ANASTASIA’S POV “Tulala ka na naman diyan mommy?” malambing niyang sabi bago siya yumakap mula sa likod. Napapikit ako at dinama ko ang tamis ng pagtawag niya sa akin ng “mommy” at ng kaniyang mainit na yakap. Narito kami ngayon sa beranda ng bahay na kaniyang nabili dito sa isang probinsya. Napaka sariwa ng hangin. Tanging mga huni ng ibon ang lagi kong naririnig sa tuwing narito ako sa beranda. Naramdaman kong bumaba ang kamay niya patungo sa tummy kong malaki na. “I can’t wait to see our daughter,” bulong niya sa tainga ko. Sumilay ang ngiti sa aking labi at hinawakan ko ang kamay niyang nasa tummy ko. “Ako rin daddy, excited na akong makita ang anak natin,” masayang sabi ko. Tumingala ako sa kaniya at ginawaran naman niya ako agad ng mabilis na halik sumunod ay sa noo ko. “I love you Anastasia,” sabi niya at hinalikan akong muli sa aking labi. “I love you too Dannie,” sabi ko ng maghiwalay ang aming mga labi. “Halika na matulog na tayo, bawal kayong magpuyat ni baby,” maa
Last Updated : 2022-10-13 Read more