Wala na yatang imamalas pa ang araw na ito para kay Aleyna. Parang pinagsakluban siya ng langit at lupa nang marinig ang anunsyo ng doktor sa kanya. Bukod sa stroke ay nahawa ang ama niya ng tuberculosis mula sa kay Ali. Naghalo-halo na ang emosyon niya, mula sa kawalan ng trabaho, ang pagkakarindi sa boses ng madrasta, ang nangyayari ngayon sa kanyang ama at kapatid. Ang kaguluhan sa lahat ng ito.
Madaling araw na, ubos na ang sampung libong piso na kinita niya sa loob ng isang buwan. Ang huling sweldo niya. Napunta lahat ng ito sa ospital dahil kung hindi siya magbibigay ng paunang bayad ay hindi iaadmit ang kanyang ama.
Lumabas siya ng ospital upang magpahangin sa labas. Gabi na ngunit madami pa din ang mga taong nasa labas, nauunawaan niyang ang mga ito ay dumidiskarte para magkaroon ng pera. Pumunta siya sa likod ng ospital, sa parking lot at doon ay tahimik na umiyak.
Wala siyang kamag-anak na malapitan. Wala na ang lolo’t lola niya sa kanyang ama, ang nag-iisang kapatid nito’y masama ang ugali, at ang mga kamag-anak sa parte ng kanyang tunay na ina ay hindi niya kinikilala. Sa isip niya’y iniwan na sila ng kanyang ina, umalis ito para sa kabutihan nila, “magtatrabaho ako para sa inyo, anak.” Iyon ang huling sinabi ng kanyang ina bago sila iniwan at kailanman ay hindi na bumalik pa. Hindi kailanman nagsalita tungkol sa ina nila ang kanyang ama. At maging siya ay hindi na din nagnanais na malaman ang katotohanan tungkol sa ina niyang lumisan na lamang bigla, nagpaalam na babalik, pero hanggang ngayon ay wala pa din.
“Tangin*…” mura niya habang patuloy ang paghikbi, wala siyang matakbuhan na kaibigan dahil lahat sila ay kapos din sa pera. Hindi niya maatim gumawa ng illegal na bagay dahil ayaw ng kanyang ama at hindi din kinakaya ng konsensya niya na magnakaw o dumiskarte sa illegal na paraan.
Ang tahimik na parking lot ay umingay, sunod-sunod ang mga sasakyan na dumating na akala mo’y nagkakakarera, lahat ng ito’y parang handang bumangga ng kung sino man ang haharang sa daan. Kasunod nito ay pagdating ng stretcher at nagtatakbuhang mga nurse papunta sa isa sa mga sasakyan. Doon ay tumambad sa kanya ang sugatan na mga kalalakihan, sa lahat ng ito ang isa ang umagaw ng kanyang pansin – ang lalaki na walang malay at umaagos ang dugo sa buong katawan. Hindi niya maaninag ang mukha nito. Mula sa mga suot at sa nagagagandahang sasakyan ay napagtanto niya na mula sa kabilang parte ng San Felipe nagmula ang mga taong iyon. Kung bakit sila nasa ganitong klase ng ospital, iyon ang hindi niya sigurado.
Matagal niyang tinitigan ang pangyayari bago naisipan na pumasok sa loob ng ospital upang tingnan ang kanyang ama.
Nagmadali siyang maglakad papasok at nang malapit na siya sa pintuan ng ama ay kinuhit siya ng isa sa mga nurse, “bills niyo daw,” pagpapaalala nito. Mula pagpasok sa ospital ay kailangan ang pera, mula sa mga proseso, hanggang sa paglabas. Wala naman siyang magawa at hindi niya masisisi ang institusyon ng mga ito, tama lamang ang kinikita ng ospital at sa paninigurado na masisingil lahat ng pumapasok sa kanila ay nasisiguro nilang kahit papaano ay makakapagpatuloy ang operasyon ng munting ospital.
