Maaga akong nagising kaysa sa aking alarm, mas nauna pa ako roon kaysa sa magtunog ang aking cellphone. Nang makita ko na malapit na rin naman sa oras na aking balak na dapat magising ay tumayo na rin ako kaagad at saka inayos na muli ang aking mga gamit. Nang matapos ko nang gawin ang lahat ng kailangan kong gawin sa aking sarili, nakaligo na rin ako at saka pumili na rin ako ng kung ano ang susuutin ko. Nakapili na ako ng simple white croptop lang at saka baggy pants, sa sapatos naman ay ang Air Force 1 one ko white pero may halo itong pink, Air Force 1 Low White Pink ito. Nag-shades na rin ako para maikumpleto ang outfit ko, at saka ang aga-aga pa? Bakit naman ay handang-handa na ako agad, eh, mamaya pa naman akong kahapon susunduin. Hindi ko alam pero bigla na lang din akong naging anxious bigla sa mga susuotin ko, parang feeling ko ay dapat maging maganda ako palagi. Although, as a fashion designer at ine-embody ko ang pagkakaroon ng great fashion sense ay ibang level ngayon, g
"Welcome back, Allison!" malakas na sigaw ni Valentine at saka mabilis na lumapit sa akin at saka nagsisigaw na siya roon, habang papalapit sa akin ay sigaw na siya nang sigaw ng kung anu-ano na lang na mailabas mula sa kanyang bibig. "Kaibigan ko 'to! Kaibigan ko 'to! Nakauwi na siya, fashion designer 'to!" sigaw niya nang sigaw, medyo nahihiya na rin ako dahil sa mga nakukuhang atensyon niya mula sa ibang tao na narito pero mas nanaig ang tawa ko dahil do'n. Mayroong tumingin at mukhang walang gano'ng masyadong nakakakilala sa akin dito, though, ayos lang din para hindi kami pagkaguluhan dahil sa 'kin. Sa France naman ay walang masyadong pakialam ang mga tao, pero minsan naman ay may nakakakilala sa akin, nirerespeto nila ang oras ko roon. "Hoy, buntis! Manahimik ka nga r'yan! Chill ka lang!" natatawang sabi ko at saka niyakap siya, niyakap niya rin ako pabalik at naiiyak na siya. "Hoy! Huwag ka ngang umiyak ngayon, iiyak talaga ako!" dagdag ko pero habang sinasabi ko 'yon ay may
"Hi, Amiel!" masaya kong bungad at saka ko nilapag ang dala-dala kong bulaklak at saka umupo't nilagay ang bulalak sa tabi na kung saan nakaukit ang pangalan niya. Huminga naman ako nang malalim para maiwasan kong hindi may luhang tumulo. Nang mapigilan ko na ay napangiti naman ako. Napansin ko sa tabi ng bulaklak na nilagay ko ay naroon din ang isa pang bulaklak na mukhang kakalagay lang din, fresh pa 'yon, siguro 'yong pamilya ni Amiel ito. Naalala ko na naman ang pangyayari, naroon si Tita no'n siya ang umalalay sa akin para makatayo mula sa pagkahulog na hindi ko kinayanang wala na nga si Amiel. Huminga pa muna ako nang malalim para naman maiwasan ko na huwag maiyak dito at nang maayos na at saka ko hinarap si Amiel ulit at saka nagsimulang ikuwento sa kanya ang lahat na nangyari sa buhay ko simula no'ng nawala siya. Sinimulan ko kung gaano ako nagpapasalamat sa huli niyang sulat para sa akin. Na naging sanhi kung bakit nagkaroonn ako ng pag-asa para muling magpatuloy dahil isa
"Hello po, kumusta po ang mga pagkain?" masaya kong tanong at bungad sa mga matatanda na narito. Agad naman nilang hinawakan ang kamay ko at na-welcome talaga ako na parang isa ako sa kanila, pinaupo naman nila ako sa available seats dito at saka ako dumalo sa kanila. "Nako, hija! Ayos lang naman kami. Dito ka na, kumain ka na ba? Kumusta ka rin?" tuluy-tuloy na tanong naman ni Lola, Lola Aming ang kanyang pangalan. Sumubo pa muna siya at saka ngumuya pa, nakatingin siya sa akin at saka ngumiti, lumubo tuloy 'yong kanyang pisngi dahil sa pagkaing kanyang nginunguya. Mahina naman akong natawa dahil do'n. "Ayos lang po ako. Hindi po ako nakakakain, mamaya na lang po siguro. Ang dami pa pong kailangang gawin. Kailangan ko pa pong asikasuhin ang iba pa," nakangiti at kalmado kong sabi. Nakatingin lang sila sa akin at parang na-startstruck sila. Nahiya naman ako nang unti pero binigyan ko na lang sila ng ngiti. "Ang sipag mo naman, hija. Parang sa 'yo na ang lahat, ang ganda-ganda mo ta
