(Sera POV) Nang makita ko si Wilma at Dra. Ruth na tumatakbo papunta sa aking direksyon. Sa akala kong haharapin nila ako, nagkakamali pala ako ng lumampas sila sa akin, at sinalubong ang isang matangkad, matikas na lalaki at nasa middle age na ito. Kasama ang kanyang mga tauhan na tila ba kung wala ang mga security niya ay manganganib ang kanyang buhay. Sa bagay isang magaling na politiko ang lalaking ito…“Daddy, buti naman po andito na kayo.” Salubong ni Ate Wilma dito, at mismo sa harapan ko napayakap ito. Ngunit hindi naman nila ako makikita. Nakaupo lang ako sa isang bench na tila ba isang stranghera sa tabi-tabi at pinapanuod ang dramang pinapakita ni Ate Wilma.Medyo may kirot akong naramdaman… Siguro yung katotohanan na, talaga bang matatagpuan ko pa ang aking tunay na pamilya? Kung si Lolo Theo lang sana ang lead kung nasaan sila? Kamusta na kaya ang ginagawang investigation ni Kuya Ruel? Dahil s
Last Updated : 2022-11-03 Read more