Tinanguan niya ang nurse at sinabing susunod siya, ngunit ang totoo ay wala pa siyang pera pambayad sa mga tests na ginawa sa kanyang ama. Natuluyang lumayas si Belinda sa kanila, nanatili si Ali sa kanilang tahanan upang bantayan ito, at siya naman’y kaagad na sumugod sa ospital bitbit ang ama.
“Pa…” Hinawakan niya ang malamig nitong kamay. Kasalukuyan itong nakaratay sa kama at tahimik na natutulog. Sa lahat ng dalangin niya, ang winika na lamang niya ay kahit sana pera lamang para makalabas sa ospital ang ama at mabili ang kinakailangang gamot nito, kahit pang isang linggo lamang.
Hindi niya namalayan na nakatulog na siya, kung hindi tumunog ang speaker sa ospital na nag-aanunsyo ng emergency kung sino ang mayroong blood type na AB negative ay siguro patuloy lang ang paghimbing niya at pagtakas sa reyalidad.
Tila ba nabuhayan siya ng dugo, parang agad na narinig ng kalangitan ang panalangin niya. Sino ba ang mag-aakala na ang dugong hinahanap sa kasalukuyan ay match sa dugo niya. AB, Rh Negative. Hinalikan niya sa noo ang ama saka nagmamadaling pumunta sa front desk ng mga nurse.
“AB Negative ako.” Anunsyo niya na siyang ikinalaki ng mata ng mga nurse na nakausap niya, dagli siyang isinama ng mga ito sa isang silid, tinimbang saka ibinigay sa kanya ang consent form at saka siya tinanong tungkol sa kasalukuyan niyang kunsidyon. “Malusog ako at saka AB Negative talaga ang dugo ko. Rare ‘yon kaya ang swerte niyo.” Nauunawaan ito ng mga nurse kaya nga agad silang kumilos at nang kukuhanan na ng dugo si Aleyna ay pinigilan niya ang mga ito, “t-teka, wala bang bayad ‘to?” Huminga siya ng malalim, hindi niya sigurado kung tama ang ginagawa niyang paninigil pero ito lang ang paraan na naiisip niya para mailabas ang ama sa ospital. Nagtinginan ang mga nurse, isa sa kanila ay lumabas. “Teka lang,” wika ng isang nurse na naiwang kasama niya.
Hindi nagtagal ay dumating ang isang lalaki kasama ang nurse na umalis kanina, ang suot nito’y gaya ng mga mayayaman na nakita niya kanina sa paradahan ng ospital. “Limampung libo kada bag ng dugo.” Direktang sabi nito, walang patumpik-tumpik. Napangiti si Aleyna sa kanyang isipan. Wala siyang pakialam kung saan nila gagamitin ang dugo niya o kahit ano pa ang gawin nila dito.
Kabado si Aleyna sa ginagawa, pero isiniksik niya sa kanyang isipian na hindi ito illegal at wala siyang ginagawang masama. Para ito sa kanyang ama.
Isang bag ng dugo ang naibigay niya. Nanghihina siyang tumayo at pilit na pinakikiramdaman ang sarili. Gaya ng kasunduan, binigyan siya ng limampung libo para sa isang bag ng dugo. Inabot sa kanya ito ng cash. Hindi nakatakas sa nahihilong tingin niya ang titig ng lalaki sa kanya pero hindi niya ito pinansin at kaagad na dumiretso sa cashier ng ospital. Kailangan niya ng ilabas ang ama niya kung hindi ay patuloy na lalaki ang bayarin nila, ang huling bagay na gugustuhin niya ngayon ay mangutang. Hindi niya gusto ang ideya na iyon. Isa pa’y wala din naman siyang kilalang mauutangan, mayroon man ay grabe naman magpatubo ang mga iyon.
Tagumpay niyang naiuwi ang ama, sa kabutihang palad ay mayroon pa siyang natira na isang libong piso. Tumambad sa kanilang tahanan ang umiiyak na si Ali, sumalubong sa kanila ang binata. Kaagad nitong niyakap ang kapatid at ama.
Inihiga niya ang ama sa kama nito saka kinausap si Ali, “kumain ka na ba? Kumusta na ang pakiramdam mo?”