"What's up, big man?! Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko sa 'yo?! Ikaw lalaki ka! Ang tagal mong nasa ibang bansa?! Ano ba'ng ginawa mo roon at ngayon ka lang nakauwi?! At talagang 'yong pag-uwi mo rin ay skato sa pag-launch muli nito, grabe ka na!" sigaw ni Jeremiah sa pinakamatinis nitong boses kaya masarap itong pakinggan pero parang naiinis ako roon, ewan ko kung bakit pero naiirita ako. Medyo malapit pala sa kanya si Louis kaya naman lumapit si Louis na kalmado lang. Hindi pa ako nakikita ni Jeremiah, parang gusto ko na lang na makaalis dito kaagad. Kinakabahan ako baka kung ano ang masabi niya na makita niyang narito ako. Nang makalapit na si Louis sa babae ay agad naman itong niyakap ni Jeremiah. Bumilis ang tibok ko sa ginawa niya, may naramdaman ako sa aking loob na hindi ko maipaliwanag nang maayos kung ano 'yon. Basta naasar ako sa mga bawat paghaplos niya kay Louis. Nag-usap naman sila sa isang gilid at ngiting-ngiti pa si Jeremiah, si Louis naman ay simple lang s
"Hi, Allison! How are you?! It's been what? I don't even remember anymore," bungad ni Jeremiah sa akin nang makababa siya mula sa stage, tumatawa pa siyang lumapit sa amin ni Louis. Ang elegante niya oang maglakad kaya naman ang lakas ng dating niya kahit gano'n lang kasimple. Niyakap niya nang makarating na siya sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa bilis ng tibok ng aking puso dahil lang sa sinabi niya kanina. Nanginlabot pa rin ako hanggang ngayon at kayang parang kaya niyang kalabanin lahat kahit na kam*tayan pa ang nasa harapan niya, talagang lalaban at lalaban pa rin siya kahit ano pa'ng mangyari. Pinutol niya ang pagkakayakap niya sa akin dahil hindi ko naman siya niyakap pabalik. Ngumiti naman siya nang malaki, alam ko at ramdam kong peke lang 'yon dahil sa nananliksik ang kanyang mga mata. Napalunok naman ako at saka simple ko lang siya nginitian. "Yes, hello, it's been quite a while now..." tanging nasabi ko at buti na lang at hindi nautal dahil mamaya ay maramdam
Iba'ng klase ng pikon na naramdaman ko sa aking d*bdib, kahit kanina ay malungkot na malungkot pa ako pero ngayon ay napalitan na rin ng inis dahil pagkabalik na pagkabalik namin ng mga bata sa loob ay nakita kaagad ng aking mga mata sa loob ay pasimple nang hinaharot ni Jeremiah si Louis. Lahat ay hinahawan niya sa kanya, iba'ng klaseng haplos 'yon. Sa braso ni Louis, pababa sa kanyang kamay. Sa d*bdib nito sabay pabiro niya pa itong niyayakap. Wala na rin ding magawa pa si Louis dahil marami'ng nakakakita sa kanila kaya kailangan niyang umakto na ayos lang sa kanya 'yon, kilalang-kilala ko pa rin si Louis. Nakikita ko pa rin kung kailan siya nagiging hindi komportale sa isang tao at kitang-kita ko 'yon sa kanyang mga mata. Bumuntonghininga na lang ako at saka hapon na rin, tapos na ang day one namin. Lifetime na rin naman na itong pagtulong na ito, isang buwan lang ang kontrata ko para dito. Malay ko ba kay Louis at isang buwan lang, gusto ko pa rin naman tumulong nang tumulong ha
"Huh?! Seryoso ka ba riyan? Talagang hahayaan mo lang na gano'n?!" malakas na sigaw sa akin kaagad ni Valentine dahil nakuwento ko sa kanya ang lahat na nangyari sa amin nila Jeremiah nitong mga lumipas na mga araw. "At talagang ngayon mo lang sinabi sa akin 'yan? Ilang linggo na ang nakakalipas?!" Napatingin naman ako sa ilalim dahil hindi ko nga sinabi kay Valentine ang lahat na nangyari nitong dalawang linggo na ang nakalipas. Pero naisip ko kasi na huwag na lang sabihin sa kanya dahil ayaw ko siyang ma-stress, ayaw kong mag-isip pa siya ng ibang bagay. Bawal nga raw mainis o ma-stress ang mga buntis kaya ayaw ko na magkuwento pa kay Val. At saka dapat ako na rin dapat ang nagha-handle ng problema ko pero napuno na rin kasi ako kay Jeremiah, palagi na lagi siyang sumasapaw sa amin ni Louis. Sa tuwing nag-uusap kami ay palagi siyang magsasalita para kuhanin ang atensyon ni Louis, para lang makasali lang siya sa usapan namin ay talagang kahit walang kuwentang bagay ay sasabihin niy