Umuwi si Maximillian sa tahanan niya, pasado alas-dose na nang makarating siya pero hindi niya inaasahan na gising pa din si Aleyna at bubungad ito sa kanya. Tahimik na naghihintay sa kanya sa salas ang babae. Nakaupo ito sa sofa at bagama’t inaantok ay pilit pinaglalabanan ang bawat hikab niya. “Hindi mo ako kailangang hintayin,” maangas na wika ni Maximillian. Kaagad na nagbaling ng tingin sa kanya si Aleyna, “tinutukan mo ng baril si papa.” Matigas at direkta ang wika ni Aleyna. May bahid ito ng galit at inis sa lalaki na kausap niyan ngayon, naka-ngisi sa kanyang harapan. Nagsukatan sila ni Aleyna ng tingin. Hindi niya mawari ang nasa isip ngayon ni Maximillian. “Tapos? Ano ngayon kung tinutukan ko siya ng baril?” Nang mag-usap si Aleyna at ang kanyang ama kanina ay inamin nito lahat ng nangyari sa pagitan nila ni Maximillian nang nag-aayos siya ng mga gamit sa silid kasama ang kapatid na si Ali. Galit ang unang naramdaman ni Aleyna, hindi niya inaasahan na gagawin ‘yun ni Maxi
“Mahina ka Aleyna, nagtatapang-tapangan ka lang para sa pamilya mo.” Ito ang salitang tumatak kay Aleyna sa lahat ng sinabi sa kanya ni Maximillian kaninag umaga. Iniwan niya ang tahanan ni Maximillian upang magtungo sa pamilya niya na nasa kabilang subdivision lamang, inihatid siya ng mga tauhan ni Maximillian doon dahil na din sa habilin ng amo nila na bantayan ang kilos ni Aleyna. Sa sandaling makababa si Aleyna sa sasakyan ay bumungad sa kanya si Belinda, magiliw itong sumasayaw sa harap ng tahanan habang nagpaptugtog ng isang malakas na musika sa loob ng tahanan. “Aleyna, anak ko!” Turan nito sa kanya na siyang nagpa-ikot ng mata ni Aleyna, “ano ho ang kailangan niyo?” Maamo sa araw na iyon si Belinda. Habang umiindayog siya sa musika ay nakangiti siya ng abot tainga kay Aleyna, “tinawag ka lang na anak, ang sungit mo naman!” Nasanay si Aleyna na hindi sa ganitong maayos na paraan siya kinakausap ng madrasta niya. Hindi na sana papansinin pa ni Aleyna ang madrasta niya pero p
Isang napakalaking balita para kay Aleyna ang makilala si Lolita at malaman na kaya isinama siya ni Maximillian sa kanyang opisina ay para sa magaganap na eleksyon. “Anong ibig-sabihin nito?” Hindi pinansin ni Maximillian ang tanong ni Aleyna, sa halip ay bumaling ito kay Aleyna at inilahad ang kamay niya upang magbigay ng karapatan dito na magsalita. “A month from now ay magfa-file ng candidacy si Mr. Gael as San Felipe’s Mayor, isa ka sa magiging taga-kampanya niya bilang kanyang asawa. You don’t have to worry anything, tutulungan at tuturuan kita tungkol sa lahat ng bagay na gagawin mo.” Magiliw na wika ni Lolita, “I’ll be seeing you next week since Mr. Gael told me na you have a lot of things to do pa. Naistorbo pa yata ng darating na eleksyon ang honeymoon niyo.” Napaismid si Aleyna habang si Lolita naman ay abot tainga ang ngiti sa kanilang dalawa ni Maximillian. “Yeah. We had to postpone the honeymoon, but we’ll get there. Hindi ba, Aleyna?” Mapanuyang sabi ni Maximillian,