“Ayos lang ako ate. May kanin pa pero wala ng ulam.” Niyakap niya ang kapatid, hindi niya na sinabi na nahawa sa kanya ang kanilang ama dahil baka mag-isip pa ito ng kung ano-ano at sisihin lamang ang sarili. Sumapit ang hapon, matapos lamang ang kaunting pahinga pagkalabas sa ospital ay nagpaalam si Aleyna na maghahanap ng trabaho. Hindi pwedeng umupo na lamang siya at ipagpabukas ang gagawin. Bawat oras at segundo ay mahalaga, hindi dapat sinasayang. Totoong ginto ang oras, at kailanman hindi ito dapat itinatapon lamang sa wala – hindi ganoon dapat itrato ang ginto.
Nagsimulang suyurin ni Aleyna ang kanilang barangay, maging ang karatig nitong mga barangay upang magtanong kung saan mayroong maaaring mapagtrabahuhan. Sa lahat ng nakausap niya ay walang nakapagbigay ng ninanais niya na sagot. Sinuyod niya ang bawat karinderya, maliliit na tindahan, palengke, establisyementong hindi mo mawari kung mall ba o bodega, maging ang mga computer shops ay hindi niya pinalampas. Pero sa dami ng tao na nagnanais magtrabaho at sa konting mga pagkakataon para kumita ng pera, hindi sapat ang mga ito upang magkaroon ng mapagtatrabahuhan ang lahat ng nangangailangan nito.
Dumako si Aleyna sa Barangay Gumamela, ang lugar at pugad ng bahay-aliwan. Kahit saan ka lumingon ay mayroong mga babaeng mapupula ang labi at maikli ang mga damit – hapon pa lamang pero madami ng mga tao at buhay na buhay na ang lugar. Iwinaksi niya sa utak ang naiisip.
Papaalis na si Aleyna nang kausapin siya ng isang matangkad na babae. Gaya nang lahat ng kababaihan sa lugar na iyon, pulang pula ang labi nito, makapal ang make up, maikli ang suot na akala mo ay kinulang sa tela. Patuloy ang pag-ihip nito sa sigarilyo habang taimtim siyang tinitignan, “ngayon lang kita nakita dito,” sabi nito sa kanya.
Barangay Gumamela ang lugar na iniiwasan ni Aleyna, dahil sa simpleng dahilan na ayaw niyang maengganyong pumasok sa ganoong uri ng trabaho. Alam niyang mabilis siyang mapapapayag dahil sa kagipitan at kahit gaano kalabag sa loob niya ay gagawin niya ito para sa kanyang pamilya.
“Maganda ka.” Sabi ng babae sa kanya. Sa tantiya niya ay nasa kwarenta ang babae pero malakas ang pangangatawan at halatang sanay na sanay sa trabahong kinabibilangan. Umikot ito sa kanya at tinignan siya mula ulo hanggang paa, “gusto mo ng trabaho?” Alam niya kung ano ang iaalok nito sa kanya, hindi siya mangmang, at lalong hindi siya pinanganak kahapon lamang. Mulat ang mata niya sa reyalidad. Ganun pa man, kahit anong kumbinsi sa sarili na huwag ay pikit mata siyang tumango.
