dahil sa tagal niyang umiyak sa harap ni Sebastian. Hindi niya inakala na iiyak siya nang ganoon dahil lang sa napagtaasan siya ng boses nito. Sanay na siya sa pagsusungit ng asawa at mukhang kailangan na rin niyang sanayin ang sariling masigawan ni Sebastian. " Este? Pwedeng pumasok sa loob? " Napatingin si Estrella sa pintuan ng kwaro nang madinig ang boses ni Anna. Tumango siya agad saka tumayo para salubingin ito sa pagpasok. " Anna... " hindi mapigilang humaba ang nguso ni Estrella bago ito yakapin. " Mabuti na lang nandito ka. Damayan mo ako. " " Bakit ano ba kasing nangyari? " takhang tanong nito saka sila naupo sa gilid ng kama para mapag usapan ang nangyari kanina. " Magang-maga ang mata mo. Sabihin mo, sinaktan ka ba ni sir? " " Hindi, ano ka ba? Wala nam
last updateHuling Na-update : 2022-04-13
Magbasa pa

CHAPTER 31

CHAPTER 31 Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa dining area matapos bitawan ni Javier ang mga katagang bumasag sa buong pagkatao ni Anna. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa dahil naalala siya nito o mainsulto dahil ibang imahe pala ang iniwan niya para siya'y maalala nito. Malayo ito sa inaasahan niya. Sa sobrang layo, imposible na niyang maabot." I mean, first time ko kasi makakita ng lumpiang shanghai na idini-dip sa chocolate fountain. As far as I know, ketsup ang ginagamit para sa sawsawan, hindi ba? " inosenteng tanong ni Javier saka nilingon si Sebastian. " Bigla kong naalala 'yong pinsan natin noong first time niya mag-buntis, puro weird combination ang mga pagkain na nire-request niya sa asawa niya—"" Javier, " hindi na napigilan ni Sebastian na sumabat at putulin na ang mga balak pang sabihin ng pinsan niya. " She's not pregnant. " Nagsalubong ang kilay ni Javier saka nilingon si Anna na tila natuod na sa kinatatayuan nito. Hindi maipinta ang hitsura ng
last updateHuling Na-update : 2022-05-01
Magbasa pa

CHAPTER 32

CHAPTER 32 Matagal na pinagmamasdan ni Estella ang isang bento box sa kaniyang harapan matapos niya itong lagyan ng mainit na kanin at ulam na siya mismo ang nagluto at naghanda. Maaga syang gumising para ipagluto ang asawa ng umagahan at ng babauinin nito sa opisina. Alam niyang hindi ito nagbabaon ayon na rin kay Manang Susan, pero ito lang ang naisip niyang paraan para makabawi sa ginawang pagligtas ni Sebastian sa kaniya sa aksidenteng nangyari kagabi. " Hala, teka ikaw ba 'yan, Este? " Napalingon si Estrella sa likuran nang madinig ang boses ni Anna. Halos kagigising lang nito dahil sa gulo ng buhok at tuyong laway na naka-marka sa kanang pisngi niya. " Good morning, Anna. " Nilapitan niya ito at itinuro ang mesa kung saan nakahain na ang kanilang umagahan. " Ako ang nagluto ngayon, pwede mo bang tikman kung ayos lang ang mga putaheng inihanda ko? " " Teka nga, bakit ikaw ang nag luto? A-anong mayroon? " Natatarantang naglakad si Anna patungo sa mesa at umawang ang bibig niy
last updateHuling Na-update : 2022-05-11
Magbasa pa

CHAPTER 33

CHAPTER 33 " Salamat ulit, hija! Pasensya na rin at naubusan ka ngayon ng kalabasa pero hindi bali, sa sabado ay bumalik ka ulit at ipagtatabi kita ng bago, " wika ng tindera kay Anna matapos isupot ang ilang gulay na nabili sa tindahan niya maliban sa kalabasa. " Sige ho, salamat! Iyong malaking kalabasa ho ang itabi niyo para saaakin ah. Iyong pwede pong gawing karwahe para masakyan papunta sa palasyo at magkita kami ng Prince Charming ko, " pagbibiro ni Anna na siyang kinatawa ng tindera at ng ilang parokyanong bumibili rin sa tindahan kung nasaaan siya. Halos lahat ng tao sa gawing ito ay kilala na ang mukha ni Anna dahil sa galing niyang makisama sa mga taong nakakasalamuha niya. Minsan parte lang ito ng kaniyang teknik para makatawad sa mga tindera kaya nga siya ang madalas utusan ni Manang Susan dahil sa bagay na 'yon. Magaling siya mambola at laging may dalang kwento na naging rason rin para magkaroon siya ng mga kaibigan sa bayan na ito. Saglit na huminto si Anna sa pag
last updateHuling Na-update : 2022-05-12
Magbasa pa

