Chapter 1 (2) Beauty Queen(Sera POV)“The name I am going to announce will be crowned as the Miss Universe 2025.”Yung suspense ng tunog. At ang kamay na hinahawakan ko ngayon, pareho kaming kinakabahan at nanlalamig. Heto na nga, dalawa na lang talaga kaming nakatayo ngayon. Napapangiti kami sa isa’t-isa. Kung hindi man nga ako ang tawagin, ayos na ata ang maging 1st runner up diba? Not bad.Diyos ko po, kinakabahan ako ng sobra. Alam kong kinakabahan din ang pamilya ko habang nanunuod ngayon. Yung nga, sana wala silang operasyon, kundi magagalit ako kapag inuna nilang makita ako kesa sa pasyente nila. Huwag po kayong mag-alala, sabay-sabay natin papanuorin ang sarili ko sa stage na ito. Pero, sorry kung mabingi kaya kapag tumawa na naman ako na parang walang umaga. Ang mas naiirita talaga sa tawa ko, si Wilma. Kung makatawa daw ako, parang hindi ako nangaling sa pamilya namin. Hahaha.
Last Updated : 2022-01-25 Read more