Home / Romance / Maid For You / Kabanata 41 - Kabanata 50

Lahat ng Kabanata ng Maid For You : Kabanata 41 - Kabanata 50

128 Kabanata

CHAPTER 40

CHAPTER 40 Maingay at napakalakas ng hiyawan ng mga taong nakasakay sa rollercoaster ride na umaandar nang napakabilis at umiikot-ikot pa sa ere. Hindi akalain ni Estrella na ganito kalala ang sinakyan niya pero hindi rin naman niya maitatanggi na natutuwa siyang sinubukan ang mga naglalakihang rides sa parke na pinuntahan nila ngayon. Ito ang unang pagkakataon na makasakay siya sa ganito at sana, hindi ito ang huli. Nais niya pang umulit nang umulit kahit na siya'y kabado dahil kakaibang saya naman ang binibigay nito sa kaniya. Samantala, nakatayo at naka-krus ang mga braso ni Sebastian sa ibaba habang hinihintay ang kaniyang asawa na matapos sa bawat rides na sinasakyan nito. Hindi siya nagtatangkang sumama dahil bukod sa hindi niya hilig ang mga ganito, hindi rin niya talaga gusto ang ingay o sigaw ng mga tao na makakatabi niya kung sakaling sumakay siya. Laking pasasalamat rin niya nang hindi siya pinipilit ni Estrella na sumakay dahil una sa lahat, ang plano lang naman niya san
Magbasa pa

CHAPTER 41

CHAPTER 41 Sa ilang taong pagta-trabaho ni Anna sa mansyon bilang kasambahay, ngayon lang siya kinakabahan nang sobra dahil sa hindi inaaasahang bisita. Ramdam niya ang nerbyos sa buong katawan niya lalo na noong dumating ang mag-asawa na walang kamalay-malay sa bisitang naghihintay sa kanila. Kitang-kita sa mga mata ni Estrella ang takot at kaba nang makita ang lolo at lola niyang nakatayo mismo sa harap nila. Dahan-dahan siyang napabitaw sa laylayan ng damit ni Sebastian na maski ito, hindi rin alam ang reaksyon na dapat ilabas nang makita ang dalawang pamilyar na mukha. " Hindi mo ba yayakapin ang lola at lolo mo? " sa wakas ay nabasag ang nakakabinging segundong katahimikan nang magsalita si Manang Susan. Doon lang tila natauhan si Estrella at mabilis na lumapit sa lolo at lola niya upang salubungin ito ng yakap. " Lola, sobrang na-miss ko po kayo! " ani Estrella matapos mag-mano at yumakap dito. Sinunod niya ang lolo niyang mayroon ng bakal na tungkod na gamit ngayon na hind
Magbasa pa

CHAPTER 42

CHAPTER 42 " Ah, hindi naman masyado. Sakto lang, " sa kabila ng katahimikan na bumalot sa hapagkainan, muling isinalba ni Manang Susan ang sitwasyon ni Estrella. Patago niyang tinapik ang ang kamay ni Manong Cesar na nasa tabi niya at mababakas dito ang pagtataka ngunit nang makita ang tila nangungusap na mata ni Estrella na nakatingin sa gawi nila, sumabay na lang siya sa agos kahit na naguguluhan din siya. " Ah, nakita niyo pala kami. HIndi ko akalaing matalas ang mga mata niyo sir Javier, " ani Manong Cesar saka inangat ang kamay nila ni Manang Susan upang agawin ang atensyon ng lolo at lola ni Estrella. Hindi niya alam kung anong nangyayari pero hinihiling niya na sana ay hindi ito makarating sakaniyang asawa dahil pamilyado na siya. " Huh? " kunot ang noo na natatawang tanong ni Javier tsaka muling ibinaling ang tingin kay Estrella at Sebastian na sumisenyas sa kaniyang makisabay na lang. " Teka, ano bang—" " Sir Javier! May package po palang dumating sainyo kaninang hapon. "
Magbasa pa

