Payapa ang kalangitan habang pinagmamasadan ito ni Maximillian. Hindi gaya ng mga nakaraang taon sa buhay niya – hindi siya mag-isa sa mga sandaling iyon. Halos isang buwan na ang nakalipas, mula nang maikasal sila ni Aleyna. Hindi niya masabing umaayon ang lahat sa plano dahil kahit maayos naman ang takbo ng relasyon nila ni Aleyna, wala kasi sa plano niya ang mahulog sa babae. Yakap ni Maximillian si Aleyna habang marahang hinahaplos ang balikat niya. Mag-iisang buwan na simula nang maikasal sila, at kahit hindi niya aminin ay nasasanay na siya sa presensya ni Maximilian. Sa bawat araw na dumadaan mula nang magdesisyon si Maximillian na sa iisang silid na sila matulog ay tila ba nagbago ang lahat. Gumigising siyang si Aleyna ang unang nakikita at natutulog na siya ang huling naalala. “Hindi ba malamig dito masyado?” Tanong ni Aleyna, umiling si Maximillian bilang tugon. “Just enough because of your warmth.” Tila ba ibang tao si Maximillian mula ng makilala niya ito sa House of
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Maximillian, hiningi niya ang tulong ng labinlimang kapitan del barrio upang tulungan siya sa darating na eleksyon. Kinumbinsi niya ang mga ito at inilatag sa kanya ang mga plano niya. Ngunit mahirap kumbinsihin ang mga taong may pinaniniwalaan na. Lalo pa’t nasubukan na nila ang bulok na sistema, gumagana naman iyon para sa kanila, at nabubuhay naman sila doon kahit paano. Takot sila sa pagbabago at sa pamumuno ng ibang taong hindi nila gaanong kakilala. Hindi nila kilala si Maximillian o ang mga Gael sa larangan ng pulitika, mga negosyante ang mga ito, kapitalista, malalaking tao – kaya’t nagtataka sila sa kabutihang ipinapakita nito sa kanila. O baka gaya ng maraming tao ay pangako lamang ang mga iyon at mananatiling mga mabubulaklak na salita. “Baka naman mas masahol ka pa kay Landerlin?” Wika ng isa sa mga lalaki, nagbaling doon ng tingin si Maximillian at saka umiling. “I am a thousand times better than that guy.” Itinikom ni Maximillian a
Madilim ang gabi. Ang sariwang ihip ng hangin ay taimtim na yumayakap sa bawat taong nasa kalsada pa din kahit na hatinggabi na’t nag-aanyaya ang buwan ng pagtulog. Ngunit hindi ito ang oras ng paghimbing para sa mga taong nagnanais malamnan ang kani-kanilang tiyan at dumiskarte sa kawalan ng liwanag. Tahimik ang bawat eskinita at kalsada sa dulong bahagi ng bayan ng San Felipe kung saan naroroon madalas ang mga subdivision, magagarang tahanan, imprastrakturang nagtataasan, at balwarte ng mayayaman. Ngunit sa kabilang parte ay ang kabaliktaran. Maingay ang bawat oras – umaga man o gabi. Dito’y nakalagak ang iba’t-ibang hitsura ng tahanan. Mayroong kumpleto ang mga bahagi ng bahay at mayroong mukhang hindi tahanan ang hitsura dahil sa pinagtagping mga trapal bilang tabing at sirang mga yero bilang bubong. Kung swertehin ay may kahoy na pinto, kung wala ay tamang kurtina o kumot na lamang ang gamit bilang pinto. Kung matatawag ba itong tahanan, iyan ang tanong. Ang gabi ay malaking o
Mahirap ang buhay para sa kaliwang bahagi ng San Felipe. Akala mo’y hindi natutulog ang mga tao para lamang mayroong kitain sa araw-araw upang maitawid sa gutom ang kumakalam na sikmura. Tipikal na araw para sa kanila ang hindi mag-almusal, swerte kung mayroon, kung wala ay kinakailangan na maghanap para kahit sa pananghalian manlang ay makakain. “Ano ba Aleyna! Ang tagal naman ng sweldo mo, hindi ka ba makakadiskarte pa? Aba wala na tayong makain, ‘yung tatay mo na demonyo may sakit pa! Aba kailan pa iyan makakapagtrabaho ulit? Idamay mo pa ‘yang kapatid mo na palamunin at sakitin din. Ewan ko na kung ano ang gagawin ko! Tangin* naman ang buhay na ‘to oh!” Maaga pa lamang ay ganito ang eksena sa tahanan nina Aleyna. Walang habas ang bibig ng madrastang umaga pa lamang ay humihithit na ng sigarilyo at sumisigaw ng kung ano ano pero ang totoong intensyon lamang nito ay makahingi ng pera kay Aleyna. Makapanghingi ng pera, hindi dahil para bumili ng ilalaman sa tiyan kundi para makabi
