Naalala ni Aleyna ang unang beses na magkita sila ni Maximillian – sa house of Magda. Ang dating nito’y arogante at talagang mayroong ipagmamalaki dahil madaming pera, idagdag pa na mula ito sa Kanan. Naalala ni Aleyna ang unang bese na tingnan siya ni Maximillian – puno ng panghuhusga at pagkilatis – at hindi gaya noon ang tingin sa kanya ngayon ni Maximillain. May kakaiba doon, malalim ang tingin at waring inaasar si Aleyna. Nag-iwas ng tingin si Aleyna, sa sahig dumako ang paningin niya, “salamat, pero alam mo naman na hindi mo na kailangan na gawin iyon. Hindi mo naman kailangang kuhanin ang loob ng pamilya ko, alam naman ng tatay ko na isang taon lang ang kasunduan na ‘to. Pagkatapos ng lahat ng ‘to, babalik na din kami sa Kaliwa o kaya sa ibang bayan para magsimula ulit.” Dire-diretsong wika ni Aleyna habang hindi pa din matingnan ng diretso si Maximillian. Itinaas ni Maximillian ang kanyang kanang kamay sa pader – sa taas ng ulo ni Aleyna. Ang kaliwang kamay naman niya ay
Bumaba ang pamilya matapos iparada ni Maximillian ang sasakyan. Halos lahat ng tao na nandoon sa karinderya ay napalingon at nagtinginan. Bihira ng mga taong may sariling sasakyan para sa mga taga-Kaliwa, kung mayroon kang sasakyan, nangangahulugan ito na isa ka sa mga may kaya o di kaya’y taga-Kanan ka. Ibinaba ni Maximillian ang ama ni Aleyna sa sasakyan saka ito marahang itinulak papasok sa karinderya, kaagad namang naunang lumakad si Ali at Belinda sa loob na kapwa binati ng may ari ng karinderya. “Teresita!” Bati nito kay Belinda, umismid naman si Belinda saka nakipagplastikan. Nagseselos kasi siya kay Teresita dahil paborito ng asawa niyang si Ruel ang mga putahe na niluluto nito lalo na ang specialty nito na Pancit Ulam. Hindi kasi siya nakausap ni Ruel o nasabihan manlang na paborito nito ang mga ulam na niluluto niya. “Belinda! Kumusta na? Si Ruel?” Magiliw na bati ni Ginang Teresita saka sinundan ng tingin si Ruel na itinutulak ng isang gwapong lalaki. Kaagad na kumuh
Hindi nakakilos si Aleyna dahil sa titig ni Maximillian, tila ba natigil ang paghinga niya dahil sa lalaki. Ang katotohanan ay kinamumuhian ni Aleyna ang mga tao sa Kanan – at dahil taga-Kanan si Maximillian ay isa siya sa mga taong inaayawan niya. Ngunit sa unti-unti nitong paglapit sa kanya at sa kanyang pamilya, tila ba namumuo ang tanong sa kanyang isipan kung radikal ba na isiping hindi naman siguro lahat ng taga-Kanan ay masasamang tao. Umiling siya upang iwaksi sa kanyang kaisipan ang ibang mga bagay. Mali at wala iyon sa diksyunaryo niya, pakitang-tao lamang ang lahat. “Stay here for a second.” Tumingin si Aleyna kay Maximillian ng may pagtataka, pilit niyang iniwasan ng tingin ang labi ni Maximillian. “B-bakit?” Tanong niya nang hindi makatingin ng diretso kay Maximillian, “where’s your mother?” Napabalikwas si Aleyna sa kanyang kinauupuan. Hindi niya inaasahan na manggaling kay Maximillian ang katanungan na iyon, alam niyang pina-imbestigahan siya ni Maximillian kaya naman
Nakarating ang buong pamilya ni Aleyna sa Cleave’s Private Island. May kalayuan ito sa bayan ng San Felipe ngunit madali ang naging biyahe dahil kay Maximillian. Lumapag ang chopper na sinasakyan nina Aleyna. Mula sa bahay ay sinundo sila ni Maximillian saka sila bumaba sa kaparehong building kung saan inayusan si Aleyna noon. Nagtungo sila sa rooftop at doon ay nag-aabang sa kanila ang mismong private helicopter ni Maximillian. Hindi naiwasan ni Aleyna na kabahan dahil unang beses pa lamang niyang makakasakay sa isang sasakyang panghimpapawid. Si Belinda naman ay panay ang daldal dahil sa pagkamangha sa kakayahan ni Maximillian. “Diyan ba tayo sasakay? Hindi pa ako nakakasakay sa ganyan! Nakikita ko lang ‘yan sa telebisyon. Ayos ka talaga Aleyna!” Maingay ang helicopter pero malakas din ang bibig ni Belinda kaya naman dinig na dinig ni Aleyna ang tinuran ng kanyang madrasta. “Let’s go.” Hinawakan ni Maximillian ang kamay ni Aleyna at inalalayan siya upang makasakay. Nang makasak
