Sa isang mahirap na tao, gipit, at talaga namang walang ibang makakapitan, masakit man sa kalooban niya ay gagawa siya ng paraan upang kahit papaano’y makaangat. Lulunukin ang prinsipyo at ang mga bagay na pinaniniwalaan kung kailangan – lalo na kung ang benepisyo nang lahat ng ito ay para sa pinakamamahal na pamilya. Tahimik na inusisa ni Aleyna ang silid. Matapos siyang sabihan ni Maximillian na ang kwartong mayroong kulay na berde at puti ay sa kanya, inutusan siya nito na magtungo doon upang magbihis at ayusin ang sarili upang magtungo sila sa kaliwa. Lingid sa kaalaman ni Aleyna ay pinabili na ni Maximillian ang sekretarya niya ng damit para kay Aleyna, lahat ng iyon ay para hindi na magdala pa ng anumang gamit sa bahay ni Maximillian si Aleyna. Mayroong mga blusa, dress, pantalon, shorts, nighties, maging mga panloob. Lahat ng iyon ay mayroon pang price tag at talaga namang bago at mamahalin. Napailing si Aleyna, “nagsasayang sila ng pera sa ganitong bagay samantalang kami ay
Read more