Home / Romance / Maid For You / Chapter 101 - Chapter 110

All Chapters of Maid For You : Chapter 101 - Chapter 110

128 Chapters

CHAPTER 100

CHAPTER 100 " Huwag niyong pilitin kung hindi gustong sumama. Mukhang mas importante sa kaniya ang maliit na kuwarto na'to kaysa sa sarili niyang pamilya, " isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa loob ng studio dahil sa sinabi ni Sasha. Nagpakiramdaman ang mag-aama kung sino sa kanila ang magsasalita hanggang sa tumikhim si Jessie upang hindi na masundan pa ng ina ang panlalait nito. " Ma, akala ko po ba hindi niyo gustong pumasok dito sa loob? " ani Jessie sa ina, " Bakit nandito po kayo ngayon? " " Aba, napakatagal niyong bumalik sa kotse. Papatayin niyo ba ako sa gutom doon? " anito saka tumingin sa asawa. " Halika na, umalis na tayo. Kung hindi gustong sumama ni Jessie, hayaan mo syang magutom dito. " " Mauna na po kayo. Kami na lang ni Kuya ang magsasabay kumain. May pera naman ako pambili namin ng lunch, " sagot ni Jessie na lalong nagpasama ng timpla ni Sasha. " Tignan natin kung masasabi mo pa 'yan kapag tinanggalan ka namin ng allowance, " pagbabanta ni Sasha sa
last updateLast Updated : 2023-01-24
Read more

CHAPTER 101

CHAPTER 101Diretso ang mga tingin ni Estrellita sa daan habang pinakikiramdaman si Adam na nagmamaneho ng sasakyan. Pauwi na sila sa siyudad galing sa probinsya at sa kasamaang palad, inabutan sila nang malakas na ulan sa kalagitnaan ng byahe nila. Kasalukuyan silang naipit sa mabigat na traffic at habang hinihintay na umusad ang sasakyan sa kanilang harapan, parehong nagpapakiramdaman kung sino sa kanila ang dapat na bumasag ng katahimikan. Tumingin si Estrellita sa orasan sa sasakyan at nang makitang alas-siyete na ng gabi, napabuga siya sa hangin. " Almost one hour na tayong hindi gumagalaw. Nagugutom na 'ko. "Tumingin si Adam kay Estrellita bago ibalik ang tingin sa harap. " May suman naman tayong inuwi. Iyon na lang muna ang kainin mo. "" Oo nga pala 'no? " Tumingin si Estrellita sa backseat. " May tubig ka naman siguro? Mahirap kumain ng suman ng walang panulak. Baka mabulunan ako. " Hindi nakasagot si Adam dahil wala siyang kahit na anong panulak sa loob ng sasakyan. Inili
last updateLast Updated : 2023-01-26
Read more

CHAPTER 102

CHAPTER 102 Lunes, alas-nuebe ng umaga sa mansyon ng mga Martinez, pumasok ang isang kotse lulan si Arman Somera. Nakahilera ang ilang mga kasambahay sa bungad ng mansyon upang salubunin ang kanilang inaasahang bisita. Ito ang kauna-unahang pagkakataon ni Arman na makapasok sa loob ng mansyon kung saan naninirahan ang noo'y dati niyang kaibigan na ngayon lamang niya muling makikita matapos ng ilang dekada. Nang huminto ang sasakyan, sandaling inilibot ni Arman ang paningin sa paligid sa pag-aakalang makita ang taong humiling na makita siya subalit ang Chairman lamang ang nakatayo sa labas ng pintuan habang nag aabang na lumabas si Arman. " Sir Arman. " Napatingin si Arman sa gilid nang marinig ang boses ng driver niyang nagbukas ng pinto para sa kaniya. Lumabas si Arman ng kotse at inayos ang kaniyang suot na coat bago salubungin nang may paggalang na ngiti ang Chairman na lumakad palapit sa kaniya. " Magandang tanghali sainyo, Mister Somera. Masaya akong pinaunlakan niyo ang imbi
last updateLast Updated : 2023-01-27
Read more