Sa ganoong posisyon nadatnan nina Ali, Ruel, at Belinda sina Maximillian at Aleyna. “Hoy! Hindi sa kusina ginagawa iyan!” Sigaw ni Belinda na siyang ikinainit ng mukha ni Aleyna. Tinulak niya si Maximillian saka kaagad na tumayo. “She lost her balance.” Pagpapaliwanag ni Maximillian habang hindi makatingin ng diretso kay Aleyna, maging siya ay nabigla dahil sa nangyari. “Sus! Huwag na kayong magdahilan. Ang mga kabataan talaga!” Naghilamos si Aleyna. Kinukuha niya ang tingin ng ama niya pero umiiwas ito. Matapos nilang magtanghalian at makapagpahinga ng kaunti ay kaagad na nagbihis si Belinda at Ali. Hindi ganoon kataas ang sikat ng araw kaya naman kahit alas-dos ng tanghali ay hindi ganoon kainit. Tahimik lamang si Ruel habang pinagmamasdan ang pamilya niya. Naiwan sa loob ng bahay si Maximillian dahil mayroon itong kausap sa telepono. Nilapitan ni Aleyna si Ruel, “pa?” Sila lamang ang nandoon sa tahimik na isla, banayad ang hangin, at talaga namang damang-dama ang kapayapaan
Bago lumapat sa mukha ni Maximillian ang mga kamay ni Aleyna ay napigilan niya ito, “what the hell is your problem?” Sinubukang kuhanin ni Aleyna ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Maximillian pero hindi niya iyon nagawa. “Bitawan mo ako!” Hindi sumunod si Maximillian, sa halip ay hinila niya palabas ng bahay si Aleyna upang makausap ito ng maayos. “What is your problem?!” Kanina lamang ay maayos ang lahat. Nag-eenjoy sila sa payapang isla at nakakapag-usap ng maayos. Hindi gaanong nakihalubilo si Maximillian sa pamilya ni Aleyna ngunit naroroon siya upang asikasuhin sila – isang bagay na hindi niya nagawa sa mismong pamilya niya. “Anong sinasabi mo kay Ali?! Alam kong pinaimbestigahan mo ang pamilya ko kaya anong sinabi mo sa kapatid ko?” Hindi nagpupumilit si Ali kapag tumatanggi sa usapan sina Aleyna at Ruel pero kanina ay nagulat sila dahil nagtaas ito ng boses at pilit na nagtatanong tungkol sa kanilang ina. “Anong sinabi mo sa kanya?!” Hinampas ni Aleyna sa dibdib si
Hindi nakakilos si Aleyna nang paglapatin ni Maximillian ang labi nilang dalawa. Mabagal ang halik nito habang naglalakbay ng bahagya ang kamay sa bandang likuran niya. Napasinghap si Aleyna nang bigla siyang binuhat ni Maximillian at panandaliang naghiwalay ang mga labi nila. “We’re good?” Hindi nakasagot si Aleyna. Kagabi lang nag-aaway sila, kagabi lang ay galit siya. Tapos kaninang umaga nang gumising siya’y gusto niyang ayusin ang nangyari kagabi, hindi naman niya inaasahan sa ganoong paraan makikipag-ayos sa kanya si Maximillian. Hindi na hinintay pa ni Maximillian ang sagot ni Aleyna, hinalikan niya muli sa labi ang asawa at saka marahang naglakad paahon sa pool. Walang karanasan si Aleyna sa ganitong bagay kaya nagpatangay na lamang siya kay Maximillian. Hindi din nagtagal ay nakarating sila sa silid. Ibinaba ni Maximillian sa kama si Aleyna at saka tiningnan ng taimim ang babae. Ramdam ni Aleyna ang malakas na tibok ng puso niya at ang pag-init ng kanyang pisngi. Tila
Matapos ang filing of candidacy, opisyal na magkalaban na sa pwesto sa pagka-alkalde sina Maximillian at Kalistro. Kaagad na umuwi si Maximillian matapos resolbahin ang problema niya tungkol kay Wenina.Kausap ni Aleyna ang pamilya niya sa telepono. Nakinig siya sa walang katapusang kwento ni Ali habang gumagawa ito ng proyekto, masaya pa dina ng kapatid niya dahil sa isang araw na bakasyon sa private island na pinuntahan nila. Ganoon din si Belinda, bukod sa walang kapaguran na pagsasalita nito ay nagrereklamo din tungkol sa pagkakaroon ng sarili nilang katulong. Hindi pa din pumapayag si Aleyna dahil nakikita naman niyang kaya ni Belinda ang mga gawaing bahay, halos wala na nga itong gingawa dahil kahit pumapasok sa eskwelahan si Ali ay ito pa din ang nag-aasikaso kay Ruel. Sa loob ng isang Linggo ay ganoon ulit ang routine ni Aleyna, pupunta sa pamilya niya, tutulong kay Manang Sabel, maglilinis ng bahay at aasikasuhin si Maximillian sa tuwing uuwi ito sa bahay. Hindi kagaya noo