Bumalik si Aleyna at ang sekretarya ni Maximillian sa opisina na akala mo ay walang nangyari sa pagitan nilang dalawa, nag-angat ng tingin si Maximillian kay Aleyna saka siya sinuri ng tingin. “Hey, get me a cup of coffee. Take Aleyna with you, she looks like she’s hungry.” Walang anumang pagpapakahulugan o lambing sa tono nito, waring nag-aasar pa kay Aleyna. Sumunod lang si Aleyna saka lumabas ng silid, inip na inip na siya pero ayaw siyang paalisin ni Maximillian. Gusto sana niyang asikasuhin sa araw na iyon ang mga dokumento ng kapatid niya upang makapag-aral na ito, gayundin ay aasikasuhin niya na ang magiging check-up ng ama niya. Nang muling makalabas si Aleyna sa silid, agad na nauna sa kanyang lakad ang sekretarya ni Maximillian saka pilit na pinatunog ang heels nito habang naglalakad sila. Tanging ang tunog ng heels ang naririnig sa buong pasilyo, pati sa paglalakad ay tila nakikipag-kumpetisyon sa kanya ang babae. Lumabas sila ng building ng Gael Industries saka pumunta
Inihatid muli ni Maximillian ang pamilya ni Aleyna, nagpasalamat ang mga ito sa kanya. ‘It’s my responsibility,” tanging wika niya bago sila nagpaalam ni Aleyna. Sa loob ng sasakyan ay hindi maiwasan ni Aleyna na isipin lahat ng ginawa ni Maximillian. Siya ang gumastos sa pagpapagamot ng ama at kapatid niya, napag-usapan nila na sa susunod na linggo ay makakabalik na ito sa pag-aaral, pinag-drive sila ni Maximillian, at pinakain pa. “Salamat,” sinserong sambit ni Aleyna habang nakayuko ang ulo. Nahihiya siyang tingnan si Maximillian dahil sa mga pangyayari nung nakaraan. Ang pagtutok nito sa baril sa kanyang ama at maging sa kanya, at ang pinakita nitong kabaitan ay talaga namang nakakalito. Ngunit sa buong araw na iyon ay buong puso ang pasasalamat niya dahil sa ginawa ni Maximillian. “Tungkol sa pagtakbo mo bilang Mayor ng San Felipe, isa din ba ‘yun sa dahilan kaya ako ang pinakasalan mo?” Pinarada ni Maximillian ang sasakyan. “Oo,” diretsuhan niyang sagot. “Kailangan kong makuh
Magarbo ang bawat pasilyo ng tahanan ni Kalistro Landerlin. Kulay itim at ginto ang tema, mula sa mantel ng mga mesa, ang telon, mga kurtina. Kumikinang ang kulay ng ginto sa eleganteng pagtitipon, karamihan sa mga bisitang naroroon ay nakasuot din ng itim at gintong kulay na pormal na mga damit. Hindi pa nagsisimula ang selebrasyong pinamunuan ng Mayor ng bayan ngunit mainit na ang mga usapin tungkol sa dahilan ng engrandeng pagpupulong. Madaming pagkain, lahat ng mesa ay mayroong nakapatong na mamahaling alak, ang lahat ay naghihintay para sa magaganap. Alam na ng karamihan na ito’y para sa ganap na deklarasyon ng kandidatura ng kasalukuyan nilang Mayor upang tapusin ang termino nito. Bukod doon ay inaabangan din ng karamihan na makausap ito upang makipag-alyansa o di kaya naman ay mag-deklara ng pagsuporta upang magkaroon ng koneksyon. Palakasan, upang sa pagdating na umupo muli ang Mayor ay madami silang proyektong maipapasok sa lugar. Matapos ayusin ni Kalistro ang ilang dokume
Malaki ang ngisi ni Kalistro dahil sa pagkamangha sa tinuran ni Aleyna. Hinigit niya ang bewang ni Aleyna at hinapit pa ito lalo palapit sa kanya, bumulong siya sa tainga nito, “I envy Maximillian. You’re one heck of a woman, dating taga-Kaliwa ngayon ay nandito at isinasayaw ng Mayor ng San Felipe.” Diretsong wika nito na ikinainis ni Aleyna. “Dahil nasa kanya ako at wala sa’yo? Pakiramdam mo nalamangan ka niya?” Nahahalata niyang mayabang si Kalistro at mayroon pa itong mas malalim na galit kay Maximillian, ang hindi naman niya maintindihan ay si Maximillian na hinayaan siya. Hinawakan ni Kalistro ang kulot na buhok ni Aleyna at marahan itong hinaplos, kaagad na inalis ni Aleyna ang kamay na iyon ni Kalistro. “Pera lang ba talaga ang dahilan mo kaya mo pinakasalan si Maximillian? Alam mo, namumukhaan kita.” Umiling si Aleyna, “ngayon lang ako napadpad sa Kanan.” Sagot ni Aleyna. Hindi lang dahil na kay Maximillian na si Aleyna kaya naiinggit si Kalistro, aminado siya sa sarili n