CHAPTER 103

CHAPTER 103 " Nagdarasal ako. " Mabilis na tumayo si Anna mula sa pagkakaluhod niya sa lupa at pinagpagan ang tuhod niya. Nahihiya siyang tumingin kay Javier pero pinanatili niyang tuwid ang ekspresyon sa mukha niya. " Nagdarasal ako na huwag sanang umulang ngayon. Kahapon kasi ang lakas ng ulan kahit wala namang bagyo, 'di ba? Ang dami kong sinampay ngayon. Makakapal 'yong mga kumot kaya ilang oras pa bago sila matuyo. So, ayon, nag darasal ako na maging maganda ang panahon ngayon. " " Sira ba ang dryer dito? " takhang tanong ni Javier saka bumaba mula sa veranda upang lapitan si Anna na pasimpleng humakbang paatras. " Hindi naman. M-mas maganda kasi kapag bilad na bilad sila sa sikat ng araw para sa...vitamins. " " Vitamins? " Natawa nang bahagya si Javier sa narinig habang si Anna naman ay nakangiwing tumango-tango habang nag-iisip ng paraan kung paano siya makakaalis sa kinalalagyan niya ngayon. " B-bakit pala naparito ka? Pumasok na si Sir Sebastian, ah, " tanong ni Anna s
last updateLast Updated : 2023-01-29
Read more

CHAPTER 104

CHAPTER 104 " Hindi naman siguro ito ang huling beses na pagkikita natin? " Paulit-ulit na naririnig ni Arman sa kaniyang isipan ang tanong ng dating kaibigan. Hindi niya maintindihan kung bakit niya kailangan iyon isipin at lalong hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakararamdam siya ng awa habang bumabalik sa kaniyang isipan ang hitsura at kalagayan ngayon ni Sergio. Nagulat siya, hindi niya inakalang sa ganoong sitwasyon ulit sila magkikita at hindi niya alam kung anong dapat na maramdaman sa katotohanang wala itong maalala tungkol sa naging away nila noon na naging dahilan para magtanim siya ng galit dito. Hindi nawala sa puso ni Arman ang galit na 'yon sa loob nang maraming taon. Ang galit na 'yon ay ang nagbigay sa kaniya ng dahilan para magtayo ng sariling kompanya upang mas higitan at pabagsakin ang kompanya ni Sergio. Dugo't pawis ang nilaan ni Arman sa loob nang maraming taon para tapatan ang Pipol's, subalit tila gumuho ang mataas na pader na tinayo niya nang
last updateLast Updated : 2023-01-31
Read more

CHAPTER 105

CHAPTER 105Paboritong putahe ang nakahanda sa harap ni Estrellita subalit hindi niya magawang sulitin ang kain niya dahil sa mga gumugulo sa isip niya. Pasimple niyang inangat ang tingin sa kaniyang ina na nakaupo sa kabilang dulo ng mesa. Abala ito sa harap ng laptop habang may mainit na tsaa sa gilid at mga papeles naman sa kabila. Binalik ni Estrellita ang tingin sa pagkain niya, ni wala pang bawas dahil nilaro-laro lang niya ang escabeche. Ginaganahan siya kapag ito ang nakahain sa harap niya, subalit ngayon ay wala siyang gana dahil tila sasabog na ang utak niya sa napakaraming katanungan na naiipon sa isip niya." Kung wala kang balak kumain, iwanan mo na 'yan diyan. " Nabalik ang tingin ni Estrellita sa ina nang marinig itong magsalita. " Hindi tamang nilalaro ang pagkain kung wala kang ganang kumain. Ilang taon ka na ba para sa ganiyan? "Nagpakawala nang malalim na buntong hininga si Estrellita bago bitawan ang kubyertos niya. Hindi niya alam kung ito ba ang tamang panahon
last updateLast Updated : 2023-02-01
Read more

CHAPTER 106

CHAPTER 106 " Miss ko na talaga si Sebastian. " Buntong hiningang wika ni Estrella habang nakatingin sa cellphone niya at hinihintay kung kailan muli tatawang ang asawa. Ikalawang araw na ito mula noong umalis si Sebastian at kahit nababatid ni Estrella na sobrang abala nito sa trabaho, nais pa rin niyang magkaroon sila nang mahaba-habang pag-uusap para kumustahin ang isa't isa. " Baka naman natutulog na si Sir. " Napatingin si Estrella kay Anna na nagpupunas ng lamesita sa salas kung nasaan sila. " Alas onse na ng tanghali dito at alas onse naman ng gabi doon sa bansa kung nasaan siya. Baka nakatulog na okaya naman may ginagawa pa? Kilala mo naman si Sir, 'di ba? Kapag tungkol sa office work, nagkakaroon siya ng sariling mundo kung saan walang puwedeng umabala sa kaniya." " Sabagay tama ka. Talagang kapag trabaho ang pinag-uusapan, nilalaan niya ang buong oras at atensyon sa ginagawa niya, " ani Estrella saka binaba ang cellphone sa gilid niya at napasandal sa sopa upang muling m
last updateLast Updated : 2023-02-03
Read more

