Home / Romance / Maid For You / Chapter 111 - Chapter 120

All Chapters of Maid For You : Chapter 111 - Chapter 120

128 Chapters

CHAPTER 110

CHAPTER 110" Anong ibig mong sabihin? " Maluha-luhang tanong ni Estrella, umaasang mali ang narinig niya sa asawa. " Sebastian, ano bang...ano bang ibig mong sabihin sa sinabi mo? Bakit parang ang dali sayo na bitawan ang mga salitang 'yon? "" Pinadadali ko lang ang sitwasyon mo. Hindi ba't kaya mo lang naman ako pinakasalan ay dahil sa ipinangako sa'yo ni Lolo Pio? Natatakot ka na kapag naghiwalay tayo, mawawala na rin ang tulong na binibigay niya sainyo. " ani Sebastian saka binuksan ang cabinet sa ilalim ng mesa niya para kuhanin tseke niya. " Kaya naman para hind ka na mahirapan, sabihin mo saakin ang halaga ng pera na kailangan mo para maibigay ko na rin agad sa'yo. Ayoko namang mag mukhang walang puso kung hahayaan kitang umuwi sainyo nang walang dalang kahit na ano. "Nanigas sa kinatatayuan si Estrella. Hindi makapaniwala sa mga narinig mula kay Sebastian na tila ba walang pakialam kung ito'y makasakit ng damdamin ng tao. Nakikita ngayon ni Estrella ang Sebastian na una niya
Read more

CHAPTER 111

CHAPTER 111Ala sais ng gabi natapos ang lahat ng schedule ni Sebastian. Tapos na niyang pirmahan ang mga kailangang pirmahan at natapos na rin niya ang tatlong sunod-sunod na meeting sa araw na ito. Ramdam niya ang pagod, subalit pinanatili pa rin niyang abala ang sarili upang hindi maalala ang naging pagtatalo nilang mag-asawa." Sir Sebastian? " Inangat ni Sebastian ang tingin sa sekretarya niyang pumasok sa opisina. Nahihiya itong ngumiti. " Uhm, magpapaalam po sana ako. Since wala naman na po kayong schedule ngayon, puwede po bang umuwi nang maaga? First monthsary po kasi namin ngayon ng boyfriend ko and may dinner date po kami ng alas-siyete. "" You may go now, " tipid na sagot ni Sebastian na kinalawak ng ngiti ng sekretarya bago ito lumabas ng opisina. Binalik ni Sebastian ang tingin sa laptop niya nang biglang tumunog ang cellphone niya na nasa ibabaw ng mesa. Rumehistro ang pangalan ni Javier, kaya agad itong sinagot ni Sebastian saka sumandal sa swivel chair niya. " Walan
Read more

CHAPTER 112

CHAPTER 112 Sa kauna-unahang pagkakataon, nakaubos si Sebastian ng isang bote ng wine na isang upuan lang. Nakatitig siya sa kawalan habang hawak ang baso ng wine na wala ng laman.Nakararamdam na siya ng antok, subalit ang katawan niya ay tila hindi pa gustong matulog. Masama ang loob ni Sebastian dahil sa pag-alis ni Estrella, subalit hindi niya maitatanggi na kasalanan niya kung bakit ito umuwi sa probinsiya. Sinisisi niya ang sarili sa pagtakip ng kaniyang tainga habang sinusubukan magpaliwanag ni Estrella. Alam ni Sebastian na masyado siyang naging malupit sa mga binitawang salita dahil nagpakain siya sa emosyon niya at sinabayan pa ng mga teoryang nabuo sa isip niya patungkol kay Estrella at Adam. Hindi kinaya na kontrolin ang selos at galit dahilan upang lalong gumulo ang sitwasyon nila. Umalis mula sa pagkakaupo sa swivel chair si Sebastain para lumabas ng opisina niya. Tumungo siya sa kuwarto at katahimikan ang sumalubong sa kaniya. Walang Estrella na nakangiting sumasalubo
Read more