Ang mga mata ng babae ay patuloy na naglakbay sa kabuuan ni Aleyna, “Madam Heidi,” wika nito sabay lahad ng kamay, nang tanggapin ni Aleyna ito ay hinigit siya ni Madam Heidi. Inihawak nito ang kamay niya saka hinaplos ang kanyang braso, “makinis, maputi.” Napangisi si Madam Heidi habang kaagad na hinila ni Aleyna ang kamay mula sa pagkakahawak ng babae. “Pwede ka ng magsimula ngayong gabi, gusto mo ba?” Alam ni Aleyna ang patutunguhan ng usapan at ang trabahong iaalok nito. Mabilis ang kabog ng dibdib niya, ni hindi pa nga siya nagkaroon ng kasintahan o nakaranas ng anumang tawag ng laman kaya’t ganun na lamang ang kanyang kaba. “Halika na, habang maaga pa.” Hinigit siya ni Madam Heidi saka itinuro ang isa sa mga bahay-aliwan gamit ang mapula nitong nguso. “Ayos ba? Malaki ang kita dito, ako bahala sa’yo.” Bago pa man makarating sa itinurong lugar ni Madam Heidi ay kumawala si Aleyna sa mahigpit na pagkakahawak nito. Nanlalamig ang kamay niya, ilan sa mga babae ang nakatingin na sa
Isang grupo ng kalalakihan ang pumili kay Aleyna. Sa suot pa lamang ng mga ito at kanilang hitsura ay nagsusumigaw na sa estado nila sa buhay. Matapos siyang ihatid ni Madam Heidi sa mesa ay umalis din ito kaagad, "ayusin mo," habilin nito na paulit-ulit. Pinaupo siya ng mga lalaki, wala itong sinabi sa kanya liban sa samahan sila hanggang alas-dose, uminom kung gusto, umupo lamang sa tabi, at kumuha ng sigarilyo sa mesa kung gusto niya. Nagtataka siya, hindi manlang siya binigyan ng malaswang tingin ng kalalakihan na aabot ata sa sampu. Nag-uusap lamang ang mga ito, nagbibiruan, at kung minsan ay titingnan siya para tanguan lamang. Hindi niya alam kung bakit, siya lamang ang nakakaranas ng ganoong trato. Ang ibang lamesa ay mayroong higit sa isang babae, ang mga ito'y naka lingkis sa mga customer na akala mo'y ahas, ang iba'y dikit na dikit sa isa't-isa – naghahalikan at konti na lamang ay doon na gagawa ng kung anumang himala. "Sigurado ka ba dito?" Dinig niyang tanong ng isa sa
Sa kanang bahagi ng San Felipe kung saan naroroon na yata ang lahat ng magagandang bagay. Mula sa mga bahay, imprastraktura, kayamanan, pera, mga negosyo, malalaking industriya. Kung sa kaliwang bahagi ay naglalaban ang mga tao para sa kakarampot na pera, sa kabila naman – ito ang bahagi ng San Felipe kung saan naglalaban ang mga mamamayan para sa kapangyarihan at posisyon. Ang bawat oras ay mahalaga. Para sa kanang bahagi ng bayan ng San Felipe, ang bawat kilos ay kinakailangang maayos at organisado, kung hindi ay maraming pera ang mawawala at malulugi. Matapos magbihis ni Maximillian ay itinulak niya ang isang babae na anak ng ka-sosyo niya sa negosyo. Tinignan niya ng taimtim ang orasan, mahigit limang minuto na siyang nasa silid kasama ang babae. “Aalis ka na agad? Ang bilis naman, nabitin ako.” Wika nito sabay lingkis kay Maximillian. Sinubukan niya itong halikan sa leeg pero umiwas ang lalaki saka siya tuluyang iniwan. Napabuntong-hininga ang babae sabay waksi sa isipan ang n
