Home / Romance / Maid For You / Chapter 91 - Chapter 100

All Chapters of Maid For You : Chapter 91 - Chapter 100

128 Chapters

CHAPTER 90

CHAPTER 90 " Arman? Wala po akong ideya kung sino siya, " sagot ni Sebastian sa tanong ni Lolo Pio na ngayon ay nasa harap niya. " Ganoon ba? " Napabuga ito sa hangin saka sumandal sa sopa na kinauupan niya. " Hinahanap kasi siya ng Papa mo. Kanina pa niya binabanggit ang pangalan nito saaakin pero wala rin akong ideya kung sino 'yong Arman na sinasabi niyang kaibigan. Mula high school at college, kilala ko ang mga barkada ni Sergio at wala naman akong natatandaan na may Arman sa mga 'yon. " " Baka naman ginawa lang siya ni Papa? " " Iyan din ang nasa isip ko pero masyadong detalyado ang mga kinukuwento niya saamin kanina. Ang sabi niya, silang dalawa ang bumuo ng pangalan na Pipol's pero isang araw, bigla na lang daw itong hindi namansin at hindi na rin nagpakita pa sa kaniya, " sa sinabi ni Lolo Pio, tila nagkaroon ng ideya si Sebastian kung sino ang taong pinag-uusapan nila. " Posible kayang ang Chairman ng HowRU app ang taong binabanggit ni Papa? " takhang tanong ni Sebastian
Read more

CHAPTER 91

CHAPTER 91 Magkasabay na tumayo si Sergio at Arman sa kanilang mga silyang inuupuan nang matapos ang kanilang ginagawang visual aid. Parehong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil akala nila'y hindi na nila ito magagawang tapusin sa dami ng abiryang nangyayari sa proyekto nila. " Sa wakas makakatulog na nang diretso mamaya, " saad ni Arman saka hinubad ang suot na salamin. Tumingin siya kay Sergio. " Inom tayo? Nagyayaya 'yong ilan sa mga blockmates natin. " Kunot-noong itong tumingin kay Arman. " Bukas na ang defense natin, sasama ka pang uminom? " " Hindi na natin kailangan maghanda para bukas. Kabisado naman na natin ang pasikot-sikot diyan dahil gawa naman natin 'yan, " kumpiyansang wika ni Arman saka sinimulang ligpitin ang mga gamit niya. " Tara na, sumama ka na. Minsan lang 'to. Ilang buwan na lang, ga-graduate. " " Hindi ako sasama, " saad ni Sergio, " Kailangan kong siguraduhing walang palya 'yong Pipol's. Mahirap na at baka kung kailan nag pe-present na tayo, saka magkaka
Read more

CHAPTER 92

CHAPTER 92 " Congrats, Javier! " Masayang bati ni Estrella nang sinalubong sila ni Javier pagkapasok sa loob ng studio. Iniabot ni Estrella ang dalawang kahon na naglalaman ng kaniyang ginawang brownies. " Pasenya na kung iyan lang ang nakayanan kong regalo sa'yo. Ang sabi kasi ni Sebastian, nagustuhan mo raw 'yong brownies na ginawa ko noong nasa bahay ampunan tayo, kaya ito na lang ang naisip kong ibigay sa'yo. " Nahihiya at natatawang tumingin si Javier sa pinsan bago ibalik ang tingin kay Estrella at masayang kinuha ang dalawang kahon ng brownies. " Hindi niyo na kailangan mag-abala pero maraming salamat, Estrella. Masarap talaga 'yong brownies kaya itatago ko muna 'tong isa at baka makita ng kapatid ko. Tuloy kayo. " Saglit na nagpaalam si Javier, hindi akalain ni Estrella na tototohanin nito ang pagtago ng isang box ng brownies na dala nila. " Ate Estrella! Kuya Sebastian! " mula sa dulo ng pasilyo, lumitaw si Jessie na may hawak na camera na agad itinapat sa gawi ng mag-as
Read more

