Home / Romance / Reddish Tulips / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of Reddish Tulips: Chapter 71 - Chapter 80

96 Chapters

Chapter 49

"So, ito na nga!" "Ayan na ang hinihintay ko! 'Yang words na lang din ang isa sa bumubuhay sa akin," natatawang sabi ni Valentine at umayos pa siya ng kanyang upo. Naka-video call kami ngayon at matapos akong ihatid ni Louis dito ay sinabi ko sa kanya na nakauwi na ako, gusto niya na kaagad ng kuwento kaya naman sinabi ko sa kanya na sandali lang at mag-aayos lang ako nang kaunti. Ito na nga 'yon. Inayos ko muna ang aking sarili. Naghilamos muna ako at saka nag-bathrobe no'n, tinawagan ko na siya at ngayon na kaming mag-usap habang ginagawa ko ang aking night routine. Natatawa pa ako dahil excited na excited pa si g*ga kaya walang pagdadalawang-isip na go na agad siya sa video call namin at agad talaga siyang tumatawag sa akin, excited na excite sa pag-uusapan talaga namin. "Oh, ikukuwento mo sa akin mula simula na paano ang nangyari na parang pumayag ka ngayon at sa kadulu-duluhan kung saan ang huli niyong pagkikita sa isa't isa... akala ko ba ay ayaw mo no'ng una? Ano'ng nangyari
last updateLast Updated : 2022-08-13
Read more

Chapter 50

"Okay! That's settled then? We're going to give you a ticket here so that you would be able to manage my brand here. I have entrusted you all with looking out for my brand for just a month and after it, we're okay, now. Or maybe... you'll get to decide if you still want to work with my brand or not. Sounds nice, but also it will depend on your boss now." Tumawa naman kaming lahat dito sa Zoom Meeting dahil sa sinabi ko. "Go! If that's what they wanted, it's so okay to me!" magiliw na sinabi ni Avereal at nagsalita naman ngayon ang mga taong na-hired ko na magbabantay ng boutique sa ngayon. "Yes, Miss! It's my greatest honor to work under your brand and even to you as a whole." Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. "But also, still big thanks to Ms. Avereal for everything also. Without her, I feel I wouldn't be where I am now." Napangiti naman si Avereal at pati ako ay namangha dahil sa loyalty na mayroon siya. "Thank you so much for the opportunity, I'd gladly accept it, in any w
last updateLast Updated : 2022-08-13
Read more

Chapter 51.1

"Ano'ng ginagawa mo rito?" mataray kong tanong dahil nagmumukha siyang stalker dito dahil nakakagulat na narito siya nang wala akong kaalam-alam, sa likod ng aking isipan ay naisip ko na baka no'ng malaman niya lang kung nasaan ang bahay ko na hinatid niya ako rito pauwi ay pupunta-punta na siya rito kahit anong oras? Ang talino niya rin sa part na 'yon, ah. Talagang gusto niyang ihatid ako para makita niya rin ang bahay ko. "Galing..." mahinang bulong ko. "Uhm... I was about to ask you out, pero mukhang may pupuntahan ka kaya huwag na lang." Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya. "Yayayain saan?" pagtatanong ko, bumilis naman ang aking puso dahil bakit ko pa ba siyang pinagpipilitan na sabihin sa akin kung ano ba ang gusto niyang puntahan namin kung sakali. 'Di ba dapat ay tinatanggi ko na lang ito? Pero bakit parang nasisiyahan pa ako na kung sakali 'man ay niyaya niya ako ngayon? "Wala lang, maybe for a walk? Or do you want to eat outside? Kasi pauwi na rin naman tayo s
last updateLast Updated : 2022-08-14
Read more