Sa isang mabilis na kilos, lahat ng pumasok sa silid na guwardya ni Maximillian ay kaagad pinapuputukan ng baril ni Maximo. Para itong lasing na nag-aamok, maliban sa hindi bibig niya ang pinapairal kung hindi ang gatilyo ng baril. “Respeto, Maximillian. Hindi ba’t itinuro ko din ‘yan sa’yo?” Umiiling-iling na sabi ni Maximo sa apo ngunit hindi na siya naririnig nito. Ilang sa mga tauhan pa ni Maximillian ang duguan, maya-maya pa ay kumalma si Maximo at tinawag ang iba pang guwardiya ni Maximillian. “Dalhin ninyo sa ospital, sa kaliwa.” Nanlaki ang mata nang makita amo na nakahandusay sa sahig at walang malay, pati ang ilan nilang kasamahan sa trabaho na humihingi ng tulong at nagmamakaawa na dalhin sila sa ospital. Ang gusto ng matanda ay gumimbal sa mga rumespondeng mga gwardya, alam nilang walang gaanong kapasidad ang mga ospital sa kaliwang bahagi ng San Felipe, maliliit ang mga ito ay kulang sa mga kagamitang pang-ospital. Kung tutuusin ay mayroong pribadong mga doktor ang kanil
Matapos ipasara ni Maximillian ang bahay-aliwan ay ipinag-utos na niya sa kanyang tauhan ang dapat nilang gawin. Bumaba siya sa kanyang sasakyan. Pagod siya sa maghapon na pag-aasikaso sa trabaho pero hindi niya iyon ininda, ipinakita niya sa lolo niyang malakas siya at ang natamo niyang mga sugat ay wala lang para sa kanya. Handa na siyang kausapin si Aleyna sa gabing iyon at sabihin sa kanya ang nais niya. Isa lamang ang inaasahanag sagot ni Maximillian kay Aleyna – ang pumayag ito sa gusto niya. Sinigurado niyang alam niya lahat ng irarason kay Aleyna, lahat ng sasabihin niya na magpapapayag dito. Parang sa negosyo, kapag mayroon kang nililigawan na iba pang kumpanya – ganoon ang tingin ni Maximillian sa nangyayari at sa gagawin niya. Nang makaharap na ni Maximiliian si Aleyna ay ipinilig niya ang kaniyang ulo saka tinignan ng taimtim ang dalaga. Sa isip niya’y maganda naman ito, mukhang inosente pero naninigarilyo at umiinom ng alak. Sa tingin naman ni Aleyna kay Maximillian
Maghapong inabala ni Aleyna ang sarili. Iwinaksi niya sa isip ang naging desisyon niyang nang umaga na iyon at nagtungo sa bakanteng lote malapit sa kanila. Ginugol niya ang oras at lahat ng nararamdaman sa punching bag na ginawa niya. Sa isip niya’y pinaplano na niya kung papaano ang mangyayari sa magiging kasal at ang magiging pagsasama nila ni Maximillian sa loob ng isang taon. Hindi niya lubos na kilala ang lalaki maliban sa ilang impormasyon na nalalalaman niya – mayaman ito, arogante, makapangyarihan, at higit sa lahat taga kanang bahagi ng San Felipe. Wala naman sanang gaanong magiging problema sa kontrata na ipinrisinta sa kanya ni Maximillian, maliban sa isang kondisyon – ang bigyan ito ng anak. Iniisip niyang gagawin lamang siyang isang bagay upang magkaroon ng anak si Maximillian matapos nito’y iiwan niya ang magiging anak sa lalaki. Iniisip niya pa lang na magkakaroon siya ng anak sa isang taga-kanang bahagi ng San Felipe ay nanggangalaiti na siya sa inis, sigurado siya
Nanliit si Aleyna buong gabi. Ang pinuntahan nila ay talaga naman sumisigaw ng karangyaan kaya’t nasabi niya sa sarili niya na hindi siya nababagay doon. Kinakaawaan niya ang sarili habang iniisip kung gaano ka-sakim sa pera at karangyaan ang taga-kanan ng San Felipe. Sinagot ni Maximillian lahat ng katanungan niya at bagama’t nagugulumihanan ay pilit niyang initindi ang sitwasyon na kinakaharap niya sa ngayon. Masarap ang pagkain na nakahain sa mesa nila ngunit wala siyang gana. Naiisip niya’y kumakain siya ngayon ng ganitong mga pagkain ngunit ang ama at kapatid niya ay nasa kanilang tahanan – walang anumang ideya sa pagpapakasal niya sa isang taga-kanang bahagi ng San Felipe. Nakokonsensya siya pero ito lang ang pinakamabilis na paraan na naiisip niya para sa problemang kanilang kinakaharap. Patuloy sa pagkain si Maximillian habang sinisilip paminsan-minsan si Aleyna na hindi manlang ginalaw ang pagkain na nasa harapan nila. Pinunasan niya ang kanyang bibig saka tinanong si
