Hindi lubos na maintindihan ni Aleyna ang asal ni Maximillian. Alam naman niya na pagpapanggap lang ang lahat ng iyon pero sa isip ni Aleyna ay hindi naman nila kailangang kumilos talaga na parang mag-asawa kung hindi tawag ng pagkakataon at hindi kinakailangan. “A-ano ba ang… ang ibig-sabihin nito Aleyna?” Mangilid-ngilid ang luha ng ama niya na nagtatanong. Nakapirmi ang mga mata nito sa singsing na suot ng nag-iisa niyang anak na babae. “Nagpakasal ka? Hindi ba’t wala ka namang nobyo?” Hindi kailanman pinagbawalan ni Ruel ang anak niya na pumasok sa relasyon pero si Aleyna mismo ang may ayaw sa ganoong mga bagay. Ang katwiran ng anak niya sa kaniya ay mas gusto niyang unahain ang kapakanan nilang pamilya at huwag mahati ang atensyon at oras niya. Nahihirapan na magpaliwanag si Aleyna sa kanyang ama. Hindi niya masabi lahat ng bagay na gusto niyang sabihin dahil nandoon si Maximillian. “Sige na Maximillian, nakikiusap ako.” Ngumisi si Maximillian, “what? Hindi mo ba masabi sa pam
Sa sasakyan ni Maximillian nakasakay sina Ali, Aleyna, at si Ruel. Sa sasakyan ng mga gwardya naman sumakay si Belinda. Nagpumilit pa siya kanina na sumakay sa sasakyan nina Maximillian ngunit dahil malaki siya at 4-seater lang ang kotse na dala ni Maximilian ay hindi siya kasya. Tahimik lang sila sa loob ng sasakyan. Hindi maiwasan ni Ali na mamangha nang lumagpas na sila sa arko ng San Felipe na naghahati sa dalawang bahagi nito. Mula sa nakikita nilang mga tanawin ng mga bata’t matanda sa kalye, palengkeng puno ng mga tao, maliliit na simbahan na madaming nagtitinda sa harapan, at mga eskinitang puno ng basura. Nagbago ang kanilang nakikita. Malinis ang kalsada, malawak, nagtataasan ang mga gusali, at para bang nasa ibang lugar sila at hindi iyon San Felipe. Halos itutok na ni Ali ang mukha niya sa salamin ng binatana ng sasakyan upang makita ng mabuti ang tanawin sa labas. “Ate, ang ganda naman dito!” Bulalas ni Ali. Maging si Aleyna ay manghang mangha doon nang una siyang maka
Umuwi si Maximillian sa tahanan niya, pasado alas-dose na nang makarating siya pero hindi niya inaasahan na gising pa din si Aleyna at bubungad ito sa kanya. Tahimik na naghihintay sa kanya sa salas ang babae. Nakaupo ito sa sofa at bagama’t inaantok ay pilit pinaglalabanan ang bawat hikab niya. “Hindi mo ako kailangang hintayin,” maangas na wika ni Maximillian. Kaagad na nagbaling ng tingin sa kanya si Aleyna, “tinutukan mo ng baril si papa.” Matigas at direkta ang wika ni Aleyna. May bahid ito ng galit at inis sa lalaki na kausap niyan ngayon, naka-ngisi sa kanyang harapan. Nagsukatan sila ni Aleyna ng tingin. Hindi niya mawari ang nasa isip ngayon ni Maximillian. “Tapos? Ano ngayon kung tinutukan ko siya ng baril?” Nang mag-usap si Aleyna at ang kanyang ama kanina ay inamin nito lahat ng nangyari sa pagitan nila ni Maximillian nang nag-aayos siya ng mga gamit sa silid kasama ang kapatid na si Ali. Galit ang unang naramdaman ni Aleyna, hindi niya inaasahan na gagawin ‘yun ni Maxi
“Mahina ka Aleyna, nagtatapang-tapangan ka lang para sa pamilya mo.” Ito ang salitang tumatak kay Aleyna sa lahat ng sinabi sa kanya ni Maximillian kaninag umaga. Iniwan niya ang tahanan ni Maximillian upang magtungo sa pamilya niya na nasa kabilang subdivision lamang, inihatid siya ng mga tauhan ni Maximillian doon dahil na din sa habilin ng amo nila na bantayan ang kilos ni Aleyna. Sa sandaling makababa si Aleyna sa sasakyan ay bumungad sa kanya si Belinda, magiliw itong sumasayaw sa harap ng tahanan habang nagpaptugtog ng isang malakas na musika sa loob ng tahanan. “Aleyna, anak ko!” Turan nito sa kanya na siyang nagpa-ikot ng mata ni Aleyna, “ano ho ang kailangan niyo?” Maamo sa araw na iyon si Belinda. Habang umiindayog siya sa musika ay nakangiti siya ng abot tainga kay Aleyna, “tinawag ka lang na anak, ang sungit mo naman!” Nasanay si Aleyna na hindi sa ganitong maayos na paraan siya kinakausap ng madrasta niya. Hindi na sana papansinin pa ni Aleyna ang madrasta niya pero p