Chapter 51.2

"Could I join you guys?" tanong ni Cole at napangiti naman ako roon. "Yes!" "No." Napatingin naman ako kay Louis dahil sa sinabi niya, gamit ang aking mata ay tinatanong ko siya ay kung bakit niya sinabi 'yon. Binalik niya rin sa akin ang tingin na huwag na, sinamaan ko naman siya ng tingin dahil minsan na lang ulit kami magkita ni Cole kaya naman sumama na siya sa amin. "Join us, Cole! It's so okay," nahihiya kong sabi at saka binigyan niya lang ako ng thumbs up, narinig ko ang malalim na hinga ni Louis. Pinigilan ang kanyang sarili. Tinignan ko siya gamit ang perippheral vision ko at nakita kong nagpipigil siya ng galit niya, bumuntonghinga pa siya at mukhang naging ayos na rin siya. Dumalo na rin sa amin si Cole at saka umupo sa harapan namin, kaming dalawa ni Louis na magkatabi rito sa sapin at sa kabilang banda naman ay roon si Cole. Magkakalapit lang naman kami, sakto lang 'yong laki ng sapin, kasya na kaming tatlo rito. "How is it going? We've been like not seen each othe
last updateLast Updated : 2022-08-14
Read more

Chapter 52

"Pero hindi lang ako talaga sure doon, ayon lang naman ang ramdam ko pero ayaw ko rin namang mag-isip ng ibang bagay baka mamaya ay ako lang din naman ang nag-iisip no'n, ayaw kong mag-assume ng kung anu-ano," natatawang sabi ko at saka umiling-iling pa."Girl! Manhid ka ba or what?! Halata namang nagseselos siya, eh. Ikaw lang itong ayaw intindihin masyado kung ano ba talaga ang gesture ni Louis na gano'n. Minsan kasi makiramdam ka rin! Or something na tanungin mo na lang kaya nang diretsuhan? Para naman hindi na kayo parang asong naghahabulan paikut-ikot."Nakakakapagod kayo! Like, hindi ba kayo napapagod? Kasi ako na ang nakakapagod sa takbuhan niyo, tanungin mo na lang kasi siya. Tanungin mo nang diretso na kung may jowa ba siya? Kung sino ba'ng nasa puso niya o kung ano pa ang gusto mong itanong para tapos ang problema."Natawa naman ako dahil sa sinabi ni Valentine. "Ang cheap naman no'n, nakakahiya kaya!" kontra ko naman sa kanya at napairap na lang siya roon. Kasalukuyan ko na
last updateLast Updated : 2022-08-15
Read more

Chapter 53

Maaga akong nagising kaysa sa aking alarm, mas nauna pa ako roon kaysa sa magtunog ang aking cellphone. Nang makita ko na malapit na rin naman sa oras na aking balak na dapat magising ay tumayo na rin ako kaagad at saka inayos na muli ang aking mga gamit. Nang matapos ko nang gawin ang lahat ng kailangan kong gawin sa aking sarili, nakaligo na rin ako at saka pumili na rin ako ng kung ano ang susuutin ko. Nakapili na ako ng simple white croptop lang at saka baggy pants, sa sapatos naman ay ang Air Force 1 one ko white pero may halo itong pink, Air Force 1 Low White Pink ito. Nag-shades na rin ako para maikumpleto ang outfit ko, at saka ang aga-aga pa? Bakit naman ay handang-handa na ako agad, eh, mamaya pa naman akong kahapon susunduin. Hindi ko alam pero bigla na lang din akong naging anxious bigla sa mga susuotin ko, parang feeling ko ay dapat maging maganda ako palagi. Although, as a fashion designer at ine-embody ko ang pagkakaroon ng great fashion sense ay ibang level ngayon, g
last updateLast Updated : 2022-08-15
Read more

Chapter 54

"Welcome back, Allison!" malakas na sigaw ni Valentine at saka mabilis na lumapit sa akin at saka nagsisigaw na siya roon, habang papalapit sa akin ay sigaw na siya nang sigaw ng kung anu-ano na lang na mailabas mula sa kanyang bibig. "Kaibigan ko 'to! Kaibigan ko 'to! Nakauwi na siya, fashion designer 'to!" sigaw niya nang sigaw, medyo nahihiya na rin ako dahil sa mga nakukuhang atensyon niya mula sa ibang tao na narito pero mas nanaig ang tawa ko dahil do'n. Mayroong tumingin at mukhang walang gano'ng masyadong nakakakilala sa akin dito, though, ayos lang din para hindi kami pagkaguluhan dahil sa 'kin. Sa France naman ay walang masyadong pakialam ang mga tao, pero minsan naman ay may nakakakilala sa akin, nirerespeto nila ang oras ko roon. "Hoy, buntis! Manahimik ka nga r'yan! Chill ka lang!" natatawang sabi ko at saka niyakap siya, niyakap niya rin ako pabalik at naiiyak na siya. "Hoy! Huwag ka ngang umiyak ngayon, iiyak talaga ako!" dagdag ko pero habang sinasabi ko 'yon ay may
last updateLast Updated : 2022-08-16
Read more