CHAPTER 43

CHAPTER 43 Kinaumagahan, maagang nagising si Estrella upang tumulong sa paghahanda para sa kanilang umagahan ngunit laking gulat niya nang makita ang lola Teoodra niya na isa sa gumagawa sa kusina katulong si Manang Susan. " Oh, gising ka na pala, Este. Tamang-tama, nakaluto na kami ng sopas. Maghain na kayo sa mesa, " wika ng Lola Teodora niya saka ipinagpatuloy ang pakikipag-kwentuhan kay Manang Susan na tila ba napaka-importante ng pinag-uusapan nila. " Sigurado akong mamamatay ang bida. Iyong asawa kasi masyadong paniwalain sa mga taong nasa paligid niya. Hindi niya alam na nilalason lang naman ang utak niya, " rinig ni Estrella na sabi ni Manang Susan na agad namang sinag-ayunan ng Lola niya. " Naku, tama ka r'yan. Naiinis din aman ako sa bidang babae dahil masyadong aanga-anga simula umpisa. Ilang beses na siyang niloloko ng ate niya pero lagi niyang pinapatawad dahil akala magbabago na pero wala, demonyita pa rin ang kapatid niya. " Nagkatinginan si Estrella at Anna, alam
Magbasa pa

CHAPTER 44

CHAPTER 44 Mula sa mahimbing niyang pagkakatulog, naalimpungatan si Azami dahil sa tunog ng kaniyang cellphone. Paulit-ulit, tila ba ayaw siyang tantanan. Hindi naman ito tunog ng isang alarm clock, tunog ito ng may tumatawag. Inis na bumangon ai Azami mula sa pagkakahiga sa kama at pikit matang kinapa ang cellphone niyang nasa ibabaw ng mesang na sa gilid niya. " Hello? " hindi na nag abalang silipin kung sino ito, bumalik si Azami sa pagkakahiga habang nakalagay ang cellphone sa kanang tainga. " Mabuti naman at naisipan mong sagutin, " nang marinig ang boses na 'yon, tuluyang nawala ang antok sa katawang lupa ni Azami. Agad siyang napabangon at tumingin sa cellphone para makumpirma kung sino ang taong nasa kabilang linya. Ang kaniyang ama. " Ano pong kailanga n'yo, Pa? " tanong ni Azami sa kabilang linya saka siya bumangon sa kama upang lumabas sa kaniyang kwarto. " Update. Kailangan ko ng update patungkol sa pinagagawa ko sa'yo, " anito, " Azami, hindi naman mahirap ang pin
Magbasa pa

CHAPTER 45

CHAPTER 45 Ilang beses na pabalik-balik ang tingin ni Estrella sa harap ng pinto ng banyo kung saan mayroon silang isang bisita ang nagbibihis sa loob nito. " Kilala ko talga siya pero hindi ko malala ang pangalan niya. Nasa dulo siya ng dila ko kasi, " rinig ni Estrella na wika ni Anna na hirap pa ring alalaahanin ang ngalan ng taong nasa loob ng banyo. Kanina noong lumabas sila upang mamalengke, pauwi na sina Estrella at Anna nang abutan sila ng ulan at kamalas-malasan wala silang dalang payong kaya napag desisyunan muna nilang sumilong sa harap ng mall na malapit lang sa palengke habang hinihintay bumalik si Manong Cesar na pinabomahan saglit ang gulong ng sasakyan. Pero sa kanilang pagmamadali kanina, may hindi sila sinasadyang mabunggong babae at ang masama pa roon, napaupo ito sa kalsadang puno ng maruming tubig-ulan. Hindi naman nila ito maaaring iwanan kaya isinama nila ito pauwi sa mansyon upang pahiramin ng ekstrang damit para makapamalit. " Ah oo! Naalala ko na siya. "
Magbasa pa

CHAPTER 46

CHAPTER 46 " Mag r-resign na ako, " ang bungad ni Javier sa loob ng opisina ni Sebastian saka ibinaba sa ibabaw ng mesa ang resignation letter n'ya. " Pumasok ka ng ala-otso ng gabi para lang ipasa ang resignation letter mo saakin, " sarkastikong wika Sebastian saka isinara ang laptop niya at kinuha ang nilapag sa mesa niya. " Nakakahiya naman sa'yo. Bakit hindi mo na lang 'to inabot sa bahay? " " Sandali, oo nga ano? Bakit hindi ko naisip 'yon? " ani Javier saka naupo sa silayang kaharap ng mesa ni Sebastian. " Akina bawiin ko. Bigay ko na lang sa'yo mamaya kapag uwi mo. " Napa-iling nalamang si Seastian saka binuklat ang sulat upang basahin ang dahilan ng pinsan niya na ilang araw na namang hindi pumasok tapos ngayon biglang lilitaw at magsasabing aalis na siya. " Kung ganoon, talagang se-seryosohin mo na ang photography? " Binaba ni Sebastian 'yong sulat saka seryosong tinitigan sa mata si Javier. " Sigurado ka na? " " Matagal na akong sigurado sa passion ko, tamang timing
Magbasa pa