Magarbo at marangya ang tahanan ng pamilya Gael. Ang bulwagan nito’y napakalaki at halos lahat ng miyembro ng pamilya ay naroroon. Maging ang mga kamag-anak nila na nasa ibang bansa ay biglaang napauwi ng San Felipe nang malaman na ikakasal na ang panganay na apo sa panganay na anak ni Maximo. Hindi lahat ay natuwa sa nadatnan nilang sitwasyon. Karamihan sa kanila ay dismayado at nagtatanong sa kani-kanilang isipan kung bakit hindi pamilyar sa kanila ang babae na nasa prestihiyosong tahanan ng pamilya Gael. Mabilis pa din ang tibok ng puso ni Aleyna. Kung kanina ay kinakabahan siya, mas lalong nagtakbuhan ang tila ba kaybayo sa dibdib niya nang paakyatin sila ni Maximillian sa isang maliit na entablado. Hindi lamang pala basta hapunan ang gabi na iyon kung hindi mismong araw ng deklarasyon para sa kasal bukas at pormal na pagpapakilala sa magiging asawa ni Maximillian. Bagama’t ang agarang pamilya lamang ni Maximillian ang may alam sa kontrata, walang naglakas ng loob na magsalita l
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Maximillian, hiningi niya ang tulong ng labinlimang kapitan del barrio upang tulungan siya sa darating na eleksyon. Kinumbinsi niya ang mga ito at inilatag sa kanya ang mga plano niya. Ngunit mahirap kumbinsihin ang mga taong may pinaniniwalaan na. Lalo pa’t nasubukan na nila ang bulok na sistema, gumagana naman iyon para sa kanila, at nabubuhay naman sila doon kahit paano. Takot sila sa pagbabago at sa pamumuno ng ibang taong hindi nila gaanong kakilala. Hindi nila kilala si Maximillian o ang mga Gael sa larangan ng pulitika, mga negosyante ang mga ito, kapitalista, malalaking tao – kaya’t nagtataka sila sa kabutihang ipinapakita nito sa kanila. O baka gaya ng maraming tao ay pangako lamang ang mga iyon at mananatiling mga mabubulaklak na salita. “Baka naman mas masahol ka pa kay Landerlin?” Wika ng isa sa mga lalaki, nagbaling doon ng tingin si Maximillian at saka umiling. “I am a thousand times better than that guy.” Itinikom ni Maximillian a
Payapa ang kalangitan habang pinagmamasadan ito ni Maximillian. Hindi gaya ng mga nakaraang taon sa buhay niya – hindi siya mag-isa sa mga sandaling iyon. Halos isang buwan na ang nakalipas, mula nang maikasal sila ni Aleyna. Hindi niya masabing umaayon ang lahat sa plano dahil kahit maayos naman ang takbo ng relasyon nila ni Aleyna, wala kasi sa plano niya ang mahulog sa babae. Yakap ni Maximillian si Aleyna habang marahang hinahaplos ang balikat niya. Mag-iisang buwan na simula nang maikasal sila, at kahit hindi niya aminin ay nasasanay na siya sa presensya ni Maximilian. Sa bawat araw na dumadaan mula nang magdesisyon si Maximillian na sa iisang silid na sila matulog ay tila ba nagbago ang lahat. Gumigising siyang si Aleyna ang unang nakikita at natutulog na siya ang huling naalala. “Hindi ba malamig dito masyado?” Tanong ni Aleyna, umiling si Maximillian bilang tugon. “Just enough because of your warmth.” Tila ba ibang tao si Maximillian mula ng makilala niya ito sa House of
