CHAPTER 87 " Pasensya na kung pumasok ako nang hindi agad nagsasabi, ah. Nakabukas kasi 'yong pinto noong dumating ako kaya akala ko, nandoon ka lang sa bungad, " paliwanag ni Estrella saka binaling ang tingin kay Jessie na masiglang kumakaway sa kaniya. " Sa totoo lang, kinabahan ako. Akala ko napasok na 'ko, " ani Javier saka tumingin sa likuran ni Estrella, may hinahanap ang mata. " Bakit pala napadalaw ka? Ikaw lang ba mag-isa? " " Ah hindi, kasama ko si Manong Cesar. Hindi nakasama si Sebastian dahil napagod sa pamimili kanina sa bayan. Dumaan lang ako dito para sabihan ka tungkol sa mangyayaring program sa bahay ampunan. Natatandaan mo 'yong pinag-usapan natin noon sa peryahan sa probinsiya noong pyesta? Iyong tungkol sa mga bata na tinuturuan ni Adam. " " Ah, oo nga pala, 'no? Sige, sasama ako. Next week pa naman ang opening nitong photo studio kaya susulitin ko na buong linggo ko, " sagot ni Javier. " Anong mayroon? Puwede ba akong mag join? " Singit ni Jessie. " Puwede
CHAPTER 88 Pakiramdam ni Estrella ay bumalik siya sa pagkabata habang pinagmamasdan ang makukulay na palamuti sa paligid ng bahay ampunan. Mayroong nakasabit na mga lobo sa bawat sulok ng bakuran, ang mga mesa at silya ay kulay asul at rosas na nagpadagdag sa buhay ng programa. Nakasuot rin ang mga bata ng makukulay na sumbrelo at mayroong matatamis na ngiti sa labi habang masayang nakikinig kay Adam na nagsasalita ngayon sa harap ng lahat. "...at bago tayo magsimula, tayo ay magdarasal para magpasalamat at humingi ng gabay sa Itaas, " panimula ni Adam dahilan para unti-unting mawala ang ingay ng mga bata. Sabay-sabay na yumuko, pumikit at nagdasal na siya ring pinangunahan ni Adam. Alas-onse na ng tanghali at kahit makulimlim ang panahon, hindi ito naging hadlang para itigil ang munting selebrasyon sa bakuran sa likod ng bahay ampunan. " Huwag naman sana umulan ngayon, " saad ni Anna habang hawak ang paper plate na kaniyang ginagamit para paypayan ang sarili. " Bakit pawis na p
CHAPTER 89" Sa tingin ko mayroon nga kaming koneksyon ni Estrella. Kung hindi kambal, edi malamang magkapatid nga kami. " Napatayo si Adam mula sa kinauupan niya nang marinig ang sinabi ni Estrellita sa kabilang linya." Sigurado ka sa sinabi mo? " Gulat na tanong ni Adam, saka tumingin sa gawin ni Estrella na abala sa pakikipagkuwentuhan sa mga bata kasama ang asawa nito." Naghahanap pa ako nang matibay na ebidensya, " sagot ni Estrellita, " Kung hindi mo pa sinabi ang pangalan ng Lola at Lolo ni Estrella, malamang wala pa rin akong nauumpisahan sa research na ginagawa ko. Ngayon, puwede mo bang sabihin saaakin ang eksaktong address nila sa probinsya para mapuntahan na. "" Sandali lang, bakit ba bigla-bigla ka na lang kikilos? " Umalis si Adam sa kaniyang puwesto at naglakad palayo sa bakuran kung saan walang makakarinig sa mga sinasabi niya. " Anong gusto mong gawin ko? Tumunganga? Halata naman kay Mama na wala siyang balak sagutin ang mga tanong ko tungkol sa dalawang matanda.
