CHAPTER 64 Ibinaba ni Adam sa mesa ang papel kung saan nakalahad ang talambuhay na ginawa ni Estrella bago iniangat ang tingin sa estudyante niyang naghihintay ng puntos at komentong ibibigay n'ya. " Anong masasabi mo? Maayos lang ba ang pagkakasulat ko? Iyong mga grammar ba, tama ba ang paggamit ko? " Nag aalalang tanong nito. " Huwag kang mag-alala, maayos ang pagkaka-kuwento mo. May ilan akong nakitang mali sa grammar mo pero madali na lang ayusin, " ani Adam ngunit nakakunot pa rin ang noo ni Estrella. " K-kung ganoon bakit iba ang sinasabi ng ekspresyon mo? Maraming mali, ano? " Nagpakawala nang malalim na buntong hininga si Estrella na napasandal na lamang sa silyang inuupan niya. " Pasensya na, medyo nalilito pa ako sa paggamit ng past, present and future tense. Siguradong marami ring maling spelling diyan, ano? Iyong 'currently' ko diyan, sa halip na letter 'r' ang doble, iyong letter 'l'. Ngayon ko lang naisip kung kailan napasa ko na sa'yo. " Ngumiti si Adam at inusog a
Read more