CHAPTER 34

CHAPTER 34 Matagal na nakatayo si Estrella sa harap ng gusali ng kumpanya ng mga Martinez, nag-iisip kung dapat na ba siyang pumasok sa loob para maisauli ang pinahiram na damit sa kaniya ng sekretarya ni Sebastian. Kanina lamang niya naalala ang tungkol sa damit na ipiniharam sakaniya kung kaya't hindi na siya nagdalawang-isip na pumunta dito para isauli ang dapat sana'y matagal na niyang ginawa. Ito ang ikalawang pagkakataon na makarating siya sa gusaling ito pero kabado pa rin siya sa sasalubong sa kaniya sa loob oras na pumasok siya lalo na't noong huling punta niya dito ay hindi maganda. " Kaya mo 'to, Estella, " bulong sa sarili. Humigpit ang kaniyang hawak sa paper bag nang magsimula siyang pumasok sa loob kasabay ng ilang empleyado. Nilibot ng paningin niya ang kabuuan ng lobby at halos malula pa rin siya sa laki ng loob ng gusali. Nagsimulang maglakad si Estrella patungo sa elevator kung saan sila sumakay ni Lolo Pio noong unang punta niya rito subalit natigil din siya
last updateHuling Na-update : 2022-05-16
Magbasa pa

CHAPTER 35

CHAPTER 35 Malamig ngunit butil-butil ang pawis sa noo ni Estrella habang pinagmamasdan ang mga papel sa ibabaw ng mesang na sa harap niya. Dumating na ang araw na pinakahihintay niya na kung saan, sisimulan na niya ang pag-aaral kasama ang kababata niyang si Adam na ngayon ay siyang magiging guro niya. " Kinakabahan ka ba? " Napaangat ang tingin ni Estrella sa tanong ni Adam. Nakangiti ito sa kaniya habang inaayos ang isang folder na naglalaman ng aralin nila. " Sabi ko naman sayo, isipin mo na lang na ako si Dada, hindi isang guro para komportable ka. Baka kasi mamaya may mga tanong ka, hindi mo ituloy dahil nahihiya ka. " " H-hindi naman sa ganoon. Excited nga ako pero medyo kinakabahan nang kaunti. Hindi ko kasi sigurado kung masasagot ko ba 'yong mga ituturo mo. Tsaka baka mahirapan kang turuan ako kasi alam mo na, matagal hindi nagamit ang utak ko sa pag aaral. " Inilapag ni Adam ang hawak niyang folder para tignan nang diretso sa mata si Estrella. " Tatanungin kita, bakit b
last updateHuling Na-update : 2022-06-08
Magbasa pa

CHAPTER 36

CHAPTER 36 Minsan, kahit may sagot na sa isip ng tao, hindi pa rin sigurado kung tama ba 'to. Oo o hindi lang naman ang pagpipilian ngunit hirap pa ring mag desisyon ang isang tao kung alin sa mga ito ang dapat lumabas mula sa bibig. Kumbaga sa klase, tinanong ka ng iyong guro tungkol sa pinag-aaralan niyo, may sagot ka naman pero natatakot ka na baka mali ito, okaya naman ay hingin pa ang paliwanag mo kung bakit iyon ang sagot mo. " Nagpapakasal ang dalawang tao dahil mahal nila ang isa't-isa, maliban na lang kung ito ay arrange marriage o forced marriage, " ani Adam nang makita pa ring hirap sagutin ni Estrella ang tanong niya. " Sabihin mo, alin doon ang sitwasyon mo? " " Ha? A-anong ibig mong sabihin—" May kumatok sa pinto dahilan kaya sila napalingon dito. Bumukas ito at iniluwa nito si Sebastian na ang mga mata ay diretso agad sa pwesto ni Adam. Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan bago mapatayo si Estrella sa kaniyang kinauupan. " Sebastian, k-kanina ka pa? "tanong
last updateHuling Na-update : 2022-06-10
Magbasa pa