CHAPTER 90 " Arman? Wala po akong ideya kung sino siya, " sagot ni Sebastian sa tanong ni Lolo Pio na ngayon ay nasa harap niya. " Ganoon ba? " Napabuga ito sa hangin saka sumandal sa sopa na kinauupan niya. " Hinahanap kasi siya ng Papa mo. Kanina pa niya binabanggit ang pangalan nito saaakin pero wala rin akong ideya kung sino 'yong Arman na sinasabi niyang kaibigan. Mula high school at college, kilala ko ang mga barkada ni Sergio at wala naman akong natatandaan na may Arman sa mga 'yon. " " Baka naman ginawa lang siya ni Papa? " " Iyan din ang nasa isip ko pero masyadong detalyado ang mga kinukuwento niya saamin kanina. Ang sabi niya, silang dalawa ang bumuo ng pangalan na Pipol's pero isang araw, bigla na lang daw itong hindi namansin at hindi na rin nagpakita pa sa kaniya, " sa sinabi ni Lolo Pio, tila nagkaroon ng ideya si Sebastian kung sino ang taong pinag-uusapan nila. " Posible kayang ang Chairman ng HowRU app ang taong binabanggit ni Papa? " takhang tanong ni Sebastian
CHAPTER 91 Magkasabay na tumayo si Sergio at Arman sa kanilang mga silyang inuupuan nang matapos ang kanilang ginagawang visual aid. Parehong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil akala nila'y hindi na nila ito magagawang tapusin sa dami ng abiryang nangyayari sa proyekto nila. " Sa wakas makakatulog na nang diretso mamaya, " saad ni Arman saka hinubad ang suot na salamin. Tumingin siya kay Sergio. " Inom tayo? Nagyayaya 'yong ilan sa mga blockmates natin. " Kunot-noong itong tumingin kay Arman. " Bukas na ang defense natin, sasama ka pang uminom? " " Hindi na natin kailangan maghanda para bukas. Kabisado naman na natin ang pasikot-sikot diyan dahil gawa naman natin 'yan, " kumpiyansang wika ni Arman saka sinimulang ligpitin ang mga gamit niya. " Tara na, sumama ka na. Minsan lang 'to. Ilang buwan na lang, ga-graduate. " " Hindi ako sasama, " saad ni Sergio, " Kailangan kong siguraduhing walang palya 'yong Pipol's. Mahirap na at baka kung kailan nag pe-present na tayo, saka magkaka
CHAPTER 92 " Congrats, Javier! " Masayang bati ni Estrella nang sinalubong sila ni Javier pagkapasok sa loob ng studio. Iniabot ni Estrella ang dalawang kahon na naglalaman ng kaniyang ginawang brownies. " Pasenya na kung iyan lang ang nakayanan kong regalo sa'yo. Ang sabi kasi ni Sebastian, nagustuhan mo raw 'yong brownies na ginawa ko noong nasa bahay ampunan tayo, kaya ito na lang ang naisip kong ibigay sa'yo. " Nahihiya at natatawang tumingin si Javier sa pinsan bago ibalik ang tingin kay Estrella at masayang kinuha ang dalawang kahon ng brownies. " Hindi niyo na kailangan mag-abala pero maraming salamat, Estrella. Masarap talaga 'yong brownies kaya itatago ko muna 'tong isa at baka makita ng kapatid ko. Tuloy kayo. " Saglit na nagpaalam si Javier, hindi akalain ni Estrella na tototohanin nito ang pagtago ng isang box ng brownies na dala nila. " Ate Estrella! Kuya Sebastian! " mula sa dulo ng pasilyo, lumitaw si Jessie na may hawak na camera na agad itinapat sa gawi ng mag-as