Isang napakalaking balita para kay Aleyna ang makilala si Lolita at malaman na kaya isinama siya ni Maximillian sa kanyang opisina ay para sa magaganap na eleksyon. “Anong ibig-sabihin nito?” Hindi pinansin ni Maximillian ang tanong ni Aleyna, sa halip ay bumaling ito kay Aleyna at inilahad ang kamay niya upang magbigay ng karapatan dito na magsalita. “A month from now ay magfa-file ng candidacy si Mr. Gael as San Felipe’s Mayor, isa ka sa magiging taga-kampanya niya bilang kanyang asawa. You don’t have to worry anything, tutulungan at tuturuan kita tungkol sa lahat ng bagay na gagawin mo.” Magiliw na wika ni Lolita, “I’ll be seeing you next week since Mr. Gael told me na you have a lot of things to do pa. Naistorbo pa yata ng darating na eleksyon ang honeymoon niyo.” Napaismid si Aleyna habang si Lolita naman ay abot tainga ang ngiti sa kanilang dalawa ni Maximillian. “Yeah. We had to postpone the honeymoon, but we’ll get there. Hindi ba, Aleyna?” Mapanuyang sabi ni Maximillian,
Bumalik si Aleyna at ang sekretarya ni Maximillian sa opisina na akala mo ay walang nangyari sa pagitan nilang dalawa, nag-angat ng tingin si Maximillian kay Aleyna saka siya sinuri ng tingin. “Hey, get me a cup of coffee. Take Aleyna with you, she looks like she’s hungry.” Walang anumang pagpapakahulugan o lambing sa tono nito, waring nag-aasar pa kay Aleyna. Sumunod lang si Aleyna saka lumabas ng silid, inip na inip na siya pero ayaw siyang paalisin ni Maximillian. Gusto sana niyang asikasuhin sa araw na iyon ang mga dokumento ng kapatid niya upang makapag-aral na ito, gayundin ay aasikasuhin niya na ang magiging check-up ng ama niya. Nang muling makalabas si Aleyna sa silid, agad na nauna sa kanyang lakad ang sekretarya ni Maximillian saka pilit na pinatunog ang heels nito habang naglalakad sila. Tanging ang tunog ng heels ang naririnig sa buong pasilyo, pati sa paglalakad ay tila nakikipag-kumpetisyon sa kanya ang babae. Lumabas sila ng building ng Gael Industries saka pumunta
Inihatid muli ni Maximillian ang pamilya ni Aleyna, nagpasalamat ang mga ito sa kanya. ‘It’s my responsibility,” tanging wika niya bago sila nagpaalam ni Aleyna. Sa loob ng sasakyan ay hindi maiwasan ni Aleyna na isipin lahat ng ginawa ni Maximillian. Siya ang gumastos sa pagpapagamot ng ama at kapatid niya, napag-usapan nila na sa susunod na linggo ay makakabalik na ito sa pag-aaral, pinag-drive sila ni Maximillian, at pinakain pa. “Salamat,” sinserong sambit ni Aleyna habang nakayuko ang ulo. Nahihiya siyang tingnan si Maximillian dahil sa mga pangyayari nung nakaraan. Ang pagtutok nito sa baril sa kanyang ama at maging sa kanya, at ang pinakita nitong kabaitan ay talaga namang nakakalito. Ngunit sa buong araw na iyon ay buong puso ang pasasalamat niya dahil sa ginawa ni Maximillian. “Tungkol sa pagtakbo mo bilang Mayor ng San Felipe, isa din ba ‘yun sa dahilan kaya ako ang pinakasalan mo?” Pinarada ni Maximillian ang sasakyan. “Oo,” diretsuhan niyang sagot. “Kailangan kong makuh
Magarbo ang bawat pasilyo ng tahanan ni Kalistro Landerlin. Kulay itim at ginto ang tema, mula sa mantel ng mga mesa, ang telon, mga kurtina. Kumikinang ang kulay ng ginto sa eleganteng pagtitipon, karamihan sa mga bisitang naroroon ay nakasuot din ng itim at gintong kulay na pormal na mga damit. Hindi pa nagsisimula ang selebrasyong pinamunuan ng Mayor ng bayan ngunit mainit na ang mga usapin tungkol sa dahilan ng engrandeng pagpupulong. Madaming pagkain, lahat ng mesa ay mayroong nakapatong na mamahaling alak, ang lahat ay naghihintay para sa magaganap. Alam na ng karamihan na ito’y para sa ganap na deklarasyon ng kandidatura ng kasalukuyan nilang Mayor upang tapusin ang termino nito. Bukod doon ay inaabangan din ng karamihan na makausap ito upang makipag-alyansa o di kaya naman ay mag-deklara ng pagsuporta upang magkaroon ng koneksyon. Palakasan, upang sa pagdating na umupo muli ang Mayor ay madami silang proyektong maipapasok sa lugar. Matapos ayusin ni Kalistro ang ilang dokume