CHAPTER 93

CHAPTER 93 " Simula ngayon, hindi niyo na kailangan magpanggap. Hindi niyo na rin kailangan maghintay pa ng dalawang taon para maghiwalay, dahil ngayon mismo, maaari niyo ng gawin 'yon sa harap ko. " Gumapang ang kaba sa dibdib ni Estrella, nagsimulang uminit at pagpawisan ang katawan dahil sa nerbyos na nararamdaman. Gayundin si Sebastian na hindi alam kung anong paliwanag ang gagawin sapagkat hindi niya inasahan na iyon ang maririnig niya. " Bakit parang gulat na gulat kayo? Hindi ba't dapat matuwa pa kayo dahil makakawala na kayo sa kulungan na ginawa ko? " pagtatanong ni Pio saka naglakad palapit sa sopa at naupo. Kinuha nito ang isang envelope na nakapatong sa lamesita at inilabas ang dokumento upang muling basahin ang kontrata na ginawa ni Sebastian. " Hindi ko akalaing gagawa kayo ng kasunduan sa likuran ko. Masakit na malaman na may kontrata pala ang pagiging mag-asawa niyo dahil buong akala ko, totoo na ang mga nakikita ko sainyo. Akala ko'y magkasundo na kayong dalawa at
Read more

CHAPTER 94

CHAPTER 94 " Good evening, Sir Sebastian. " Magalang na bati ng kasambahay na sumalubong kay Sebastian nang ito'y pumasok sa loob ng mansyon upang sunduin si Estrella. " Nasaan sila? " tanong ni Sebastian habang inililibot ang paningin sa salas. " Naroon po silang lahat sa balkonahe. Nag mi-miryenda po sila. " Tumango si Sebastian sa sagot ng kasambahay at nagpasalamat bago pumanhik ng hagdan upang tumungo sa ikalawang palapag ng mansyon. Alas-kuwatro ng hapon ay lumabas na si Sebastian upang sunduin nang maaga ang kaniyang asawa sapagkat hindi pa rin ganoon kabuo ang loob niyang hayaan si Estrella na mahirapan sa kamay ng kaniyan ama. Hindi na niya nais pang maulit ang nangyari noong unang beses itong nagpunta mag-isa. Batid ni Sebastian na gustong maging malapit si Estrella kay Sergio, subalit hindi naman niya nais makita ang asawang nahihirapan makisama sa ama para lang tanggapin ito bilang asawa niya. " Naku, hindi po! Palagi ko na nga po siyang nakikitang ngumingiti. Hind
Read more

CHAPTER 95

CHAPTER 95 Hindi alam ni Sebastian kung gaano na siya katagal na nakatayo sa harap ng bookshelf sa loob ng kaniyang opisina habang pinagmamasdan ang picture frame kung saan naroon ang larawan nilang mag-anak. Wala na ang bigat sa dibdib niya matapos niyang mailabas ang mga emosyong naipon nang maraming taon, subalit hindi pa rin maiwasan ni Sebastian na magkaroon ng mga katanungan sa kaniyang isipan habang pinagmamasdan ang larawan ng kaniyang ina at kapatid na maagang lumisan. Maraming taon na nagtanim si Sebastian ng sama ng loob sa kaniyang ama kahit pa noong nabubuhay ang ina at kapatid niya. Kinimkim niya ang mga 'yon at lumaki lamang ito nang mawala ang dalawang miyembro sa pamilya nila. Pakiramdam ni Sebastian pinarurusahan siya dahil naiwan siya mag-isa kasama ang taong sinisisi niya kung bakit nasira ang pamilyang mayroon siya. " Sebastian. " Napatingin si Sebastian sa likuran nang marinig ang boses ni Estrella. May dala itong tray na naglalaman ng isang mainit na tasa
Read more

CHAPTER 96

CHAPTER 96 " Nahuli na 'yong dumukot sa'yo? " Gulat na tanong ni Adam kay Estrella na bagsak ang balikat na tumango. " Anong nangyari? Nakakulong na ba? Sinabi ba ang rason kung bakit nila ginawa 'yon? " " Ayaw niyang magsalita. Itinatanggi rin niya na hindi sya 'yong taong dumukot noon saakin—pero hindi ako puwedeng magkamali, alam kong siya 'yong lalaking 'yon, " ani Estrella, " Oo, noong una hindi ko masyadong maalala ang mukha nila pero nang makita ko siya kagabi, sigurado ako sa sarili ko na s'ya 'yong isa sa lalakeng kasama ko sa loob ng kotse noon. " Tumango si Adam. " Siguradong may pinagtatakpan siya kaya ayaw niyang magsalita. " " Iyon nga rin ang tingin ni Sebastian at ng mga pulis. Hindi ko naman kasi kilala 'yong lalake at wala rin naman akong natatandaan na may mga kaaway ako. Hindi rin naman kilala ni Sebastain 'yong lalake kaya sigurado siyang may nag-utos lang dito para ipadukot ako at sirain 'yong anniversary noong kompanya. " Napasandal si Estrella sa kinauupan
Read more