CHAPTER 93 " Simula ngayon, hindi niyo na kailangan magpanggap. Hindi niyo na rin kailangan maghintay pa ng dalawang taon para maghiwalay, dahil ngayon mismo, maaari niyo ng gawin 'yon sa harap ko. " Gumapang ang kaba sa dibdib ni Estrella, nagsimulang uminit at pagpawisan ang katawan dahil sa nerbyos na nararamdaman. Gayundin si Sebastian na hindi alam kung anong paliwanag ang gagawin sapagkat hindi niya inasahan na iyon ang maririnig niya. " Bakit parang gulat na gulat kayo? Hindi ba't dapat matuwa pa kayo dahil makakawala na kayo sa kulungan na ginawa ko? " pagtatanong ni Pio saka naglakad palapit sa sopa at naupo. Kinuha nito ang isang envelope na nakapatong sa lamesita at inilabas ang dokumento upang muling basahin ang kontrata na ginawa ni Sebastian. " Hindi ko akalaing gagawa kayo ng kasunduan sa likuran ko. Masakit na malaman na may kontrata pala ang pagiging mag-asawa niyo dahil buong akala ko, totoo na ang mga nakikita ko sainyo. Akala ko'y magkasundo na kayong dalawa at
CHAPTER 94 " Good evening, Sir Sebastian. " Magalang na bati ng kasambahay na sumalubong kay Sebastian nang ito'y pumasok sa loob ng mansyon upang sunduin si Estrella. " Nasaan sila? " tanong ni Sebastian habang inililibot ang paningin sa salas. " Naroon po silang lahat sa balkonahe. Nag mi-miryenda po sila. " Tumango si Sebastian sa sagot ng kasambahay at nagpasalamat bago pumanhik ng hagdan upang tumungo sa ikalawang palapag ng mansyon. Alas-kuwatro ng hapon ay lumabas na si Sebastian upang sunduin nang maaga ang kaniyang asawa sapagkat hindi pa rin ganoon kabuo ang loob niyang hayaan si Estrella na mahirapan sa kamay ng kaniyan ama. Hindi na niya nais pang maulit ang nangyari noong unang beses itong nagpunta mag-isa. Batid ni Sebastian na gustong maging malapit si Estrella kay Sergio, subalit hindi naman niya nais makita ang asawang nahihirapan makisama sa ama para lang tanggapin ito bilang asawa niya. " Naku, hindi po! Palagi ko na nga po siyang nakikitang ngumingiti. Hind
Hi, maraming salamat po sa lahat ng nakaabot dito. Halos isang taon na rin pala simula noong isulat ko ito at ang sarap sa feeling na nakatapos ulit ako ng nobela. Sa ngayon, ito na pinakamahaba kong nobela na naisulat. Hindi ko inakala na aabot ito sa 100+ chapter pero wala, nag enjoy ako isulat ang journey nina Estrellla at Sebasian. San ganoon rin po kayo! So ayon, sa mga nagtatanong po kung mayroon bang story sina Anna/Javier at si Estrellita/Adam? Ang sagot ay wala po...pero puwede ring magbago depende sa panahon. Sa ngayon kasi, marami pa po akong story na planong i-published dito sa Good Novel at wala pang time para mag-isip ng plot sa mga side characters ng Maid For You. Ganunpaman, sana po ay suportahan niyo pa rin ako sa mga bago kong story at sa mga darating pang iba. Muli, salamat po sa inyong lahat!
EPILOGUE Humugot ng isang malalim na hininga si Estrella habang nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin. Walang mapaglagyan ang kaniyang tuwa, hindi siya makapaniwala na sa ikalawang pagkakataon, ikakasal ulit siya. " Ready ka na? " Napatingin si Estrella sa gilid nang marinig ang boses ng kambal. " Ganda ng ngiti mo, ah. Siguraduhin mong nakapag banyo ka na bago ka lumakad sa altar mamaya. Baka tumakbo ka na naman. " Bahagyang natawa si Estrella nang maalala ang marriage proposal ni Sebastian sa kaniya. Magkahalong kaba at saya ang naramdaman ni Estrella noong mga oras na yon, resulta upang magmadali siyang magtungo sa banyo. " But kidding aside, masaya ako para sayo, Estrella. " Inayos ni Estrellita ang belo na suot ng kaniyang kambal at pinagmasdan ang hitsura nito mula sa salamin. " Medyo nakakalungkot lang dahil saglit lang 'yong oras na nagkasama tayo. Ngayong kakasal ka na, malilimitahan na ang oras mo sa labas. " " Ate, noong nagkita naman tayo, kasal naman na kami