CHAPTER 37

CHAPTER 37 " Ikaw na ang hahawak sa kumpanya simula ngayon. May tiwala ako sayo, Sebastian. Alam kong kaya mo 'to. " Iyon ang mga katagang nagpamulat kay Sebastian bago niya narating ang posisyon niya sa kumapanya. Hindi niya akalaing magiging mabilis at maaga ang pagtatalaga sa kaniya sa isa sa mga pinakamataas ngunit mabigat na pwesto, pero buong puso niya itong tinanggap dahil simula't sapul, alam na ng lahat na siya ang magmamana at magdadala ng pangalan ng kanilang pamilya. Iniidolo ni Sebastian ang ama simula noong bata pa siya at pinangarap na maging katulad nito na magaling, matalino at talentado. Pinangako niya sa sarili niya na balang araw, maipagmamalaki siya ng ama dahil sa mga mararating niya, ngunit nang dahil sa isang trahedya, nabago ang lahat at doon nagsimulang bumaliktad ang mundo niya. Naging CEO nga siya ng kanilang kumpanya pero nawala naman 'yong mga taong dahilan kung bakit niya ito ginagawa. " Sebastian? A-ayos ka lang ba? May problema ba? " Nabalik si Seb
last updateHuling Na-update : 2022-06-14
Magbasa pa

CHAPTER 38

CHAPTER 38 " Almost perfect. Apat lang ang mali mo sa sampong sinagutan mo, " wika ni Adam matapos niyang ipakita kay Estrella ang papel na sinagutan nito kanina. " At yung apat na 'yon ay division. " Napangiwi si Estrella. " Ganoon na nga. Hindi ko talaga makuha kung paano 'yong dibayd-dibayd, mahina talaga ako sa math, pasensya na. " " It's okay, hindi naman kailangan magaling ka agad sa isang bagay sa isang turuan lang. Marami pa tayong oras, huwag kang mag-alala, " ani Adam. Isang linggo na rin ang nakakalipas simula noong humawak ulit si Estrella ng ballpen at papel. Unti-unti ay nagiging mabilis na siyang bumasa at nakakaintindi ng ilang mga salitang ingles na hindi niya matukoy noon. Sobrang laking bagay ng mga itinuturo ni Adam sapagkat 'yong mga bagay na akala niya imposible, nagagawa nitong posible. Akala niya wala na siyang pag-asa pang mag-aral dahil sa estado niya sa buhay, ngunit ito siya ngayon, tinuturuan ng kaniyang kaibigan sa malaki at magarang silid-aklatan. N
last updateHuling Na-update : 2022-06-16
Magbasa pa

CHAPTER 39

CHAPTER 39 Hating-gabi na pero hindi pa rin magawang matulog ni Anna. Ang kaniyang mga mata ay tila nakapako sa kisameng nasa harap niya habang ang kaniyang isip ay lumilipad sa kawalan. Hindi niya malimutan ang nakita niya kaninang mga litrato na tila naging dahilan pa para manumbalik sa kaniyang alaala ang nakaraan na pilit niyang kinakalimutan. " Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?! " ang sigaw niya ay nakakuha ng buong atensyon ng mga ka-eskwela niya na natigil sa kwentuhan nang marinig ang sigaw ni Anna. " Inaano ka ba, hija? Bakit ka sumisigaw? " tanong ng isang matandang lalaki na tiyuhin ng kaniyang ka-eskwelang nagyaya sa kaniyang sumama sa bahay nila para tumambay. Halos lahat ng kaklase niya ay narito pero walang nakapansin ni isa sa nangyayari kay Anna mula pa kanina pagdating nila. " Anna, anong nangyayari? Bakit ka sumigaw? " nag-aalalang lumapit sa gawi niya ang ka-eskwela niyang may-ari ng tinatambayan nilang bahay. Sa likod-bahay sila nakapwesto dahil sa sariwan
last updateHuling Na-update : 2022-06-17
Magbasa pa
PREV
123456
...
13
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status