(Sera POV)Bago pa man ma-ipangako ni Gail na itago ang kondisyon ko ang sira-ulong dalawa nakapasok na sa banyo ng mga babae. Napatitig ako sa kanila… “Akala mo naman parang ako yung mga buhay niyo para mag-away kayo tungkol sa akin.”Sa sinabi ko kaagad akong naglakad palabas. Bahala na si Gail kung sasabihin niya ang kondisyon ko sa dalawang yun. Ngunit wag naman sana.Sinundan ako ni Nathaniel ng makalabas na ako. Hinarap ko siya… Sinenyasan na nito ang kanyang tauhan na ihanda ang sasakyan.“Nathaniel, nais ko munang mapag-isa. At yun kung may natitira ka pa ngang respeto sa akin, hayaan mo akong mapag-isa.” Nasa likuran kami ng gusali kung kaya’t walang taga-media sa paligid.“Sera…”“Shhh. Hayaan mo ako na magtiwala sayo na mayroon pa ngang natitira dyan sayo na pagrespeto sa akin.”“Fine. Ihahatid kita sa condo mo.&r
(Sera POV)Nang makita ko si Wilma at Dra. Ruth na tumatakbo papunta sa aking direksyon. Sa akala kong haharapin nila ako, nagkakamali pala ako ng lumampas sila sa akin, at sinalubong ang isang matangkad, matikas na lalaki at nasa middle age na ito. Kasama ang kanyang mga tauhan na tila ba kung wala ang mga security niya ay manganganib ang kanyang buhay. Sa bagay isang magaling na politiko ang lalaking ito…“Daddy, buti naman po andito na kayo.” Salubong ni Ate Wilma dito, at mismo sa harapan ko napayakap ito. Ngunit hindi naman nila ako makikita. Nakaupo lang ako sa isang bench na tila ba isang stranghera sa tabi-tabi at pinapanuod ang dramang pinapakita ni Ate Wilma.Medyo may kirot akong naramdaman… Siguro yung katotohanan na, talaga bang matatagpuan ko pa ang aking tunay na pamilya? Kung si Lolo Theo lang sana ang lead kung nasaan sila? Kamusta na kaya ang ginagawang investigation ni Kuya Ruel? Dahil s
(Sera POV)“Sino ka Sera para tanungin ng ganyan ang Daddy ko. Totoo ang sinabi ni Daddy, sinisira mo ang pagkatao ko.” Sagot ni Wilma para kay Mr. Valeria na parang hindi alam ang itutugon sa akin. Saka naman hinawakan ni Wilma ang kamay ng kanyang ama at malambing na sinabing… “Dad, kahit ano pa ang nangyari alam kong mahal na mahal niyo ako. Hindi niyo ako pinabayaan at patuloy ninyo akong hinanap. At tungkol naman dito sa nangyari, palampasin na lang natin ito. Kasalanan ko naman talaga itong lahat. Sa totoo lang dapat hindi ko na nilantad kay Nathaniel kung sino ako noon sa kanya… Ako ang nangulo sa kasal nilang dalawa. Eh, mahal na mahal ko naman talaga si Nathaniel… At mahal din ako ni Nathaniel, Dad.”Ang gulo… Ano ba talaga ang nais na iparating ni Ate Wilma… Ang lalong sirain ako?Pero sa mga sinabi ni Ate Wilma lalong nalungkot para sa kanya si Mr. Valeria habang
(Sera POV)Lumabas naman si Kuya Ruel. Saka lakas loob akong naupo sa mesa, sa harapan ni Nathaniel. Sinadya kong makita nito ang mahahaba kong binti.“Inaakit mo ba ako Sera?”“Yun kung ganito ka nga inakit ni Ate Wilma. Sino ang sa tingin mong mapangahas sa amin Nathaniel?”“Tss.”“Anong kailangan na pag-usapan natin?”“Malayong-malayo ka na sa kilala kong inosente noon Sera.” Titig niya sa mga mata ko na seryoso nga ito sa kanyang sinasabi. Napangiti ako sa kanya.“Tapos?” Dahil ngayon lang ba niya na realized? “Pagkatapos ninyo gawan ako ng mga bagay na hindi ko naman deserve? Worst ba sa iyo Nathaniel ang pagbabago ko?” Napabuntong-hininga ako. “Kung ganitong usapan lang naman, wala akong oras para dito. Magaling naman kayo ni Wilma sa dramahan bakit hindi na lang kayo ang mag-usap?” Saka tumayo na lamang