CHAPTER 125" Anong ginagawa niyo rito? " tanong ni Estrellita sa dalawang matanda saka siya lumapit sa kinatatayuan ng kambal upang hawakan ang kamay nito at ilagay sa kaniyang likuran. " Hindi kayo gusto makausap ni Estrella. Umuwi na lang kayo. "" H-hindi lang naman siya ang gusto naming kausapin, " ani Lola Teodora saka tumingin sa asawa bago muling ibalik ang tingin sa kambal. " Gusto namin kayong makausap na dalawa. "" Wala tayong dapat na pag-usapan. " Matigas na sambit ni Estrellita, humigpit ang kapit sa kamay ni Estrella nang maramdaman ang kagustuahn nitong lapitan ang dalawang matanda. " Wala kaming sasabihin sainyo. Umalis na lang kayo... "Hindi nagawang ituloy ni Estrellita ang balak na sabihin nang makita ang pagluhod ni Lolo Teodora na sinundan ni Lolo Emilio. " Humihingi kami ng kapatawaran sa ginawa namin, " saad ni Lolo Emilio, pilit pinipigilan ang luha subalit mababakas ang nginig sa boses nito. " Alam kong hindi sapat ang paghingi namin ng tawad at pagluhod s
CHAPTER 124 " Azami, saan ka pupunta? " Napahinto si Azami sa balak na pagbaba ng stage nang harangan siya ng Manager niya. " Kumalma ka muna, okay? Huwag mong ipakita na apektado ka. Maraming tao ngayon dito sa Mall at lahat ng mata at camera ay nakatutok sa'yo ngayon. " Mariing napapikit si Azami, at humugot nang malalim na buntong hininga sa pag-asang mawala ang mga daga sa dibdib niya ngunit hindi ito tumalab. " Okay guys, kumalma muna ang lahat. Mayroon lang po tayong technical difficulties ngayon at 'yong narinig niyo kanina ay isa lang audio clip mula sa haters. Relax lang po tayong lahat! " Pagpapagaan ng emcee sa sitwasyon. Hindi na gumagana ang mike kaya kinailangang nitong lakasan ang boses para marinig ng lahat ang sinasabi niya at hindi magkagulo ang mga tao. Walang alam ang emcee sa nangyayari ngunit kailangan niya pa ring gumawa ng paraan upang mapakalma ang lahat at matuloy ang programa. Tumingin si Azami sa puwesto kung saan niya nakita si Estrella ngunit hind
CHAPTER 123" Halikan mo 'ko. " Gumuhit ang gulat sa mukha ni Adam sa sinabi ni Estrellita na nakalingkis ang kamay sa braso niya." Pinagsasabi mo? Wala naman sa plano ''yon, Estrellita, " angal ni Adam saka binalik ang tingin sa harap kung saan abala ang lahat ng tao sa kani-kanilang mundo. Nasa isa sila ngayong parke, nakaupo sa isang bench habang magkahawak ang kamay ngunit si Estrellita ay halos ipulupot na ang sarili sa braso ni Adam." Para nga mas makatotohanan, 'di iba? Isipin mo na lang na ako si Estrella para hindi ka mailang, " ani Estrellita dahilan para lalong magsalubong ang kilay ni Adam. " Oh, bakit? May mali ba sa sinabi ko? 'Di ba may gusto ka sa kambal ko—"" Estrellita, please. " Pigil ni Adam, hindi komportable sa balak sabihin ng kasama niya, ngunit gusto niyang linawin ang lahat para hindi na ito mabuksan pa. " Yes, inaamin kong may gusto ako kay Estrella, pero matagal na 'yon at wala akong balak guluhin ang relasyon nila Sebastian. "" Talaga ba? " tila pang-a
CHAPTER 122 Halos lumuwa ang mata ni Anna nang makita ang nag doorbell sa labas ng gate ng mansyon. Ilang beses siyang kumurap sa pag-aakalang mag-iiba ang mukha ng babae sa harapan niya ngunit walang nabago sa histura nito. " Alam kong maganda ako, huwag mo na ako masyadong titigan, " anito saka isinara ang payong at tiniklop. " K-kayo ba ang kambal na sinasabi ni Este? " tanong ni Anna at nang tumango ito, napalitan ng paghanga ang nararamdaman niya. " Grabe, magkamukhang-magkamukha talaga kayo. Sa pananamit pa lang, si Este na ang nakikita ko sainyo. " " Hindi ito ang style ko. Ginaya ko lang ang pananamit ni Estrella para papasukin ako sa subdivision, " ani Estrellita saka tumingin sa loob ng gate. " Anyway, nandiyan ba siya ngayon? " " Ah, oo, na sa loob si Este. Pasok kayo, " sabik na pagpapatuloy ni Anna, hindi magawang alisin ang tingin kay Estrellita dahil labis ang gulat, tuwa at paghanga ang nararamdaman niya. Nang makarating sa salas, hindi maiwasang humanga ni Estr