CHAPTER 113

CHAPTER 113 Nagising si Adam sa hindi matapos-tapos na pag-ring ng cellphone niyang na sa ibabaw ng lamesita sa gilid ng kaniyang kama. Pikit-mata niyang kinapa ang lamesita para kuhanin ang cellphone at sinagot ang tawag nang hindi tinitignan ang naka-rehistrong pangalan. " Finally, sinagot mo rin! Nasaan ka na ba? Nauna na ako sa'yo dahil kanina ka pa hindi sumasagot sa message at tawag ko, " hindi na kailangan tignan ni Adam ang pangalan ng kausap niya dahil agad niya itong nabosesan. " Ano bang sinasabi mo, Estrellita? " Idinilat na ni Adam ang mata upang silipin ang oras sa orasang nakapatong sa lamesita. " Ala-sais pa lang ng umaga. Parang napakaaga naman yatang lakad mo? Nasaan ka ba? " " Malapit na ako sa bahay nina Teodora at Emilio, " sa naging sagot ni Estrellita sa kabilang linya, agad na napabangon si Adam sa kama. " Ano namang ginagawa mo riyan? " tanong ni Adam, umagang-umaga ay agad siyang nakaramdam ng kaba. " Estellita, ano na naman ba 'to? Bakit hindi mo ako
Read more

CHAPTER 114

CHAPTER 114Halos paliparin na ni Adam ang sasakyan niya nang makapasok sa bayan. Hindi na sinasagot ni Estrellita ang tawag niya at nababahala sya na baka gulo na ang madatnan niya pagkarating niya sa bahay ng dalawang matanda. Kabaliktaran ni Estrellita si Estrella kaya batid ni Adam na maaaring gumawa nga ng eskandalo ang dalaga lalo na't mayroon itong nalalaman na nagpagulat rin kay Adam noong ito'y marinig niya kanina.Nang makarating si Adam sa tapat ng bakuran, agad niyang hinanap ang kotse ni Estrellita sa paligid ngunit wala siyang nakita kaya agad siyang lumabas ng sasakyan. Hindi na nagawang batiin ni Adam ang ilang taong nakasalubong niya pagpasok ng bakuran dahil sa kamamadaling puntahan ang bahay ng dalawang matanda na nakita niyang nakaupo sa labas kasama ang ilang mga kapitbahay." Lola Teodora..." Natigilan si Adam nang makitang lumuluha si Lola Teodora habang inaalo ng asawa pati na rin ng mga kapitbahay nito. Tumingin si Adam sa isang matandang babaeng na sa gilid n
Read more

CHAPTER 115

CHAPTER 115Maingat na ibinaba ni Estrelita sa lamesita ang dalawang baso na naglalaman ng tubig saka tumingin kay Estrella at sa ina na tila hindi pa rin magawang i-proseso sa isip niya ang lahat. " Ma, alam kong marami kayong gustong itanong kaya ilabas niyo na, " ani Estrellita saka naupo sa isang sopa katabi ng kambal niya. " Hindi po kayo namamalikmata dahil katabi ko nga po ang kakambal ko na inaakala niyong patay na. "Hindi pa rin magawang magsalita ni Elena, ngunit ang kaniyang mga mata ay tila nakapako na kay Estrella." Paanong... paanong nangyari 'to? " hindi makapaniwalang tanong ni Rod na nakatayo sa likod ni Elena at nakahawak sa balikat nito. " Estrellita, ipaliwanag mo ang lahat. Saan kayo nagkakilalang dalawa? Nakakasiguro ka bang siya ang kapatid mo? "" Hindi pa po ba sapat na ebidensya sainyo na magkamukha kaming dalawa? " tanong pabalik ni Estrellita saka tumingin sa ina. " Pero para po mawala ang aga-agam sa loob niyo, ang nasa tabi ko ay ang apo nina Teodora a
Read more

CHAPTER 116

CHAPTER 116" Miss Azami, pasensya na po, pero hindi kasi kami puwedeng magpapasok sa loob ng mansyon nang walang pahintulot ng amo namin, " saad ni Anna na nasa labas ng gate ng mansyon, kaharap si Azami na may dala-dalang isang malaking box na naglalaman ng pagkain galing sa lugar kung saan sila nag t-taping. " Galing kasi ako sa office niya, pero ang sabi maaga raw nag out ngayon si Sebastian kaya dumaan na ako dito dahil akala ko nandito na siya, " saad ni Azami, " Saan ba siya nagpunta? Hindi ba ako puwedeng pumasok sa loob para doon na lang maghintay? Ang bigat kasi nitong dala ko at ang init din dito sa labas. Alam mo na, artista, hindi puwedeng maarawan nang matagal dahil sensitive ang skin ko. "" Pasensya na talaga, hindi kasi puwede. Bumalik na lang kayo siguro mamaya o bukas kapag dating niya, " paghingi ng paumanhin ni Anna, ngunit hindi pa rin sumusuko si Azami. " Alam mo, ngayong araw lang kasi ako may free time. Bukas, maghapon na naman ang taping namin kaya baka hin
Read more