Sinubukang tanggalin ni Aleyna ang make up na kumalat na sa kanyang mukha, wala siyang panyo o anumang gamit kaya naman nahirapan siya. Wala ding available na tissue sa loob ng banyo kaya naman umasa lang siya sa kanyang kamay at sa tubig, ibinaliktad niya din ang laylayan ng dress niyan upang punasan ang kanyang mukha ngunit hindi iyon gaanong epektibo dahil sa tela ng chiffon dress. Napabuntong-hininga siya saka humarap sa salamin, buti na lamang ay wala pang ibang pumapasok sa banyo at patapos na pagtitipon kaya kahit paano ay gumaan ang kanyang loob. Sinubukan niyang gawin muli ang ginawa niya kanina upang mabawasan ang pagkakalat ng make-up niya, nang sa tingin niya’y ayos na siya ay lumabas na siya ng banyo at taimtim na umusal na sana ay umuwi na sila ni Maximillian. Nakayuko ang ulo niya sa paglalakad upang walang makakita sa kanya, ginamit niya din ang mahaba niyang buhok upang takpan ang kanyang mukha. Mula kanina ay hindi inalis ni Kalistro sa kanyang mga mata si Aleyna,
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Maximillian, hiningi niya ang tulong ng labinlimang kapitan del barrio upang tulungan siya sa darating na eleksyon. Kinumbinsi niya ang mga ito at inilatag sa kanya ang mga plano niya. Ngunit mahirap kumbinsihin ang mga taong may pinaniniwalaan na. Lalo pa’t nasubukan na nila ang bulok na sistema, gumagana naman iyon para sa kanila, at nabubuhay naman sila doon kahit paano. Takot sila sa pagbabago at sa pamumuno ng ibang taong hindi nila gaanong kakilala. Hindi nila kilala si Maximillian o ang mga Gael sa larangan ng pulitika, mga negosyante ang mga ito, kapitalista, malalaking tao – kaya’t nagtataka sila sa kabutihang ipinapakita nito sa kanila. O baka gaya ng maraming tao ay pangako lamang ang mga iyon at mananatiling mga mabubulaklak na salita. “Baka naman mas masahol ka pa kay Landerlin?” Wika ng isa sa mga lalaki, nagbaling doon ng tingin si Maximillian at saka umiling. “I am a thousand times better than that guy.” Itinikom ni Maximillian a
Payapa ang kalangitan habang pinagmamasadan ito ni Maximillian. Hindi gaya ng mga nakaraang taon sa buhay niya – hindi siya mag-isa sa mga sandaling iyon. Halos isang buwan na ang nakalipas, mula nang maikasal sila ni Aleyna. Hindi niya masabing umaayon ang lahat sa plano dahil kahit maayos naman ang takbo ng relasyon nila ni Aleyna, wala kasi sa plano niya ang mahulog sa babae. Yakap ni Maximillian si Aleyna habang marahang hinahaplos ang balikat niya. Mag-iisang buwan na simula nang maikasal sila, at kahit hindi niya aminin ay nasasanay na siya sa presensya ni Maximilian. Sa bawat araw na dumadaan mula nang magdesisyon si Maximillian na sa iisang silid na sila matulog ay tila ba nagbago ang lahat. Gumigising siyang si Aleyna ang unang nakikita at natutulog na siya ang huling naalala. “Hindi ba malamig dito masyado?” Tanong ni Aleyna, umiling si Maximillian bilang tugon. “Just enough because of your warmth.” Tila ba ibang tao si Maximillian mula ng makilala niya ito sa House of