Hindi mapakali si Anastacia sa kinahihigaan niya. Nakailang baling na siya upang makuha ang tamang pwesto sa pagkakahiga pero hindi pa din siya makatulog. Siguro dahil sa panaginip niyang hindi niya maunawaan. Nababahala siya at hindi maiwasang isipin kung ano nga ba ang nais ipahiwatig ng mga panaginip na iyon. Pagod siya sa maghapong trabaho, sa susunod na linggo kasi ay magsisimula na ang konstruksyon ng building ng mga Gael kaya naman inaayos niya na ang lahat ng supply na manggagaling sa kanila, ayaw niyang mapahiya sa mga Gael. Batay sa panaginip niya ay nakasakay siya sa isang pampublikong sasakyan bitbit ang isang bag. Nakaupo siya sa gilid ng bintana, umuulan, at siksikan ang bawat sasakyang nakikita niya – maging ang sinasakyan niya sa mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung bakit pero sa panaginip na iyon ay sobrang bigat ng pakiramdam niya – para bang ayaw niyang umalis, hindi niya gusto ang nangyayari, at tila may iniwan siyang hindi niya mawari kung ano o sino. Haban
Matapos ang filing of candidacy, opisyal na magkalaban na sa pwesto sa pagka-alkalde sina Maximillian at Kalistro. Kaagad na umuwi si Maximillian matapos resolbahin ang problema niya tungkol kay Wenina.Kausap ni Aleyna ang pamilya niya sa telepono. Nakinig siya sa walang katapusang kwento ni Ali habang gumagawa ito ng proyekto, masaya pa dina ng kapatid niya dahil sa isang araw na bakasyon sa private island na pinuntahan nila. Ganoon din si Belinda, bukod sa walang kapaguran na pagsasalita nito ay nagrereklamo din tungkol sa pagkakaroon ng sarili nilang katulong. Hindi pa din pumapayag si Aleyna dahil nakikita naman niyang kaya ni Belinda ang mga gawaing bahay, halos wala na nga itong gingawa dahil kahit pumapasok sa eskwelahan si Ali ay ito pa din ang nag-aasikaso kay Ruel. Sa loob ng isang Linggo ay ganoon ulit ang routine ni Aleyna, pupunta sa pamilya niya, tutulong kay Manang Sabel, maglilinis ng bahay at aasikasuhin si Maximillian sa tuwing uuwi ito sa bahay. Hindi kagaya noo
Hindi nakakilos si Aleyna nang paglapatin ni Maximillian ang labi nilang dalawa. Mabagal ang halik nito habang naglalakbay ng bahagya ang kamay sa bandang likuran niya. Napasinghap si Aleyna nang bigla siyang binuhat ni Maximillian at panandaliang naghiwalay ang mga labi nila. “We’re good?” Hindi nakasagot si Aleyna. Kagabi lang nag-aaway sila, kagabi lang ay galit siya. Tapos kaninang umaga nang gumising siya’y gusto niyang ayusin ang nangyari kagabi, hindi naman niya inaasahan sa ganoong paraan makikipag-ayos sa kanya si Maximillian. Hindi na hinintay pa ni Maximillian ang sagot ni Aleyna, hinalikan niya muli sa labi ang asawa at saka marahang naglakad paahon sa pool. Walang karanasan si Aleyna sa ganitong bagay kaya nagpatangay na lamang siya kay Maximillian. Hindi din nagtagal ay nakarating sila sa silid. Ibinaba ni Maximillian sa kama si Aleyna at saka tiningnan ng taimim ang babae. Ramdam ni Aleyna ang malakas na tibok ng puso niya at ang pag-init ng kanyang pisngi. Tila
Bago lumapat sa mukha ni Maximillian ang mga kamay ni Aleyna ay napigilan niya ito, “what the hell is your problem?” Sinubukang kuhanin ni Aleyna ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Maximillian pero hindi niya iyon nagawa. “Bitawan mo ako!” Hindi sumunod si Maximillian, sa halip ay hinila niya palabas ng bahay si Aleyna upang makausap ito ng maayos. “What is your problem?!” Kanina lamang ay maayos ang lahat. Nag-eenjoy sila sa payapang isla at nakakapag-usap ng maayos. Hindi gaanong nakihalubilo si Maximillian sa pamilya ni Aleyna ngunit naroroon siya upang asikasuhin sila – isang bagay na hindi niya nagawa sa mismong pamilya niya. “Anong sinasabi mo kay Ali?! Alam kong pinaimbestigahan mo ang pamilya ko kaya anong sinabi mo sa kapatid ko?” Hindi nagpupumilit si Ali kapag tumatanggi sa usapan sina Aleyna at Ruel pero kanina ay nagulat sila dahil nagtaas ito ng boses at pilit na nagtatanong tungkol sa kanilang ina. “Anong sinabi mo sa kanya?!” Hinampas ni Aleyna sa dibdib si