Chapter 55.1

"Hi, Amiel!" masaya kong bungad at saka ko nilapag ang dala-dala kong bulaklak at saka umupo't nilagay ang bulalak sa tabi na kung saan nakaukit ang pangalan niya. Huminga naman ako nang malalim para maiwasan kong hindi may luhang tumulo. Nang mapigilan ko na ay napangiti naman ako. Napansin ko sa tabi ng bulaklak na nilagay ko ay naroon din ang isa pang bulaklak na mukhang kakalagay lang din, fresh pa 'yon, siguro 'yong pamilya ni Amiel ito. Naalala ko na naman ang pangyayari, naroon si Tita no'n siya ang umalalay sa akin para makatayo mula sa pagkahulog na hindi ko kinayanang wala na nga si Amiel. Huminga pa muna ako nang malalim para naman maiwasan ko na huwag maiyak dito at nang maayos na at saka ko hinarap si Amiel ulit at saka nagsimulang ikuwento sa kanya ang lahat na nangyari sa buhay ko simula no'ng nawala siya. Sinimulan ko kung gaano ako nagpapasalamat sa huli niyang sulat para sa akin. Na naging sanhi kung bakit nagkaroonn ako ng pag-asa para muling magpatuloy dahil isa
last updateLast Updated : 2022-08-16
Read more

Chapter 55.2

"Hello po, kumusta po ang mga pagkain?" masaya kong tanong at bungad sa mga matatanda na narito. Agad naman nilang hinawakan ang kamay ko at na-welcome talaga ako na parang isa ako sa kanila, pinaupo naman nila ako sa available seats dito at saka ako dumalo sa kanila. "Nako, hija! Ayos lang naman kami. Dito ka na, kumain ka na ba? Kumusta ka rin?" tuluy-tuloy na tanong naman ni Lola, Lola Aming ang kanyang pangalan. Sumubo pa muna siya at saka ngumuya pa, nakatingin siya sa akin at saka ngumiti, lumubo tuloy 'yong kanyang pisngi dahil sa pagkaing kanyang nginunguya. Mahina naman akong natawa dahil do'n. "Ayos lang po ako. Hindi po ako nakakakain, mamaya na lang po siguro. Ang dami pa pong kailangang gawin. Kailangan ko pa pong asikasuhin ang iba pa," nakangiti at kalmado kong sabi. Nakatingin lang sila sa akin at parang na-startstruck sila. Nahiya naman ako nang unti pero binigyan ko na lang sila ng ngiti. "Ang sipag mo naman, hija. Parang sa 'yo na ang lahat, ang ganda-ganda mo ta
last updateLast Updated : 2022-08-18
Read more

Chapter 55.3

"What's up, big man?! Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko sa 'yo?! Ikaw lalaki ka! Ang tagal mong nasa ibang bansa?! Ano ba'ng ginawa mo roon at ngayon ka lang nakauwi?! At talagang 'yong pag-uwi mo rin ay skato sa pag-launch muli nito, grabe ka na!" sigaw ni Jeremiah sa pinakamatinis nitong boses kaya masarap itong pakinggan pero parang naiinis ako roon, ewan ko kung bakit pero naiirita ako. Medyo malapit pala sa kanya si Louis kaya naman lumapit si Louis na kalmado lang. Hindi pa ako nakikita ni Jeremiah, parang gusto ko na lang na makaalis dito kaagad. Kinakabahan ako baka kung ano ang masabi niya na makita niyang narito ako. Nang makalapit na si Louis sa babae ay agad naman itong niyakap ni Jeremiah. Bumilis ang tibok ko sa ginawa niya, may naramdaman ako sa aking loob na hindi ko maipaliwanag nang maayos kung ano 'yon. Basta naasar ako sa mga bawat paghaplos niya kay Louis. Nag-usap naman sila sa isang gilid at ngiting-ngiti pa si Jeremiah, si Louis naman ay simple lang s
last updateLast Updated : 2022-08-18
Read more
PREV
1
...
5678910
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status