Hindi mapakali si Anastacia sa kinahihigaan niya. Nakailang baling na siya upang makuha ang tamang pwesto sa pagkakahiga pero hindi pa din siya makatulog. Siguro dahil sa panaginip niyang hindi niya maunawaan. Nababahala siya at hindi maiwasang isipin kung ano nga ba ang nais ipahiwatig ng mga panaginip na iyon. Pagod siya sa maghapong trabaho, sa susunod na linggo kasi ay magsisimula na ang konstruksyon ng building ng mga Gael kaya naman inaayos niya na ang lahat ng supply na manggagaling sa kanila, ayaw niyang mapahiya sa mga Gael. Batay sa panaginip niya ay nakasakay siya sa isang pampublikong sasakyan bitbit ang isang bag. Nakaupo siya sa gilid ng bintana, umuulan, at siksikan ang bawat sasakyang nakikita niya – maging ang sinasakyan niya sa mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung bakit pero sa panaginip na iyon ay sobrang bigat ng pakiramdam niya – para bang ayaw niyang umalis, hindi niya gusto ang nangyayari, at tila may iniwan siyang hindi niya mawari kung ano o sino. Haban
Matapos ang filing of candidacy, opisyal na magkalaban na sa pwesto sa pagka-alkalde sina Maximillian at Kalistro. Kaagad na umuwi si Maximillian matapos resolbahin ang problema niya tungkol kay Wenina.Kausap ni Aleyna ang pamilya niya sa telepono. Nakinig siya sa walang katapusang kwento ni Ali habang gumagawa ito ng proyekto, masaya pa dina ng kapatid niya dahil sa isang araw na bakasyon sa private island na pinuntahan nila. Ganoon din si Belinda, bukod sa walang kapaguran na pagsasalita nito ay nagrereklamo din tungkol sa pagkakaroon ng sarili nilang katulong. Hindi pa din pumapayag si Aleyna dahil nakikita naman niyang kaya ni Belinda ang mga gawaing bahay, halos wala na nga itong gingawa dahil kahit pumapasok sa eskwelahan si Ali ay ito pa din ang nag-aasikaso kay Ruel. Sa loob ng isang Linggo ay ganoon ulit ang routine ni Aleyna, pupunta sa pamilya niya, tutulong kay Manang Sabel, maglilinis ng bahay at aasikasuhin si Maximillian sa tuwing uuwi ito sa bahay. Hindi kagaya noo
Hindi nakakilos si Aleyna nang paglapatin ni Maximillian ang labi nilang dalawa. Mabagal ang halik nito habang naglalakbay ng bahagya ang kamay sa bandang likuran niya. Napasinghap si Aleyna nang bigla siyang binuhat ni Maximillian at panandaliang naghiwalay ang mga labi nila. “We’re good?” Hindi nakasagot si Aleyna. Kagabi lang nag-aaway sila, kagabi lang ay galit siya. Tapos kaninang umaga nang gumising siya’y gusto niyang ayusin ang nangyari kagabi, hindi naman niya inaasahan sa ganoong paraan makikipag-ayos sa kanya si Maximillian. Hindi na hinintay pa ni Maximillian ang sagot ni Aleyna, hinalikan niya muli sa labi ang asawa at saka marahang naglakad paahon sa pool. Walang karanasan si Aleyna sa ganitong bagay kaya nagpatangay na lamang siya kay Maximillian. Hindi din nagtagal ay nakarating sila sa silid. Ibinaba ni Maximillian sa kama si Aleyna at saka tiningnan ng taimim ang babae. Ramdam ni Aleyna ang malakas na tibok ng puso niya at ang pag-init ng kanyang pisngi. Tila
Bago lumapat sa mukha ni Maximillian ang mga kamay ni Aleyna ay napigilan niya ito, “what the hell is your problem?” Sinubukang kuhanin ni Aleyna ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Maximillian pero hindi niya iyon nagawa. “Bitawan mo ako!” Hindi sumunod si Maximillian, sa halip ay hinila niya palabas ng bahay si Aleyna upang makausap ito ng maayos. “What is your problem?!” Kanina lamang ay maayos ang lahat. Nag-eenjoy sila sa payapang isla at nakakapag-usap ng maayos. Hindi gaanong nakihalubilo si Maximillian sa pamilya ni Aleyna ngunit naroroon siya upang asikasuhin sila – isang bagay na hindi niya nagawa sa mismong pamilya niya. “Anong sinasabi mo kay Ali?! Alam kong pinaimbestigahan mo ang pamilya ko kaya anong sinabi mo sa kapatid ko?” Hindi nagpupumilit si Ali kapag tumatanggi sa usapan sina Aleyna at Ruel pero kanina ay nagulat sila dahil nagtaas ito ng boses at pilit na nagtatanong tungkol sa kanilang ina. “Anong sinabi mo sa kanya?!” Hinampas ni Aleyna sa dibdib si