Sa ganoong posisyon nadatnan nina Ali, Ruel, at Belinda sina Maximillian at Aleyna. “Hoy! Hindi sa kusina ginagawa iyan!” Sigaw ni Belinda na siyang ikinainit ng mukha ni Aleyna. Tinulak niya si Maximillian saka kaagad na tumayo. “She lost her balance.” Pagpapaliwanag ni Maximillian habang hindi makatingin ng diretso kay Aleyna, maging siya ay nabigla dahil sa nangyari. “Sus! Huwag na kayong magdahilan. Ang mga kabataan talaga!” Naghilamos si Aleyna. Kinukuha niya ang tingin ng ama niya pero umiiwas ito. Matapos nilang magtanghalian at makapagpahinga ng kaunti ay kaagad na nagbihis si Belinda at Ali. Hindi ganoon kataas ang sikat ng araw kaya naman kahit alas-dos ng tanghali ay hindi ganoon kainit. Tahimik lamang si Ruel habang pinagmamasdan ang pamilya niya. Naiwan sa loob ng bahay si Maximillian dahil mayroon itong kausap sa telepono. Nilapitan ni Aleyna si Ruel, “pa?” Sila lamang ang nandoon sa tahimik na isla, banayad ang hangin, at talaga namang damang-dama ang kapayapaan
Nakarating ang buong pamilya ni Aleyna sa Cleave’s Private Island. May kalayuan ito sa bayan ng San Felipe ngunit madali ang naging biyahe dahil kay Maximillian. Lumapag ang chopper na sinasakyan nina Aleyna. Mula sa bahay ay sinundo sila ni Maximillian saka sila bumaba sa kaparehong building kung saan inayusan si Aleyna noon. Nagtungo sila sa rooftop at doon ay nag-aabang sa kanila ang mismong private helicopter ni Maximillian. Hindi naiwasan ni Aleyna na kabahan dahil unang beses pa lamang niyang makakasakay sa isang sasakyang panghimpapawid. Si Belinda naman ay panay ang daldal dahil sa pagkamangha sa kakayahan ni Maximillian. “Diyan ba tayo sasakay? Hindi pa ako nakakasakay sa ganyan! Nakikita ko lang ‘yan sa telebisyon. Ayos ka talaga Aleyna!” Maingay ang helicopter pero malakas din ang bibig ni Belinda kaya naman dinig na dinig ni Aleyna ang tinuran ng kanyang madrasta. “Let’s go.” Hinawakan ni Maximillian ang kamay ni Aleyna at inalalayan siya upang makasakay. Nang makasak
Hindi nakakilos si Aleyna dahil sa titig ni Maximillian, tila ba natigil ang paghinga niya dahil sa lalaki. Ang katotohanan ay kinamumuhian ni Aleyna ang mga tao sa Kanan – at dahil taga-Kanan si Maximillian ay isa siya sa mga taong inaayawan niya. Ngunit sa unti-unti nitong paglapit sa kanya at sa kanyang pamilya, tila ba namumuo ang tanong sa kanyang isipan kung radikal ba na isiping hindi naman siguro lahat ng taga-Kanan ay masasamang tao. Umiling siya upang iwaksi sa kanyang kaisipan ang ibang mga bagay. Mali at wala iyon sa diksyunaryo niya, pakitang-tao lamang ang lahat. “Stay here for a second.” Tumingin si Aleyna kay Maximillian ng may pagtataka, pilit niyang iniwasan ng tingin ang labi ni Maximillian. “B-bakit?” Tanong niya nang hindi makatingin ng diretso kay Maximillian, “where’s your mother?” Napabalikwas si Aleyna sa kanyang kinauupuan. Hindi niya inaasahan na manggaling kay Maximillian ang katanungan na iyon, alam niyang pina-imbestigahan siya ni Maximillian kaya naman