CHAPTER 107

CHAPTER 107 " Kailan mo balak umuwi sainyo? " Napatigil sa pagsubo ng fries si Estrellita nang marinig ang sinabi ni Adam sa kaniya. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa sopa at nilingon si Adam na abala sa pagpapakain ng pusa nito. " Hindi sa pinapaalis na kita, pero baka makasuhan ako ng kidnapping dahil dito. " " Kung ganoon saan ako tutuloy? Wala naman akong dalang pera para humanap ng matutuluyan pansamantala. " Binaba ni Estrellita ang paa sa sahig tsaka sinuot ang tsinelas na pinahiram sa kaniya ni Adam. " Pauutangin mo ba ako ng pera para makapag check in ako sa hotel ng isang linggo...puwede ring isang buwan dahil hindi ko naman alam kung kailan ako uuwi saamin. " Napailing na lamang si Adam saka nilingon si Estrellita. Lumapit siya sa sopa at pinulot ang ilang balat ng chichirya na nagkalat sa lapag. " Siguradong nag-aalala na ang magulang mo dahil dalawang araw ka ng hindi umuuwi sainyo. Baka mamaya niyan, na sa balita ka na dahil hindi nila alam kung saan ka hahanapin.
last updateLast Updated : 2023-02-04
Read more

CHAPTER 108

CHAPTER 108 Pinagmasdan ni Estrella ang kabuoan niya sa salamin. Bihis na bihis siya mula ulo hanggang paa ngunit hindi naman niya alam kung saan ang punta niya. Suot ang isang magarang bestida na kulay pula, lumitaw ang hubog ng katawan niya. " Ready ka na, Este? Naghihintay na si Manong Cesar sa ibaba, " tanong ni Anna nang pumasok ito sa kuwarto. " Bakit parang kabado ka? Interview lang naman 'yon, ano ba? Isipin mo na lang na kaibigan mo 'yong magtatanong sa'yo para hindi ka kabahan masyado. " " Bakit ba kasi may interview? " Kinakabahang tanong ni Estrella. " Hindi ba puwedeng hintayin ko muna si Sebastian na umuwi para pareho kaming nandoon? Kinakabahan talaga 'ko dahil baka kung ano 'yong mga masabi ko doon. " " Mamayang madaling araw pa ang uwi ni Sir. Tsaka hindi ka naman tatanungin doon ng Math. Kumbaga, makiki-tsimis lang siya sa life mo. Magtatanong kung paano kayo nagkakilala ni Sir Sebastian at kung ano ang pakiramdam na asawa ka ng isang CEO ng Pipol's—basta mga gan
last updateLast Updated : 2023-02-05
Read more

CHAPTER 109

CHAPTER 109 Nagising si Estrella na walang katabi sa kama. Mabigat ang talukap ng kaniyang mga mata dahil halos wala siyang naging tulog kahihintay kagabi kay Sebastian na pumasok sa kuwarto nila. Nakapikit lamang ang mata ni Estrella buong magdamag, habang paulit-ulit na naririnig at nakikita sa isip niya ang dismayadong boses at mukha ng kaniyang asawa. Mabigat pa rin ang loob niya sa nangyari, nananalangin na bago matapos ang araw na ito ay magawa niyang makipag-ayos kay Sebastian. " Maagang pumasok ngayon si Sir. Alas-siyete pa nga lang nang umaga, nakagayak na siya, " sagot ni Anna kay Estrella nang magtanong ito kung nasaan si Sebastian. " Ganoon ba? " Napabuga sa hangin si Estrella. " Sa bagay, maaga naman talaga siya kung pumasok minsan. Baka marami siyang trabaho ngayon sa opisina. " Marahang nilagyan ni Anna ng tubig na mainit ang tasa na mayroong kape at krema bago niya nilingon si Estrella. " Hindi lumabas si Sir kagabi para maghapunan at hindi rin siya kumain ng uma
last updateLast Updated : 2023-02-06
Read more
PREV
1
...
8910111213
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status