CHAPTER 121 Sa apat na araw na itinagal ng burol ni Sergio, naging dahilan na rin ito para muling magsama-sama at magkita-kita ang pamilyang Martinez. Ang ibang mga kamag-anak na nasa ibang bansa ay umuwi upang makita sa huling pagkakataon si Sergio. Muli ring nagkita-kita ang mga malalapit na kaibigan ni Sergio sa araw ng libing nito, maliban sa isa na piniling hindi lumabas ng kotse habang pinanonood sa hindi kalayuan ang pagbaba ng kabaong sa ilalim ng lupa. " Sir Arman, hindi ho ba kayo bababa para tignan ang libing ni Mr. Sergio Martinez? " tanong ng sekretarya ni Arman na nasa passenger seat. " Hindi ho ba kayo magpapaalam sa dati niyong kaibigan? " Piniling hindi sumagot ni Arman. Hindi niya maintindihan kung bakit nakararamdam siya ng panghihinayang noong nagkausap sila ni Sergio na huling beses na pala mangyayari. Mayroong pagsisisi si Arman dahil hindi niya agad nagawang ilabas at ipakita ang galit na kinimkim niya ng matagal na panahon kay Sergio, dahil ngayong wala na i
CHAPTER 120 Hindi magawang gumalaw ni Sebastian sa kinaatayuan niya habang nakayakap sa kaniya si Estrella. Hindi niya inaasahan na makikita niya ito pag-uwi niya, ngunit sa kabila ng lungkot sa nangyari sa biglaang pagpanaw ng ama, kahit papano ay gumaan ang kaniyang nararamdaman dahil sa higpit ng yakap mula sa asawa, " Pasensya na kung umalis ako..." saad ni Estrella sa pagitan ng paghikbi. Inangat ni Sebastian ang kamay upang yakapin pabalik ang asawa ngunit humiwalay na si Estrella. " Patawarin mo 'ko kung hindi ako nakapagpaalam sa'yo nang personal. Alam kong galit ka pa rin saakin, pero sana hayaan mo akong damayan ka..." Hindi magawang sumagot agad ni Sebastian. Gusto niyang sabihin na hindi na siya galit at aminin ang pagkakamali n'ya ngunit walang salita ang gustong lumabas sa bibig niya, hanggang sa biglang mag-ring ang kaniyang cellphone sa bulsa ng pantalon. Kinuha niya ito at isang tawag mula sa kaniyang tiya ang nakita niya. " Sebastian, nakauwi ka na ba? " tanong n
CHAPTER 119 " Okay, ready na ang lahat ng mga kailangan nating dalhin! " Masiglang wika ni Estrellita matapos isara ang zipper ng bag niya. Tumingin siya kay Estrella na nagkakamot ng ulo habang nakatingin sa ilang bagong biling damit at gamit nito. " So, anong balak mo? Tititigan mo na lang 'yan? Ilagay mo na kaya 'yan sa bag mo, 'no? Alas-tres ng madaling araw ang alis natin mamaya kaya dapat naka-ready na ang lahat ng mga gamit mo. " " B-bakit kasi ang daming biniling damit ni Mama? " Nahihiyang saad ni Estrella habang pinagmamasdan ang mga damit na binili sa kaniya ng ina. " Ang mahal pa ng mga damit—tsaka hindi ko kayang suotin 'tong kapirasong tela na 'to. " " Bikini ang tawag diyan, ano ba? Tsaka beach ang pupuntahan natin kaya normal lang na iyan ang mga suot doon. Mas pagtitinginan ka ng mga tao kung naka-pajama ka habang nag s-swimming. " Pinasadahan ng tingin ni Estrellita ang kapatid mula ulo hanggang paa. " Isa pa, perfect naman ang shape ng body mo. Sexy ka naman at a