CHAPTER 97

CHAPTER 97[ LATEST NEWS: The Brand Ambassador of Pipol's is the daughter of the Director and CEO of HowRU. ]Isinandal ni Sebastian ang likod niya sa headboard ng kama habang binabasa ang isang article na kumakalat ngayon sa social media. Tutok na tutok ang kaniyang mga mata sa screen ng laptop, naghahanap pa ng mas matibay na ebidensya na magpapatunay na hindi gawa-gawa ng mga media ang kaniyang binabasa, subalit sa mga litratong nakalakip sa article kung saan lumabas si Azami mula sa bahay ni Arman Somera, isa ng ebidensya na nagpapatunay na may koneksyon ang dalawa.Napatingin si Sebastian sa lamesitang na sa gilid niya nang tumunog ang kaniyang cellphone. Agad niya itong kinuha upang sagutin ang tawag ng kaniyang sekretarya." Good evening, Sir Sebastian. Regarding po doon sa article na kumakalat ngayon, nakausap ko na po ang Manager ni Miss Azami. Nagpa-appointment po siya at kung ayos lang raw po ay bukas ng umaga niya kayo gustong makausap. Iyon nga lang po Sir, hindi po makak
Read more

CHAPTER 98

CHAPTER 98" Hindi ko alam kung anong sinasabi mo, Sebastian. " Tumayo si Azami mula sa pagkakaupo niya sa sopa. " Sa tingin ko nagkamali ka ng taong kinausap dahil wala akong alam sa kung ano man ang gusto mong iparating saakin. Kailangan ko na ring umalis dahil may kailangan pa akong asikasuhin "" Ang sabi ng Manager mo kanina ay wala ka ng schedule ngayong araw, pero bukas ay start na ng taping niyo kaya magiging busy ka na sa mga susunod na araw, " saad ni Sebastian na lalong nagpalambot sa mga tuhod ni Azami." Bakit nagmamadali kang umalis? Kinakabahan ka? "" Saan naman ako dapat kabahan? " Bumalik sa pagkakaupo si Azami, pinilit ang sariling ngumiti pa sa harap ni Sebastian at inisip na nasa harap siya ngayong ng camera dahilan upang gamitin ang talento bilang artista. " Alam mo, sa tingin ko hindi tayo nagkakaintindihan. H-hindi ko alam ang sinasabi mo tungkol kay Estrella. Ano naman ngayon kung alam ko na naging maid muna siya bago maging asawa mo? Don't tell me na kinahihiy
Read more

CHAPTER 99

CHAPTER 99 Sa mga sandaling pumasok ang sasakyan ni Adam sa bayan kung saan matatagpuan ang bahay ng Lola at Lolo ni Estrella, lalo siyang nakaramdam ng kaba at tila ba gusto niyang iliko ang sasakyan pabalik sa siyudad para muling mapag-isipan ang desisyon niyang pumayag sa planong panloloko sa dalawang matandang nagpalaki kay Estrella. Hindi pa man nagsisimula, nilalamon na ng konsensiya si Adam habang ang katabi niyang babae sa harapan ng kotse ay nagagawa pang sabayan ang musika na tumutugtog sa radyo. " Malapit na ba tayo? " tanong ni Estrellita saka binaba ang salamin ng bintana ng kotse. " Ang lawak ng bukiran dito. Buti hindi ito pinagkakainteresan ng mga negosyante para pagtayuan ng mga building, ano? " " Isarado mo 'yong bintana. Maraming nakakakilala kay Estrella sa bayan na'to, " utos ni Adam na nagpataas sa kaliwang kilay ni Estrellita kaya agad na dinugtungan ni Adam ang sinsabi. " Hindi puwedeng may makaalam na ibang tao tungkol dito. Baka kasi may mag magpuntahan sa
Read more
PREV
1
...
8910111213
DMCA.com Protection Status