CHAPTER 117

CHAPTER 117" Hi. " Nakangiting bati ni Javier kay Anna na nag bukas ng gate sa kaniya. Kita ni Javier ng gulat sa mukha ng dalaga, animo'y hindi alam kung siya ba ay patutuluyin sa loob ng mansyon. " Puwede bang pumasok sa loob? "" Ha? " Nabalik si Anna sa realidad, akala niya'y namamalikmata lamang siya nang bumungad si Javier sa harap niya. " S-sige, tuloy kayo. "Ngumiti si Javier bago tuluyang pumasok sa loob ng gate. Ramdam niya ang pagkailang ni Anna sa kaniya kaya agad siyang nagbukas ng topic na mapag-uusapan nilang dalawa. " Uh, na sa loob ba si Seb? "" N-nasa loob si Sir. Iyon nga lang, nasa may office room lang siya at mukhang maraming paper works. Hindi pa lumalabas magmula kaninang umaga. Nag pa-timpla lang ng kape at hindi na iyon nasundan pa. "Tumingin si Javier sa relos niya. " Alas dose na ng tanghali. Hindi pa siya niyan kumakain? "Umiling si Anna. " Tinanong nga ni Manang Susan kung magdadala na lang ba ng pagkain sa office niya pero tumanggi raw si Sir. Huwag
Read more

CHAPTER 118

CHAPTER 118 Halos mag li-limang minuto ng nakatayo si Sebastian sa harap ng gate ng bahay ni Adam. Naghihintay na may lumabas matapos siyang kumatok at mag doorbell nang ilang beses subalit tahimik ang bahay. Kinuha ni Sebastian ang kaniyang cellphone upang tawagan ang numero ni Adam, subalit hindi kumilos ang kaniyang mga daliri at napatitig na lamang siya sa blangkong screen ng cellphone niya. Pumunta siya sa bahay ni Adam upang hingin ang address ng bahay kung saan naroroon ang kaniyang asawa dahil balak niyang gawin ang pinayo ni Javier, ngunit tila hindi naman sumasang-ayon ang kapalaran at panahon kaya bumalik na si Sebastian sa loob ng kaniyang kotse kasabay ng unti-unting pagpatak ng ulan kahit maaraw naman. Napasandal si Sebastian sa kaniyang kinauupan, iniisip kung anong kaniyang gagawin para masundo si Estrella matapos ng mga masasakit na salitang binitawan niya. Labis ang pagsisisi ni Sebastian dahil sa nangyari at sa halos tatlong araw na wala si Estrella, pakiramdam
Read more

CHAPTER 119

CHAPTER 119 " Okay, ready na ang lahat ng mga kailangan nating dalhin! " Masiglang wika ni Estrellita matapos isara ang zipper ng bag niya. Tumingin siya kay Estrella na nagkakamot ng ulo habang nakatingin sa ilang bagong biling damit at gamit nito. " So, anong balak mo? Tititigan mo na lang 'yan? Ilagay mo na kaya 'yan sa bag mo, 'no? Alas-tres ng madaling araw ang alis natin mamaya kaya dapat naka-ready na ang lahat ng mga gamit mo. " " B-bakit kasi ang daming biniling damit ni Mama? " Nahihiyang saad ni Estrella habang pinagmamasdan ang mga damit na binili sa kaniya ng ina. " Ang mahal pa ng mga damit—tsaka hindi ko kayang suotin 'tong kapirasong tela na 'to. " " Bikini ang tawag diyan, ano ba? Tsaka beach ang pupuntahan natin kaya normal lang na iyan ang mga suot doon. Mas pagtitinginan ka ng mga tao kung naka-pajama ka habang nag s-swimming. " Pinasadahan ng tingin ni Estrellita ang kapatid mula ulo hanggang paa. " Isa pa, perfect naman ang shape ng body mo. Sexy ka naman at a
Read more
PREV
1
...
8910111213
DMCA.com Protection Status