Sa ganoong posisyon nadatnan nina Ali, Ruel, at Belinda sina Maximillian at Aleyna. “Hoy! Hindi sa kusina ginagawa iyan!” Sigaw ni Belinda na siyang ikinainit ng mukha ni Aleyna. Tinulak niya si Maximillian saka kaagad na tumayo. “She lost her balance.” Pagpapaliwanag ni Maximillian habang hindi makatingin ng diretso kay Aleyna, maging siya ay nabigla dahil sa nangyari. “Sus! Huwag na kayong magdahilan. Ang mga kabataan talaga!” Naghilamos si Aleyna. Kinukuha niya ang tingin ng ama niya pero umiiwas ito. Matapos nilang magtanghalian at makapagpahinga ng kaunti ay kaagad na nagbihis si Belinda at Ali. Hindi ganoon kataas ang sikat ng araw kaya naman kahit alas-dos ng tanghali ay hindi ganoon kainit. Tahimik lamang si Ruel habang pinagmamasdan ang pamilya niya. Naiwan sa loob ng bahay si Maximillian dahil mayroon itong kausap sa telepono. Nilapitan ni Aleyna si Ruel, “pa?” Sila lamang ang nandoon sa tahimik na isla, banayad ang hangin, at talaga namang damang-dama ang kapayapaan
Nakarating ang buong pamilya ni Aleyna sa Cleave’s Private Island. May kalayuan ito sa bayan ng San Felipe ngunit madali ang naging biyahe dahil kay Maximillian. Lumapag ang chopper na sinasakyan nina Aleyna. Mula sa bahay ay sinundo sila ni Maximillian saka sila bumaba sa kaparehong building kung saan inayusan si Aleyna noon. Nagtungo sila sa rooftop at doon ay nag-aabang sa kanila ang mismong private helicopter ni Maximillian. Hindi naiwasan ni Aleyna na kabahan dahil unang beses pa lamang niyang makakasakay sa isang sasakyang panghimpapawid. Si Belinda naman ay panay ang daldal dahil sa pagkamangha sa kakayahan ni Maximillian. “Diyan ba tayo sasakay? Hindi pa ako nakakasakay sa ganyan! Nakikita ko lang ‘yan sa telebisyon. Ayos ka talaga Aleyna!” Maingay ang helicopter pero malakas din ang bibig ni Belinda kaya naman dinig na dinig ni Aleyna ang tinuran ng kanyang madrasta. “Let’s go.” Hinawakan ni Maximillian ang kamay ni Aleyna at inalalayan siya upang makasakay. Nang makasak
Hindi nakakilos si Aleyna dahil sa titig ni Maximillian, tila ba natigil ang paghinga niya dahil sa lalaki. Ang katotohanan ay kinamumuhian ni Aleyna ang mga tao sa Kanan – at dahil taga-Kanan si Maximillian ay isa siya sa mga taong inaayawan niya. Ngunit sa unti-unti nitong paglapit sa kanya at sa kanyang pamilya, tila ba namumuo ang tanong sa kanyang isipan kung radikal ba na isiping hindi naman siguro lahat ng taga-Kanan ay masasamang tao. Umiling siya upang iwaksi sa kanyang kaisipan ang ibang mga bagay. Mali at wala iyon sa diksyunaryo niya, pakitang-tao lamang ang lahat. “Stay here for a second.” Tumingin si Aleyna kay Maximillian ng may pagtataka, pilit niyang iniwasan ng tingin ang labi ni Maximillian. “B-bakit?” Tanong niya nang hindi makatingin ng diretso kay Maximillian, “where’s your mother?” Napabalikwas si Aleyna sa kanyang kinauupuan. Hindi niya inaasahan na manggaling kay Maximillian ang katanungan na iyon, alam niyang pina-imbestigahan siya ni Maximillian kaya naman