Matapos ipasara ni Maximillian ang bahay-aliwan ay ipinag-utos na niya sa kanyang tauhan ang dapat nilang gawin. Bumaba siya sa kanyang sasakyan. Pagod siya sa maghapon na pag-aasikaso sa trabaho pero hindi niya iyon ininda, ipinakita niya sa lolo niyang malakas siya at ang natamo niyang mga sugat ay wala lang para sa kanya. Handa na siyang kausapin si Aleyna sa gabing iyon at sabihin sa kanya ang nais niya. Isa lamang ang inaasahanag sagot ni Maximillian kay Aleyna – ang pumayag ito sa gusto niya. Sinigurado niyang alam niya lahat ng irarason kay Aleyna, lahat ng sasabihin niya na magpapapayag dito. Parang sa negosyo, kapag mayroon kang nililigawan na iba pang kumpanya – ganoon ang tingin ni Maximillian sa nangyayari at sa gagawin niya. Nang makaharap na ni Maximiliian si Aleyna ay ipinilig niya ang kaniyang ulo saka tinignan ng taimtim ang dalaga. Sa isip niya’y maganda naman ito, mukhang inosente pero naninigarilyo at umiinom ng alak. Sa tingin naman ni Aleyna kay Maximillian
Maghapong inabala ni Aleyna ang sarili. Iwinaksi niya sa isip ang naging desisyon niyang nang umaga na iyon at nagtungo sa bakanteng lote malapit sa kanila. Ginugol niya ang oras at lahat ng nararamdaman sa punching bag na ginawa niya. Sa isip niya’y pinaplano na niya kung papaano ang mangyayari sa magiging kasal at ang magiging pagsasama nila ni Maximillian sa loob ng isang taon. Hindi niya lubos na kilala ang lalaki maliban sa ilang impormasyon na nalalalaman niya – mayaman ito, arogante, makapangyarihan, at higit sa lahat taga kanang bahagi ng San Felipe. Wala naman sanang gaanong magiging problema sa kontrata na ipinrisinta sa kanya ni Maximillian, maliban sa isang kondisyon – ang bigyan ito ng anak. Iniisip niyang gagawin lamang siyang isang bagay upang magkaroon ng anak si Maximillian matapos nito’y iiwan niya ang magiging anak sa lalaki. Iniisip niya pa lang na magkakaroon siya ng anak sa isang taga-kanang bahagi ng San Felipe ay nanggangalaiti na siya sa inis, sigurado siya
Nanliit si Aleyna buong gabi. Ang pinuntahan nila ay talaga naman sumisigaw ng karangyaan kaya’t nasabi niya sa sarili niya na hindi siya nababagay doon. Kinakaawaan niya ang sarili habang iniisip kung gaano ka-sakim sa pera at karangyaan ang taga-kanan ng San Felipe. Sinagot ni Maximillian lahat ng katanungan niya at bagama’t nagugulumihanan ay pilit niyang initindi ang sitwasyon na kinakaharap niya sa ngayon. Masarap ang pagkain na nakahain sa mesa nila ngunit wala siyang gana. Naiisip niya’y kumakain siya ngayon ng ganitong mga pagkain ngunit ang ama at kapatid niya ay nasa kanilang tahanan – walang anumang ideya sa pagpapakasal niya sa isang taga-kanang bahagi ng San Felipe. Nakokonsensya siya pero ito lang ang pinakamabilis na paraan na naiisip niya para sa problemang kanilang kinakaharap. Patuloy sa pagkain si Maximillian habang sinisilip paminsan-minsan si Aleyna na hindi manlang ginalaw ang pagkain na nasa harapan nila. Pinunasan niya ang kanyang bibig saka tinanong si
Magarbo at marangya ang tahanan ng pamilya Gael. Ang bulwagan nito’y napakalaki at halos lahat ng miyembro ng pamilya ay naroroon. Maging ang mga kamag-anak nila na nasa ibang bansa ay biglaang napauwi ng San Felipe nang malaman na ikakasal na ang panganay na apo sa panganay na anak ni Maximo. Hindi lahat ay natuwa sa nadatnan nilang sitwasyon. Karamihan sa kanila ay dismayado at nagtatanong sa kani-kanilang isipan kung bakit hindi pamilyar sa kanila ang babae na nasa prestihiyosong tahanan ng pamilya Gael. Mabilis pa din ang tibok ng puso ni Aleyna. Kung kanina ay kinakabahan siya, mas lalong nagtakbuhan ang tila ba kaybayo sa dibdib niya nang paakyatin sila ni Maximillian sa isang maliit na entablado. Hindi lamang pala basta hapunan ang gabi na iyon kung hindi mismong araw ng deklarasyon para sa kasal bukas at pormal na pagpapakilala sa magiging asawa ni Maximillian. Bagama’t ang agarang pamilya lamang ni Maximillian ang may alam sa kontrata, walang naglakas ng loob na magsalita l