(Wilma POV)Wala akong nagawa kundi ipaghila si Mrs. Loreen. Tuloy sumasakit na ang pulsuhan ko. Ngunit pagbukas ng pinto ni Mama… Si Ruth, hindi namin inaasahan kung sino ang madaratnan namin sa loob ng silid.“Mali ba tayo ng silid na pinasukan?” Tanong ko kay Ruth. O binigyan kami ng pagkakataon ni Sera na sirain ang kanyang sarili ulit sa harapan ng mag-asawang Valeria na siyang tunay na mga magulang niya. Hahaha. Nakakatawa talaga itong si Sera. Napaka-timing ng lahat, at ang swerte umuulan sa akin saka ako parati ang kinakampihan. Bakit hindi ka na lang sumuko sa buhay mo Sera?(Sera POV)“Hindi naman iha.” Sagot ni Dra. Ruth. Kaya tinitigan ako ni Wilma mula ulo hangang paa.“Anong ginagawa mo dito? Ano ang ginagawa mo sa loob ng silid ng aking ina, Sera?” Ang boses ni Ate Wilma labis na nag-aalala. Saka niya hinarangan sa paningin ko si Mrs. Valeria na para bang may gagawin akong masama dito. “Sera, kung may problema ka sa akin… Sa akin lang. Wag mong saktan ang pamilya ko. Wa
(Sera POV)“Ano ka ba Sera?! Matagal na.” Saka humalakhak ito na parang labis ngang natutuwa. “Heto? Balak mo ba itong ipakita sa mag-asawang Valeria? Well, alam mo ba kung ano ang nababagay dito. Ganto…” Malakas nitong pinunit sa dalawa ang envelop ni Ate Wilma.“Wilma!”“Napakawalanghiya mo! Nitong nakalipas na araw lang sinabi ni Loreen na nawawala daw ang kanyang sipilyo. Tama ang hinala ko, ikaw ang kumuha noon!”“Walang makakapagbago kahit punitin mo yan na ako Wilma ang tunay na anak ng mag-asawang Valeria.”“Ah kaya natutuwa ka na ng labis? Wag kang maging masaya Sera, dahil baka yan ang huli mo ng pagkakataon na maging masaya. Wala kang karapatan na kunin ang bagay na dapat akin!” At sa lakas ng hangin na dumaan, parang confetti na pinalaya ni Ate Wilma ang pinagpupunit niyang mga papel. Saka muli itong humalakhak. “Ano Sera,
(Secretary Taki POV)Kahit ano man ang sabihin ni Master Nathaniel na asikasuhin ko ang divorce paper nila ni Miss Sera, isang beses ko na itong ginawa ngunit pinunit lang naman nito. Kaya hindi na ako gagawa, kung ganoon naman ang kahahantugan. Saka sa nakikita ko hindi naman talaga gugustuhin ni Master Nathaniel ang kanyang binitiwang salita nang naghahari ang kanyang emotion.At dahil nga sa problema ngayon ni Miss Sera, alam kong hindi niya kayang talikuran ang kanyang asawa. Isasalba at isasalba niya ito.Pinahanap ko nga sa IT department ang lokasyon ni Miss Sera, at wala pang limang minuto, nagmamadaling pinuntahan ako ng assistant ko. Hindi maganda ang sinabi nito kung sino ang kasama ni Miss Sera. Pero natural na ata na si Dr. Ruel ang kasama niya… Sino pa ba ang ibang tao ang masasandalan niya sa sitwasyon na ito kung hindi nga iyon si Master Nathaniel? Saka pasalamat nga si Master Nathaniel na naririyan si Dr. Rue
(Wilma POV)Natigilan si Ria sa kanyang paglalakad. Lumapit ako dito na naka-cross arm at lumampas sa kanya ng bahagyang para harapin ito.“Tama lang na mainis ka sa akin dahil inagaw ko ang posisyon mo bilang nag-iisang anak ng Valeria na hindi naman talaga kadugo. Pasensya ka na. Nalaman ko kasi na ako talaga ang tunay na anak nila. Kung ginalingan mo kasi ang pag-arte mo na ikaw ang anak nila eh di hindi sana hahanapin ng mag-asawang Valeria ang tunay nilang anak. Hindi mo kasi napunan ang pangungulila nila sa akin. Kaya pasensya na.”Napangisi ito sa akin tila ba hindi siya nadadala sa sinabi ko. May alam ba siya? Tss. Impossible. Siguro naman alam ni Sera kung paano itikom ang bibig niya. Maalalahanin siya sa mga taong mahahalaga sa kanya lalo na ang kanyang kaibigan na si Gail. Tsk. Wag na wag kang magkakamali Sera na magsalita. Dahil magkakaroon ako ng plano kung paano itikom ang bibig mong yan!“Ayo