CHAPTER 47

CHAPTER 47 Sa tatlumpung taon na nabubuhay si Sebastian sa mundong ibabaw, ni minsan ay hindi pa niya nagagamit ang labi niya para idikit sa labi ng iba. Siguro noong bata pa siya, nagagawa niya pa iyon ng walang halong malisya, ngunit ngayong may edad na siya, ibang usapan na. " Sh*t. " Napahilamos si Sebastian ng mukha at isinandal ang ulo sa kaniyang swivel chair at pinaikot patalikod sa kaniyang mesa. Bumungad sa kaniya ang maliwanag at maaliwalas na panahon kabaliktaran ng kaniyang isipan na wala sa ayos ngayon. Kahit anong gawin niya, hindi niya malimutan ang aksidenteng pagdampi ng mga labi nila ni Estrella kagabi at kung para sa iba ay wala lang 'yon, para sa walang karanasan na gaya niya ay malaking bagay na iyon. Noong kasal nila, hindi naman nagdampi ang mga labi nila dahil bukod sa ayaw niya, alam niyang hindi rin iyon nais ni Estrella. Tumayo si Sebastian mula sa kaniyang kinauupan at pinagmasdan ang siyudad na tanaw niya mula sa tuktok ng gusali kung nasaan siya. Maag
Magbasa pa

CHAPTER 48

CHAPTER 48 " Ang sabi sa internet, may pitong tao sa mundo ang magkakapareho ng mukha..." ani Anna habang binabasa ang isang artikulo sa internet. "...so ibig sabihin, 'yong pinakita sayo ni Adam na picture na sabi mo kamukhang-kamkuha mo, iyon ang isa sa doppelganger mo. Magkamuka lang kayo pero malaki ang chance na hindi kayo magkaano-ano. " " Ganoon ba? " Bumagak ang balikat ni Estrella. " Akala ko ba naman may pag-asa na akong mahanap ang magulang ko kung sakali mang kapatid ko 'yong nasa litrato. " Binaba ni Anna ang cellphone sa mesa upang tapikin ang balikat n'ya. " Okay lang 'yan, 'wag ka mawalan ng pag-asa. Tiyak akong mahahanap mo rin sila kapag dating ng panahon. Lalo na ngayon, lahat puwede mo ng makita o mahanap lalo na kapag mayroon kang social media account. Gusto mo gawan kita ng account sa Pipol's app? " " Pipol's app? Iyon ba 'yong pagmamay-ari nina Sebastian? " Tumango si Anna. " Iyon nga. Marami kang puwedeng maging kaibigan doon. Pwedeng taga dito okaya nama
Magbasa pa

CHAPTER 49

CHAPTER 49 Suplado, kalmado at may sariling mundo. Iyon ang mailalarawan ni Estrella kay Sebastian noong unang silang nagkakilala pero unti-unti niyang naiintidihan ang ugali nito sa mga nakalipas na buwan at batid niyang nawawala na ang pagsusuplado nito sa katawan. Madalas na niyang makita itong nakangiti at hindi lukot ang mukha na isang magandang balita hindi lang para sa kaniya, kung hindi para na rin sa iba. Ngunit sa sitwasyon na kinalalagyan ni Estrella ngayon, hindi niya lubos akalaing may matutuklasan pa siyang bagong ugali mula kay Sebastian na nakatayo mula sa kaniyang harapan. Kakaiba na lalong nagbigay init sa magkabilang pisngi niya at lumakas ang kabog sa dibdib niya. Hindi na ito normal dahil naririnig na rin ito ng kaniyang magkabilang tainga at posibleng rinig na rin iyon ng nasa harap niya. " Bakit hindi ka makasagot? " Humakbangbpalapit si Sebastian kay Estrella at halos dalawang pulgada na lang ang lapit ng mukha nila sa isa't-isa. " A-ano bang ibig mong sa
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
13
DMCA.com Protection Status