Naihatid si Aleyna sa isang lugar na hindi pamilyar sa kanya, ang tanging alam niya lamang ay isa itong napakagandang gusali. Matayog ito ay mayroong magandang pasilidad, kahit saan ka lumingon ay maaaninag mo ang karangyaan na isinisigaw ng lugar. Ang mga salamin sa gusali ay makakapal, ang disenyo kulay bughaw at puti, marmol ang sahig, at mayroong nasa limampung palapag. Ang lugar na iyon ay isa sa mga hotel ng Gael Industries. Isa lamang iyon sa daan daang gusali nila sa bayan ng San Felipe at iba pang karatig na lugar at maging sa ibang bansa. Tahimik na namangha sa lugar si Aleyna habang sumusunod sa mga tauhan ni Maximillian. Pumasok sila sa asensor saka pinindot ng isa sa mga tauhan ni Maximillian ang ika-apatnapung palapag. Bawa pag-akyat ng bilang sa asensor ay lalong nadaragdagan ang kaba niya. Nang makarating sa hinahangad na palapag ay naglakad sila muli at pumasok sa isa sa mga silid. Sinalubong si Aleyna ng tatlong babae, dalawa sa mga ito ang pamilyar sa mukha niya
“What the hell.” Bulalas ni Maximillian saka marahas na ibinaba si Aleyna sa kama. Sa sandaling lumapat ang likod ni Aleyna sa malambot na kama ay nakaramdam siya ng ginhawa. Hindi na siya nagpumiglas pa kay Maximillian gaya kanina at hinayaan na ito sa ginawa sa kanya dahil sa antok. Napailing si Maximillian saka nagbihis at kaagad na umalis upang pumunta sa kompanya. Hindi niya dinala sa kanyang silid si Aleyna kung hindi sa sarili nitong silid na ipinaayos niya sa tahanan niya. Bilang sila lang naman ang nasa bahay na iyon ay hindi siya nakakakita ng anumang dahilan para magsama sila sa iisang silid. Umalis si Maximillian saka kaagad niresolba ang naging aberya sa kumpanya. Nais niyang maging maayos ang lahat bago ang nakatakda niyang plano na iwan ito at ipamahala kay Jackson na asawa ng kapatid niyang si Melanie ang pagiging CEO. Balak niyang pasukin ang mundo ng pulitika. At iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit niya pinakasalan at pinili si Aleyna. Oo nga’t pangarap n
Sa isang mahirap na tao, gipit, at talaga namang walang ibang makakapitan, masakit man sa kalooban niya ay gagawa siya ng paraan upang kahit papaano’y makaangat. Lulunukin ang prinsipyo at ang mga bagay na pinaniniwalaan kung kailangan – lalo na kung ang benepisyo nang lahat ng ito ay para sa pinakamamahal na pamilya. Tahimik na inusisa ni Aleyna ang silid. Matapos siyang sabihan ni Maximillian na ang kwartong mayroong kulay na berde at puti ay sa kanya, inutusan siya nito na magtungo doon upang magbihis at ayusin ang sarili upang magtungo sila sa kaliwa. Lingid sa kaalaman ni Aleyna ay pinabili na ni Maximillian ang sekretarya niya ng damit para kay Aleyna, lahat ng iyon ay para hindi na magdala pa ng anumang gamit sa bahay ni Maximillian si Aleyna. Mayroong mga blusa, dress, pantalon, shorts, nighties, maging mga panloob. Lahat ng iyon ay mayroon pang price tag at talaga namang bago at mamahalin. Napailing si Aleyna, “nagsasayang sila ng pera sa ganitong bagay samantalang kami ay
Hindi lubos na maintindihan ni Aleyna ang asal ni Maximillian. Alam naman niya na pagpapanggap lang ang lahat ng iyon pero sa isip ni Aleyna ay hindi naman nila kailangang kumilos talaga na parang mag-asawa kung hindi tawag ng pagkakataon at hindi kinakailangan. “A-ano ba ang… ang ibig-sabihin nito Aleyna?” Mangilid-ngilid ang luha ng ama niya na nagtatanong. Nakapirmi ang mga mata nito sa singsing na suot ng nag-iisa niyang anak na babae. “Nagpakasal ka? Hindi ba’t wala ka namang nobyo?” Hindi kailanman pinagbawalan ni Ruel ang anak niya na pumasok sa relasyon pero si Aleyna mismo ang may ayaw sa ganoong mga bagay. Ang katwiran ng anak niya sa kaniya ay mas gusto niyang unahain ang kapakanan nilang pamilya at huwag mahati ang atensyon at oras niya. Nahihirapan na magpaliwanag si Aleyna sa kanyang ama. Hindi niya masabi lahat ng bagay na gusto niyang sabihin dahil nandoon si Maximillian. “Sige na Maximillian, nakikiusap ako.” Ngumisi si Maximillian, “what? Hindi mo ba masabi sa pam