Wala na yatang imamalas pa ang araw na ito para kay Aleyna. Parang pinagsakluban siya ng langit at lupa nang marinig ang anunsyo ng doktor sa kanya. Bukod sa stroke ay nahawa ang ama niya ng tuberculosis mula sa kay Ali. Naghalo-halo na ang emosyon niya, mula sa kawalan ng trabaho, ang pagkakarindi sa boses ng madrasta, ang nangyayari ngayon sa kanyang ama at kapatid. Ang kaguluhan sa lahat ng ito. Madaling araw na, ubos na ang sampung libong piso na kinita niya sa loob ng isang buwan. Ang huling sweldo niya. Napunta lahat ng ito sa ospital dahil kung hindi siya magbibigay ng paunang bayad ay hindi iaadmit ang kanyang ama. Lumabas siya ng ospital upang magpahangin sa labas. Gabi na ngunit madami pa din ang mga taong nasa labas, nauunawaan niyang ang mga ito ay dumidiskarte para magkaroon ng pera. Pumunta siya sa likod ng ospital, sa parking lot at doon ay tahimik na umiyak. Wala siyang kamag-anak na malapitan. Wala na ang lolo’t lola niya sa kanyang ama, ang nag-iisang kapatid nito
Ang mga mata ng babae ay patuloy na naglakbay sa kabuuan ni Aleyna, “Madam Heidi,” wika nito sabay lahad ng kamay, nang tanggapin ni Aleyna ito ay hinigit siya ni Madam Heidi. Inihawak nito ang kamay niya saka hinaplos ang kanyang braso, “makinis, maputi.” Napangisi si Madam Heidi habang kaagad na hinila ni Aleyna ang kamay mula sa pagkakahawak ng babae. “Pwede ka ng magsimula ngayong gabi, gusto mo ba?” Alam ni Aleyna ang patutunguhan ng usapan at ang trabahong iaalok nito. Mabilis ang kabog ng dibdib niya, ni hindi pa nga siya nagkaroon ng kasintahan o nakaranas ng anumang tawag ng laman kaya’t ganun na lamang ang kanyang kaba. “Halika na, habang maaga pa.” Hinigit siya ni Madam Heidi saka itinuro ang isa sa mga bahay-aliwan gamit ang mapula nitong nguso. “Ayos ba? Malaki ang kita dito, ako bahala sa’yo.” Bago pa man makarating sa itinurong lugar ni Madam Heidi ay kumawala si Aleyna sa mahigpit na pagkakahawak nito. Nanlalamig ang kamay niya, ilan sa mga babae ang nakatingin na sa
Isang grupo ng kalalakihan ang pumili kay Aleyna. Sa suot pa lamang ng mga ito at kanilang hitsura ay nagsusumigaw na sa estado nila sa buhay. Matapos siyang ihatid ni Madam Heidi sa mesa ay umalis din ito kaagad, "ayusin mo," habilin nito na paulit-ulit. Pinaupo siya ng mga lalaki, wala itong sinabi sa kanya liban sa samahan sila hanggang alas-dose, uminom kung gusto, umupo lamang sa tabi, at kumuha ng sigarilyo sa mesa kung gusto niya. Nagtataka siya, hindi manlang siya binigyan ng malaswang tingin ng kalalakihan na aabot ata sa sampu. Nag-uusap lamang ang mga ito, nagbibiruan, at kung minsan ay titingnan siya para tanguan lamang. Hindi niya alam kung bakit, siya lamang ang nakakaranas ng ganoong trato. Ang ibang lamesa ay mayroong higit sa isang babae, ang mga ito'y naka lingkis sa mga customer na akala mo'y ahas, ang iba'y dikit na dikit sa isa't-isa – naghahalikan at konti na lamang ay doon na gagawa ng kung anumang himala. "Sigurado ka ba dito?" Dinig niyang tanong ng isa sa
Sa kanang bahagi ng San Felipe kung saan naroroon na yata ang lahat ng magagandang bagay. Mula sa mga bahay, imprastraktura, kayamanan, pera, mga negosyo, malalaking industriya. Kung sa kaliwang bahagi ay naglalaban ang mga tao para sa kakarampot na pera, sa kabila naman – ito ang bahagi ng San Felipe kung saan naglalaban ang mga mamamayan para sa kapangyarihan at posisyon. Ang bawat oras ay mahalaga. Para sa kanang bahagi ng bayan ng San Felipe, ang bawat kilos ay kinakailangang maayos at organisado, kung hindi ay maraming pera ang mawawala at malulugi. Matapos magbihis ni Maximillian ay itinulak niya ang isang babae na anak ng ka-sosyo niya sa negosyo. Tinignan niya ng taimtim ang orasan, mahigit limang minuto na siyang nasa silid kasama ang babae. “Aalis ka na agad? Ang bilis naman, nabitin ako.” Wika nito sabay lingkis kay Maximillian. Sinubukan niya itong halikan sa leeg pero umiwas ang lalaki saka siya tuluyang iniwan. Napabuntong-hininga ang babae sabay waksi sa isipan ang n